Share

23

23

"Busog pa po talaga ako, sir."

Hindi ko alam kung ilang beses ko na nabigkas ang mga salitang iyon. Kanina pa kami lakad nang lakad para maghanap ng makakainan. Kanina pa rin ako umaangal at nag-aaya pauwi. Hindi na rin ako nililingon o tinitignan man lang ni sir. Siguro ay nakukulitan na dahil nga kanina pa ako nag-aaya pauwi. Mukhang nakulitan na sa akin.

"Sir, totoo pong busog pa ako—"

Hindi pa man ako tapos nang huminto siya at nagsalita.

"Let's eat here."

Napatingin ako sa tinitignan niya. Unang tingin palang ay mukhang mamahalin na agad. Hindi ko mabasa ang pangalan dahil mukhang ibang lengguwahe ang gamit.

Nilingon niya ako. "Let's go."

Lalakad na sana siya papasok nang pigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso. Napabitawa naman agad ako nang makaramdam ng kuryenteng dumaloy mula sa braso niya patungo sa palad ko. Ano iyon?

Muli niya akong tinignan. "Why?"

Inangat ko ang tingin sa kaniya at tinago ang kamay sa likuran. "B-busog pa talaga ako. U-uwi nalang po tayo bak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (6)
goodnovel comment avatar
DBardz
up na po ang next chapter!
goodnovel comment avatar
DBardz
up na po ang next chapter!
goodnovel comment avatar
DBardz
sorry po malakas kasi ulan sa amin kaya walang signal
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status