Share

Chapter 02

                {A little Flashbacks}

  ~6 months efter Jiro leaves Sandra~

"Biana is that Sandra? Jiro's wife? Oh is she pregnant?" Tanong ng isa sa kaibigan ni Biana na si Nica.

Binalingan ni Biana ng tingin ang babaeng tinutukoy ni Nica at nanlaki ang mga mata ng makitang may kalakihan na ang tiyan nito.

No! it can't be! Paano kung anak nila ni Jiro ang dinadala niya? Paano kapag nalaman ito Jiro? Paano ako!

" Oh Oh. I'm sure once Jiro find out

about the baby he will postpone the annulment."  Saad ni Nica sa dalaga.

"No! It can't be Nicz,hindi pa nga tapos ang annulment nila dahil ayaw niya umattend and now i know why she can't attend.

At hindi pwedeng malaman ni Jiro 'to baka maudlot pa ang annulment nila at magkakaroon pa ako ng kaagaw sa kniya." Naiiritang saad ng dalaga.

"So, what you gonna do now?"Pagtatanong ni Nica sa kaibigan.

"Let see." Saad ng dalaga at tumayo.

Hindi pa man siya nakakahakbang papunta kay Sandra ay natigilan siya at nanlaki ang mga mata ng makitang nagkasalubong ng tingin sila Sandra na noon ay papalabas na ng coffee shop  at Jiro na noon ay papasok naman.

Halos naging statwa na si Biana sa gulat at takot, hindi niya alam kung anong gagawin. Ngunit iisa lang ang nasa isip niya, ano man ang gawin niya hakbang hindi na niya babago ang tadhanang alam na ni Jiro ang tungkol sa sitwasyon ni Sandra.

"Nicz... Let's get out of here. I-I can't stand it." saad ng dalaga at nag mamadaling tumakbo papalabas ng coffee shop. Agad namang sinundan ito ng kaibigang si Nica.

Habang ang gulat na gulat na si Sandra ay bago palamang nakabalik sa kaniyang diwa. At sinubukang umiwas kay Jiro ngunit huli na dahil agad siyang hinawakan sa braso ng binata.

"So this is the reason why you can't show up at the hearing? Hanggang kailan mo balak itago sa akin 'to ha Sandra?" Tiim bagang na tanong nito sa dalaga.

Matamang na tumitig si Sandra sa binata at kinalas ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso niya .

"You know what Mr. Alcantara, it doesn't matter if I show up or not as long as i can sign the contract without questioning you or complaining my rights as your wife.

Kaya bakit ba gusto mong umattend pa ko? para ano ipakita at ipamukha sa akin na wala na akong halaga at wala akong karapatan ganoon ba?

Well for your information Mr. Alcantara, I don't give a f*ck anymore. Wala na akong pakialam sa kung anong balak mo sa buhay mo, ayaw mo pa noon malaya ka na? Pwedeng-pwede niyo ng ipagpatuloy ni Biana ang naudlot niyong pagmamahalan hindi ba't iyon naman ang gusto mo?" Panunuyang saad nito sa lalaki.

Kahit ang totoo ay kabadong-kabado na siya. Knowing Jiro, hindi siya titigil hanggat alam niyang may karapatan siya mapatao man o bagay.

At ayaw na niyang mangyari iyun, gusto na niyang mamuhay ng maayos at tahimik kasama ng magiging anak niya. Malayo sa gulo at malayo sa taong nanakit sa kaniya.

"Well, I think I should change plans." Seryosong saad nito habang direktang nakatingin sa mga mata niya.

Hindi niya napigilan ang sarili, sa sobrang kaba at inis na naramdaman kusang umangat ang kamay niya upang sampalin ang binata.

"F*ck you Mr. Alcantara. Paalala ko lang sayo Jiro,hindi lang isang plano o presentation ang sitwasyon natin na p-pwede mong e-edit at baguhin.

Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nanloko at ikaw ang nanakit. Hindi ako papayag na sa pagkakataong ito ay ikaw na naman ang c-control sa buhay ko.

Pinlaya na kita, kaya sana hayaan mo na rin ako. Maging masaya ka nalang sa desisyong pinili mo at sa piling ng babaeng tunay na mahal mo." Saad ni Sandra kahit pa masakit sa dibdib niya ang huling sinabi.

Bahagyang natigilan ang binata sa hindi niya malamang dahilan. At sa totoo lang, sa ilang buwan na hindi niya nakasama ang dalaga hindi niya maipaliwanag kung bakit, palagi niya itong hinahanap kahit pa kapiling at kaharap niya na ang babaeng mahal niya.

Palagi niyang hinahanap ang init ng mga yakap nito, ang boses nito sa tuwing tinatawag siya o nilalambing at  lalo na ang boses nito na punong-puno ng pagmamahal sa tuwing binibigkas ng dalaga ang salita Iloveyou asawa ko.

