Rhianna'sPOV
Heto ako ngayon nakaupo sa kama. Hinihintay ang pagpatak ng malaking kamay ng orasan sa 12. Balak kong tumakas ngayong hating-gabi. Gusto kong takasan ang aking amain na isang Drug Lord.
Ikinulong kami sa isang lugar na hindi basta-basta matatagpuan. Ayaw ko mang iwan ang aking ina at kapatid pero kailangan. Kailangang ko silang mailigtas sa kamay ni Don Ysmael. Tsaka ko nalang iisipin kung paano siya mahuhuli, ang mahalaga mailigtas ko muna ang aking Ina at kapatid.
Nang mamatay ang aking Ama labing-walong taong gulang pa lamang ako ay nag-asawa muli ang aking ina at ang nagtagpuan niya ay si Don Ysmael, na hindi alam ng aking ina ang totoong pagkatao nito. Nang malaman ng aking ina ang pagkatao ni Don Ysmael ay ikinulong kami sa takot na baka magaumbong kami sa mga awtoridad.
Kaya wala akong nagawa ng ikulong kami sa isang katamtamang laking bahay na malayo sa kabihasnan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kapag tumakas ako. Kung makakatakas nga ba ako o baka mahuli din ako ng mga tagapagbantay sa gagawin kong pagtakas.
Itinali ko na ang pinagdugtong-dugtong ko na tela sa kama na siyang gagamitin ko sa pagbaba sa bintana. Sa bandang iyon ng bintana ay hindi ako makikita ng mga tagapagbantay ng mansyon dahil tago iyon.
Malapit na maghating-gabi. Pinuntahan ko ang silid ng aking ina at bunsong kapatid na si Ylona. Binuksan ko ang pinto sapagkat hindi iyon naka-lock. Pumasok ako sa loob ng hindi nila namamalayan.
Pinagmasdan ko sila, dahil ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang kanilang mukha. Dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makikita. Labag man sa kalooban ko ang gagawin ko dahil maiiwan ko sila. Ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko sila. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Naglandas iyon sa aking pisngi, agad ko iyong pinahid gamit ang likod ng palad ko.
Lumabas na ako ng kanilang kwarto at dahan-dahan isinara ulit ang pinto. Nagtungo ako sa aking kwarto at saktong alas dose na ng gabi. Sana gumana ang mga plano ko ngayon, dahil ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko ang aking ina at kapatid. Walang mangyayari kung magkukulong ako dito sa bahay na ito.
Kinuha ko ang ang pinagbuhol-buhol na tela at iniladlad iyon sa bintana. Hindi ko mapigilang mapalunok. Paano kung mahuli ako? Anong gagawin sakin ni Don Ysmael? Bahala na. Basta ang mahalaga sinubukan ko. Siguro naman hindi nila mapapansin ang aking pagtakas dahil kadalasan sa ganitong oras tulog ang mga tagapagbantay.
Lumapit ako sa bintana at dahan-dahan nagpadausdos pababa gamit ang tela na iniladlad ko. Nang dumantay ang mga paa ko sa lupa ay hindi ko mapigilan na mapabuntong-hininga. Kinakabahan ako at natatakot sa mga sandaling iyon.
Nilakad ko ang kakahuyan. Dahil ang bahay ay napapalibutan ng mga matatayog na punong-kahoy. Ibig sabihin ang bahay ay nasa gitna ng kagubatan.
Nang mapansin kong walang sumusunod sakin agad akong tumakbo. Tumakbo ako sa kakahuyan na hindi alam kung ano ang dulo niyon. Sana sa dulo nito ay may makita akong kalsada at baka sakali may magligtas sakin. Sana.
Tumakbo ako ng tumakbo. Kahit nasusugutan na ako dahil sa mga halaman na nasasagi ko. Wala sakin yun ang mahalaga makatakas ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tumakbo. Hanggang sa nagpasya muna akong magpahinga. Nakaramdam ako ng uhaw sa ginawa kong pagtakbo. Umupo muna ako sa isang matayog na punong-kahoy at isinandal ko ang aking katawan doon.
