Kinabukasan ay nakakaramdam pa din ako ng hindi maganda. Expecting things to happen within the day. Hindi ko na ipinahalata kay Maureen na may bumabagabag sa akin dahil siguradong mangungulit na naman iyon.
Nag-iisa akong kumain sa canteen. Lunch namin kaya marami akong nakakasabay. But there are classes na on-going pa din. Ang iba ay abala sa mga kanya-kanyang activities. Bigla kong naalala ang naging panaginip ko kahapon sa library. Pinilit ko ibalik kagabi para makita ang mukha ng babae pero hindi na naulit iyon.
Ang tanging naaalala ko lang ay ang kanyang pangalan.
Aia...
Yes, that's it.. Aia. I'm really worried because the past years, wala naman akong napanaginipan na insidente na nangyari sa school. Kahapon lang. Tinapos ko ang aking pagkain para makabalik na ng classroom.
Medyo may kalayuan din ang building ng canteen kaya naisipan kong sa kabilang side na lang dumaan. Medyo hindi din ako komportable sa mga panunukso ng mga seniors. Simula nang ma feature daw ako sa school paper sabi ni Brian ay marami na ang nakakilala sa akin. I don't know kung matutuwa ba ako kasi kahit papano they acknowledge my existence in this school. Pero okay din naman sakin kahit hindi nila ako mapansin. My life is more peaceful that way.
Habang naglalakad, may napansin akong nakasunod sa akin. Hindi ko na muna pinansin. Nagpatuloy ako at ilang saglit pa ay hindi tumigil ang pagsunod sa akin nang kung sino man. Huminto ako at lumingon. Nakita ko ang isang maliit na babae. Hula ko ay nasa grade 7 pa lang. Awkward siyang ngumiti.
"H-ello po."
Ngumiti ako. "Hi."
She looked at me with hopeful eyes. "Ikaw po ba si Ate.. Shea?"
"Yes po, ahm. Ano sana yun?"
"Puwede po ba akong magpaturo sa inyo? Sabi po kasi ng mga kaklase ko magaling ka daw!"
I was stunned. Hindi ko inaakala na mas makikilala pa pala ako. Nakita kong may dala-dala siyang mga maninipis na magazine.
"Ah, pasensya na po. Kanina pa kita nakita sa canteen. Di ako sigurado pero ikaw nga yung nandito," sabay lahad ng hawak niya.
Kinuha at tiningnan ko iyon.
"The Victorious, Official Publication of Victorias Integrated School"
Binuklat ko ang bawat pahina at namangha ako dahil narito nga ang iilang larawan ko habang sumasali sa mga contest. Meron ding mga over-all results at scores. Hindi ko talaga to inaasahan. Muli kong tiningnan ang bata at nahihiyang ngumiti. Talagang hinabol niya pa ako para mag paturo lang.
Lumapit ako. "Anong pangalan mo at anong grade kana? "
"Clarisse po, grade 7 po ako. Ahmm.. Last section," hindi siya makatingin sa akin.
Hindi naman talaga ako matalino. Mabilis lang mag catch-up ng mga bagay-bagay ang utak ko. Kumbaga ay stored knowledge na din dahil mahilig akong magbasa at mag-aral. Medyo malakas ang kapit ng retention ng information sa utak ko dahil na rin siguro sa pagkakaroon ng clairvoyance at photographic memory. And here I am complaining about it while others are seeking for it.
Tinapik ko ang balikat niya at ibinalik ang mga magazine.
"Sure Clarisse. I'm in grade 9- Honesty. Puwede tayong magkita minsan sa library pag-break time." ngumiti ulit ako.
Nabuhayan ang mga mata niya at nahihiyang nagpasalamat sa akin. Meron din siyang ibinigay na isang supot ng cookies bago umalis.
Nagpatuloy ako sa pagbalik sa classroom. Habang papalapit sa aming building ay tila pamilyar ang tinatahak kong daan. Inilibot ko ang aking paningin. The classrooms are occupied with their classes. Suddenly there's a girl walking ahead of me. Kinabahan ako bigla. Eto ang eksaktong scenario sa panaginip ko. Mabilis akong naglakad para maabutan ang babae.
