Share

Chapter 5

Paulit-ulit akong namamangha sa natatanaw ko sa bakuran ng mga Chrysalis. Sa aking paglalakad, hindi ko namalayan na napapalayo na ako sa mansiyon. Lumingon ako at tinanaw ang pinanggalingan. Mabilis lang naman sigurong bumalik mamaya kaya pinagpatuloy ko na muna ang pamamasyal.

Sa bandang kaliwa ng mansyon, may natanaw akong munting kakahuyan. Hindi naman gaanong masukal kaya naisipan kong lapitan iyon. Due to my curiosity, lakad-takbo ang ginawa ko, naeexcite sa kung ano ang puwedeng madatnan doon. 

I always love nature. Kahit hindi pa man ako nakakapunta ng ibang lugar, sa aming barrio mismo sapat na para hangaan ang mga tanawin. Medyo bulubundukin ang silangan ng Victorias. May mga magagandang ilog at sapa na kinagigiliwan ng mga naroon. Sa kanlurang bahagi naman ang mga dagat pero sabi ni Lola ay medyo malayo na daw iyon. Minsan ko na ring naisip na sana makapunta din ako sa ibang lugar. But I guess, okay na muna siguro ito.

Nakalapit na ako sa bukana ng maliit na kakahuyan. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang iba’t ibang klase ng halaman at sa gitna ay may makitid na daan. Animo’y sadyang ginawa para sa mga pupunta doon. Pero pag galing sa labas ng kakahuyan hindi ito masyadong nakikita. Tinahak ko ang daan at ilang sandali pa ay nasilayan ko naman ang nagagandahang bulaklak. Iba't ibang klase ang mga naroon at iba-iba din ang kulay. 

"Ang gaganda niyo naman!" pagkausap ko sa mga ito. 

Luminga-linga ako, baka may tagapag-alaga o di kaya'y hardinero ang naroon dahil batid kong hindi ligaw ang mga bulaklak. Parang sinadya iyong gawing garden. Nagpatuloy ako sa paglalakad at may narinig na mabining lagaslas ng tubig. Sa kanang bahagi ng garden ay may maliit na sapa. Dumungaw ako at nakitang sobrang linaw ng tubig. 

Napapalakpak ako at kinikilig sa mga nadidiskubre sa lugar na iyon. Sana magtagal ang pag-uusap nila Papa para makapaglibot-libot pa ako. Tumingala ako at pumikit. I spread my arms widely and feel the serene and peaceful breeze. 

Gusto ko na ditong tumira! 

Napangiti ako, pero biglang nagulat dahil sa bandang dulo ng munting paraisong iyon, may natanaw akong kubo. Nanlaki ang mga mata ko. I dodge and covered my mouth, afraid that someone might notice me barging their property. 

"Hala, meron nga yatang nakatira dito." I murmured. 

Naisipan kong lumapit at magbigay galang na lang sa pagte-tresspasing ko sa kanilang lugar. Pero bago pa man ako tuluyang makalapit, may na*inig akong isang halinghing. Medyo natapat ako sa bintana kaya naman itiningala ko ang aking leeg, nagbabakasaling makita ang may-a*i.

But something caught my eyes. Parang may gumagalaw nga sa loob ng kubo! Medyo lumapit pa ako ng konti and one glance, I saw a man and a woman inside. 

Nang hindi ako nakuntento, hinanap ko ang pinto para tawagin ang atensiyon ng mga may a*i. Nakaawang ang pinto kaya di na ako nahirapang tanawin kung sino ang nasa loob.

May nakita akong kama at may isang babaeng nakaupo, hindi ko tanaw ang mukha. Her legs are spread wide apart and a man is in between them. Bumaba ang kamay ng lalaki mula sa kanyang d****b pababa. They're making that slow primitive rythm that seemed familiar to me.

Bigla akong namula nang marealize kung ano iyon. Pinalaki ako ng may mabuting asal pero hindi naman na ako inosente sa mga gaanoong bagay. Atleast I'm very aware and knowledgeable enough to know those stuffs.