Ilang sandaling pagpapahinga at nagpasya akong tumayo at ituloy ang pagtakbo. Takbo lang ng takbo ang ginawa ko. Mahapdi ang mga sugat na sanhi ng halaman na nasasagi ko. Pero balewala sakin iyon. Hanggang sa may makita akong labasan sa kakahuyan. Subalit nanghihina na ang aking katawan.
Nang marating ko iyon. Bigla-bigla ko nalang naramdaman ang pagod, uhaw at pagkahilo. May nakita akong ilaw ng isang sasakyan na papalapit sa kinaroroonan ko. Ikinaway ko ang aking mga kamay para malaman niya ang aking presensya. Nang makalapit iyon ay agad iyon huminto sa kinaroroonan ko.
Lumabas ang sakay niyon at nabungaran ko ang isang lalaki na sa tantya ko nasa anim na talampakan ang taas. Maganda ang pangangatawan. At may mapupungay na mata. Napukaw ang aking pagsipat sa kanya ng magsalita siya.
"Miss anong nangyari sayo?" tanong niya sakin.
Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Naasiwa ako sa ginawa niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Sumakay ka na, ipapagamot kita sa co-iagent ko." wika niya.
Nag-aalangan pa ako kung sasakay ba ako o hindi. Sa panahon ngayon hindi natin malalaman kung mapagkakatiwalaan ba ang isang tao. Dahil kahit matagal mo ng kakilala, trinatraydor ka pa. Naramdaman siguro niya na nag-aalangan ako.
May kinuha siya sa bulsa ng pantalon. Pitaka, may kinuha siya doon at tsaka ibinigay yun sakin. Isang ID. Kinuha ko iyon at mula sa liwanag na nagmumula sa buwan, nabasa ko ang pangalan niya.
"Leonardo Estralta Jr." bigkas ko sa pangalan niya. May Agent na nakasulat sa ibaba ng pangalan niya.
"Oo, pasensya ka na, isinunod kasi ang pangalan ko sa ama ko kaya ganiyan ang pangalan ko." aniya.
"Wala naman masama sa pangalan mo." wika ko.
"Sumakay ka na." aniya at sumakay na sa unahan ng kotse.
Agad akong sumakay sa likuran ng sasakyan niya. Nagmukha tuloy siyang driver ko. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Isa siyang Agent kaya mapagkakatiwalaan siya. Pwede niya ako matulungan. Makakatulong sa akin para mailigtas ko ang aking ina at kapatid.
Pero paano kung hindi pala siya Agent? Paano kung nagpapanggap lang siya? Wala na akong choice. Kung gagawan niya ako ng masama. Wala na akong magagawa doon. Marahil hanggang dito nalang talaga ako. May kinuha siya sa bag niya. Iniabot niya sakin ang alcohol at bulak.
"Lagyan mo ang mga sugat mo ng alcohol para kahit paano mawala ang pagdurugo." wika niya.
Doon ko lang napansin ang aking mga sugat na may bahagyang pagdurugo. Kinuha ko ang iniaabot niyang alcohol at bulak. Nilagyan ko ng alcohol ang bulak at tsaka idinampi iyon sa mga sugat ko. Napaungol ako sa sakit. Nilingon ako ng lalaki.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin.
"Oo ayos lang ako. Masakit lang dahil nadampihan ng alcohol ang mga sugat ko. May tubig ka ba dyan? Medyo nauuhaw kasi ako." wika ko.
Sobrang nauuhaw na ako dahil sa tagal ng pagtakbo ko. May kinuha siya sa bag niya, isang tumbler na may lamang tubig. Boy Scout? Laging handa? Iniabot niya sakin iyon. Kinuha ko iyon.
