Share

Chapter 6

Mabilis na dumaan ang mga araw. I'm back with my usual routine, bahay-eskwelahan. Nakapagtrabaho si Papa pero na destino naman siya sa karatig-bayan kaya hindi rin siya makakauwi dahil nga stay-in daw sila doon.

Medyo nalungkot ako dahil akala ko ay magkakasama na kami. Pero wala naman akong magagawa, atleast di naman masyadong malayo ang kanyang pinagtatrabuan kumpara sa Maynila.

Malakas ang ulan kaya naisipan kong tumigil muna sa isang tiyangge para magpasilong bago tumulak sa sasakyan ng traysikel papuntang school. Habang pinagmamasdan ang malalaking patak ng ulan, sumagi sa isip ko ang imahe ng lalaking nakilala ko sa mansiyon ng mga Chrysalis.

Alam ko ang mga lalaking katulad niya. Siguro nga ay mas matanda siya sa akin ng ilang taon, but with his built, he looks more manlier and older than his age. He's the type of the guy that I can't reach. Mayaman at mukhang playboy. Probably the girls everywhere will flock just to get his attention. Ayoko ng ganoon.

Ayoko ng ganoon? Talaga? Napasapo ako ng noo sa mga naiisip ko. Kaya minabuti ko na lang na tumuloy na. Medyo humina na rin naman ang ulan.

Pagkapasok ko ng gate ng aming school ay bigla akong nakaramdam ng hindi maganda. For this past few weeks, hindi na dumadalaw ang aking mga pangitain. Pero this time, ito na naman. My heart is beating so fast. Kinakabahan ako ng posibleng mangyari. 

Habang naglalakad ay nagdadasal ako na sana walang mangyaring masama sa kahit kanino. 

"Shea! Partner tayo!" 

I looked at Maureen. Palakaibigan siyang ngumiti. Nag-iwan na naman ng group assignment ang aming guro kaya abala ang lahat sa pag research ng topic na kailangan bukas. 

"Sige," ngumiti na lang din ako. 

"Kinausap ka ba ni Kuya nung nakaraan?" she asked. 

I remember the boy, Brian. Kapatid nga pala niya yun. 

"Ah, oo. Nakikipagkaibigan lang. Meron ka pa lang kapatid na senior." 

I'm amaze on how I manage the conversation. Kadalasan, oo at hindi lang talaga ang sinasagot ko. 

She laughed. "Oo kapatid ko yun, di naman kami masyadong nagkaka-usap dito sa school kaya marami din minsan ang nagugulat na may kapatid pala ako dito." 

Maureen is smart and beautiful. Sa unang tingin ay masasabing suplada but I guess she's nice. I never thought that she'd approach me like this. Tila ba ang gaan at natural lang sa kanyang makipag-usap sa iba compared to my awkward self during conversations with other people.

"Ikaw? May kapatid ka rin ba?" 

Umiling ako. "Nag-iisa lang ako."

Her mouth formed an "O" kaya naman napangiti na lang ako. I know that it's kinda lonely to some pero sa akin okay lang naman. Sanay akong mag-isa kaya wala namang problema. 

"I dunno if nakikita mo si kuya sa mga contests na sinasalihan mo pero mahilig yun sa mga quiz bee!" 

"Oo nga, medyo pamilyar din siya sa akin."

Patuloy pa sa pagkuwento si Maureen. Naaaliw naman akong makinig. I can see her happiness tuwing nagkukuwento siya tungkol sa kanyang kapatid. They seemed very close. 

"And ang ganda-ganda mo! Pero masyado kang snob! Ngumiti ka din kaya. Mas lalo kang gaganda." nakangising tugon niya sakin. 

Napangiwi ako. Well, if that's the case then that's it. Pero I'm not really aware of my looks though. 

Nagpatuloy kami sa pagsagot ni Maureen. Hinati namin ang topic at maya-maya pa ay nagpaalam na siyang umalis para magpaturo sa kanyang kuya. There are points that are kinda difficult kaya naman naisipan ko na ring pumunta sa library para maghagilap ng puwedeng isagot. 

I can still feel the uncertainty kahit na medyo nalibang ako kay Maureen kanina. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad papuntang library. Malawak ang sakop ng aming eskwelahan kaya kailangan pang lakarin sa kabilang side ang building ng library. Pero bago pa man makarating doon madadaanan muna ang iilang classroom ng mga seniors. 

"Hi Sheaaaaa! Notice meeeee!" 

Napalingon ako sa isang senior na nakadungaw sa bintana habang kumakaway. Napalinga-linga ako sa paligid. Hindi kalayuan ang classroom kaya naman siguradong ako ang tinatawag niya. Nakita kong sumunod naman na dumungaw ang mga kalalakihan sa mismong bintana at kumaway din sa akin. 

