Share

Chapter 3

Nagising ako ng puting kisame ang bumungad sa akin, at alam ko na kung nasaan ako. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at bumasok sina Kylie at kuya Magnus.

"Hi, how's your feeling now?" Pagtatanong nito ng makalapit sa akin. Kahit medyo nang hihilo pa ay ngumiti ako.

"I'm perfectly fine kuya just a little bit dizzy. "Saad ko.

"It's good to hear that you're ok, nag-alala talaga kami lalo na ako ng malaman naming isinugod ka sa hospital."Saad ni Kylie na halata pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

Nginitian ko ito." You don't have to worry about me Ky., I am strong like a lion." Pabirong sabi ko na ikinairap niya.

"Gaga, kahit may nararamdaman kana puro ka parin biro. And btw tawagan mo ang mommy mo para malaman niyang ok ka lang, naku kanina pa tawag ng tawag iyon kulang nalang eh lumipad papunta dito."

Saad ni Kylie sa napapailing.

Natawa nalang ako saka nag patulong kay kuya Magnus na makaupo.Nang makaupo na ako ay iniabot sa akin ni kuya Magnus ang cellphone ko at ng hawak ko n aito ay agad ko ng tinawagan si mommy.

Hindi pa nakakatatlong ring ay sinagot na ito.

" Izhier baby! How are you huh?! Sabi ko naman kasi sayo 'wag ka nang bumalik dyan eh!" Saad nito na bakas na bakas ang pag-aalala narinig ko din ang pag-iyak nito.

Nalungkot tuloy ako,mula nung magising ako sa pagka-coma inalagaan ako ni mommy na parang bata at binantayan na para paring baby.

Hindi ko siya masisis kung ganun nalang ang pag-aalala niya sa tuwing malalaman niyang nasusugod ako sa ospital. She almost lose me, hindi na niya kakayanin pa kapag may mangyari na naman sa akin.

"Mom relax,  I'm fine wala po kayong dapat ipag-alala isa pa kuya Magnus and Kylie will take care of me. Hindi na po ako bata I can handle myself mom, you should take care of yourself." Saad ko.Tumatanda na rin kasi si mommy at may iilang maintenance na gamot na rin siyang iniinom.

Ilang sermon at pagbibilin pa ang sinabi ni mommy bago nagpaalam na ibaba na ang tawag at my lakad daw ito kasama ng asawa na si Tito Greg kaya nakahinga ako ng maluwag ng binaba na nito ang tawag.

Sigurado akong mauuwi na naman sa pag papabalik niya sa akin sa Canada ang usapan namin. Hindi kasi talaga siya sang-ayon sa pagbalik ko dito sa Pilipinas, nakiusap lang ako para rin naman ito sa akin.

I want to know my past, gusto kong malaman ang lahat tungkol sa nakaraan ko lalo na ang mga taong nakilala ko noon na mayroong ugnayan sa nakaraan ko.

Gusto kong malaman ang lahat lalo na ang dahilan kung bakit humantong sa sitwasyong nagawa ko ng kitilin ang sarili kong buhay o kung talaga bang ginawa ko iyun.

Nang magising ako sa pagka-coma at malaman na ganoon ang nangyari sa akin, Bakit at kung anong dahilan agad ang unang tanong na pumasok a isip ko.

Tinanong ko sila pero lahat sila wala ring alam, isang tao lang ang nakakaalam ng mga nangyari sa akin pero nung time na alam na nila mommy at kuya Magnus ang ospital na pinagdalhan sa akin nawala na rin ng parang bula ang taong nagpaalam sa kanila kung nasaan ako at kung anong kalagayan ko.

Hindi rin daw ito nagpakilala o nagsabi man lang ng pangalan, ang sabi lang ay isang matalik na kaiibigan at kung magisng ako sabihin lang ay iyung dating condo malalaman ko daw  kung sino siya.