"Salamat." tugon ko. Sa ginawa niya siguro naman pwede ko na siyang pagkatiwalaan. Paano kung ginagawa niya lang yun para makuha ang loob ko? Hays. Tsaka ko nalang iisipin yan kapag narating na namin ang destinasyon namin.
"Sa itsura mo, nanggaling ka sa matagal na pagtakbo sa kagubatan. Bakit ka nandoon?" tanong niya sa sakin.
"Saan ba tayo pupunta?" hindi ko sinagot ang tanong niya. Kailangan ko muna malaman kung saan kami pupunta.
"Sa mga kasamahan ko. May meeting kami ngayon. Urgent meeting." sagot niya sakin. Minabuti kong sagutin ang tanong niya kanina.
"Tumakas ako sa amain ko, ikinulong niya ako kasama ng aking ina at kapatid sa isang bahay sa gitna ng kagubatan." sagot ko.
Naalala ko na naman ang aking ina at kapatid. Ano kaya magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman na wala na ako sa bahay? Minabuti kong huwag nang sabihin ang disisyon ko dahil ayaw kong mapahamak sila.
"Handa kitang tulungan. Palagay ko naman nagsasabi ka ng totoo." aniya.
Wala akong panahon para manloko. Gusto kong idagdag. Subalit, minabuti ko nalang na tumahimik. Sa katunayan, may utang na loob ako sa kanya. Hindi ito ang panahon para magalit ako dahil kailangan ko siya para mailigtas ang aking ina at kapatid.
"Malapit na tayo sa Head Quarters." wika niya.
Natanaw ko di kalayuan ang isang kontretong bahay. Simpleng bahay lang iyon na hindi mo aakalain na Head Quarters pala. Pumasok kami sa gate na nakaawang. May mga ilang sasakyan na rin na nandoon, marahil sasakyan ng mga kasamahan niya. Pagkapasok ng sasakyan niya sa loob ay ipinark niya iyon di kalayuan. Agad akong umibis ng sasakyan. May lumapit samin na lalaki na may maputing kutis at magandang pangangatawan. Tumingin ang lalaki sa akin.
"Agent Leonardo Estralta Jr. Baka pwede mo naman akong ipakilala sa kasama mong babae?" wika ng lalaki kay Leo ng makalabas siya ng sasakyan. Hindi niya sinagot ang tanong ng lalaki bagkus lumapit sakin si Leonardo at kinuha ang kamay ko.
"Nasaan si Alexandra, Harold? Sugatan ang kasama ko at kailangan niyang magamot." tanong niya sa kasama niya na Harold pala ang pangalan.
Doon ako sinipat ng mabuti ni Harold. Marahil hindi niya napansin kanina na may mga sugat ako dahil may kadiliman ang lugar kung saan nag-park ng kotse si Leonardo. Naglakad kami patungo sa loob ng Head Quarters habang nakasunod si Harold.
"Napano yan pre?" tanong ni Harold.
"Mamaya ko na sasabihin Harold." sagot naman ni Leonardo.
Nang makapasok kami sa loob. Nabungaran ko ang isang lalaki at dalawang babae na nakaupo sa mahabang sofa. Huminto kami sa tapat ng mga ito.
"Alexandra, maaari mo ba siyang gamutin saglit?" tanong ni Leonardo sa isang babae na may pagka-kulot ang buhok. Tumayo ang babae at sinipat ako. Nakatingin din samin ang iba.
"Napano ba siya Leo?" tanong ni Alexandra.
"Mamaya ko na sasabihin ang lahat ng nangyari. Sa ngayon kailangan siyang magamot." sagot ni Leonardo sa kanya. Tumango naman si Alexandra.
"Halika Miss." Iginiya ako ni Alexandra sa isang pinto at binuksan iyon.
Tumambad sakin ang dalawang kama na magkatabi at isang cabinet na nasa kanan ko. Iginiya niya ako sa kama at nagtungo naman siya sa cabinet. May kinuha siya roon.
