Share

CHAPTER 07: Wallet

Penulis: ROSENAV91
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-06 16:28:34

CHAPTER 07

Yaya Lingling and the Billionaire's twin

“Anong nangyayari sa iyo at noong isang araw ka pa balisa?” tanong ni nanay sa akin. “Ano ba talaga ang nangyari sa lakad mo noong nakaraan? Pinayagan kitang umalis dahil sa tingin ko ay kaya mo na pero nitong huling alis mo ay para kang takot ka o ano.” dagdag pa niya.

Nasa kwarto ako at hanggang ngayon minsan lang akong lumalabas ng bahay.

Nginitian ko si nanay at binalik ang attention sa binabasa ko na libro.

"Wala naman nanay, nag-iisip lang po ako kung saan na naman ako maghahanap ng trabaho." saad ko kahit kalahati na rason ay hindi tungkol sa paghahanap ng trabaho. Naalala ko kasi palagi ang nangyari sa lalaki, hindi ko na alam kung kumusta na siya dahil pinigilan na ako ng ilang guard sa building niya nagtatrabaho na makalapit, basta umalis na rin ako no'ng dinala na ito sa hospital.

“Iyan ba? Ano ba ang gusto mong trabaho? Nakapagtapos ka naman ng business course, may iba ka pa ba na gusto?”

"Kahit ano nanay, napili ko iyan kasi nga-”

"Alam ko kaya tinatanong kita kung ano ba talaga ang gusto mo na trabaho? Kahit ano ba? Gusto mo bang maging Yaya?”

"Yaya?”

"Oo Yaya ng mga bata. Magbantay at mag-alaga ng bata. May kilala ako na kumare na nagtatrabaho sa mayamang pamilyang ito at ayon sa sinabi niya naghahanap siya ng Yaya sa mga bata dahil ang Yaya nila ay uuwi na sa kanilang probinsya dahil may emergency.” paliwanag niya.

"Then…anong gagawin ko po? Wala rin po akong experience tungkol diyan? Pero…parang gusto ko ring subukan iyan nanay.”

"Sure ka na? Parang lahat nalang ata na sinabi ko na trabaho ay gusto mong subukan-” mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi ni nanay.

"Oo nanay para may memories ako na nagawa ko iyang bagay na iyan.”

"Pero ang tanong kung kaya mo ba alagaan ang anak ng magiging amo mo kung sakali.” Natahimik ako sa sinabi ni nanay at napabuntong hininga na lamang

Umiling ako sa kanya. "Hindi ko po alam nanay kung kaya ko pero depende po yata iyan sa edad ng bata, di po ba?”

"Oo…"

“Sige po nanay kung meron po, try ko po, kung hindi then gagawa na rin agad ako ng resignation letter.” masayang wika ko at umayos na ako ng upo sa kama para ayusin ang sarili ko at bumaba para sabay na kaming kumain ng merienda sa kusina.

Kahit papano sa pag-uusap namin ay gumaan ang loob ko at nawala ang lalaki sa isip ko pero ngayon bumalik na naman. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

Kasalanan ko ba? At kung kasalanan ko eh di sana may humahabol na sa akin na pulis ngayon pero wala naman. At bakit ba kasi hinahabol niya ako, tumakbo ako dahil baka ano pa ang gagawin niya sa akin. Kahit sabihin natin na siya ang may-ari ng building na iyon ay minsan may masama pa rin na tao sa mundo. Paano kung isa siya? O- di kaya nag-ooverthink lang ako?

Hays…. bahala na nga siya, sana pala pinuntahan ko sa hospital para malaman kung buhay pa ba talaga? Hindi naman ako advance mag-isip lalo at ang sabi ng nakakita na buhay pa raw ito pero kasi minsan kapag dinadala sa hospital ay dead on arrival na.

Hays…bakit ba ako nakokonsensya? At bakit ko ba nga siya iniisip?

“Hoy bata ka!” Napaigtad ako sa gulat dahil sa pagtapik ni nanay sa balikat ko.

“Nanay naman…”

“Eh sa tulala ka na naman …pupunta nalang tayo ng doctor para ipatingin ka, baka may nangyari sa ‘yo noong umalis ka at hindi mo lang sinabi sa akin. Oh, ganyang tingin, kilala kita.” napanguso ako, pinigilan na umiyak. Hanggang sinabi ko rin sa kanya ang nangyari.

