“Why are you breaking up with me!” Mariing tanong ni Eric kay Lara habang nakakuyumos ang mga kamay.
“Hindi na ako karapat-dapat para sa iyo.” “Hindi ko maintindihan. Can you please explain?” halatang nagpipigil lang si Eric ng galit at pinipilit na unawain si Lara. Inipon ni Lara ang lakas ng loob para ipagtapat ang nangyari sa kaniya noong gabi ng kanilang anniversary. Hindi niya maitatago ang katotohanan. “Eric,” at ipinagpatuloy niya ang kwento mula sa umpisa ng mga pangyayari at habang kinukwento niya nagdidilim naman ang hitsura ni Etic. “I’m sorry Eric, kahit ako walang alam sa nangyari, hindi ko rin alam kung bakit ako napunta doon. Basta ang alam ko uminom ako ng alak.” “No!”Buong lakas na sigaw ni Eric at umalingawngaw ang kanyang boses sa kabuuan ng underground parking lot ng Legaspi Corp building. “Sino siya, papatayin ko siya!” “Hindi ko kilala, hindi ko nakita ang mukha niya,” paliwanag ni Lara habang humahagulgol. “No! You’re lying, siguro talagang katagpo mo siya. Niloko mo ako Lara how could you do this to me!” “Hindi totoo yan, hinihintay kita ng gabing iyon,” patuloy siya sa pag-iyak. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at patuloy na niyugyog. “You lied to me you cheated on me! “ Patuloy nitong panunumbat wala siyang pakialam kahit nakakasakit na siya and not considering her condition. “Eric nasasaktan ako.” “I don’t care!” “Buntis ako Eric huwag mo akong saktan!” pilit niyang pinaiintindi kay Eric ang kanyang kalagayan pero tila manhid ang pakiramdam nito. “I don’t give a shit, it’s not my child!” Patilapon niyang binitawan si Lara kaya muntik na itong bumagsak sa sahig. Hinawakan ni Lara ang mga braso na iniinda ang sakit ng pagkakapisil ni Eric. “Minahal kita ng sobra!” “Hindi kita niloko,” paliwanag pa niya. “Shut up!” Aktong susugurin siya ng sampal ni Eric sa sobrang galit pero may sumalag dito. BUONG higpit na may kasamang galit na pinigilan ni Liam ang pananakit ng lalaking iyon kay Miss Bernal. Buong pwersa niya itong itinulak palayo at muntik na itong bumagsak. “Sino ka! Ikaw ba ang lalaki niya?! Papatayin kita!” Sumugod ito pero naitulak siya ni Liam at isa-isang naglapitan ang kanyang body guard. Binalingan ni Eric si Lara. “Ito ba ang ipinagmamalaki mo ha?!” Lalo nang napaiyak si Lara sa posibleng mangyari, ang madamay si Mr. Legaspi sa away nila. “Hindi Eric nagkakamali ka.” “Ikaw! Sino ka ba!” Nagpanting ang tenga ni Liam ayaw niya ng sinisigawan siya lalo at hindi niya kilala. “Do you know that this woman you are hurting is pregnant?” malumanay niyang tanong habang nakakapagpigil pa siya sa kanyang sarili. “Oo dahil malandi ang babaeng iyan!” “Who are you by the way?” kalmado pa ring tono ni Liam. “Ako lang naman ang boyfriend na niloko ng babaeng iyan, ikaw sino ka ba? Isa sa mga naloko niya?” “I’m her boss.” “E boss ka lang naman pala e, wala kang pakialam sa buhay namin kaya umalis ka na dito.” “Sorry pero hindi ko magagawa iyon,” nilinga niya ang umiiyak na si Miss Bernal at umaahon ang galit sa kanyang dibdib pero pilit niyang pinipigilan ang sarili. “Sir okay lang po ako I can handle this iwan nyo na po kami,” palapit na sana siya kay Eric nang pigilan ni Mr. Legaspi ang kanyang kamay. “Stay here,” ma-awtoridad na utos niya kay Lara. “Umalis ka na Sir bago pa ako gumawa ng action,” utos niya. “Tinatakot mo ba ako ha?” “Hindi, binabalaan lang kita.” “Okay, okay,” tinaas nito ang mga kamay na waring nang-aasar. “Aalis ako pero ibigay mo sa akin ang girlfriend ko.” “Hindi ko magagawa iyon, sorry.” “Huh! Ginagalit mo ako ha, Lara tara na!” Hindi makalapit si Lara sapagat pinipigilan siya ni Mr. Legaspi. “Lara ano ba!” sigaw ni Eric. Nalilito si Lara pero para matigil na ang gulo ay pinilit