DIS oras ng gabi narinig ni Lara ang lasing na boses ni Eric sa labas ng kanilang bahay. Nagsisigaw ito ng masasamang salita laban sa kanya. Nag-eeskandalo na ito kaya nagising ang mga kapatid at mama niya.
“Anak ano ba iyon?” pag-aalala ng mama niya. Nag-aalala na rin siya sa susunod na mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. At hindi siya nagkamali isinisigaw nga ni Eric ang tungkol sa pagbubuntis niya na hindi kilala kung sino ang ama dahil naging bunga ng one night stand. “Lara totoo ba?” Lalong binalot siya ng pag-aalala sa nakitang reaksiyon ng kanyang mama. Lalo na ang matatalim na tingin ng mga kapatid niya. “Lumayas ka! nakakahiya ka lumayas ka dito! Ikaw na ampon ka lumayas ka!” pagtataboy ng kanyang kapatid. "Sandali, wala akong matutuluyan saka gabi na. Pwede bang bukas na lang," pakiusap niya. "Ang lakas ng loob mo'ng makiusap. Lumayas ka!" walang awang pagtataboy ng kanyang kapatid. Wala siyang nagawa kundi ang magbalot ng mga gamit ng gabing iyon. Nakiusap na lang siya na kinabukasan na umalis dahil masyado nang malalim ang gabi. Wala pa siyang naiisip na puntahan. Now she has nothing but herself and the child in her womb. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang umiyak. Wala din siyang karapatang manatili sa bahay na iyon dahil ampon siya. Kahit ayaw ng mama niya wala din itong magawa dahil sa karamdaman nito. Hindi na ito pwedeng makipangatwiran at ipaglaban siya. “Anak paano ka na niyan saan ka pupunta?” “Hindi ko po alam Ma” “Paano ang baby mo, sabi mo pipirmahan na ng boss mo ang resignation letter mo?” At hindi na napigilan ng mama niya ang pag-iyak at niyakap siya. “Hoy ampon umalis ka na dito at baka kung mapaano pa si mama.” Lumabas na siya na dala ang ilang mahalagang gamit. Nag-check in muna siya sa isang mumurahing hotel. Pagkatapos ay nagpasya siyang pumasok para sa last day niya sa office. Sigurado namang malaki ang matatanggap niya pero alam niyang hindi iyon sasapat. Pagkatapos ng trabaho wala pa ring dumadating na notice from the office na tanggal na siya sa trabaho. Kaya minabuti muna niyang umalis at maglakad-lakad. Dumaan siya sa tapat ng Empress hotel at inalala ang mga nangyari doon na nagsilbing pasakit sa buhay niya. Hinawakan niya ang tiyan at hinaplos-haplos at kinausap ang sanggol na nasa sinapupunan. “I’m sorry baby, hindi mo ito deserve pero pangako hindi kita pababayaan. Kung nakita ko lang sana ang kanyang mukha baka sakaling maipaglaban pa kita sa kanya. Pero hindi ko nakita e.” Muling umagos ang masaganang luha sa kanyang pisngi. MABILIS na nakakuha ng impormasyon si Arthur tungkol kay Miss Bernal kaya hindi na niya pinatagal pa ang panahon na ipaalam kay Liam ang nalaman niya. Agad niyang pinuntahan ito sa kanyang opisina at hindi na ito nagulat sa kanyang pagdating. “Hey bro,” bati ni Arthur. “Hey, ano na ang balita?” “Magugulat ka sa ibabalita ko sayo.” Nakadama ng kakaibang kaba si Liam. “Okay then tell me.” “Miss Bernal is not a biological daughter kaya nang malaman ng kumukupkop sa kanya na buntis siya pinalayas nila siya.” Napapikit si Liam at humugot ng malalim na hininga. “And the baby she is carrying is not his boyfriend’s child.” Again umahon ang matinding kaba sa kanyang dibdib at parang kinakapos siya ng paghinga kaya napatayo siya sa pagkakaupo upang kumuha ng tubig at inumin ito. Nahubad niya ang suot na coat at niluwagan ang butones ng kanyang polo. Kaya pala ganon na lang nito tratuhin si Miss Bernal. “The baby was a product of one night stand that happened on the night of their third year anniversary,” pagpapatuloy ni Arthur. “S’an mo nakuha ang