Share

Chapter 44: Meeting with the Chakrabarti

DUMATING ang araw na nagpapakaba kay Samara. Naging abala ang lahat ng tao sa mansiyon ng mga Chakrabarti dahil sa inihandang munting salo-salo para sa isasagawang pangalawang pag-aanunsiyo ng kasal nila ni Raj Kumar.

Dadalo ang kaniyang Master na siyang kasalukuyang humahawak ng titulo ng islang pagmamay-ari ng kaniyang lolo. Sigurado rin siyang pupunta ang punong ministro na ama ni Raj at ang ikalawa nitong asawa.

Alam niya ang mangyayari, ngunit hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat. Isa lang ang nalalaman niya, magkakaroon ng gulo sa pagitan ng kani-kanilang pamilya sa magiging desisyon niya.

Tulad ng inaasahan, hindi simple ang simpleng hapunan na iyon. Bumabaha ng iba't ibang putahe ang mahabang mesang nababalutan ng pula at gintong mantel. Mula sa panghimagas, hanggang sa pangunahing putahe, iba't ibang hugis at kulay ng mga prutas. Ang malawak na bulwagan ay napupuno ng mga bandiritas at mga sariwang bulaklak. Sa magkabilang gilid n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
ang Sama tlaga Ng ugali Ng Lolo ni Samara thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status