niyang makawala sa pagharang ni Mr. Legaspi pero hindi niya nagawang makawala dahil hinila pa rin siya nito “I said stay here!” Sumugod si Eric para sumuntok pero nakailag si Liam at nahawakan siya ng mga body guard nito. Binitbit nila ito palabas. Binalingan ni Liam si Miss Bernal. “Get inside the car.” Matalim ang tingin ni Liam kaya sumunod agad si Lara. Habang nagdadrive tahimik lang at malalim ang iniisip ni Liam pero ang unang dahilan ay galit. Bakit may lalaking nagagawang manakit ng babae na hindi iniisip ang maselang kalagayan nito. “Pasensiya na po kayo sa gulong dinala ng boyfriend ko,” basag niya sa katahimikan. “Bakit sinasaktan ka niya, in your condition wala ba siyang pakialam sa anak niya?” Muling tumulo ang luha ni Lara sa sinambit na iyon ni Mr. Legaspi. Sana nga anak ni Eric ang dinadala niya. “Oh I’m sorry, pwede bang huwag ka nang umiyak, makakasama sa baby mo iyan e,” pag-aalala niya. Minabuti niyang dalhin sa isang bake shop si Miss Bernal baka sakaling mag-crave siya ng sweets. Pero tahimik pa rin ito. “Okay ka lang ba Miss Bernal, do you want something to eat?” “No Sir I just want to go home.” So he drives her home. BUONG gabi na naman niyang iniisip ang kalagayan ni Miss Bernal. Nag-aalala siya sa eksenang naabutan niya kanina sa parking area ng subukang saktan siya ng kanyang boyfriend. Mukhang hindi nito gusto na magakakaanak na sila. Hindi na naman siya nakatulog. Maaga pa rin siyang nagising sa kabila ng kapuyatan niya kagabi. Naalala nga pala niya na pipirmahan na niya ang resignation letter na ipinasa ni Miss Bernal. Baka mas makabuti sa kanyang pagbubuntis. Para hindi siya mapagod at maalagaang tuluyan ang kanyang sarili at maayos na rin ang problema niya sa boyfriend niya. Sa naaalala niya pinagbintangan siyang isa sa lover ni Miss Bernal kaya mabuti ang dumistansiya muna siya rito. Pero bakit parang hindi siya pabor sa idea na iyon. Bakit parang gusto pa niyang malaman ang maraming bagay tungkol dito. Kaya naisip niyang tawagan ang kaibigang detective na si Arthur, hindi man nararapat pero malakas ang instinct niya na kailangan niyang pamatiyagan si Miss Bernal at boyfriend nito.Liam’s conscience hit him badly, bakit nga ba napakasama niya sa mag-inang Nate at Lara, wala naman ginagawang masama ang mga ito sa kanya. Simula nang araw na iyon ay sinubukan niyang lumapit kay Nate. Mabuti na lang at bata pa ito, madaling magpatawad at makalimot. Nagawa niyang makipaglaro nang buong maghapon dito habang wala si Lara. Masyado silang napagod kaya nakatulog sila sa kwarto. Ilang oras ang lumipas na nauna siyang gumising kaysa kay Nate. Pinagmasdan niya ito habang hinahaplos ang mukha. Ang hindi maipaliwanag na pakiramdam ng isang ama ay tumusok sa kanyang puso. Kaya ipinangako niya sa sarili na babawi siya kay Nate. GABI na nang makauwi si Lara at pagod na pagod dahil sa dami ng trabaho sa opisina. Dumiretso siya sa kanilang kwarto at hindi niya inaasahan ang nadatnan niya. Yes, it is Liam and Nate sleeping together na magkayakap. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at tahimik na lumapit sa mag-ama. Muli niyang napagmasadan ng malapitan ang mukha ni Liam. Natara
“Mommy saan ka galing? Sabi mo hindi ka na aalis?”Mabilis na pinalis ni Lara ang luha sa pisngi at hinarap ang anak na nakangiti.“May kinausap lang ako anak. Natakot ka ba?”Sa halip na sumagot, tiningnan lang siya ni Nate at waring ineeksamin ang buo niyang katawan.“Mommy, sinaktan ka ba ulit ni Daddy?”“Ha? Hindi anak, saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mo?” Nagkunwari siyang masaya. “Anak nag-usap lang kami ni Daddy.”“Mommy, nakita ko po kayong nag-aaway kagabi, saka hinila ka niya kanina.”Mukhang nagising si Nate kaya nakita nito ang lahat.“Anak, konting away lang ‘yon saka di ba alam mo naman na may sakit si Daddy. Kaya huwag kang magagalit sa kanya ha?” Niyakap niya nang mahigpit ang anak. Mukhang lalong nagiging komplikado ang lahat sa kanila ni Liam. Hindi niya maintindihan ang mga bintang nito sa kanya. Pero ang mahalaga sa kanya ngayon ay si Nate. Kailangan niyang magpakatatag para sa anak.“Mommy, paglaki ko aawayin ko ang mga bad guy na umaaway sayo.”“Hmmm talaga