The man was topless. His back is muscular. He is wearing a jeans that hung low on his hips, malapit nang mahubad ng tuluyan. His shoulders are broad and fit. So masculine. Makakapal din ang kanyang muscles sa likod pababa. He crouched more at sa tingin ko ay hinahalikan niya ng malalim ang babae. His arms are corded with thick veins while inaangat ang palda nito. 

The girl moaned. Mas napalakas ang halinghing nito. My eyes widened and I know that they will do that thing!

Kinalma ko muna ang aking sarili, tinakpan ang bibig para 'di makagawa ng ingay. My heart is pounding so fast that it skips a beat. Dahan-dahan akong pumihit para umalis. Pero bago pa man makaalis ay malakas na nagvibrate ang cellphone ko.

"Ay tekla!" 'di ko mapigilang sigaw sa sobrang gulat.

The girl from the hut shrieked too. Nagulat siguro sa sigaw ko. Mabilis akong kumilos at tatakbo na sana nang may nagsalita sa likod ko. 

"Who's there?" papalapit ang mga yabag.

Nanigas ako sa kinatatayuan. Patay Shea! Huli kana!

"Excuse me, who are you?"

Galing iyon sa lalaki. His voice is so deep that screams authority and power. Mas lalo akong natakot at hindi lumingon.

Patuloy sa pag vibrate ang cellphone ko. Hindi ko na muna iyon pinansin. My mind is preoccupied on how to escape pero wala na talaga akong kawala. Hahakbang na sana ako palayo nang  muling nagsalita ang lalaki. 

"I said, Who. Are. You?" may diin at panganib na ang kanyang boses. 

Napako na ako ng tuluyan sa aking kinatatayuan. Ilang sandali pa ay may narinig ulit akong papalapit na yabag. 

"Tsk! Ano ba naman yan! Sino ba yan ha? Naninilip? O baka naman magnanakaw yan dito!" the girl squeaked. 

Naninilip? Magnanakaw? 

Pumikit ako ng mariin sa sobrang kahihiyan. Unti-unti akong humarap sa kanila at nakita kong may suot nang asul na tshirt ang lalaki at maayos na din ang damit ng babae. 

"Ahm...an-o.. Ah pasen-sya na po kayo. Naligaw la-ng po kasi ako dit-o." nauutal at naginginig kong sagot. 

Sobrang kaba at kahihiyan ang nararamdaman ko. Nag-angat ako ng tingin sa lalaki. My eyes were fixated on his features. Deep set of hard and ruthless eyes, medyo makapal din ang kilay, pointed nose and a dangerous lips na tila hindi marunong ngumiti. A perfect angled jaw and a sharp cheekbones. He looked forceful, arrogant and even violent. His aura screams danger and it scares the shit out of me. While the girl seems familiar. Nakita ko na yata siya ng ilang beses sa school namin. 

"Grr! Istorbo! Paano ka naman nakarating dito kung di ka talaga magnanakaw ha?!" the girl roar in anger. 

"Uh.. Hindi ko po sinasadyang magawi rito. Galing ako sa mansyon ng mga Chrysalis, pasensya na po talaga." medyo tumuwid na ang pananalita ko. 

"Sa bahay? Galing ka sa bahay?" agap ng lalaki. 

Sa bahay? So he's a Chrysalis! He's from that house!

"O-po.." 

I can't help but be polite. Mukhang mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Umirap muli ang babae sa akin. Hindi naniniwala sa aking sinasabi. 

"At anong ginagawa mo sa mansyon aber?" pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "How can we be so sure na hindi ka nga magnana--." 

Pinutol siya ng lalaki. With brows furrowed, he turned to me.

"Galing ka sa mansyon? May kasama ka ba na pumunta dito?" 

Mabilis akong nakahanap ng lusot para makaalis at hindi na humaba pa ang usapan. 

"Nag-apply po bilang driver ang Papa ko. Namamasyal lang ako nang mapagawi dito. Di ko po talaga sinasadya. Pasensya na talaga."

"Naliligaw ka kung ganoon?" udyok pa ng lalaki. 

