Mula sa yakap na iyon para bang muling nabubuhay ang pag-asa ni Lara na bumalik ang dati nilang pagmamahalan. Kung sana nga ganon lang kadali, pero marami nang nagbago. Iba na ang pagkatao ni Liam, marami na itong hirap na pinagdaanan na maaring nagpabago na ng mga pananaw nito sa buhay. Marami na siyang alinlangan na pwedeng maging hadlang kung sakaling asamin niyang magbalik ang dati nilang pagmamahalan. Kaya naman bago pa siya malunod sa pangarap na sinisimulan niyang buuing muli ay agad na siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Liam, at agad na umalis.Mas mabuting iwasan niya ito na parang gaya lang ng dati, kahit mahirap at kahit masakit. Ang totoo, miss na miss na niya si Liam gustung-gusto na niya itong muling makatabi sa pagtulog, magisnan paggising sa umaga. Mayakap, mahalikan, makaulayaw. Pero ang lahat ay parang napakahirap na para sa kanila. Hanggang sa lumalaon ang panahon kahit paano nagiging komportable na si Liam sa kanyang pamilya. Ang kanyang alaala ay hindi pa rin bu
Hiyang-hiya si Lara sa nangyari kaya naisip niyang kausapin si Liam ng sarilinan upang linawin ang kanyang sarili na hindi niya sinasadya ang pagkakayakap niya ng nakaraang gabi. “Liam, can I talk to you for a second?” Na-corner niya ito malapit sa kwarto nito. “Yes? About what?”“Yung tungkol kagabi, ahm hindi ko intensiyon na…”“I had a very good sleep last night. Noon lang ulit ako nakatulog ng masarap.”“Ha?”“Oo, at salamat sa pagpayag mong matulog ako sa kwarto ninyo. I always had a nightmare, at nahihirapan akong ma-overcome iyon. But last night, I sleep peaceful and calm.”Ginagap nito ang kanyang mga palad. “I’m sorry about how I treated you before.”“Ha? Ganon ba?” “Oo, Lara. Sige I will prepare pa for work. Maiwan na kita.”Paano pa niya kakausapin ito sa bagay na gusto niyang sabihin gayong nagbabago ang ihip ng hangin. Bakit parang bumabait si Liam ngayon sa kanya. “Ah… sandali Lara,” pigil ni Liam sa kanya. “Yes?”“Ahm, pwede bang huwag ka nang pumasok? Just take ca
More than anything else, mas pinili ni Liam ang mabigyan ng komportableng pakiramdam ang anak niyang si Nate. Nagpapasalamat siya na kahit paano gumaan na ang loob niya rito, hindi katulad noong una na talagang mabigat ang pagtanggap niya. Dahil na rin siguro sa kanyang kalagayan.Hindi na niya inalintana ang tagal ng oras na nasa ibaba pa si Lara at kausap si Clark. Tinabihan niya si Nate at pinatulog kaya pati siya ay nakatulog na rin.HINDI naman magawang itaboy ni Lara si Clark dahil sa hiya. Okay lang, masaya naman itong kausap. Nagkape pa sila sa loob ng isang oras pero habang nagkakape, nahahati ang kanyang isip sa kung ano na ang kalagayan ni Nate, ang tanging nakita niya ay kinarga ito ni Liam. Pero pumapanatag ang kanyang kalooban dahil wala siyang naririnig na iyak.Napansin yata ni Clark na panay ang sulyap niya sa itaas kaya nagpasya na itong magpaalam.“So, I think it’s getting late in the evening and I know you have to look for Nate. Magpapaalam na ako Lara, I had fun,
“Sorry, Mr. Legaspi I need to go outside,” paalam ni Lara.“Where are you going?” kunot noong tanong ni Liam.“I need to meet Clark.” Nagmadali na si Lara sa paglabas.Hindi na nagawang pigilan ni Liam si Lara.“HEY, Clark.” Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ni Lara nang makita niya si Clark. Simula ng mag-date sila, palagi na siyang pinapasaya nito at pinakikilig at the same time. Very consistent ito sa pagtrato sa kanya, gentleman at masayang kasama. Hindi naman sa naghahanap at nag-aasam na siyang mag-asawang muli, gusto lang niya ang pagtrato sa kanya ni Clark. Siguro dahil nakakatakas siya sa unfair treatment ni Liam sa kanya. Magkagayon man, masaya siya sa kung anong meron sila ni Clark.“Hey Lara, ano dinner tayo tonight?” masayang aya nito sa kanya.“Ahm, not sure e.”“Ha? Bakit? Akala ko pa naman e okay na sayo yung usapan natin kanina.”“Sorry Clark, dinala kasi ni Liam si Nate e, kaya ayon inaalagaan ko.”“Ganon ba, what if isama na lang natin siya mamaya sa dinne