information na iyan?” “Sa mismong bibig ng boyfriend niya.” Kinaibigan ni Arthur si Eric habang sinusundan niya ang kilos nito. Sinamantala niya ang gabing nag-iinom ito dahil sa sama ng loob kaya madali siyang nakakuha ng impormasyon. Halos habol hininga si Liam sa kanyang nalaman. It is his child sigurado na siya walang duda mula sa impormasyon na ibinigay ni Arthur sa kanya. “Okay ka lang ba Liam?”Napansin ni Arthur ang kakaibang kilos niya. “Gusto mo bang ipahanap kung sino ang nakabuntis sa kanya?” “No! No, no, it’s okay, tapos na na ang trabaho mo.” “Alright salamat, aalis na ako, siya nga pala ang huling information ko sayo ay wala na siyang matitirahan ngayon at nagrent muna siya ng isang room sa hotel malapit sa kanilang tinitirahan at sa mga oras na ito nandoon siya sa harapan ng Empress hotel nakatambay.” “Sige salamat Arthur.” Nagmamadaling kinuha niya ang car keys at walang gatol na lumabas ng office para puntahan si Miss Bernal. Naipit pa siya ng traffic pero patuloy siyang binibigyan ni Arthur ng information dahil kasalukuyang nakamasid pa rin ito kay Miss Bernal para mabantayan niya ang location nito sa pamamagitan ng iba pa nitong mga tauhan. The last words that Arthur said is that she is crying so hard.Nanginginig ang buong katawan ni Lara nang mabasa ang mga habilin ni Liam patungkol sa isinalin na ari-arian sa kanilang mag-ina. Maging ang katotohanang ipinaubaya siya nito kay Clark. Hindi siya makapaniwala.Malungkot na ipinaalam sa kanya ni Jake ang mga naging desisyon ni Liam.“This is not true, this not true!” himutok niya.“I’m sorry Lara, nagawa ni Kuya ‘yon dahil hindi siya sigurado sa mangyayari,” paliwanag ni Jake.“Wala ba siyang tiwala sa akin, na kaya ko siyang mahalin kahit anong mangyari! Na hindi ko siya iiwan! I hate him, I hate him!” sigaw niya.Tahimik lang si Jake.“Bakit ba palagi na siyang handang iwanan ako! Bakit hindi niya ako kayang ipaglaban!”“Im sorry Lara,” ang tanging naisagot lang ni Jake.TIME pass by na pinipilit na lang ni Lara na muling mamuhay ng normal pero may kirot pa rin. Wala na siyang balita kay Liam, maging ang family nito ay hindi na rin nagbabalita sa kanya. Sa tuwing may family gathering sila ramdam niyang umiiwas ang mga ito na pag-usa
Nakiusap si Liam sa pamilya niya na makausap si Lara ng sila lang. Kaya iniwan sila ng mga ito.Pinalapit niya si Lara saka hinawakan ang kamay.“Lara, I promise to comeback in your arms. Kahit anong mangyari babalik at babalik ako sayo.” Hinagkan niya ang kamay nito.“Panghahawakan ko ang pangako mo. At nangangako rin ako na aalagaan ko ang aking sarili at si Nate. Ikaw din, sikapin mong makabalik sa amin please.”Mas lalo lamang nadudurog ang puso niya sa mga iyak na iyon ni Lara. Hindi nito deserve ang masaktan pa.Minabuti niyang tawagan si Clark Manson upang kausapin ng masinsinan. Walang ibang nakakaalam kundi silang dalawa lang.“Clark Manson, siguro naman alam mo ang kondisyon ko,” paunang salita niya. “I don’t know anything,” sagot nito.“My life is at risk at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako ng buhay o maayos. Tama ka isa akong duwag and I would take the opportunity of being coward.”Kumunot ang noo ni Clark. “I don’t understand.”“It’s about Lara. Gawin mo na a
