Share

77

77

THIRD'S POINT OF VIEW:

"Happy fiesta, mga ka-barangay!"

Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay maingay na ang bayan nila Jossa. Bawat tao mapasa-loob man ng bahay, labas, kalsada at mga bubong ay iisa ang isinisigaw. Lahat ay may magagandang ngiti sa kanilang mga labi na siyang nagpapakita kung gaano sila kasaya. Lahat ay tuwang-tuwa habang binabati ang isa't isa ng happy fiesta.

Sa bahay ng tiyahin ni Jossa ay gano'n din. Masaya silang nagbatian at nagyakapan.

"Hali na't maghain na tayo." Nakangiting sabi ni Joan, ang tiyahin ni Jossa. "Pagsaluhan na na'tin ang hinanda ko habang mainit pa."

Silang pamilya lang ang naroon. Bukod sa may handa rin ang mga kapitbahay nila kaya hindi nila inimbita, malalayo rin ang iba nilang kamag-anak katulad nalang ni Lorna na nasa maynila pa nakatira.

Umupo sila at pinagsaluhan ang pagkain sa hapag. Masaya at tuwang-tuwa ang mga bata habang sila ay nagkukuwento habang nagsasalo-salo.

Ito ang masaya sa tuwing sasapit ang piyesta. Halos lahat a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Erwin Cabili
baka maniniwala na v tyson sa kanya
goodnovel comment avatar
Perla Annie Pulan
update po sana agad,pls.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status