Liam’s conscience hit him badly, bakit nga ba napakasama niya sa mag-inang Nate at Lara, wala naman ginagawang masama ang mga ito sa kanya. Simula nang araw na iyon ay sinubukan niyang lumapit kay Nate. Mabuti na lang at bata pa ito, madaling magpatawad at makalimot. Nagawa niyang makipaglaro nang buong maghapon dito habang wala si Lara. Masyado silang napagod kaya nakatulog sila sa kwarto. Ilang oras ang lumipas na nauna siyang gumising kaysa kay Nate. Pinagmasdan niya ito habang hinahaplos ang mukha. Ang hindi maipaliwanag na pakiramdam ng isang ama ay tumusok sa kanyang puso. Kaya ipinangako niya sa sarili na babawi siya kay Nate. GABI na nang makauwi si Lara at pagod na pagod dahil sa dami ng trabaho sa opisina. Dumiretso siya sa kanilang kwarto at hindi niya inaasahan ang nadatnan niya. Yes, it is Liam and Nate sleeping together na magkayakap. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at tahimik na lumapit sa mag-ama. Muli niyang napagmasadan ng malapitan ang mukha ni Liam. Natara
“Mommy saan ka galing? Sabi mo hindi ka na aalis?”Mabilis na pinalis ni Lara ang luha sa pisngi at hinarap ang anak na nakangiti.“May kinausap lang ako anak. Natakot ka ba?”Sa halip na sumagot, tiningnan lang siya ni Nate at waring ineeksamin ang buo niyang katawan.“Mommy, sinaktan ka ba ulit ni Daddy?”“Ha? Hindi anak, saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mo?” Nagkunwari siyang masaya. “Anak nag-usap lang kami ni Daddy.”“Mommy, nakita ko po kayong nag-aaway kagabi, saka hinila ka niya kanina.”Mukhang nagising si Nate kaya nakita nito ang lahat.“Anak, konting away lang ‘yon saka di ba alam mo naman na may sakit si Daddy. Kaya huwag kang magagalit sa kanya ha?” Niyakap niya nang mahigpit ang anak. Mukhang lalong nagiging komplikado ang lahat sa kanila ni Liam. Hindi niya maintindihan ang mga bintang nito sa kanya. Pero ang mahalaga sa kanya ngayon ay si Nate. Kailangan niyang magpakatatag para sa anak.“Mommy, paglaki ko aawayin ko ang mga bad guy na umaaway sayo.”“Hmmm talaga
Simula ng araw na iyon, hindi na naging madali ang lahat para sa kanilang dalawa, lalo na kay Liam.Gusto niyang maging mabait kay Lara pero bakit sa tuwing nakikita niya ito ay nakakaramdam siya ng matinding galit. Pero kapag naman nakikipagkita ito kay Clark, matinding selos naman ang sa kanya’y naghahari. Hindi na niya maintindihan ang sarili.PARA NAMAN kay Lara, mas mabuti na ang ganito na kahit wala siyang planong makipagrelasyon kay Clark, at least nakakabawas ng stress ang pagsama niya rito. Kaya kahit gabi-gabi siya nitong yayain ay okay lang. Pero may isang bahagi naman siya na napapabayaan, ang pagiging ina kay Nate. Isang tawag mula sa mansion ang nagpakaba sa kanya at nagmadaling pumunta sa hospital.This is the second time na nadala si Nate ng hospital. Ngayon, sinisisi niya ang sarili, pakiramdam niya pinabayaan niya si Nate. Tumaas daw ang lagnat nito kaya isinugod agad sa hospital.Nagulat siya sa kanyang naratnan, si Liam ang nakabantay kay Nate.“Oh my God, Nate,” p
Ang matinding sinag ng araw ang nakapagpagising kay Liam at agad siyang napabalikwas para tingnan ang oras sa kanyang cellphone. Napamulagat niya nang makitang past nine na ng umaga. “Shit!” Agad siyang bumangon at dali-daling nag-shower. Halos hindi siya nakapaligo ng maayos sa sobrang pagmamadali.Tinakbo na niya ang pagbaba at hindi na naiayos ang suot na office suit.“Liam, apo halika na kumain ka na,” alok ni Donya Leonora.“Oo nga naman anak,” segunda ni Isabel.“Sorry, but I’m in a hurry, late na ako,” tugon niya.“Don’t bother Hijo, tumawag na si Jake siya na muna ang magte-take over. Since late ka na huwag ka na ring pumasok kasi late ka na rin naman,” nakangitng pangungumbinsi ni Isabel sa anak.Napasunod naman siya ng mga ito. Umupo na lang siya dahil talaga namang late na siya. Naroon din ang batang si Nate na nakatingin lang sa kanya habang kumakain. Napansin niyang cute ang batang ito kaya naman hindi niya maiwasang sulyapan ito.“Liam, apo kumain ka nito masarap ito.”
“Late ka na ngang dumating may lakas ka pa ng loob na magkape?”Napapitlag si Lara ng marinig ang boses ni Liam na para bang nangongonsiyensiya na nakakainis ang tono. Bigla na lang itong sumusulpot. Nakikiramdam lang naman si Jordan sa nangyayari habang humihigop din ng kape.“Speaking of the devil,” bulong ni Lara.“Excuse me? Are saying something?” puna naman ni Liam.“Limang minuto lang Liam, uubusin ko lang ang kape ko okay,” pakiusap niya na medyo sarcastic na rin ang tono.“Hey, how do you address me again?” kunot noong tanong ni Liam.“Liam, why?”“Call me Sir, Mr. Legaspi, or Boss,” antipatikong sagot nito.Hayyyy bwisit talaga, tugon ng isip ni Lara.“Yes Sir, my apology,” mapang-uyam na tugon niya.Napatikhim naman si Jordan na kanina pa naiilang sa kanilang dalawa.“So, cousin, should I address you the same as Lara did?” napangiti si Jordan na parang nakakaloko.“Of course,” maikling sagot ni Liam.“Hay kung maibabalik ko lang ang panahon sana inagaw ko na talaga sayo si