Share

002 - The Handsome Pizza Delivery Boy

            HUMUGOT SIYA NANG MALALIM NA PAGHINGA. "All I need from you is to show a little bit of care to me because I am doing my best for you."

Sa muli ay hindi kaagad nakasagot si Luca sa kabilang linya. Sandali itong natahimik. Kung hindi niya naririnig ang tilaok ng mga manok sa background nito ay iisipin niyang binabaan na siya nito ng telepono. 

            Hanggang sa...

            "Subukan mong manghiram kay Riza, siguradong may ipon iyon. Kapag nakabalik na ako sa Maynila ay maghahanap ako ng trabaho at babayaran kita. Nang sa ganoon ay hindi mo ako sinusumbatan nang ganito. And that way, you wouldn't have to be so bitchy towards me."

            Iyon lang at tinapos na ng ina ang tawag.

            Umikot ang mata niya sa ere. Bitchy ba iyong nanghihingi siya ng kaunting kalinga rito? Kung tutuusin ay hindi dapat hinihingi ng isang anak sa magulang ang ganoon. Dahil ang kalinga ay kusang ibinibigay.

            Huminga siya nang malalim. Ano pa nga ba ang inaasahan niya?Siguradong bukas ay magte-text na naman ito o tatawag na parang walang nangyari. Ganoon naman na kasi talaga ito kahit dati pa, magtatampo ngayon at bukas ay okay na ulit.

            "Bwisit na buhay 'to," aniya bago inihagis ang cellphone sa ibabaw ng sofa. Tumaas yata sa ulo lahat ng dugo niya matapos ang pag-uusap nilang iyon. Oh, she wished she was never born kung ganitong buhay lang din naman ang pagdadaanan niya.

            Ibinagsak niya ang sarili sa sofa at saka sumandal sa sandalan. "I need some time off.." she murmured to herself.

            Sa mahabang sandali ay naroon lang siya, nakasandal at nakapikit. Napaigtad na lamang siya nang marinig ang maingay na tunog ng doorbell. Mabilis siyang tumayo, it could be the pizza that she ordered. It's been almost an hour since she called the pizza station and she's starved. Subalit nang buksan niya ang pinto at makitang hindi iyon delivery ng pizza ay na-dismaya at napasimangot siya.

            "Hi Miyu," nakangising bati ni Armand.

            Lalong nasira ang gabi niya.

            Armand Regis was her rich, not-so-good-looking suitor since college. Ka-klase niya ito noon sa unibersidad at noong unang kita pa lang sa kaniya ay patay na patay na kaagad sa puntong hindi na siya tinantanan ng ligaw hanggang sa magtapos sila. He had been her avid suitor for six years now, at napapagod na talaga siya sa kakulitan nito.

            Kung kaya lang turuan ang puso ay pipilitan niyang magustuhan si Armand. Dahil bakit hindi? Mayaman ang pamilya nito. Nag-mamay-ari ang mga magulang nito na napakalawak na tubuhan sa probinsya at kilalang magaling na negosyante. Kahit si Armand ay nagmamay-ari na ngayon ng isang malaking lending company. Kaya wagas kung itulak siya ng ina rito. Alam nitong may pera si Armand at may mapapala ito kung sasagutin niya ang lalaki.

            She thought of loaning a cash from Armand's company, pero nag-aalala siyang baka may hinging kapalit ang lalaki. Isa pa'y ayaw niyang magkaroon ng utang na loob dito.

            "May pinuntahan akong kaibigan malapit dito sa townhouse ninyo, kaya naisipan kong dumaan sa'yo."

            She almost cringed when Armand smiled at her. His buck teeth turned her off.

            "I appreciate you taking the time to visit pero—"

            "I love you, Miyu. Alam mo kung gaano ka-laki ang pagkakagusto ko sa iyo at hindi ako kailanman mawawalan ng pag-asang magugustuhan mo rin ako."

            I doubt it. Pilit siyang ngumiti. "At malinaw ko ring sinabi sa iyo na hanggang pakikipagkaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo, Armand."

            "Miyu—" Humakbang papasok ng pinto si Armand at napa-atras siya. Oh, she could smell the alcohol from his breath. Naka-inom ito at siguradong mahihirapan siyang paalisin ito. Napasulyap siya sa maliit na gate ng apartment nila. Hiniling niyang dumating na sana ang Tita Riza niya. Mag-a-alas siete na ng gabi at siguradong pauwi na iyon.

            "Bakit ba kay hirap sa iyong tanggapin ako bilang kasintahan? I could give you everything you want and need. I can give you all my love, too," pagsusumamo nito.

            Muli siyang napa-atras. Hawak-hawak pa rin niya ang door knob at handa na siyang ibagsak pasara ang pinto nang muling mapasulyap sa gate. Sa harap niyon ay pumarada ang isang malaking motorbike kung saan bumaba ang isang matangkad na lalaki. She frowned.

            "Please, Miyu? Give me a chance."

            Hindi kaagad siya nakasagot sa sinabi ni Armand dahil ang buong pansin niya ay nasa lalaking pumasok sa gate nila at naglakad palapit bitbit ang dalawang box ng pizza na in-order niya kanina. Lalong nangunot ang noo niya. Ilang beses na siyang um-order ng pizza sa sikat na pizzeria na iyon pero ngayon lang may nag-deliver doon nang hindi naka-uniporme; not to mention, mamahaling big bike ang dala.

            "Well?"

            Napatingin siyang muli kay Armand. Tumikhim siya. "Sorry, I can't."

            "You can't give me a chance? Why?"

            "M-May boyfriend na ako."

