Share

Chapter 16

Napabuga ako ng hangin. Iilan na lang ang mga manok na hindi pa nahuli. I look at them as they struggle with Ivan's hold. Tila ba hindi gusto ang panandaliang kalayaan nila.

Medyo marami-rami  ang nakawala kaya naman napahingal ako ng husto. Iilan din ang nahuli ko. Some if them are easy to catch while others are enjoying their run. Nang maubos nang ibalik sa kulungan ang mga nakawalang inahin, I realized na meron ding palang nakapuslit na tandang. He's quite aloof kaya medyo nahirapan akong hulihin siya. Sumuot pa sa bandang kakahuyan kaya hindi ko na nahabol.

"Shea, hayaan mo na. Babalik naman 'yun dito. Ako na ang bahala diyan mamaya! " pagkuha ni Ivan ng atensiyon ko.

I raised an approve sign on him. "Malapit ko nang mahuli. Asikasuhin mo na lang ang mga manok doon."

Nag-aalinlangan pa siyang umalis pero sinenyasan ko siya na okay lang talaga. Nakita kong lumingon muna siya sa akin bago ipagpatuloy ang pag-aasikaso sa mga manok.

Now, all my attention is on the rooster. Lagot ka sa'kin pag nahuli talaga kita! Pero tila nag-eenjoy yata ang tandang na pahirapan ako. Ilang minuto na rin akong naghahabol sa kanya pero masyado talaga siyang mailap. Napatukod ako sa aking tuhod habang hinihingal. I have experience in dealing with chickens pero hindi ko ini-expect na ganito ka spoiled ang tandang ni Levi!

Naisipan kong kumuha ng stick para itaboy siya malapit sa kulungan. Napatingin ako sa gawi nila Ivan na medyo malayo na sa akin dahil sa pag-aasikaso ng mga nakawalang manok. Napangiwi ako dahil nadagdagan pa yata ang trabaho nila dahil sa'kin. Kung hindi ko na inabala pa si Ivan, sana ay hindi ganito.

"Aw, C'mon, shoo! shoo!" 

I'm not trying to scare the rooster.  Pero parang iba yata ang reaksiyon nito sa paraan ng pagtataboy ko. Tinagilid ng manok ang ulo nito. Tila ba sinusuri pa ang mga puwede kong gawin. My eyes widened when it started to flip its wings. Alam na alam ko pag ganito ang galaw ng isang tandang. Handang-handa sa pagsalpok. He run towards me and in just a snap, pumaere ang tandang. I feel his claws on my forehead. Medyo nakaramdam pa ako ng hapdi doon.

In short, sinalpok lang naman ako ng magaling na tandang. I feel the blood oozing from my wound. Hindi pa talagang magaling kaya medyo sensitive at madaling dumugo. I sighed. Pero hinayaan ko muna iyon. Nang pumaere na ang magaling na manok, I dodge a little bit para 'di na maabot pa ang sugat ko. I stretched my arms and catch the rooster's legs. Pumalatak ito at nagpumiglas. But I keep my strong hold. Kalaunan ay kumalma naman ito habang binibitin ko na nang patiwarik.

Winagayway ko ang aking kamay na may hawak sa manok. Pinaparusahan dahil sa pagiging spoiled brat nito. Napairap ako.

"Ikaw ha. Dumugo pa tuloy ang sugat ko sa'yo! " sabay wagayway ulit ng kamay ko.

Wala na sila Ivan nang makaabot ako sa kulungan. Nasa kabilang banda na sila at nag-aasikaso pa ng ibang manok. Initsa ko naman ang tandang pabalik sa kanyang kulungan na medyo hilo sa pagtakbo dahil sa pagwagayway ko kanina. 

I immediately tend my wound. Medyo natuyo na ang dugo. Marahan kong pinunas ang manggas ng aking tshirt doon. Pag nakita kasi ni Lola ang sitwasyon ng sugat ko, siguradong hindi naman iyon mapapakali. Naka-itim na tshirt naman ako kaya hindi kita ang dugo sa manggas. 

Lumingon ako sa kinaroroonan nila Ivan, gusto ko pa sanag magpaalam para bumalik ng mansyon pero naging sobrang abala na nila. Tahimik na lamang akong naglakad. Levi's words kept on echoing inside my mind. Hindi ko inaakala na ganito talaga ang magiging epekto sa akin. Nahiya tuloy ako dahil sa pagtawag ko sa kanya sa first name basis, kahit na may pinahintulot niya iyon. Baka isipin ng ibang katiwala na masyado akong s****p. The Levi that I saw earlier seems to be a different person. Siya ang boss ko at isa lamang akong hamak na katiwala. Nagsisilbi para sa pabor na ginawa niya para sa akin, na kahit magdaan man siguro ang mga taon, hinding-hindi ko mababayaran.