Ang kaso paggising ko wala na akong maalala maliban sa pangalan ko, sa mga magulang ko sila kuya Magnus at Kylie at ibang friends ko na nakilala ko during my college days after that wala na.

One week after kong makalabas sa ospital sa tuwing may familiar na mga boses at bagay akong nakikita naririnig o na-experience laging may nag-f-flash na mga eksena sa utak ko at kasunod noon ang pagsakit ng ulo ko at kung hindi ko kaya nawawala  ako ng malay gaya na lamang ng nagyari ngayon.

Kaya minabuti kong bumalik dito ng sa ganoon ay malaman ko ang lahat at totoong nangyari sa akin. Napabuntong hininga ako ng sumagi sa isip ko si Mr. Alcantara.

Gustuhin ko man na magtanong sa kanika Kylie ay hindi ko na ginawa. Masyado na kasi silang busy at abala sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal masyado na silang maraming iniisip at ayoko ng dagdagan pa ang pressure nila.

"Kuya kailan daw ako pwedeng makauwi?"Pagtatanong ko.

"Sabi ni doc you can go home after some examination at kung ok na ang pakiramdam mo.

Later on, doctor will be here to examine you then after they see the results we can take you home." Saad nito, tumango-tango naman ako.

"Mabuti naman kung ganoon, nakakainip kasi dito. " Nakasimangot na sabi ko na ikinatawa lang ni kuya  Magnus. Alam na alam niya kasi na ayaw na ayaw ko sa ospital.

Ikaw ba naman ilang taon kang nakahiga sa ospital tapos nung nagising ako ilang buwan pa ang nilagi ko sa ospital bago ako tuluyang ma discharge.

"By the way Ash you want some apple or any fruits? Ipaghahanda kita." Offer ni Kylie agad naman akong tumango.

I really love to eat fruits especially apple and grapes they're my favorites. At mas madalas akong kumain lang ng gulay like salad then sasamahan ko lang minsan ng itlog. Hindi ko kasi hilig ang kumain ng kumain ng kanin, ewan ko ba ayaw kong nakakakita ng kahit na kaunting fats sa katawan ko lalong-lalo na sa tyan ko.I just want to maintain my body figure,

"Yeah sure, apple and grapes please!" Saad ko at nagpasalamat na rin. Ilang saglit lang ay may tumawag kay Kylie, it's her sister pinaalalahanan siya about sa family dinner nila. Nagpasalamat naman si Kylie rito dahil pinaalala niya at muntik na raw niyang makalimutan.

"Ash sorry ha, kung hindi ka namin masasamahan ngayon pauwi may family dinner nga pala kami. Huwag ka mag-alala pinasundo ko narin si manang Sonya para masamahan ka pag-uwi." Saad ni Kylie.

"It's ok Kylie I'm fine, i can handle myself. Sige na at baka malate pa kayo sa dinner ninyo.'' Saad ko. Sumang-ayon naman sila kuya Magnus at nagpaalam nang umalis.

Ako naman ngayon ay naiwang mag-isa at nag-iisip. Iniisip ko kung nakilala ko na ba si Mr. Alcantara noon or baka magkakilala na talaga kami.

And why he keeps calling me Sandra? I don't even know her nor hear her name. Do I look like her? Tsk! I need to restore my memory back ng masagot na lahat ng katanungan ko.

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa mesang nasa gilid ng hinihigaan ko. Kinuha ko ito at nakita ang isang message.

Pinindot ko ito at napakunot-noo ako ng makitang unknown number ang nakalagay. Lalong napakunot-noo ako ng mabasa ang nakapaloob sa text lalo na sa kung kanino ito galing.

"If you're fine and already got out , go to my office we need to talk. It's Jiro Alcantara."

Napataas ang kilay ko matapos mabasa ang text. Like who do he think he are? Hindi siya tatay ko o boss ko para utusan niya. I deleted the text and blocked the number.

I don't want to encounter him again, baka hindi pa ako nakaka isang oras mula ng makalabas dito eh narito na naman ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status