Paano mapa sayo ang puso ng taong mahal mo kung may mahal siyang iba? "Minahal ko na lang siya sa malayo." Ganito inilarawan ni Michaella Gomeza ang pagmamahal niya sa kanyang kaklase na matagal na niyang gusto. Ignacio John Baltimoore, gandang lalaki at kayamanan ay nasa kanya na lahat. Pero kahit nasa kanya na ang mga katangian ay hindi parin siya kayang mahalin ng babaeng nagugustuhan niya dahil may mahal na ito na iba. Binaling ni Ignacio ang atensyon niya sa kanyang kaklase at ka seatmate na si Michaella hanggang they both agreed to pretend to be girlfriend and boyfriend. Paano kaya sa hindi inaasahang pagkakataon ay pareho silang nagkasala at na balitaan ni Michaella na buntis siya. Will she stay and tell or run away?
View MoreYOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE ( SPECIAL CHAPTER)Michaella Gomeza POV:Nakatingin ako sa notebook ko nung highschool na nawala ito sa akin. Panay ang hanap ko nito kasi nandito ang mga drawings ko lalo na sa mga alaala ko kay Ignacio. Naisipan ko kasi magligpit at baguhin ang ayos ng kwarto niya dito sa bahay ng mga magulang niya. Habang naglilinis ay nakita ko ito sa cabinet niya. Familiar sa akin kaya pinakialaman ko na. Sabi ni mommy nakita daw ito ni Ignacio sa sahig ng paaralan kaya pinulot niya at nakalimutan na ibalik sa may-ari at ako yon. Panay iyak ko dahil sa mga nababasa at nakikita ko sa loob nito noong nahanap ko.Narinig kong bumukas ang pinto."Iha! Ready kana? Nakahanda na ang sasakyan na dadalhin niyo ng mga anak mo papuntang cemetery. Yung anak mong si Saul excited ba namang pumunta, hay naku inuubos na niya ang mga pananim ko na bulaklak sa garden dahil panay pitas niya kahit pwede namang isang steam lang, gusto pa talaga kumpol-kumpol na bulaklak." natataw
IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV PART 02:Sa daming tao sa mundo na pwedeng gawing secretary ay ex ko pa talaga, mapaglaro nga naman ang tadhana. "Really? Meant to be kayo kung ganun Ignacio, ayeehh" pang-aasar ni Shemaia sa akin habang sinusundot ng daliri niya ang gilid ng bewang ko. Kaya matalim ang ipinukol ko na tingin sa kanya pero ang isang 'to, hinampas lang ako. Ang hilig nitong manghampas.Binisita ko ang fake ko na kapatid na ito sa Manila dahil sa ilang araw ng walang paramdam at ang sabi nagbabakasyon lang. Bakasyon my ass, tapos maya-maya ako na naman kukulitin ni mommy na hindi ko na pinuntahan at binisita itong kapatid ko raw."Sa tingin ko kayo talaga ang itinadhana na dalawa kapatid kaya ihanda mo na at ilabas ang mga kayamanan mo sa isang magarbong kasalan. Okay!" umirap ako at nakita niya yun kaya panay tawa ni Shemaia. Kung ito ang inaasar, ang lakas ng toyo."Sorry boss!" Hingi niya ng tawad pero bakit ako naiinis sa tinawag niya sa akin. Why Gomeza? "Next time, do
IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV:Pagod galing sa studies at kakatapos lang ng photoshoot nitong gabi. Wala naman akong ibang pupuntahan kundi ang umuwi na ng maaga at makapag pahinga ng maaga. I have a lot of things to do tomorrow. Pagkarating sa bahay ay naabutan ko sa sala si mommy. For sure galing na naman si mom sa pag-iyak dahil sa nakikita kung umaapaw na ng maraming tissue ang trash bin.Nilapitan ko siya at hinagkan sa kanyang noo. "Good evening, mom!" I greeted her. Nasa trabaho pa si daddy at baka mamayang ten or eleven ng gabi siya makakarating ng bahay. We own one of the larger malls in this province. Kaya alam ko na kung anong kurso ang kukunin ko kapag nasa college na. Tumingala si mommy para makita niya ako, nginitian ko siya. "I'll go up first to change my clothes," paalam ko sa kanya. Tatalikuran ko na sana siya na pinigilan niya ako gamit sa paghawak sa aking siko."How's your school?" tanong ni mama habang umiinom ng wine sa kanyang wine glass. Nginitian ko siya.