Halos hindi na rin siya makatulog sa gabi  dahil sa tuwing pipikit siya palaging rumirehistro ang maamong mukha nito. Iyun ang dahilan kung bakit gustong gusto niya itong makita sa hearing ng sa ganoon malaman niya kung magbabago ba ang nararamdaman niya.

Nakita ni Sandra na natigilan ang binata, agad siyang kumilos upang makalayo sa binata ngunit masyadong maagap si Jiro kaya hinawakan nito ang dalaga sa kamay at inakay papalabas ng coffe shop papunta sa parking lot kung saan naka park ang kotse nito ilang metro lamang ang layo sa mismong coffee shop.

Binuksan ni Jiro ang passenger seat upang papasukin si Sandra sa kotse ngunit nagmatigas ang dalaga.

"No! I can drive myself home at hindi ako sasama sayo, so please don't get in my way." Pagmamatigas nito at pilit inaalis ang kamay niyang nakakapit sa dalaga.

"What?! You always drive alone? Don't you know pregnant woman can't drive alone especially when thier tummy are  already big. You're being careless Sandra!" Panenermon niya sa dalaga. Inirapan lamang siya nito at pilit paring inaalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito.

"Whatever Jiro, pwede ba pabayaan mo nalang ako, isa pa baka hinahanap kana ni Biana madamay pa ako sa alitan niyo.

At isa pa nananahimik na ako kaya pwede ba lubayan mo na ako dahil wala kang mapapala sa akin."Pagmamatigas nitong muli.

Kaya seryoso na niya itong tinitigan, because he knows that when he look at her that way she will obey him.

Alam niyang  hindi tama natakutin siya ngunit ito lamang ang paraan para mapasakay na niya ito at isa pa ayaw niya itong masaktan pa physically especially now that she's pregnant.

Natigilan si Sandra ng makita na naman ang titig na iyun ni Jiro, Jiro still knows how to make her  follow him.

Hindi niya alam sa sarili kung bakit sa tuwing tititigan siya nito ng ganito ka seryoso ay kusang nawawal ang tapang at tatag niya.

"Please... get in the car... please.. baby."Masuyong saad nito na ikinaguly at ikinahina lalo ni Sandra.

Tang*na! That was his magic word when we still ok as husband and wife.

Napabuntong hininga si Sandra upang itago ang pagkaapekto niya sa binitawang salita ni Jiro. At tahimik na sumakay sa sasakyan nito.

Tahimik ding sumakay ng kotse sa Jiro at naupo sa driver-seat.While his starting the engine, she asked Sandra.

"Give me the address where you live, I'll drive you home."Saad niya. Napabuntong hininga na lamang muli si Sandra tanda ng pagsuko niya, dahil kahit ano namang gawin niya hindi siya mananalo sa kakulitan at katigasan ni Jiro.

Sinabi nito kay Jiro ang address kung saan siya tumutuloy  na nagpakunot-noo kay Jiro.

"Why are staying at Lino's condo?" Nakakunot-noong pagtatanong niya sa dalaga habang nagsimula ng magmaneho.

Pumikit na lamang si Sandra at hindi na sumagot. Masyado na siyang na stress sa araw na'to. Hindj siya dapat maglaka-stress lalo na at maselan pa ang pagbubuntis niya.

"Stttk! Kaya pala hindi kita makita at mahanap-hanap sa lalakeng 'yon ka pala nag tatago." Pagpapatuloy nito.

Hindi parin sumagot ang dalaga kaya sinulyapan niya ito ng tingin at ng makitang nakapikit ito ay napabuntong hininga siya.

Marahil ay napagod ito sa naging sagutan nila. Napahigpit ang ang kapit niya samanebela ng maisip na baka na stress niya ito at ang baby.

"I-How's the baby? How's your pregnancy? Are your morning sick--" napatigil siya sa pagsaslita ng marinig ang mahinanh paghilik nito.

Napangiti na lamang siya. Totoo nga  na madalas antukin at mabilis makatulog ang mga buntis.

Hindi na nagsalita pa si Jiro ng sa ganoon ay makatulog at makapag pahinga ng maayos si Sandra.

Nagpatuloy na lamang siya pagmamaneho and instead na sa adress na binigay ni Sandra siya tumungo ay ibang daan ng tinahak niya.

Dadalhin niya si Sandra sa lugar kung saan hindi na nito magagawang iwasan siya. Sa lugar kung saan pwede na niya itong makausap ng maayos.

I'm sorry Sandra if I make it hard for you and for our baby. I promise I'll make it up to you. And I promise i will make everything alright.

Just let me do this right Sandra... just let me make things right this time.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thank you for reading and supporting my stories ❤️

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status