“If you want her back, ayusin mo ang sarili mo,” minsang payo pa ni Liam.“Who said that I want her back. No. That bitch! Matimbang pala sa kanya ang pamilya niya e de do’n siya.”“Pamilya niya ‘yon, natural lang na gano’ n ang pagtingin ni Abby.”“But I’m her husband, may pamliya na kami, suppose to be.” Napangiti siya ng may kapaklahan dahil naalala niya ang ginawa nitong pag-take ng pills na lingid naman sa kanyang kaalaman na ang pinakadahilan ay ayaw nitong magkaanak.“Baka naman may mabigat siyang dahilan.”“Tss. Whatever, basta ayaw ko na siyang makita.MGA ILANG buwan rin ang lumipas na talagang nawalan na sila ng balita kay Abby.Tuloy pa rin ang buhay, ngayon naman si Jordan na ang ikakasal. Nag-eempake si Liam ng gamit na dadalhin niya habang si Lara naman ay inaayos ang gamit ni Nate. All of a suuden nakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo. Pinigilan niya ang mapasigaw sa sobrang sakit, dahil inisip niyang baka naman simpleng sakit lang at mawawala rin maya-maya. Medyo n
Hating gabi, sa kalaliman ng kanilang pagtulog, walang humpay ang pagtunog ng cellphone ni Liam. Kaya napilitan siyang magmulat ng mga mata. Si Jake ang nasa caller ID.“What the hell, gabing-gabi na ah.” Sinagot niya iyon ngunit hindi si Jake ang nasa kabilang linya.“Hello, Sir ito po ba si Liam Legaspi?”“Yes, speaking.” Nakakunot ang kanyang noo at agad na napaupo. Mukhang may problema.“Ah Sir, si Sir Jake po kasi ah nandito pa po sa bar namin. Lasing na lasing at ayaw pong magpahatid sa bahay nila. Kaya kayo na lang po ang tinawagan namin.”“Okay, I’ll be right there, please take care of him at huwag ninyong hayaang umalis.”Nagising si Lara ng mga oras na iyon at nagtatakang tinanong siya.“Liam, bakit? Anong nangyari?”“Aalis lang ako, pupuntahan ko si Jake?” nag-aalalang tugon niya.“Bakit? May nangyari ba kay Jake?”“I don’t know, aalamin ko pa. Hey go back to sleep okay. I’ll come back.” Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.Tinawagan na rin niya si Daniel at napag-alama
Liam was threatened by Clark, mukhang seryoso ito sa banta. Kailangan niyang bakuran si Lara at siguraduhing hindi siya maaagaw nito.“Lara, asawa ko.” Niyakap niya si Lara matapos nitong lumabas ng banyo. Hinila papasok sa kanyang kwarto.“Hoy ano ka ba.”Tila ba nakikikiliti ito habang yakap niya sa bewang.“Liam, baka may makakita sa atin ano ka ba, nakakahiya lalo na kay Lola.”Sinimsim niya ang bango nito at buong higpit na niyakap.NARAMDAMAN ni Lara ang pagkabalisa ni Liam habang nakayakap ito ng mahigpit sa kanya.“What’s wrong?” may pag-aalalang bulong niya.“Hindi mo ‘ko iiwan di ba?” makahulugang tanong naman ni Liam sa kanya.Kumunot ng bahagya ang kanyang noo.“Bakit mo naman nasabi yan?”“Kinausap ako ni Clark kanina, desidido siyang agawin ka sa akin.”“Hmmm, kaya pala ganyan ka e. Liam ikaw lang ang mahal ko at mamahalin habang buhay. Kaibigan lang ang turing ko kay Clark.”“Hmmm. Hindi ka ba natatakot na baka masaktan ulit kita?”“Ano ka ba, wala namang nagmahal na hi
“I love you Lara. I’m sorry for what I did to you, and how I treated you. Alam kong wala na akong maalala tungkol sa iyo o kahit kanino, but now, I feel the love inside my heart. And my heart is saying I really love you,” Liam wishpered.“It’s alright, ang mahalaga nandito ka na sa tabi ko. Hindi na ako papayag na mawala ka pa sa akin Liam. Asawa ko, mahal na mahal kita.”AT PARANG isang napakagandang panaginip ang matulog na kasama sina Liam at Nate. Sa wakas, sa kabila ng lahat magkasama na silang tatlo.Napakasarap sa kanyang pakiramdam na parehong nakayakap sa kanya ang mag-ama, na animoy ayaw mahiwalay sa kanya.At sa pagsapit ng umaga, nauna siyang magising upang ipaghanda ang mga ito ng almusal.Nagulat siya ng biglang may yumakap sa kanyang likuran.“Good morning, my beautiful wife,” malambing na bati ni Liam sa kanya. “Good morning, asawa ko,” tugon naman niya.“What if I told you that I want us to have our own home? Me, you, Nate. And we’ll make more children.”Kinilig nama