Tumingala ako at nanlaki ang mga mata nang may mahuhulog na flower pot! Bumalik ulit ang paningin ko sa babae na walang kaalam-alam ng mga mangyayari. Papaliko na siya nang tumakbo ako at itinulak siya sa kabilang side ng daan. Pareho kaming natumba at ilang sandali pa ay nakarinig kami ng malakas na pagbagsak. Durog na durog ang flowerpot na nahulog sa semento.
My heart is beating fast. Ang bilis ng mga pangyayari. Ganitong-ganito ang nasa panaginip ko. Bumaling ako sa babae. Tulala siya. Shock was written all over her face. Tumayo ako. She must be Aia. Yun ang narinig ko sa aking panaginip.
"Aia!" papalapit ang iilang estudyante na nakakita ng aksidente.
Hindi nga ako nagkamali. Aia ang pangalan ng babae.
"Ayos ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ng mga eto.
Napahinga ako ng malalim at kinalma din ang sarili. I gradually withdraw my self from the crowd. Ang importante ay ligtas ang tinawag nilang Aia. Aalis na sana ako nang may tumawag sa akin.
"Miss sandali!"
Napalingon ako, it was Aia. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at humagulgol ng iyak. I was stunned. As in ngumangawa talaga siya. Ngayon niya lang siguro na realize na muntik na siyang mapahamak.
"Than-k... Thank you!" Muli siyang ngumawa.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o makikisimpatya sa reaksyon niya. Pero nang makita ko ang pag-aalala sa mga kaklase niya, naisipan kong dalhin na lang siya sa clinic.
"Ayos ka lang ba? Samahan na kita sa clinic," sabi ko.
Tumango-tango lang siya kaya sinamahan na din kami ng mga kaklase niya papuntang clinic. Mabilis namang rumisponde ang mga guards sa insidente at pinapasok lahat ng mga estudyante sa kani-kanilang mga classrooms.
Pinainom muna ng tubig si Aia para makalma. Natigil na din siya sa pag-iyak. Hinihimas-himas naman ng isang kaklase niya ang kanyang likod.
Napatingin siya sa akin ng ilang sandali. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, I have my class but I guess I need to be here for a while.
"If I'm not mistaken, you're Shea right?"
Kilala niya ako? Parang nabasa siguro niya ang reaksyon ko kaya naman muli siyang nagsalita.
"I saw you for several times sa ating school paper," aniya habang sumisigok parin
Kaya pala. The usual reason.
"Maraming salamat ah. Hindi ko napansin kanina yung nangyari. Buti na lang nandiyan ka. Ako nga pala si Aia," sabay lahad ng kamay.
"Walang anuman, kahit sino naman siguro gagawin iyon."
Muli na naman siyang naluha. "Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kung hindi mo ko iniligtas! I don't wanna die yet!"
Ngumawa siya ulit. This time napapangiti na ako. Hinawakan ko ang kamay niya. Mas lalo pang lumakas ang kanyang iyak. Na we-weirduhan na din ang nurse na naroon.
"Miss Almeda, gamutin muna natin ang sugat mo," ani ng nurse.
Napabaling ako sa aking siko. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi. Nasugatan pala ako. Hindi ko napansin. Siguro sa pagkakatumba namin kanina. Gasgas lang naman pero kita siya dahil medyo malaki at dumudugo rin. Nilagyan iyon ng nurse ng betadine at plaster. Apologetic na tumingin si Aia sa akin. Ngumiti ako to assure her na wala na siyang dapat pang ipag-alala.
Hindi na rin kami nagtagal sa clinic dahil wala namang natamong pinsala si Aia. Hindi naman malayo ang agwat ng classroom namin. Nalaman kong nasa parehong baitang lang kami pero magkaiba ng section.
Nagpaalam na ako sa kanya.
"Shea, salamat talaga. Babawi ako sa'yo promise!"
Kumaway ako at nagpatuloy na. Pagkatapos ng klase ay minadali kong umuwi. Napagod ako sa mga nangyari. I was interviewed about the incident plus the last subject that we had, gave us more stuffs to do.
Gusto ko na tuloy magpahinga. Nasa labas na ko ng gate nang may tumigil na itim na SUV sa harap ko. Bumaba ang salamin at nakita kong dumungaw si Aia sa bintana.
"Hi Shea! Hatid kana namin sa inyo!" nakangising tawag niya.
Lumapit ako at magalang na tumanggi. "Naku huwag na. Medyo malayo ang amin. Maaabala pa kayo."