Simula ng araw na iyon, hindi na naging madali ang lahat para sa kanilang dalawa, lalo na kay Liam.Gusto niyang maging mabait kay Lara pero bakit sa tuwing nakikita niya ito ay nakakaramdam siya ng matinding galit. Pero kapag naman nakikipagkita ito kay Clark, matinding selos naman ang sa kanya’y naghahari. Hindi na niya maintindihan ang sarili.PARA NAMAN kay Lara, mas mabuti na ang ganito na kahit wala siyang planong makipagrelasyon kay Clark, at least nakakabawas ng stress ang pagsama niya rito. Kaya kahit gabi-gabi siya nitong yayain ay okay lang. Pero may isang bahagi naman siya na napapabayaan, ang pagiging ina kay Nate. Isang tawag mula sa mansion ang nagpakaba sa kanya at nagmadaling pumunta sa hospital.This is the second time na nadala si Nate ng hospital. Ngayon, sinisisi niya ang sarili, pakiramdam niya pinabayaan niya si Nate. Tumaas daw ang lagnat nito kaya isinugod agad sa hospital.Nagulat siya sa kanyang naratnan, si Liam ang nakabantay kay Nate.“Oh my God, Nate,” p
Ang matinding sinag ng araw ang nakapagpagising kay Liam at agad siyang napabalikwas para tingnan ang oras sa kanyang cellphone. Napamulagat niya nang makitang past nine na ng umaga. “Shit!” Agad siyang bumangon at dali-daling nag-shower. Halos hindi siya nakapaligo ng maayos sa sobrang pagmamadali.Tinakbo na niya ang pagbaba at hindi na naiayos ang suot na office suit.“Liam, apo halika na kumain ka na,” alok ni Donya Leonora.“Oo nga naman anak,” segunda ni Isabel.“Sorry, but I’m in a hurry, late na ako,” tugon niya.“Don’t bother Hijo, tumawag na si Jake siya na muna ang magte-take over. Since late ka na huwag ka na ring pumasok kasi late ka na rin naman,” nakangitng pangungumbinsi ni Isabel sa anak.Napasunod naman siya ng mga ito. Umupo na lang siya dahil talaga namang late na siya. Naroon din ang batang si Nate na nakatingin lang sa kanya habang kumakain. Napansin niyang cute ang batang ito kaya naman hindi niya maiwasang sulyapan ito.“Liam, apo kumain ka nito masarap ito.”
“Late ka na ngang dumating may lakas ka pa ng loob na magkape?”Napapitlag si Lara ng marinig ang boses ni Liam na para bang nangongonsiyensiya na nakakainis ang tono. Bigla na lang itong sumusulpot. Nakikiramdam lang naman si Jordan sa nangyayari habang humihigop din ng kape.“Speaking of the devil,” bulong ni Lara.“Excuse me? Are saying something?” puna naman ni Liam.“Limang minuto lang Liam, uubusin ko lang ang kape ko okay,” pakiusap niya na medyo sarcastic na rin ang tono.“Hey, how do you address me again?” kunot noong tanong ni Liam.“Liam, why?”“Call me Sir, Mr. Legaspi, or Boss,” antipatikong sagot nito.Hayyyy bwisit talaga, tugon ng isip ni Lara.“Yes Sir, my apology,” mapang-uyam na tugon niya.Napatikhim naman si Jordan na kanina pa naiilang sa kanilang dalawa.“So, cousin, should I address you the same as Lara did?” napangiti si Jordan na parang nakakaloko.“Of course,” maikling sagot ni Liam.“Hay kung maibabalik ko lang ang panahon sana inagaw ko na talaga sayo si
