ASHELY
NAKAPANGHIHILAKBOT ang mga sumunod na nangyari. Mabilis na sumulpot si Ebo at Eda upang tulungan si Eya sa pakikipagbuno sa babae. Halos hindi siya manlaki ang mga mata niya sa gulat. Kaagad na pinagtulungan ng tatlo ang babae. Marahas na hinawakan ni Eya at Ebo ang makabilang braso ng babae habang si Eda naman ay walang habas na sinaksak ang babae sa dibdib gamit ang kulay pilak na punyal.
Humiyaw nang malakas ang babae kasabay ang pag-ngisay ng katawan nito at nag-apoy bigla. Unti-unti tinupok ng apoy ang babae hanggang sa maagnas ito. Natuptop niya ang bibig at napaatras siya. Paanong nabuhay uli ang babaeng iyon? At possible pala na maging bampira ang isang taong patay na?
Halos mapugto ang paghinga niya sa labis na kabog ng dibdib niya. Ilan sandali pa ay nasa tabi na niya si Eya at hinila siya paakyat.
"A-Anong nangyari kanina? Bakit naging ganoon ang babae iyon? Bakit siya naging bampira? Bakit ka niya sin
ASHLEY "WILL you have this woman to be your wife, to live together in holy marriage? Will you love her, comfort her, honor, and keep her in sickness and in health, and forsaking all others, be faithful to her as long as you both shall live?" Malumanay na tanong ng Pastor kay Eya. Kasalukuyan ginaganap ang araw ng kasal nilang dalawa ni Eya sa malawak na hardin ng Glendridge Mansion. Napakaraming bisita ang dumating, mga staffs, nurses at kaibigan niya doktor ay imbitado pati mga business associate ni Eya sa hospital ay narito rin. Malakas na sumagot si Eya ng 'I do' na ikinatawa naman ng ilan bisita. Napangiti siya. Siya naman ang tinanong ng pastor at walang pag-aalinlangan niya ito sinagot din ng 'I do' hanggang sa inanunsyo na ng pastor na legal na silang mag-asawa ni Eya. Masigabong nagpalakpakan ang mga bisita, kasabay ang pag-tugtog ng musika nang hinalikan siya ni Eya sa kanyang mga labi. Lahat ay masayang bumati
EBO'S POV (Isingit ko lang si Ebo sa chapter na ito) NAGTATANGIS ang mga ngipin niya habang tahimik siyang nakaupo sa likod mansyon. Mayamaya pa naramdaman niyang lumapit si Eda sa kanya may hawak itong dalawang kopita, inabot nito ang isa sa kanya. "Blood wine..." wika ni Eda. Kaagad naman niya kinuha ang kopita at walang habas na nilagok ang laman nun. Naiinis pa rin siya. Ewan ba niya bakit ganoon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Napabuntong hininga na lamang siya. "Kunwari wala akong naririnig..." pabulong na usal niya. Bumunghalit naman ng tawa si Eda at naiiling na tinignan siya. "Ang sabihin mo naiinggit ka lang. Ganoon talaga pag bagong kasal nagtatampisaw sila sa kaligayahan," nakangising tugon ni Eda. Nanlaki ang butas ng ilong niya at napataas ang kilay. Siya, maiinggit? Imposible! "Hindi ako naiinggit sa kanila. Sa katanuyan nga e, wala akong pakialam!" asik niya halos lumaba
ASHLEYISANG buwan na ang nakalipas matapos silang ikasal ni Eya. Buhat nang makauwi sila galing honeymoon sa Hawaii ay naging busy na si Eya at Eda sa hospital. Talagang seryoso ang asawa niya na aralin ang lahat tungkol sa negosyo.Marahan siyang nag-inat ng katawan at bumaba sa kama. Pagkatayo niya bahagya pa siya nakaramdam ng pagkahilo kaya napaupo siya sa kama. Natampal niya ang noo. Na-sobrahan na yata siya sa tulog. Pagtingin niya sa oras ay alas-dose na ng tanghali. Napabuga siya nang malalim na paghinga saka tumayo uli.Bumaba siya at nagtungo sa kusina. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Tahimik masyado. Alam niyang maaga umaalis sina Eya at Eda. Habang si Ebo naman, wala siyang ideya kung saan ito nagpupunta. May sariling mundo kasi ang isang iyon.Nagtimpla siya ng kape. Masyado na siyang late para sa kape ngunit magkakape pa rin siya. Nang tikman niya ang tinimplang kape bigla siyang napabuga at nandidiring dumura sa lababo.