Chapter 32"Mama, Ikaw po ba yan?" mahinang tanong ng anak ko sa akin."Anak? Anak ko…nandito na si mama anak. Ano ang ginawa nila sa'yo ha, anak? Sinaktan ka ba nila? Saan ang masakit sa'yo? Saan baby?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.Binuksan ko ang flashlight sa aking cellphone at nakita ko ang anak ko na nasa gilid at nakayuko. May nakalatag na maliit na kumot doon. Meron din upuan at plato at plastic na baso.Agad ko siyang nilapitan at sinuri pero wala naman akong nakitang pasa sa katawan niya o hindi ko lang makita ngayon lalo at madilim pa."Mama…natatakot po ako. May mga kumuha po sa akin na mga lalaki. Ang sabi lang nila na huwag lang akong pumiglas at sumigaw para hindi nila ako patayin mama. Kaya sa sobrang takot ko, hindi po ako gumagawa ng ingay mama. Hindi rin po ako umiiyak at hindi rin po ako sumisigaw, dahil may mga baril po sila na dala mama!" sumbong ni Saul sa akin.Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit, gusto kong maramdaman niya na nandito nga ako sa ka
Chapter 31"Kakain ka na ba? Nagdala ng ulam si Bethy?" ani ni Claire sa akin."May dinala rin kami ng fruits ni Cloud Mica, gusto mo?" sabi naman ni Shemaia habang hinahaplos ang buhok ko.Nasa kwarto sina mama, Marie, Yana, Shemaia, Claire at Bethy na galing pa mismo ng Samar at pumunta lang dito sa Negros para mapuntahan ako.Hindi ako umimik, tulala habang nakatingin sa kisame, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko ay iiyak lamang ako sa harapan nila. Ayokong makita nila ako na kawawang-kawawa, hindi ako ito. Malakas ako, matapang ako, matatag ako pero ngayon na wala pa rin sa piling ko ang anak ko para akong baliw sa kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kanya sa mga oras na ito?Wala pa ring balita, ang bagal naman ng sistema nila.Wala si papa at Tuko dahil nasa presinto, yun ang narinig ko sa usapan nila kanina. Pero ang isang 'to nandito lang sa loob ng kwarto at walang ginagawa kundi palagi lang nakatutok sa cellphone niya. Maayos naman daw ang kalagayan ko
Chapter 30Ang sakit ng ulo ko ng idilat ang mga mata ko. Agad akong bumangon galing sa pagkahiga dahil may naalala. Sa amoy pa lang ng kwarto alam ko na kung nasaan ako.Bumukas ang pinto at nakita ko ang mga magulang ko na nag-alala, ngayon lang siguro nalaman kaya ngayon lang nakarating."Mica… anak!" tawag ni mama sa akin at niyakap ako pagkalapit niya. Sa pagyakap niya pa lang bumuhos ang lahat ng emosyon ko. Umiyak agad ako. "M.. ma.. ma si Saul ma… kailangan kung iligtas ang anak ko mama. May kumidnap sa anak ko baka..baka hindi siya pinapakain..baka nauuhaw ang anak ko mama, tulong ma..papa…ang anak ko, " hagulhol ko sa kanila habang hinahaplos ni papa ang likuran ko."Anak huminahon ka anak!" Ani ni papa na mas lalong nagpahikbi sa akin. "Late na namin nabalitaan anak, wag kang mag-alala hinahanap na siya ng mga kapulisan. Humingi na rin kami ng tulong kay mayor para sa agarang pagligtas ni Saul. Tumulong na rin ang principal nung nalaman ang balita," sabi ni mama.Bababa