Walang katao-tao nang makarating ako sa mansiyon. Nagpapahinga siguro ang mga kasambahay sa mga quarters nila at wala naman nang masyadong gawain. Hinanap ng mata ko si Lola ngunit wala siya. Nakipagbonding siguro kay Manang Ester. 

Napadaan ako sa malaking salamin sa sala at nakitang may bahid ng dugo ang bandage ko. Dali-dali akong napunta sa aming kwarto bago pa may makakita sa akin. Pinalitan ko ng dressing ang aking sugat. Ilang minuto ko ding sinuri iyon. I curse the chicken in my head. Napaka suplado gaya ng amo!

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago bago bumaba at magsimulang magtrabaho ulit. Dumiretso ako sa kusina nang makita ko si Levi na nag memeryenda sa dining habang may kausap sa cellphone.

"Pa I don't want to pursue it. I'm really sorry. Puwede ba tayong mag-usap pagka-uwi mo na rito?"

 

 

Hindi niya halos nagagalaw ang kanyang pagkain sa mesa. He seemed worried and bothered while talking to his father through the phone. Hindi muna ako dumiretso sa kusina dahil nahihiya akong dumaan sa kanyang harap habang may kinakausap siya. I also don't want to eavesdrop pero hindi ko maiwasang marinig ang pag-uusap nila.

 

 

"I'll talk to Avril. I'm too young to get married. Mas marami pa kong dapat unahin kesa sa pagpapakasal."

 

 

Literally my mouth fell. Magpapakasal na siya? Or is he engage? My taste buds suddenly become bitter. Yeah, I guess he's too young para magpakasal na kaagad. Wait, based on his looks he's 23 or 24 years old. I think?

 

 

I started to mentally count our age gap. Pero agad din akong nagsisi sa pinag-iisip ko. Huminga ako ng malalim bago pa man lumabas sa aking pinagkukublihan. Pasimple akong yumuko habang dumadaan sa kanyang harapan para hindi niya  mahalatang kanina pa ako nakikinig. Naagaw ko ang pansin niya kaya naman mabilis niyang tinapos ang tawag. Binilisan ko rin ang lakad ko papuntang kusina.

 

 

"I'll call you again for the updates. Mag-usap na lang tayo Pa pag naka-uwi kana."

 

 

Naabutan ko ang matagal na rin na kasambahay na si Ate Jai sa kusina na naghuhugas ng mga kaldero. Siya siguro ang nagbigay ng meryenda kay Levi. 

 

"Tulungan na kita Ate," presinta ko.

 

 

"Naku, Shea huwag na. Kaya ko na ito. Mabuti pa ay puntahan mo na lang si Senyorito at baka may iuutos pa."

 

 

Magpo-protesta pa sana ako dahil sa totoo lang ayoko talagang humarap kay Levi dahil sa nagyari kanina. Pero baka magtaka si Ate sa pag-aalinlangan ko kaya naman napatango na lamang  ako.

 

"Sige po."

 

 

Dahan-dahan akong lumapit sa mesa ni Levi. Nakita kong abala na siya sa pagkain. Parang wala naman na siyang kailangan kaya babalik na sana ako sa kusina nang mag-angat siya ng tingin sa akin. 

 

 

Tumaas ang kilay niya at binalik ulit ang tingin sa kanyang kinakain. Napalunok ako. I don't know what to do anymore. Magso-sorry ba ko or tatanungin ko siya kung meron pa siyang kailangan? Mukha kasing siyang iritado kaya hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. 

 

 

"You're here. Kumusta ang nangyari kanina? Okay na ba?" napasulyap ulit siya sa akin habang ngumunguya. 

 

 

"Opo. Pasensiya na pala sir kanina. Kasalanan ko kaya nakawala ang mga manok."

 

 

Kumunot ang kanyang noo, na para bang may mali akong nasabi. Binaling niya na sa akin ang lahat ng kanyang atensiyon. 

 

 

"Sit down Shea." he commanded. 

 

 

Nakita niya siguro ang pag-aalinlangan ko kaya naman nang hindi ako sumunod nagkaroon ng talim ang kanyang titig. 

 

 

"You can sit down while we're talking." mas mahinahon niyang sabi. 

 

 

I sit in front of him. Pero hindi ko kayang mag-angat ng tingin. Liban sa nahihiya ay talagang hindi ko matagalan ang bawat titig niya. 

 

 

Napaangat lang ako ng aking mga mata nang makita ko siyang tumayo at pumunta sa kusina. Ilang minuto pa ay bumalik siya ng may dalang pagkain at juice. Nilapag niya iyon sa harap ko. 

 

 

Napatingin ako sa pagkain. Chicken pesto with garlic bread at orange juice. Medyo marami iyon kaya tuluyan nang napaangat ang tingin ko sa kanya. Stunned with his moves. Sinulyapan ko din ang kanyang pinggan. Konti na lang ang pagkain doon. 

