Share

76

76

Magulo ang isip ko. Hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko pag-alis ni Tyson. Akala niya ba'y nagsisinungaling ako? Anong sinasabi niyang kamukha ko ang darling niya? E, ako naman talaga 'to?

Saka...

Ano raw?

Patay na ako? Patay na ako sabi ng mama niya? Paanong patay na ako, e, ito nga ako?

"A-At... naniwala siya ro'n?" mahinang bulong ko sa sarili. "K-kasinungalingan... hindi ko akalain na magagawa ni Ma'am Ana ang lahat nang ito... napakagaling niya..."

"Sino?"

Napitlag ako at agad na humarap sa likuran. Nakita ko si Tisoy na nakatingin sa akin.

"I-Ikaw pala..."

"Sinong kausap mo?" takang tanong niya. "May kinakausap ka bang hindi ko nakikita, Jo? Hoy! Iba na 'yan, ah?"

Hindi ako nakasagot.

"Biro lang," tumawa siya at bahagya pa akong hinampas sa braso. "Ayos ka lang ba? Nakatulala ka rito at may kung ano-anong sinasabi. Okay ka lang?"

Mahinang tumango ako.

"Sigurado ka?" Nag-aalala ang tono niya. "Alam mo, hindi man tayo gano'n kalapit sa isa't isa, pwede mo parin sabihin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nichky Talay
maniwala ka namn sa kanya ginawa lAng nya dahil sa pananakot ng mama mu
goodnovel comment avatar
Lace Barlizo
Anong klase b yan.putol putol
goodnovel comment avatar
Zalun Anna
hay Tyson ... bat di u paniwalaan c jossa...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status