"Sige na! Dali!" binuksan niya ang pinto.
Wala na akong nagawa dahil hinila niya na ako papasok ng sasakyan.
"San banda ang sa inyo?" si Aia.
"Sa may Gloryville kami."
Binigyan niya ng instruction ang driver.
"Manong Rex Gloryville po muna tayo, hatid natin si Shea. She's my new friend! Sinagip niya ko kanina dahil muntik na kong maasksidente! Buti na lang nandyan siya!" mahabang talak niya sa driver.
"But don't tell Mommy and Daddy! Mag-aalala sila. May nahulog lang kasi na flowerpot mula sa 2nd floor ng building namin. Di ko napansin kaya sinagip ako ni Shea," she keeps on talking.
Nag-usap pa sila ng kanyang driver bago siya bumaling sa akin.
" By the way Shea, this is Manong Rex, he's my bodyguard and driver," pagpapakilala niya.
Hinawakan niya ang mga palad ko at ginalaw-galaw. Hindi pa rin natatapos sa pagsasalita.
"Alam mo, I'm very grateful sa'yo. Gusto kitang maging kaibigan. Ang bait mo kasi niligtas mo ko."
Napatingin ako sa kanya. Wala ba siyang mga kaibigan? Pero marami naman ang nag-alala sa kanya kanina. Tila ba nabasa niya ang iniisip ko kaya naman muli siyang sumagot.
"I do have friends pero alam ko na hindi sila genuine. Nandiyan lang sila pag may kailangan. Baka nga siguro nakita nila yung mangyayari kanina pero ikaw pa ang sumagip sa akin. They're just faking their concern."
Nakaramdam ako ng simpatya. Medyo nakakarelate ako sa sitwasyon niya. But in my case I don't interact that much. Meron ding nagte-take advantage sa mga kakayahan ko pero hindi ko na dinidibdib. Sa kanila na iyon kung lolokohin nila ako or hindi. As for me, as much as possible tutulong ako.
"Shea, puwede ba kitang maging friend?"
I look at her. There's something that I saw in her eyes. Napatango na lang ako at hinawakan din ang kamay niya. Atleast today, I found a person whom I can call a friend.
Sumalampak ako sa kama pagkarating. Pagod na pagod ako. Nakailang tawag si Levi sa akin pero hindi ko na muna sinagot at tuluyan nang pinatay ang cellphone ko.I'm drained. Exhausted. Mabigat din ang pakiramdam ko. Nakaraos man ako ngayong araw, hindi pa rin maalis-alis ang agam-agam ko tungkol sa aking panaginip. Dagdagan pa ng involvement ni Levi sa iniisip ko.Hangga't hindi ko nahahanapan ng sagot ang puwedeng mangyari, hinding-hindi ako mapapanatag.Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba at maghapunan. Mamaya, tatawagan ko si Papa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero dapat ay may gawin ako kesa sa wala. Imposibleng simpleng panaginip lang iyon. Paano kung..Napapikit ako. Ayokong mag-isip ng kahit anong masama. Hindi ko man madalas nakakasama ang ama ko, mahal na mahal ko parin siya. Pero hindi ko naman dapat balewalain lang ang panaginip ko.Matapos ang hapunan ay nais
Sumakit ang ulo ko kinaumagahan. Mabilis din ang tahip ng dibdib ko. Hindi na ako nakatulog matapos ang napakasamang panaginip na iyon. Gustong kong maiyak na hindi ko maintindihan. Dahil alam kong..may posibilidad magkatotoo lahat. Wala pang panaginip ko ang hindi nangyari.Huminga ako ng malalim. Imposibleng si Papa iyon. Baka namalikmata lang ako. Pero tila kay linaw ng mga pangyayari sa panaginip ko. As if I was destined to witness that scene. Bumangon ako at naisipang bumaba. It's 5:30 in the morning and I'm wide awake. Umpisa na din ng aming klase kaya naisipan kong magluto na lang ng almusal.Pagkatapos ay naligo ako at nagplantsa ng uniporme. Habang ginagawa ang mga dapat kong gawin lumulutang pa din ang isip ko. Ang tagal bago ulit ako nanaginip. Pero bakit..bakit?Naiiyak ako. Hindi ko dapat ipahalata iyon kay Lola. Siguradong pati siya ay maaapektuhan. Bago ako bumaba ay nagdasal ako kahit papano a
