Home / Romance / Yes, Master (The Luther's Empire Series) / Chapter 43: Let's Get Married

Share

Chapter 43: Let's Get Married

Author: Iza Wan
last update Last Updated: 2022-12-30 18:00:04

"PA, totoo bang may bumili noong islang naisanla natin noong nakaraang eleksiyon?"

Nilingon ni Samara ang auntie niyang nagsalita sa kalagitnaan ng pagkain nila.

"Nakasanla lang iyon, ate, kaya hindi pwedeng ipagbili," sansala naman ng auntie Harini niya.

"Inilipat ni Mr. Khan ang pagkakasanla ng isla dahil kailangan daw ng pera," tugon ng matandang Chakrabarti.

"Paano `yon, Pa? Papayag ba iyong pinaglipatan na tutubusin natin ang isla oras na makabawi ang ilan sa ating kumpaniya?"

Tumango ang matanda matapos nitong ibaba ang kubyertos na hawak at punasan ang bibig.

"Sino na pala ang bagong may-ari, Pa?"

"Ayaw i-disclose ang pangalan niya. Pero nais nitong makipagkita ng personal." Umayos ito sa pagkakaupo at pinasadahan ng tingin ang mga kasama sa hapag-kainan.

"Masiyado nang matagal buhat nang ianunsiyo ang engagement ni Samara kay Raj, Dawood. Kaya naisip kong sa darating na linggo ay magkakaroon ng munting kasiyahan para sa

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
ayyyy cge na gani pksal n kamu
goodnovel comment avatar
Bella Liam
Nakakatouch sobra ang sinabi ni Samara.Pakasal na kayo agad please.
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Yes, Master (The Luther's Empire Series)   Author's Note

    Hello, Dragonlings and Lutherians! Finally, we have come this far. Thank you for supporting my stories. I hope you enjoyed reading every part of the story. I want to greet everyone with a Prosperous and Healthy New Year for all of us. Q&A Q: Why I called my readers Dragonlings and Lutherians? A: I am a writer on a reading page on F******k, and one of my supporters called me or tagged me as IzangDragona bcoz of being a fighter and having an attitude of a dragon. So, I searched for what I can call my readers/supporters, and I came into Dragonlings since it means 'baby dragons'. So, my readers are my baby dragons because they're my treasure, the way I treasure my characters. And of course, Lutherians is for the readers of The Luther's Empire Series. Happy and Prosperous New Year to all! Good Bless, everyone!

  • Yes, Master (The Luther's Empire Series)   The Sweet Finale

    NAGING mahaba ang linggong iyon para kina Samara at Jasson. Hindi sa gabi ng kasal na iyon nagtatapos ang lahat. They have to perform different rituals na naaayon sa tradisyon ng mga ito. At sa loob ng mga araw na dumaan, hindi man lang sila inimik ng matandang Chakrabarti kahit pa nakakasama nila ito sa hapag-kainan. Nakikipag-usap ito sa iba, ngunit hindi sa bagong mag-asawa.Not until that night, kung saan nabuksan ni Dawood ang paksa sa pag-alis ni Jasson.“Anong plano ninyo ni Samara? Susunod ba siya sa `yo sa Britanya?”“Processing her papers will take time. Since I have to stay in Britain for just less than a month, we both decided na

  • Yes, Master (The Luther's Empire Series)   Chapter 46: The Wedding

    LOVE isn't just about happiness. Isn't just about kilig, roses, and chocolates, I love you's and I miss you's. Isn't just about lovers.Love is about friendship, families, and neighbors. It's about pain, trials, problems, and tears. It's about giving up or fighting.Matibay ang pundasyon ng isang pagmamahalan kung ang lahat ng negatibong aspeto ng pag-ibig ay mararanasan. That is what she learned about love, about life.Hindi sapat na masaya ka lang. Hindi sapat na mahal ninyo ang isa't isa. Hindi sapat na puro kilig lang. Dahil kung puro positibong bahagi lang ng pag-ibig ang ating mararanasan, paano natin malalaman if it's worth to fight for, to wait for. Hindi natin malalaman kung gaano katatag