"Ah, opo. Pero aalis na po ako. Pasensya na talaga," sabay yuko sa kanilang dalawa. 

Aalis na sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita. 

"Do you even know how to get out of here? Sabi mo naliligaw ka?" 

Sa totoo lang hindi ko kabisado ang lugar dahil medyo kumplikado and direksyon ng daan but I can use my eidetic memory to find my way back. Naghahanap lang talaga ako ng alibi. 

I let out an awkward chuckle, "Ah hehe oo nga po. Pero kaya ko naman sigurong hanapin ang daan." 

"Avril wait for me here. Paaalisin ko lang," sabi niya sa kasama at muling bumaling sa akin. I'll escort you outside," mariin pa rin ang titig ng lalaki. 

Nag protesta ang kasama niyang babae pero sa huli ay wala na din namang nagawa kundi mag paiwan doon. 

Nauna na akong maglakad palabas. My heart thumped wildly in my ribcage, because of embarrasment, fear and nervousness. Naghalo-halo na lahat. 

Naramdaman kong nakasunod ang lalaki sa aking likod. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Even behind my back I can sense his masculinity that speaks danger and force. Napalunok ako at napaisip na baka ipahuli niya ako sa kanilang security dahil sa pagte-trespassing. 

Sa sobrang kaba napapalihis na ako ng daan. Napakislot ako nang muli siyang magsalita. 

"Not there.. Here's the way," sabay muwestra sa kabilang parte ng hardin.

Napabaling ako at nakayukong sumunod na lang dahil hindi ko matagalan ang paraan ng pagtitig niya. He's too much for me I guess and I can't bear it.

"So you're one of our employee's daughther?" he probed.

Imbes na sagutin ay diretso ko siyang tinanong. 

"Hindi niyo po ba ako ipapahu-li?"

Napaangat ako ng tingin and I saw a glint of amusement on his eyes. Para bang may nasabi akong nakakatawa. 

"Why would I? Sinabi mong naligaw ka lang diba? Unless you have other intentions why you're here."

"Naligaw lang po talaga ako. Promise!" mabilis kong agap habang nakataas ang kanang kamay. 

The guy smirked. Para bang aliw na aliw sa mga reaksyon ko. 

"I'm not that really old for you to be so formal." dagdag pa niya. 

Namula ang mukha ko at binaba ang kamay. Ilang beses ba akong mapapahiya buong araw? Muling nag vibrate ang cellphone ko and this time sinagot ko na iyon. 

"Pa, pasensya na po. Pabalik na ako ng mansyon."

Pinatay ko ang tawag at nakita ko na ang bukana ng garden kaya mabilis akong naglakad. Bumaling ako sa lalaki na seryosong nakatitig sa akin. Yumuko ako at humingi ulit ng paumanhin. Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya. Mabilis na akong tumakbo pabalik ng mansyon. 

Sinalubong naman ako ni Papa at inakay na pabalik sa sasakyan. Siguro'y uuwi na kami. Nang makapasok na ay tinanong ako ng aking ama.

"Yang 'san ka ba galing kanina?" 

Ngumiti ako para itago ang kaba. "Nalibang lang akong mamasyal Papa. Ang ganda pala ng lugar ng mga Chrysalis!" 

He pats my head and smiled. Wala na din siyang sinabi. 

Naalala ko muli ang nangyari. I cringe at my thoughts. Hindi ko alam kung masyado lang akong OA, dahil hanggang ngayon parang kinakabahan pa rin ako. The image of the guy also flashed in my mind. That ruthless and intense look. The girl he kissed was probably his girlfriend. Pinilig ko ang aking ulo at pilit na kinalimutan ang eksena kanina. 

I grew up with no friends kaya ganun na lang siguro ang pagre-react ko sa ekspresyon ng lalaki. I have no interaction with boys liban na lang nung kay Brian and of course, that guy. 

I'm kind of uncomfortable not because of what he did to the girl but because of his masculinity that's very opposite to my upbringing. I hope this will be our first and last meeting. 

Sana nga, hindi na ulit kami magkita pa. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status