            Ito naman ngayon ang kinunutan ng noo, "You're kidding—"

            Humakbang siya palabas ng pinto at nilampasan si Armand. Sinalubong niya ang lalaking bitbit ang in-order niyang pizza.

            Pabor sa kaniya ang tadhana ngayon, dahil maliban sa hindi delivery bike ang dala ng lalaki ay hindi rin ito naka-unporme. Maaari niyang magamit ang pagkakataong ito.

            Nang makita ng lalaki na papalapit siya ay nahinto ito sa paghakbang.

            "Good evening—"

            "Hi, babe!" Kumunyapit siya sa braso nito nang makalapit at hinarap si Armand na tulalang nakatingin sa kanila.

            "Babe?" ulit ng lalaki, yumuko sa kaniya.

            Napatingala siya rito. "Just play along." At kaagad din sana niyang ibabalik ang tingin kay Armand kung hindi lang siya natigilan nang mapatitig sa mukha ng lalaking katabi.

            Since when did they hire someone as handsome as this one?

            "Miyu.." ani Armand.

            Bantulot niyang inalis ang tingin sa lalaking katabi at ibinalik ang pansin kay Armand na napuno ng pagkadismaya ang mukha. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ng estranghero, hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kamay niyang naka-kunyapit sa maskuladong braso ng lalaki.

            Doon napuno ng hinanakit ang anyo ni Armand. Ibinalik nito ang tingin sa kaniya. "In the past six years ay walang tigil akong nanligaw sa iyo, umaasahang darating ang araw na magugustuhan mo rin ako. You've known me for six years now but why was it so hard for you to love me back?"

            Kibit-balikat lang ang sagot niya.

            Nagpakawala nang buntonghininga si Armand bago yumuko at humakbang patungo sa gate. Sandali itong nahinto nang mapaharap sa kanila, tinitigan ang lalaking katabi niya, bago muling yumuko at nilampasan sila.

            Hanggang sa makaalis si Armand sakay ng kotse nito ay hindi siya bumitiw sa pagkakahawak sa lalaki.

            At wala pa sana siyang planong bumitiw kung hindi lang ito nagsalita, "He's gone, you can let go of me now."

            Napasinghap siya at tila napapasong napabitiw rito.

            "S-Sino ka?" aniya.

            "A sudden amnesia, eh?" Napangisi ito. And Lord oh Lord, tila bumukas ang pinto ng langit sa pagkakangisi ng lalaki. "Ako si 'Babe', hindi ba?"

            Sandali siyang natulala habang nakamata sa mukha nito hanggang sa natauhan siya at umirap. Ramdam niya ang pag-akyat ng init sa magkabila niyang pisngi.

            "Tinatanong ka nang maayos, eh," bulong niya bago ito muling sinulyapan upang makita ang paglapad ng ngisi nito.

            Parang lokang dumagundong ang dibdib niya, at upang makaiwas na mapansin nito ang pag-hugis-puso ng kaniyang mga mata'y mabilis siyang tumalikod at humakbang papasok ng townhouse. Kinuha niya ang wallet niyang nakapatong sa coffee table sa sala saka mabilis na bumalik sa labas. Inabutan niya ang lalaking nakatayo sa harap ng pinto.

            "Magkano?"

            "Iyong pizza o iyong talent fee ko sa biglaang stage play?"

            "Maniningil ka ng TF samantalang wala ka namang naging linya sa drama ko kanina. Magkano ang pizza?"

            Bahagyang natawa ang lalaki saka sinabi ang halaga ng dalawang box ng pizza. Pagkabigay niya ng bayad ay kaagad niyang kinuha mula rito ang mga box at akmang isasara ang pinto nang muling itong nagsalita.

            "Here's the receipt. At may sukli ka pa—"

            "Itapon mo na lang ang resibo. And just keep the change." Akma na niyang isasara ang pinto nang bumaba ang kaniyang tingin sa suot nitong hapit na poloshirt at pantalong maong. Doon siya may naisipang itanong. "Bakit hindi ka nga pala naka-uniporme?"

            Nagkibit-balikat ito. "Hindi ba't naging pabor naman sa iyo ang hindi ko pagsuot ng uniporme, Ma'am?" Diniinan nito ang huling salita na ikinataas ng kilay niya.

            Antipatiko 'to ah? "Gusto mo bang i-report kita sa opisina niyo?"

            Umiling ito saka muling ngumiti.

            Aba, iba rin. Makakain ko pa ba 'tong pizza na 'to kung nabusog na ako sa pagpapa-cute ng kumag na 'to?

            "Thanks for the tip." Kinindatan siya nito bago tuluyang tumalikod. Hindi siya nakaalis sa kinatatayuan hanggang sa maka-alis ito sakay ang dalang motorbike.

            Inisara niya ang pinto at tulalang napasandal sa likuran niyon. Hindi niya alam kung ano'ng mayroon sa gabing iyon; pero nawalan na siya ng ganang kumain ng pizza.

            Tatlong sunud-sunod na tao ang naka-usap niya nagdulot ng iba-ibang emosyon sa kaniya; pagkapikon para sa ina, pagka-umay para kay Armand, at pagkamangha sa gwapong pizza delivery boy. Este, man. Hindi boy. Mamang-mama na 'yong lalaki.

            Isang mahabang paghinga ang pinakawalan niya bago umalis sa pagkakasandal sa likuran ng pinto at dinala ang pizza sa ibabaw ng coffee table. Bahala na ang Tita Riza niyang ubusin ang mga iyon. Matutulog na siya para ipahinga ang utak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status