As Donya Leonora’s wished, naroon na sila ni Nate para mag-stay ng ilang panahon. Ang pakiusap sa kanya ng pamilya ni Liam ay tumira muna sa mansion, baka sakaling makatulong na bumalik ang alaala nito.Pumayag siya kahit mahirap dahil talagang napakalamig ni Liam sa kanya. Kung may perfect stranger, ganon na siya ituring ni Liam ngayon.“Lara, we are so happy to see you here,” paunang bati ni Donya Leonora. Siya namang pagbaba ni Liam na inaayos ang manggas ng long sleeve ng kanyang office suit.Napatitig si Lara at talagang namangha sa kagwapuhan ng kanyang asawa, este ex na nga pala.“Apo ko good morning,” magiliw namang bati ni Donya Leonora.Nagbigay galang si Liam, pero hindi man lang siya tinapunan ng pansin kahit pa nga nag-effort siya para magpaganda.“Apo ko batiin mo naman si Lara, dito na muna sila titira ni Nate okay lang ba sayo?”“This is your house Lola you can do as you please, and I don’t mind,” malamig na tugon nito.“Salamat naman apo, teka papasok ka na ba?” tanon
Gigil na sumusuntok sa pader si Jake habang nakasuot ng tuxedo. Si Daniel naman ay hindi mapakali sa kakaisip kung paano mapipigilan ang kasal nina Mara at Liam. But it seems like it is hopeless, everything is ready, seremonya na lang ang kulang.PINUNTAHAN naman ni Liam si Mara sa dressing room na nakasuot ng wedding gown. Hindi niya maitatanggi na umaangat din ang exotic beauty nito. Kahit paano, sa kabila ng mga alinlangan at balisa ay nakuha pa rin niyang humanga sa taglay nitong ganda.“Napakaganda mo Mara.” Bahagya siyang ngumiti at lumapit kay Mara.“Salamat mahal ko, hindi na ako makapaghintay,” matamis na ngiti ang sumilay sa mukha ni Mara.“Sige na maiwan na kita, magkita na lang tayo mamaya.”Handa na ang lahat, hinihintay na lang ang pagpasok ni Mara. Wala na nga sigurong magagawa ang magkapatid na Jake at Daniel para pigilan ang kasal. Ngunit eksakto naman ang pag-send ng video ng isa sa mga imbestigador. Agad na tinawagan ito ni Jake. Habang pumapasok sa altar si Mara,
Hindi na niya masagot si Mara dahil nakapagpabagabag sa kanya ang ikinuwento ni Jake. Paano kung totoo nga. Kapag nagkataon, napakalaking tanga niya at napakagagong lalaki. Kung makapagbintang siya kay Lara pero ang totoo siya pala ang nagdala ng kamalasan sa buhay nito. At ang batang si Nate na sinasabing anak nila, kawawa naman kapag nagkataon. Kaya napu-frustrate siyang hindi agad bumabalik ang kanyang alaala. Umiinom siya ng alak habang nagpapahangin sa terrace ng kanilang kwarto nang biglang may yumakap sa likod niya.“Mahal ko, gabi na bakit nandito ka pa rin?” masuyong tanong ni Mara.“Wala, gusto ko lang magpahangin.” Sa isang banda, nakokonsiyensiya siya sa pagtrato kay Mara. Ito ang pinagkatiwalaan at minahal niya pero hindi niya magawang maibigay ang kanyang sarili rito.“Halika na, matulog na tayo,” yaya ni Mara.Napangiti siya at hinalikan ito sa noo. Hinawakan ang mukha at hinalikan sa labi. Hanggang sa mag-alab ang mga halik na iyon. Kakaibang init ang naramdaman ng kan
Maagang dumating si Liam sa office. Ipinahatid na rin niya si Mara na sumama naman sa kanya. Maganda ang umaga para sa kanya, maganda ang sikat ng araw, katamtamang lamig ng hangin, at banayad na sikat ng araw. Naisip niyang pumunta sa pantry para sana magtimpla ng kape. Ayaw na niyang magpatimpla sa mga personnel doon dahil hindi niya gusto ang timpla nila.Namataan niya si Lara na papasok ng building, ni hindi na niya ito binati dahil wala naman na siyang pakialam dito matapos ang insidenteng nangyari sa kanila ng nakaraang araw. He hate the fact that she is like pushing herself unto him. Bahagya siyang napatawa sa isiping napakababa siguro nitong babae. Siguro patay na patay ito noon sa kanya. Napapangiwi lang siya habang minamasdan ito sa paglakad. Pero nasamid siya ng iniinom na kape nang makitang may lalaking nakasunod dito at inabutan ito ng kape na inorder pa sa coffee shop.Biglang nagsikip ang kanyang paghinga habang tinitingnan ang mga ito sa dingding na salamin. Masaya si