EYAPINAKATITIGAN niya ang mga taong kasama niya sa conference room. Kasama niya ang ilan board members at mga residence doctors ng hospital. Tahimik lang siyang nagmamasid habang nilalaro-laro niya ang ballpen na nasa daliri. Minsan hindi rin niya maiwasan mapataas ang kilay at mapailing. Sa tuwing naririnig niya ang bulungan ng iba. Malinaw na malinaw niya kasi naririnig ang bulungan. Iyon iba maganda ang sinabi samantalang ang iba naman ay walang magandang sinabi tungkol sa kanya.Napabuga na lang siya nang malalim na paghinga.Mayamaya pa ay nalanghap niya ang isang pamilyar na amoy. Biglang sumilay ang malawak na ngiti sa labi niya. Alam niyang naroon sa hospital ang asawa niya. Para tuloy gusto na niyang tumayo at tapusin ang conference meeting. Lumipas pa ang ilan minuto ay natapos na rin ang meeting. Siya ang unang tumayo at lumabas ng conference room. Isang mabilis na takbo ang ginawa niya pababa para mapuntahan ang asawa niya. Hindi na siya gumamit ng el
ASHELY NAGISING siya nang mayroon mabigat na nakadagan sa kanya. Nang magmulat siya ang braso pala iyon ni Eya na nakayapos sa beywang niya. Napabuntong hininga siya habang nakatitig sa maamo at guwapong mukha nito. Napansin din niya na wala itong suot na pang itaas na damit. Lantad sa paningin niya ang matipunong dibdib nito. Marahan niyang hinaplos ang dibdib nito pababa sa matigas na abs nito. "Galit ka ba sa'kin?" Napatingin siya kay Eya na nakatitig rin sa kanya. Hindi naman siya galit. Nagtatampo lang siya. Iyon iba kasi mag-asawa halos napapasigaw sa tuwa pag nalalaman magkaka-anak na pero si Eya napatakbo nang malaman buntis siya. Sino ba naman ang matutuwa? Napabuga siya ng hangin. Hindi siya kumibo bagkus pinagpatuloy lang niya ang paghimas sa katawan nito. Bakit ba bigla na lang nag-init ang katawan niya? Ganoon ba talaga pag buntis, nahihilig masyado sa pakikipagtalik? Umusog siya pababa at pumuwesto sa gitna ng mga hita ni
ASHLEYNANG magising siya kinaumagahan wala na uli si Eya. Nagsabi ito na may kailangan lang ito puntahan kasama si Ebo at Eda. Kaya siya na naman ang naiwan mag-isa sa malaking mansyon. Pagkababa nakarinig siya ng may mag-doorbell. Mabilis niyang tinungo ang pinto. Nabungaran niya si Nathan, napasulyap siya sa likod nito. May nakita siyang tow truck na nakaparada sa harap ng mansyon at ang kotse niya.Oo nga pala, naiwan niya ang kotse niya sa burger shop."Hi, Ashley! How are you? Hinanap ko ang address mo at nalaman kong ikaw pala ang asawa ng bagong may ari ng Glendridge Hospital. Kaya ako na mismo nagdala ng kotse mo rito," magiliw na sabi ni Nathan.Biglang siyang nahiya kay Nathan."Oh, I'm sorry. Nakalimutan ko ipakuha ang kotse ko. Naabala tuloy kita, pasensya kana at salamat na rin," nahihiyang ngumiti siya."No, it's okay. Inisip ko rin na baka masama pa rin ang pakiramdam mo kaya nagmagandang loob na ako ihatid
EYA "DOPPELGANGER..." Bigkas ni Eda nang ikuwento niya rito at kay Ebo ang sinabi ni Master sa kanya. Sinabi kasi ni Master na may pumasok na kamukhang-kamukha raw ni Ebo. Kaya labis tuloy siyang nabahala. Pinag-krus ni Ebo ang mga hita nang makaupo ito. Seryoso ang anyo nito."Obvious naman na si Niran lang ang may kakahayan nang ganoon. Ibig lang sabihin, alam na niya ang tungkol sa pinagbubuntis ng asawa mo. Bakit hindi pa natin payatin ang magiging anak niyo para matapos na ito?" nang-uuyam na suhestiyon ni Ebo. Dumilim ang anyo niya at nagtiim ang bagang niya. "Baka gusto mo mauna?" nangagalaiting banat niya kay Ebo. Para na rin nito sinabi na saktan ang asawa niya. Hindi siya papayag na mangyari iyon, at mas lalong hindi siya papayag na patayin ang magiging anak nila. Pagak na natawa si Ebo."Kung kaya mo..." pang-asar na sabi nito. Akma sana niya susugurin ito nang humarang si Eda sa harapan
ASHLEY NAMIMILIPIT na naman siya sa sobrang sakit ng tiyan niya, mabuti na lang at kasama niya si Eda. Kumuha ito ng suwero at ilan bag ng dugo para maisalin sa kanya. "Kailangan mo nang maraming dugo sa katawan, Ashley. Nagugutom ang batang nasa tiyan mo kaya nakakaramdam ka nang sobrang sakit." Paliwanag ni Eda sa kanya habang sinasalinan siya ng dugo. Napapaigik siya dahil sa kirot ng tiyan at sa kirot na dumadaloy sa ugat niya sa tuwing nararamdaman niya ang pagpasok ng dugo sa katawan niya. Huminga siya nang malalim habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Hindi pa siya nagla-labor pero daig pa niya ang nanganganak dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Mayamaya pa ay sumulpot si Ebo at naguguluhan nakatingin sa kanila ni Eda. "Wala ka naman siguro balak na ipaubos kay Ashley ang lahat dugo di'ba?" kunot noong tanong nito kay Eda. Humarap si Eda kay Ebo. "Huwag kang mag-alala, hindi ka mauubusan.