“Sana sinabi mo agad sa akin para nagpa-imbestiga natin at baka may gagawin pala na masama ang lalaking iyon, alam mo ba na marami ngayong business owner na masama ang ugali? Kaya mag-iingat ka.” tumango ako kay nanay at tama siya pareho kami ng naiisip. Mabuti nalang talaga na nakatakas na ako sa office niya palang. “Pero nabangga siya kawawa naman." kanina, kumampi siya sa akin pero ngayon naman ay nag-aalala siya sa lalaking iyon. Sino ba talaga love ni nanay sa aming dalawa ng lalaking iyon? Hays.

Wala akong ginawa buong araw kundi ang magbasa o di kaya tinulungan si nanay na magligpit. Nagbabasa rin ako ng messages sa phone kung may oras.

Dahil bukas ay linggo kaya nagreready ako ng damit para susuotin ko sa pagsimba.

Sunod ko namang inayos ay ang sling bag para dalhin bukas, ngunit kanina pa ako nagtataka kung bakit hindi ko napansin ang wallet ko.

“Nanay?"

“Oh," sagot nito pagkatapos akong hatiran ng gatas.

“Have you seen my wallet po?"

“Wallet? Hindi ba naman, naglilinis ako, wala akong nakita sa sahig o saan man. Nawawala?"

“Parang…."

“Hala ka riyan, yong mahahalagang documents ay baka nilagay mo sa wallet mo?" aniya at tinulungan ulit akong maghanap.

“Hindi naman Yaya, picture ko at pera ang andon."

“Noong last mo na alis at umuwi ka baka naiwan sa sasakyan, nagtaxi ka di ba?” Tumango ako sa sinabi ni nanay. Last kong alis ay iyong nag-apply nga ako at pupunta sana ako sa convenient store pero hindi natuloy dahil may tumawag sa akin, at iyon nga siya and then no'ng umuwi ako ay wala na sa isip ang wallet ko at ang binigay na sukli sa driver ay galing sa bulsa ng bag ko na dala hindi sa mismong wallet ko.

"Hindi ko alam nanay…baka nga nahulog sa taxi or what."

“Mabuti nalang at wala kang ibang nilagay doon bukod sa sinabi mo kanina na pera at picture mo-"

“Meron pa nanay…."

“Ha! Ano naman?"

“Sili po." sabi ko sabay bungisngis.

“Sili? Para saan?"

“Para ma prank ko po kung sino man ang magtangka na kumuha ng wallet ko kung nakawin man ay sili ang makikita nila. Di ba, ang saya-saya nanay?” Napailing nalang si nanay sa akin.

“Mga kalokohan mo talaga sa buhay hindi ko minsan mahulaan.” saad niya at natawa na rin.

Umalis si nanay at nanatili ako sa kwarto ko. Natatawa pa rin. Nanghihinayang sa wallet pero hindi ko lang maisip kung ano ang maging reaksyon ng kumuha no’n kapag nakita niya ang laman.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    epilogue 5 last part

    Epilogue part 05 “Son–” “Dad” bungad ni daddy sa akin, pumasok ako sa loob ng kanyang mini office dito sa bahay. Dito ako nagtungo after work at si mommy naman ay nasa kusina at naghahanda ng tanghalian. Wala pa akong ganang umuwi ng bahay pagkatapos ng nalaman ko sa nangyari. Maybe I need advice from my parents for what really happened. Ang gulo ng utak ko. Marahil may alam ako tungkol sa trabaho pero sa usapang pamilya ay alam ko na dehado ako at wala pa akong masyadong naiintindihan o siguro kulang pa ang kaalaman ko ako tungkol sa mental health and family. Indeed, kailangan ko ng kausap, at dinala ako ng mga paa ko sa mga magulang ko. Tumayo si dad sa kanyang shovel chair at nagtungo sa bar counter na kung saan napapalibutan ng mga mamahalin na mga wine sa bawat pantry nito. Kumuha siya ng alak at naglagay sa glass wine at binigay sa akin ang isa at sa kanya naman ang isa. Agad ko naman itong kinuha at dinala sa bibig ko, naramdaman ko ang pagdaloy ng wine sa lalamunan