Lumapit siya sa sakin at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. Napa-aray ako sa pagdampi niyon sa aking balat. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit na dulot ng mga sugat ko. Hindi ko naramdaman yun kanina dahil ang atensyon ko ay nakatuon sa gagawing pagtakas idagdag pa ang presensya ni Leonardo. Iwinaksi ko agad sa aking isipan ang bagay na yun, kailangan kong pagtuunan ng pansin ang gagawing pagligtas sa aking ina at kapatid. Pagkatapos, ay nilagyan niya ng band aid ang mga malalaking sugat. Tiningnan ko si Alexandra. Maganda ito at maliit ang mukha. Tumingin siya sakin at ngumiti."Ayan, okay na. Gusto mo bang sumama sa loob? Hindi naman pwedeng iwan kita dito ng mag-isa." wika niya sabay ligpit ng mga gamit."Ayos lang ba? Hindi ba ako makakaabala?" tanong ko.Bago pa man siya makasagot, biglang may kumatok sa pintuan at binuksan iyon. Tumambad samin ang lalaking nakaupo kanina sa sofa. Mahaba ang buhok na naka-ponytail."Alexandra, tara na. Magsisimula na tayo. Nandyan na si Agent
"Hindi pwede, dapat may kakayahan sa paghawak ng baril ang dapat maging myembro namin. At sumasailalim pa sa mga masusing pagsasanay." kontra sakin ni Leonardo.Ano ngayon kung hindi ako marunong humawak ng armas o ng baril? Natututunan naman yun diba? Minabuti ko nalang na manahimik baka mapunta pa sa pagtatalo kapag iginiit ko ang gusto ko.Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Minabuti ko nalang na ipako ang paningin ko sa labas ng bintana. Madilim pa ang paligid, tanging paghampas ng hangin sa mga punong-kahoy ang naririnig ko. Hindi ko na rin matandaan kung saan niya ako natagpuan kanina. Ipinasya kong ipikit nalang ang aking mga mata para makatulog.Isang pagyugyog sa aking balikat ang gumising sakin. Nagmulat ako ng mga mata. Nasilayan ko si Leonardo na siyang palang may kagagawan kung bakit ako nagising."Nandito na tayo, sa aking bahay." aniya at tsaka inilayo ang mukha sa akin. Bumaba siya ng kotse at naglakad papunta sa bahay. Minabuti ko narin na lumabas ng kotse
"Pasensya na, akala ko kasi wala siyang boyfriend e. Aalis na kami." wika niya at umalis na sa kanyang harapan. Nilingon ko si Leonardo na nakahalukipkip ngayon."Hindi mo dapat ginawa yun sa kanya, napahiya tuloy yung tao. Nakikipagkilala lang naman siya." wika ko. Oo nga, anong masama kung makipagkilala siya sa isang lalaki. Tumingin siya sakin mula sa pagtanaw sa lalaki."Sa kagaya mong tumakas, dapat maging maingat ka sa mga kinakausap at pinapakisamahan mo. Hindi ka dapat nagtitiwala basta-basta." seryuso niyang sagot.Natigilan ako. Tama siya. Bakit hindi ko naisip yun? Hindi nga dapat ako nakikipag-usap kung kani-kanino. Kinuha nito sa kamay ko ang basket na naglalaman ng mga pinamili ko."Bayaran na natin ito. Para makaalis na tayo. Pupunta pa ako sa Head Quarters. May pagsasanay kaming gagawin." wika niya at naglakad na papunta sa Counter. Sinundan ko siya patungo roon."Pwede ba akong sumama?" tanong ko sa kanya.Nilingon niya ako at tsaka ibinalik ulit ang tingin sa unahan.