CHAPTER 29Hanggang nakasakay kami ng sasakyan ay tulala pa rin ako sa nalaman ko. Buntis? Ako? Ang bilis naman kumalat ang ano niya sa akin.Ngayon ko lang din napansin na hanggang ngayon hindi ko pa pala nagagamit ang napkin ko na binili ko pa nung isang buwan. Wala sa isip ko. Wala rin akong nararamdaman sa katawan ko na kakaiba kundi ang takaw ko lang sa pagkain kahit ano pa yang klase na pagkain. Kaya siguro hindi na magkasya ang mga skirt ko dahil may baby na ako sa aking sinapupunan. "May gusto ka bang kainin bago tayo pumunta ng office o uuwi na tayo para makapagpahinga ka?" tanong ni Ignacio sa akin habang inaayos ang seatbelt ko. Umiling ako dahil hindi ko rin alam kung ano ang gusto ko sa mga oras na ito."Pupunta pa tayo ng office? O sa condo na tayo? You need to rest Mica. Yan ang sabi ng doctor at dapat nakainom ka ng mga gamot na ni resita ng doktora."Sa office tayo Ignacio, may tatapusin lang ako na project niyo na hindi ko pa natapos nung nakaraan. Ayokong tumatamb
Chapter 28"Talaga! May anak kayo Mica?" tanong ni Eula sa akin. Nasa cafe shop kami ngayon at umiinom ng kape habang tinatapos ang proposal projects nila ni Ignacio sa Batangas at Makati sa Manila. Nag comfort room lang muna siya saglit kaya ako naiwan na kasama si Eula. Umirap na naman ako sa isipan ko dahil sa palagay ko ay mas mahaba na naman ang kanilang pagsasama kapag magsimula na ang business nila na isang mall din. Kalma Mica, remember? Wala na kayo ni Ignacio? Ni minsan hindi mo nadinig galing sa kanya na mahal ka pa niya at ganun ka rin sa kanya kaya wag ka nang umasa. "Oo, yung nangyari that time, hindi ko alam na may nabuo pala ako sa sinapupunan ko. Late ko na nalaman nung time na sobrang stress na ako." Ani ko sa kanya dahil gusto ko siyang sumbatan at ipaalala sa kanya na kung hindi dahil sa dalawang tao na ito ay hindi yun mangyayari sa akin . Trauma, stress and anxiety ang naramdaman ko sa mga panahon na yun. Tumango lang siya sa sinabi ko. Walang bahid ng simpat
Chapter 27Nasa airport pa lang kami ay gusto ko ng bumalik agad sa Cebu dahil sa may naalala. Ayokong alalahanin pero kusa naman itong bumabalik sa isipan ko kung bakit o paano kami umalis sa tinagurian na naming unang tahanan, ang Negros.Binalingan ko si Ignacio na kinukuha ang maleta namin. Ano kayang nasa isip niya? Hanggang ngayon ba ay nagpapanggap pa rin siya na wala siyang ginawang masama sa akin. Siya ang dahilan kung bakit kamuntikan na akong napahamak dati.Pero ano bang nangyayari sa akin na kahit ilang beses man niya akong saktan ay ito parin ako, lalo ngayon, baliktarin ko man ang mundo, may anak kaming dalawa. Kahit hindi man sabihin ni Saul ay nakikita ko kung gaano siya kasabik sa isang ama. Paano siya nangungulila. Paano niya ipagsigawan na may papa siya na matatawag. Alam kong kasalanan ko na hindi ko binanggit sa kanya ang tungkol kay Ignacio dahil akala ko hindi na magkikita pa ang landas namin o ang anak ko pero mapaglaro ang tadhana dahil siya na ang gumawa ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments