YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE ( SPECIAL CHAPTER)Michaella Gomeza POV:Nakatingin ako sa notebook ko nung highschool na nawala ito sa akin. Panay ang hanap ko nito kasi nandito ang mga drawings ko lalo na sa mga alaala ko kay Ignacio. Naisipan ko kasi magligpit at baguhin ang ayos ng kwarto niya dito sa bahay ng mga magulang niya. Habang naglilinis ay nakita ko ito sa cabinet niya. Familiar sa akin kaya pinakialaman ko na. Sabi ni mommy nakita daw ito ni Ignacio sa sahig ng paaralan kaya pinulot niya at nakalimutan na ibalik sa may-ari at ako yon. Panay iyak ko dahil sa mga nababasa at nakikita ko sa loob nito noong nahanap ko.Narinig kong bumukas ang pinto."Iha! Ready kana? Nakahanda na ang sasakyan na dadalhin niyo ng mga anak mo papuntang cemetery. Yung anak mong si Saul excited ba namang pumunta, hay naku inuubos na niya ang mga pananim ko na bulaklak sa garden dahil panay pitas niya kahit pwede namang isang steam lang, gusto pa talaga kumpol-kumpol na bulaklak." natataw
Chapter 1"Aray! Ano ba? Kung maglakad-lakad ka naman tumingin sa daan hindi kung saan-saan." taas boses na sabi ni Eula na isa sa mga kaklase ko. Mataray, maarte, yan ang katangian na meron siya. Yan din ang bansag sa kanya."Sorry, hindi ko sinasadya," hingi ko na tawad dahil nagkabunggoan kami habang papunta ako sa aking upuan kung saan ako nakaupo. Sa dulo banda hindi malapit sa pintuan, mabuti na lang at may bintana kaya kahit papano ay makikita ko parin kung sino ang nasa labas. Wala na akong mauupuan sana dahil late akong nakapag-enroll kaya dito na ako pinaupo, mabuti na lang may extrang upuan ang kabilang kwarto kaya hiniram muna ng guro namin.Dahil wala pa ang guro namin kaya maiingay na kaklase ang maririnig mo. Usap ng mahina sa katabi na kayo lang makakarinig, meron ding nag-uusap na walang pakialam kung umabot sa kabilang section ang boses. Walang ibang grupo na maingay sa classroom namin kundi ang mga lalaki.Pinapangunahan na ito ng mga kagrupo ni Ignacio Baltimoor
Chapter 2"Anak! Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay, aalis lang kami ng tatay mo papuntang bayan, ikaw na ang magpakain sa mga kapatid mo!" wika ni mama. "Sige po nanay," sagot ko habang inuunat ang katawan ko.Alas singko palang ng umaga at kakagising ko lang, dahil laging maagang umaalis ang mga magulang ko para pumunta sa dalampasigan para pumalaot o di kaya pupunta ng bayan para magbenta ng mga nahuli nila na isda, ganito dito sa bayan namin maaga pa lang, gising na ang mga tao kaya siguro ganun din ako kaaga kahit wala naman akong lakad. Six o'clock palang ng gabi gumagayak na kami para matulog.Ako kasi ang nag-aalaga ng mga kapatid ko kapag walang pasok, kapag meron naman, si nanay. Uuwi lang siya ng maaga bago mag alas syete ng maaga para ako naman ang aalis papuntang paaralan.Dahil Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Bumangon na ako para malock ang pinto pagkaalis nila. "Mag-iingat po kayo nanay at tatay doon, ako na po ang bahala sa mga kapatid ko." sabi ko habang naka
Chapter 3 "Oops sorry! Ang lampa mo kasi!" pinigilan ko ang sarili ko dahil sa sinabi ni Eula. Sa nanginginig na mga tuhod lumuhod ako para pulutin ang natapon sa sahig, wala namang nabasag dahil plastic bowl naman nakalagay ang ginataang langka at tubig.Nag-angat ako ng tingin at yun na lang ang paglaki ng mga mata namin, ako at ang ibang estudyante na dinambahan ng suntok ni Ignacio ang lalaking estudyante kung bakit ako ngayon natalisod."Gago!" "Mas gago ka! Nakita ko yun huwag ka ng nagmamaang maangan pa!" galit na sabi ni Ignacio sa lalaki na hindi ko malaman kung ano ang relasyon nila ni Eula dahil minsan ko silang nakita na magkasama."Do not touch that Mica," binalingan ko siya dahil sa narinig na pangalan. Nakatingin ito sa akin kaya hindi niya napansin ang estudyante na sinuntok niya kanina na kumuha ng tray at ihahampas na sana kay Ignacio, bigla akong tumayo para sa akin mapunta ang gusto niyang ihampas kaysa taong gusto lang akong tulungan.Kaya sa akin nahampas ang