  • Yes, Master (The Luther's Empire Series)   Chapter 45: As Soon As Possible

    "Anyway. Ang kasiyahang ito ay hindi naman tungkol sa isla. Kung nalalaman ko nga lang na ang bastardong iyan ang pinagkakautangan ko ngayon, hindi ko na sana siya inimbita pa at sa ibang pagkakataon na lamang kinausap."Kumuyom ang mga kamay ni Samara at halos magsalubong na ang kaniyang mga kilay. She truly love her olds but hearing him throwing disgusting words… halo-halo na ang kaniyang nadarama. Lungkot, galit at pagkapahiya. Nahihiya siya sa kaniyang master. Ang tungkol palang sa isla ang pinag-uusapan at gano'n na ang mga salitang ibinabato rito, paano pa kaya kung malaman na ng mga ito ang tunay nilang relasyon?Sumulyap ang dalaga sa kinauupuan ng binata. Nakatitig din pala ito sa kaniya. Walang bahid ng kahit ano sa mga mata nito, kaya hindi malaman ni Samara kung galit na rin ba ito. Basta lang itong nakatitig sa kaniya— mga tinging tila sinasabing wala nang atrasan pa.Pasimple niya itong tinanguan at binigyan ng alanganing ngiti, ngiti

  • Yes, Master (The Luther's Empire Series)   Chapter 44: Meeting with the Chakrabarti

    DUMATING ang araw na nagpapakaba kay Samara. Naging abala ang lahat ng tao sa mansiyon ng mga Chakrabarti dahil sa inihandang munting salo-salo para sa isasagawang pangalawang pag-aanunsiyo ng kasal nila ni Raj Kumar.Dadalo ang kaniyang Master na siyang kasalukuyang humahawak ng titulo ng islang pagmamay-ari ng kaniyang lolo. Sigurado rin siyang pupunta ang punong ministro na ama ni Raj at ang ikalawa nitong asawa.Alam niya ang mangyayari, ngunit hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat. Isa lang ang nalalaman niya, magkakaroon ng gulo sa pagitan ng kani-kanilang pamilya sa magiging desisyon niya.Tulad ng inaasahan, hindi simple ang simpleng hapunan na iyon. Bumabaha ng iba't ibang putahe ang mahabang mesang nababalutan ng pula at gintong mantel. Mula sa panghimagas, hanggang sa pangunahing putahe, iba't ibang hugis at kulay ng mga prutas. Ang malawak na bulwagan ay napupuno ng mga bandiritas at mga sariwang bulaklak. Sa magkabilang gilid n

  • Yes, Master (The Luther's Empire Series)   Chapter 43: Let's Get Married

    "PA, totoo bang may bumili noong islang naisanla natin noong nakaraang eleksiyon?"Nilingon ni Samara ang auntie niyang nagsalita sa kalagitnaan ng pagkain nila."Nakasanla lang iyon, ate, kaya hindi pwedeng ipagbili," sansala naman ng auntie Harini niya."Inilipat ni Mr. Khan ang pagkakasanla ng isla dahil kailangan daw ng pera," tugon ng matandang Chakrabarti."Paano `yon, Pa? Papayag ba iyong pinaglipatan na tutubusin natin ang isla oras na makabawi ang ilan sa ating kumpaniya?"Tumango ang matanda matapos nitong ibaba ang kubyertos na hawak at punasan ang bibig."Sino na pala ang bagong may-ari, Pa?""Ayaw i-disclose ang pangalan niya. Pero nais nitong makipagkita ng personal." Umayos ito sa pagkakaupo at pinasadahan ng tingin ang mga kasama sa hapag-kainan."Masiyado nang matagal buhat nang ianunsiyo ang engagement ni Samara kay Raj, Dawood. Kaya naisip kong sa darating na linggo ay magkakaroon ng munting kasiyahan para sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status