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    epilogue part 04

    Epilogue part 04 Hanggang sa hindi ko namamalayan na gusto ko na pala siya. May parte na sa puso ko na gustong-gusto ko na siya ngunit natatakot ako dahil baka sila nga ni Carpo kahit ilang beses niyang sabihin na wala silang relasyon ay hindi ako naniniwala lalo nang malaman ko na bumalik si Jeniza sa Pinas. “Please….please….kahit one month lang Kale, okay lang ba? Sa inyo ako magsi-stay please?” Pilit niyang sinasabi sa akin at bilang respeto at kaibigan siya ng dati kong girlfriend kaya ginawa ko. Doon ko siya pinatuloy sa guest room. At kitang-kita mismo ng mga mata ko how Lingling reacted when she saw her. Is she mad or jealous? Damn, mababaliw ako sa kakaisip, but still focus ulit ako sa business lalo nang malaman ko sa isang source na may balak akong patumbahin sa isang kaaway ko sa negosyo. Hindi ko pinaalam sa mga magulang ko at hindi ko rin kayang sabihin sa mga anak ko dahil ayoko na mag-alala sila sa akin lalo na ang mga magulang ko lalo si daddy na naranasan naming m

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    epilogue part 03

    Kale Arcus Callisto pov 3What? Ako dating porn? The fuck she's talking about? Ang mukha na ito para sa kanya ay pangporn lang? What the hell?“Talagang tinamaan ka ah," matalim ang mga mata ko na binalingan si Edrick. “Sino? That woman?" Tumango siya na may pataas pa ng kilay, inaasar ako. “Oo, kanino pa ba? Kanina ko pa napapansin kasi na simula na nagkita kayo ng babae kanina sa lobby ay parang mainit na ang dugo mo sa kanya.” Aniya sabay patay malisya at binasa ang documents na binigay ko sa kanya pagkatapos ko itong pirmahan, magkasosyo kami sa isa sa business na ginawa namin at ito siya para mang-inis sa akin. “Dating porn daw ako? The fuck she's talking about?" “Well….well… kung hindi naman totoo ay bakit ka apektado? Dahil naapakan ang ego mo or –”"Paano kung may nakarinig?” "Sabagay, pero sa tingin ko wala naman, kung meron man ay hindi naman siguro nila ipagkalat, don't worry, hindi ko gagawin.” Aniya sabay tawa, tumayo siya at nilagay sa folder ang mga papeles at hand

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    Epilogue part 2

    Kale Arcus Callisto pov part 2“Enough Kale, you drink too much na." Tinabig ko ang kamay ni Jeniza sa pagtangka niya na pagkuha ng baso na kung saan ako umiinom ng alak. "Pwede ka ng umalis at iwan ako rito.” sambit ko sa malamig na boses."Hindi pwede Kale, ilang buwan na siyang wala? Tanggapin mo na lang ang katotohanan na wala na and girlfriend mo, na patay na siya—ahhh!” inihagis ko sa sahig ang baso. Nagluluksa ako dahil kahit anong gawin ko hindi ko pa rin tanggap ang nangyari sa girlfriend ko, malapit na kaming ikasal, konti na lang na paghihintay pero kinuha siya sa akin, bakit? Paano na ang mga anak ko? Kaya ko ba? Ang daming gumabagabag sa isip ko.“Anak! Ang pag-inom ng alak ay hindi maging isang solusyon para malutas mo ang problema mo. Kung may mangyaring masama sa'yo? Paano na ang mga anak mo? Hahayaan mo na lang ba sila?” Narinig ko ang boses ni mommy. Nasa kusina ako ngayon at kumakain ng almusal, I drank last night kaya matagal akong nagising. “Ito ang sopas, ku

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    Epilogue part 1

    Epilogue (Kale Arcus Callisto pov 1) Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at nagtungo sa reception desk para itanong sa mga nurse na naroon kung saang kwarto dinala ang ama ko. My mom kept calling my phone during my class hours but I didn't answer because we had a long test. And when I checked her messages and was devastated by what I read. My dad was in the hospital because he suddenly fainted on his way home. At nang makarating na ako sa harap ng pinto na kung saan tinuro sa akin ng nurse ay dali-dali ko itong binuksan at nakita ko si mommy, nasa tabi ng kama kung saan nakahiga ang ama ko habang may mga dextrose sa kanyang katawan. “Kale–” malungkot na wika ni mommy at niyakap ako. "Mommy, I'm sorry. I didn't answer your call earlier, we have a long test. And my profes–” "it's okay Kale, naiintindihan ko, ang mahalaga ay narito ka na, malungkot lang ang mommy, look at your dad, naawa ako sa kalagayan niya. Under observation pa rin siya at natatakot ako anak na mauwi sa stro