Chapter 4"Nandito kami ngayong hapon sa gym dahil nanood ng basketball, huling practice para sa intramurals na gaganapin next week. Binihasa ko na rin ang sarili ko sa paglalaro ng chess dahil yun ang gusto ko na salihan. Pandagdag na rin sa puntos ng grades ko. Pangit naman kung mas marami at malalaki pa ang mga pimples ko kaysa sa mga grado ko.May kanya-kanya namang kinaabalahan at gustong salihan na activities ang ibang mag-aaral. Bata pa lang ako na mahilig na akong maglaro ng chess dahil ang tatay ko ay mahilig din maglaro ng ganyan at katunayan lagi siyang panalo sa mga sinasalihan niya noong kabataan niya. Sa kanya ko natutunan ang paglalaro dahil tinuturuan niya ako kapag may oras siya o pampalipas lang ng antok.Libangan ko lang naman dati hanggang iyon na lang ang naging pambato ko kapag may intrams kami sa school dahil mas madali na sa akin at hindi kapa mapapagod. Mabuti at available sa school namin kaya ng nabalitaan ko, nagmungkahi agad ako na ako na sa chess, nasa mg
Chapter 5Nasa locker room kami ng mga babae at naghahanda na para sa laro namin maya-maya lamang. Ngayon araw magsisimula ang intramurals namin kaya heto kami at todo practice pa ang iba at ako naman ay nag-aayos lang ng buhok na tuwid at mahaba at ginawa kong lang ay ponytail."Sana manalo tayo mamaya sa cheerdance at volleyball para naman malaki na grades ang matanggap natin," sabi ni Cathy kaya sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya kahit hindi naman ako kabilang dahil inaasam ko rin na manalo ako, lalo at ako lang sa mga kaklase namin ang sumali sa chess.Wala akong talent sa pagsasayaw, meron naman sa boses pero sakto lang. Sa chess lang yata ako pwede at taga cheer ng mga ka teammate."Goodluck sa laro mo mamayang hapon Mica, manunuod kami sa'yo. Kaya go go ka lang at magchecheer lang kami sayo." ani ni Sophia at nginitian ko siya."Salamat…kayo rin goodluck alam kong kaya niyo yan," sabi ko naman. Sino ba naman ang nagtutulong-tulungan kundi kami-kami rin.Nauna ng lumabas sa
Chapter 6Kay bilis naman ng panahon, hindi mo namamalayan nasa huling year ka na ng highschool journey mo. Tapos ngayon, kung gaano kabilis ang panahon, ganun din kabilis ang pangyayari na sa isang iglap naging boyfriend ko na ang katabi ko at girlfriend na niya ako. Sarap pala sa pakiramdam na ganito. Wala ng ligaw-ligaw, kami na agad ni Ignacio. For eleven months lagi kaming magkasama, hatid-sundo niya rin ako sa bahay. Sobrang sweet niya pala na klase na boyfriend. Mas clingy din kaysa sa akin.Higit sa lahat, binago ko ang sarili ko at naging mas maalaga. Kaya ang dating maraming loyal na friend sa mukha ko ay nag sisialisan na sila kasi mga fake friends sila. Meron pa naman pero hindi na gaano karami tulad ng dati. May ginagamit na sabon si Sophia sa akin dahil maganda raw yun sa balat, hindi naman siya pampaputi kundi pang-alis lang ng mga masasamang nilalang sa mga mukha natin. "Here... kumain kapa love, hindi pa nangangalahati ang pagkain mo." ani ni Ignacio."Busog na ako,
Chapter 7One month and a half na lang ang hihintayin namin at sa wakas patapos na kami sa high school life na ito. Nakakalungkot kasi iiwan na namin ang paaralan na naging tahanan na namin ng apat na taon at hindi lang iyon ito rin ang panahon na magkahiwalay kayo ng landas ng mga kaklase at kaibigan mo.Merong iba dito na makakapag-aral agad ng kolehiyo, meron naman kagaya ko na baka hihinto muna ako ng isang taon sa pag-aaral at magtatrabaho muna. Pero kapag natuloy ang sinabi ng Tita ko na nasa Maynila na paaaralin niya ako ay igagrab ko na talaga ang ganyang opportunity kasi sayang naman.May scholarship naman daw at ayun naman sa performance ng grado ko ay acceptable naman ako na maging scholar. Kakausapin pa ni papa ang kapatid niya para malaman kung tuloy pa ba? Two years pa kasi noong nabanggit niya na paaralin ako kaya hindi ko alam kung naalala pa kaya yon ngayon."Anong oras ka aalis anak?" tanong ni mama sa akin. Kakatapos ko lang mag laba ngayon at aalis ako mamayang h