How come that they know me? Nahagip din ng mata ko si Brian. Kumaway din siya sa akin at ilang sandali pa ay inulan na siya ng kantyaw ng mga kaklase. Tinulak-tulak pa siya ng mga ito. 

Kaya pala. Section pala nila iyon. Napapailing na lang akong nagpatuloy sa paglalakad. 

Nasa ika-tatlong palapag ang library at walang elevator ang building na iyon kaya naman napilitan akong mag hagdan. Hinihingal ako nang makarating sa taas. Pinakalma ko muna ang sarili bago pumasok. 

Nanginig ako sa lamig ng aircon. Inabot ko sa isang student assistant ang aking library card para ma scan. Saglit akong pumunta sa section ng fictional novels at naghanap ng puwedeng basahin pagkatapos kong magresearch mamaya. 

Maingat akong naglakad para hindi makagawa ng ingay papunta sa Biology section. Nang makita na ang hinahanap na libro ay pumuwesto ako sa pinakasulok na bahagi ng mesa. Nagsimula na akong magbasa. Lumibot ang mata ko sa mga kasama kong nag-aaral. Alas tres na ng hapon kaya naman maya-maya ay mag di-dismissal na ng karamihan aa klase. 

Binilisan ko ang pagsagot at nang halos  matapos na ay dinalaw ako ng matinding antok. Tinigil ko muna ang pasusulat at bahagyang ihiniga ang ulo ko sa makakapal na libro at tuluyan nang nakatulog. 

The scene is blurry, at nakita kong nasa hallway ako ng aming building. Luminga-linga ako at nakitang abala ang bawat classroom. Suddenly I saw a girl walking ahead of me. Tila may sariling buhay ang mga paa ko at biglang sinundan ang babae. When she was about to turn to the right direction, nakita ko ang isang flower pot na mahuhulog mula 2nd floor. 

Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling tumakbo sa gawi ng babae. After a few minutes, I pushed her on the opposite side before the pot could hit her head. Natumba kaming dalawa. We heard a shattered noise from the broken pot. Durog na durog ito pagbagsak sa semento. 

Mabilis akong tumayo at tinulungan ang babae na tila nagulat din sa nangyari. Ilang sandali pa ay nakita kong tumakbo ang mga siguro'y kaklase niya palapit sa amin. 

"Naku! Aia ayos ka lang ba?" 

Aia... The scene suddenly drifts away at naramdaman kong may tumatapik sa aking braso. 

"Shea..."

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. I saw Brian ang Maureen beside me. Napakurap-kurap ako ng ilang saglit bago naupo ng maayos. A dream again. Sweat trickled down my temples even though the aircon is on full blast.

"Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" concern etched on Brian's face. 

Kinalma ko muna ang aking sarili at naghanap ng magandang alibi. I turned to them and smiled. 

"Ayos lang ako, medyo nahilo at nakatulog lang ng konti."

"Hala, sobrang dami ba ng binigay ko na topic sa'yo? Baka napagod ka nang husto, " agap ni Maureen.

Napako ang tingin niya sa mga librong kinuha ko sa shelves. Honestly I didn't even finish answering the questions. Tatapusin ko na lang mamaya sa bahay.

I smiled again to assure na ayos lang ako. Pinunasan ko ang aking pawis at tumayo na dahil magsasarado na ang library.

"Sabay na lang tayo para may kasama kang bumaba. Baka mapano ka pa,"si Brian. 

I was preoccupied of my dream. Dito yun mangyayari sa school. Kelan naman kaya mangyayari iyon? 

Kinuha ko ang aking library card at sumunod na kela Brian at Maureen sa labas. May pag-aalala pa din sa kanilang mga mata. 

I tried to look okay. Ngumiti ako at inaya na silang bumaba. 

Nang makalabas kami ng building ay nagpaalam na si Brian. Magkaiba ang aming building kaya naman sabay kaming naglakad ni Maureen. 

"Nakita ka naming natutulog sa library. This is the first time na nakita kitang ganoon kaya naman lumapit kami. Tama nga ako. Baka masama ang pakiramdam mo pero kanina mukhang okay ka naman," mahabang lintaya ni Maureen. 

"Ayos lang ako Maureen," I assured her. 

Hindi yata kontento sa sagot ko. Inilapit niya ang kanyang palad sa aking noo. I appreciate their concerns. Mabait silang magkapatid. Today, they are the first few people who invaded the space I'm closing for too long. They considered me as their friend.  Sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng munting saya. 

Paunti-unti siguro naman ay masasanay ako sa ganito. As long as there are genuine people whom I can call friends, I guess I can live the life I wanted to. 

Kinuha ko ang kamay ni Maureen at binaba iyon pero hindi ko binitiwan. Nagulat siya sa ginawa ko. I sincerely smiled at her and utter my gratitude.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status