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    CHAPTER 149

    CHAPTER 149 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “H-how? Paano nangyari iyon? May nagsabi ba sa inyo?” Sabay naman silang umiling ng kanilang mga ulo at bumalik ulit sa kanilang kinakain. Habang ako naman ay nakakunot ang noo. “How did you know?" Naramdaman ko ang pagyakap ni Kale sa akin sa likuran ko at pagdampi ng kanyang labi sa bandang tenga ko habang ang dalawang kamay niya ay nasa maliit ko pa na tiyan at bahagyang hinahaplos. “Hindi naman ako o kami pinanganak kahapon apo para hindi mahalata na buntis ka, sa katandaan kung ito, natatatandaan ko pa kung kailan lang yong kasal niyo at anong kasunod ng kasal? Di ba honeymoon? At sa mukha palang ng asawa mo, sureball na agad na lumalangoy ang sperm cell…sorry may mga bata pala.” Pagka-sabi ni Lola ay binalingan ko ang mga bata at nakita ko kung paano tinakpan ng dalawang kuya ko ang tenga ng mga anak ko gamit ang kanilang palad. Kaya tuloy nagtataka sila. At dahil sa sinabi ni Lola ay nanlumo ako. “Akala ko, ako a

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    CHAPTER 148

    CHAPTER 148 “Kailan ka pa ba babalik sa Pilipinas?” "Hmm, ayon sa schedule ko, wait, hanapin ko muna sa notes ko. Uhmm….next year pa.” bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Akala ko ba uuwi na siya, namiss ko na ang isa sa kaibigan ko. Busy ang mga kaibigan ko. Hays. “Sige, take care always okay? And see you soon, ako ang pupunta riyan sa Australia or ikaw ang uuwi, tell me right away para naman mapuntahan kita. Okay?” "Okay madam–" “Tse!" Natawa siya sa naging tugod ko. “Again, congratulations Chaldenne. Wala akong ibang wish kundi maging healthy ang baby niyo." Napangiti ako sa sinabi niya, talagang namimiss ko na matulog na kasama siya, bago kasi kami matulog ay nag-uusap pa kami tungkol sa buhay at mga pagsubok na dumaan sa amin. Ang hindi niya lang nasabi sa akin ay ang tungkol sa lovelife status niya. Knowing na wala siyang ibang sinabi kundi basta, and I'd respect that. Sometimes sa buhay natin, may isa akong natutunan, kahit gaano mo na, naka-bonding ang isang tao

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    CHAPTER 147

    CHAPTER 147Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Ilang araw na ba na kapag nagising ako ay lagi akong nahihilo at nasusuka. Ngayon naman ay nasa banyo ako at kanina pa sumusuka sa bowl ng toilet pero wala namang lumalabas na kung anong sa bibig ko. Nasa business meeting si Kale at ayoko namang sabihin sa kanya na masama ang pakiramdam ko at baka mag-alala siya at uuwi agad na hindi pa matatapos ang business niya sa Cebu. Next week ko pa siya makakasama at sobrang namimiss ko na siya, walang gabi na hindi ako umiiyak ng palihim dahil miss na miss ko na siya. Ayoko namang sabihin sa mga bata na matamlay ako at baka hindi sila papasok ng school at magsumbong sila sa ama nila. Ngayon ay baka nasa school na sina Amalthea and Lysithea, naramdaman ko kanina na may humalik sa pisngi ko. I felt sad kapag hindi agad ako nagigising para maghanda ng food nila o baon. Kung may balak naman akong pumasok sa opisina ay baka mamaya pa or kung sobrang traffic ay baka hindi na ako matuloy.Nari

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    CHAPTER 146

    CHAPTER 146Yaya Lingling and the Billionaire's twin Umiling ako. Impossible talaga na meron agad laman ang tiyan ko, sperm malamang oo, lumalangoy pa ngayon at hindi pa nakarating sa tamang destination. Pero hindi ko mapigilan na mapangiti na magkaroon na ako ng anak sa loob ng tiyan ko. I can't wait to see myself carrying my own angel.Masakit daw ang manganak, “Oh, akala namin meron na po, but it's okay, we are willing to wait naman po. How about we're going to buy some toys at the mall? What do you think, Amalthea?” Excited na wika ni Lysithea sa kanyang kakambal while me and Kale ay napapangiti na lamang. Wala pa pero bakit ang excited namin?"Babies, soon, we will buy kapag alam na natin kung ano ang gender ni baby." “Oh, I bet she's a girl daddy." Protesta ni Amalthea. “No, it's a boy." sagot naman ng asawa ko. “No! It's a girl, dad." Sumali na rin si Lysithea. Napaangat si Kale sa kanyang kinaupuan at namamangha na pinagtalunan namin ang gender ng magiging anak namin. “

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status