Masaya akong lumangoy sa medyo malalim na parte ng sapa. Enjoy na enjoy ako sa lamig ng tubig. Kasalukuyan kaming nasa garden ng mansiyon. Saglit na bumalik si Levi sa kanilang bahay para kumuha ng pagkain namin. Simula ng mamasyal kami sa paborito niyang lugar, sunod-sunod na ang paggala naming dalawa. Nahihiya na nga ako dahil halos wala na akong ginagawa sa mansiyon. At ayos naman kay Lola na mamasyal ako basta..si Levi ang kasama. My grandparents are very fond of him. Hindi ko alam kung bakit. Kung titingnan, aliw na aliw sila kay Levi. At kung iisipin parang si Levi pa ang kanilang apo. Sa mga oras na magkasama kami, mas lalo ko siyang nakikilala. I saw his side that no one can see. Kaya mas lalo pa akong namamangha. I also met some of his friends. Kahit na hindi man ako makasabay sa estado ng buhay niya, panatag ako kahit papano na meron siyang mga kaibagan. Isang hapon noon, nang maisipan ng mga kaibig
Hinihingal pa rin ako kahit na nakaakyat na kami. Hawak-hawak pa rin ni Levi ang kamay ko. Hinila ko iyon para kunin mula sa kanyang pagkakahawak pero nabigo ako. He's holding my hands firmly and amusement etched on his face while watching me. Tinitigan ko ulit siya ng masama. I even rolled my eyes. Napahalakhak lang ulit siya. "Medyo nahihirapan ka sa suot mo," puna niya nang makitang inaayos ko ang aking damit. "Hindi mo kasi sinabi na magha hiking pala tayo. Sana ay nakapag bihis ako ng mas kompotableng damit!" dabog ko. Ngumisi siya. Talaga lang Levi? Nakakatawa? "Gusto kong i-surprise ka kaya.." hindi niya itinuloy ang sasabihin. Kaya? Ngumiti lang siya at hinila ako papalapit sa tila isang cliff. My jaw dropped because of what I saw. Mula sa aming kinatatayuan, mabini ang hanging umiihip at tanaw na tanaw ang buong bay
Kay bilis lang ng mga araw. I run to hug my grandfather. Na miss ko siya dahil ilang araw din kaming hindi nagkita. Sabado ngayon kaya naman umuwi kami sa aming bahay. Nilapitan ko rin ang pinakamamahal ko na pusa. He gave my feet some headbutts. I miss him too. At mas lalo lang siyang tumaba ngayon. Binuhat ko siya at pumasok na kami sa bahay. The past few days, si Lolo lang ang nag-aasikaso ng lahat sa bahay. Sa bukid man hanggang sa mga alaga naming manok. I know he's lonely being alone kaya naman sumigla siya ng makauwi na kami. Since that day, when Levi ditched me, hindi ko na siya nakitang umuwi ng ilang araw. Hindi rin kami nagkita bago kami umuwi. Maybe he's too busy with his work and..fiance. Hindi ko maikakailang hindi ako nagtatampo sa ginawa niya. But I do understand. Kaya naman mas alam ko na saan ko ilalagay ang expectations ko at kung saan ako lulugar. Isang buwan lang naman ang aming summer break at
"Apo, halika na. Maghahapunan na tayo," pag-agaw ni Lola sa atensiyon ko. "Susunod po ako Lola." "Oh siya, 'wag kang magtatagal." "Opo." Ilang oras na akong napapatulala dahil sa mga sinabi ni Levi sa akin kanina. Hindi pa yata iyon napoproseso ng utak ko. Why would he even tell me that? And he's pissed because I talked to Ivan? Bakit gusto niya ba ako? Pinilig ko ang aking ulo. Imposible. Narinig ko na ipapakasal siya sa iba. Masyado lang akong assuming. Though there's a little part of me that's hoping na sana tama nga ako. Everything is new to me, even this foreign feeling. Hindi ko na kailangan i-deny pa. My heart's jumping whenever he's near, ang kaba ko tuwing nagkakausap kami, ang mga titig niyang hindi ko masuklian.. I know.. I know already. Ayaw ko mang pangalanan iyon dati pa lang, simula nang sinagip niya ako, ngayon kaya ko nang aminin sa sarili ko that I'm a