 

 

Naupo siya at humalukipkip. "Now tell me what happened earlier." 

 

 

"Sir, hindi na po kailangan nito, busog pa naman po-" 

 

 

"What's with the sir? Being too formal again? And please eat the food. You're so skinny." nakataas ang kilay niya. 

 

 

Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. Kanina pa tinotopak. And he has the guts to call me skinny. Gusto ko siyang irapan sa totoo lang pero pinigilan ko ang sarili ko. 

 

 

"Naisip ko lang kasi na hindi maganda kapag tinatawag kita sa pangalan mo habang nagsisilbi kami dito. Baka ano ang sabihin ng iba. At isa pa ay amo po namin kayo. Kaya natural lang na tawagin kitang sir." 

 

 

"You're not one of our housemaids though." pinagkurus niya ang kanyang mga daliri at tinukod ang kanyang baba habang pinagmamasdan ako. 

 

 

Kumalat ang init sa pisngi ko dahil sa ginawa niyang pagtitig. Tila ba aliw na aliw sa aking pagsasalita. 

 

 

"At pasensya na din kanina dahil natutuwa lang ako sa mga kuwento ni Ivan. Marami siyang alam sa pag-aalaga ng manok. Hindi namin na pansin na bukas pala ang pinto kaya nakalabas ang mga inahin. Pero okay naman na. Naayos na namin. Pasensya na ulit."

 

 

Dumaan ang iritasyon sa kanyang mga mata. "So you enjoy talking to that gal huh?"

 

 

Napakunot ang noo ko. Ano naman ngayon kung nag enjoy nga ako? 

 

 

"Mabait si Ivan, palakaibigan din." napasulyap ako sa kanya. "Mababait ang mga taong nandito."

 

 

"Uhuh. So you prefer to enjoy Ivan's company while rejecting the food your boss gave you?" he sarcastically added while his eyes turned into slits. 

 

 

Napalunok ako. Teka, hindi naman iyon ang issue ah? Napatigil ako saglit at napaisip. Sumulyap  ako sa kanya. I don't want to assume. Ayaw kong pangalanan ang mga gusto niyang ipahiwatig. Men like him are pro to this. In a short span of time since I got real interactions with people, marami akong natutunan. Sa pagpupumilit ko na mabuhay ng normal, nagkaroon ako ng ideya sa mga bagay-bagay sa paligid ko. But I don't want to assume as well. O talaga bang ganito lang siya? 

 

 

Unti-unti akong sumubo. Nakitaan ko ng galak ang kanyang mga mata nang magsimula akong kumain.

Humilig siya sa backrest ng upuan habang nakahalukipkip pa rin. "Don't call me sir. Lola Sela just voluntered to help. 'Yun lang and I'm not your boss." 

"Parang ganoon pa rin naman iyon. Ayoko lang na maging unfair sa iba. Yes, we're here to help. We voluntered but it doesn't mean I can do whatever I want dahil lang sa pinapaboran ako." 

At isa pa, base sa sinabi niya kanina, doon ko napagkumpara na malayo naman talaga ang agwat ng pamumuhay namin. I just realized it. That's the reality. Pero hindi ko na sinabi ang ganoong rason dahil baka mas lalo lang siyang mainis sa akin. 

"You are really pushing it this far huh? Fine then. Just call me whatever you want in front of them. Pero kapag tayong dalawa lang, call me Levi."

Napatango na lamang ako sa gusto niyang mangyari. Hindi na nakipagtalo pa. Pinagtuunan ko ng pansin ang aking pagkain. Hindi naman siya umalis sa harap ko at hinintay akong matapos. He made some calls in front of me. At tuwing may pagkakataon ay napapasulyap siya sa akin. 

Nang matapos ako ay agad ko nang iniligpit ang aming pinag kainan para madala sa kusina at mahugasan. He's still taking some calls kaya naman dumiretso na ako sa kusina at iniwan siya doon. Nagsimula na ring bumalik ang iilang kasambahay sa kani-kanilang trabaho. Nang mailapag ko na ang mga hugasin sa lababo, doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Sa buong pag-uusap namin, ngayon ko lang na realize na gustong-gusto nang kumawala ng puso ko sa dahil sa kaba. 

Hindi pa man ako nahihimasmasan ay may naramdaman akong presensya sa aking likod. Lumingon ako at nakitang papalapit siya sa akin. Hawak niya ang basong naiwan ko sa mesa. 

"I'm sorry about what I said kanina sa poultry. I didn't mean it. I just got pissed so.." umiwas siya ng tingin. 

Natigilan ako. I saw the glint of guilt in his eyes. 

Pissed of what Levi? 

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Inilapag niya ang baso sa gilid ko habang ako'y natutulala. 

"Please don't mingle with boys. I don't like it." he whispered. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status