Lumabas na sina Alexandra at Harold sa karinderya kasama ang dalawa. Tiningnan ko ang paligid ng karinderya. Mukhang shock pa ang mga tao sa nangyari. "Tara na. May pag-uusapan tayo." wika ni Leo sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at tinungo na namin ang labasan ng karinderya. Lumingon ako para tingnan si Brandon na nasa likuran namin. Nakita kong nakatingin siya sa kamay ko na hawak ni Leo. **Narating na namin ni Leo ang sasakyan. Agad niyang binuksan ang passenger's seat. Sumakay ako doon. Himala, gentleman? Umikot siya sa driver's seat. Pinaandar na niya ang kotse at sinundan namin ang kotse na lulan sila Harold at Alexandra. Tumingin ako sa likuran. Nakasunod samin si Brandon. "Bakit mo ginawa yun?" tanong sakin ni Leo. Alam niya na ang ibig sabihin niya. Yung ginawa kong pagsipa sa kamay ng lalaking naka-shade. "Para iligtas ka. Eh mukhang sasaksakin ka na e." sagot ko. "Hindi mo na dapat ginawa yun, kaya ko ang sarili ko." depensa niya. "Ano ba ang mali sa ginawa ko? Kay
Leonardo'sPOV Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga bagay na yun kay Rhianna. Umupo ako sa upuan sa salas at nahilamos ko ang aking kamay sa mukha. Hindi ko maiwasan humanga sa kanya dahil sa angkin niyang kagandahan. Maputi, makinis ang balat, bilugang mga mata, at bilugang mukha. Unang kita ko palang sa kanya ay nakaramdam na ako ng atrasyon sa kanya. Lalo na kanina noong nasa Gigi's Carenderia kami habang itinutok ko sa lalaking naka-shade na napag-alaman kong Carlo Sañiego ang pangalan. Bigla nalang siyang tumayo at sinipa niya ang kamay ni Carlo Sañiego. Sobra akong nag-alala na hindi ko mawari. Sa katunayan, magaling siya. Idinadaan ko nalang sa pagsusungit ang atraksyong nararamdaman ko sa kanya. Naalala ko tuloy noong nasa Head Quarters kami at madatnan ko siyang masayang nakikipag-usap kay Brandon. Hindi ko maiwasan makaramdam ng selos, na hindi ko dapat nararamdaman sa kaniya. Iwinaglit ko sa aking isipan ang aking mga iniisip at nagpasyang kunin ang mga damit ko sa
Rhianna'sPOV"Rhianna, gusto ko maging parte ka ng aming samahan." wika ni Leo sa kanya habang nakatalikod ako at nakaharap sa niluluto ko.Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Gusto niya na akong isama sa grupo nila? Agad akong lumingon sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Bigla akong nakaramdam ng pagkaasiwa."Seryuso ka ba? Diba sabi mo kailangan magaling humawak ng armas o baril ang magiging myembro niyo?" wika ko. Natatandaan ko na yun ang sinabi niya sakin noong hiniling ko na maging parte ako ng samahan nila."Nagresign si Dianne dahil gusto na nito magfocus sa mga anak. Kaya nagpapahanap si Agent Jerald ng papalit sa kanya. Natututunan naman ang mga yun." wika nito at nginitian ako. Naninibago ako sa kanya. Nagiging palangiti na siya."Salamat Leo." wika ko at tsaka ibinalik ang pansin sa niluluto. Mukhang maganda ata epekto ng pancake na niluto ko."Basta dadaan ka sa masusing pagsasanay. Bilang Agent, katambal niyon ang panganib sa buhay mo. Kaya
"Sino ang nagbigay sayo ng Droga?" tanong ni Leo kay Carlo Sañiego na ngayon ay nakaupo habang nakaharap sa amin. Nasa tabi nito ang payat na lalaki na mukhang takot na takot. Narito kami sa silid kung saan may maliit na selda sa gilid kung saan natulog ang dalawa kagabi. May mesang sakto ang laki na nakaharap kay Carlo Sañiego. Nasa gilid nito si Leo at nakatayo. Sina Brandon, Faith at Alexandra ay nakaupo sa upuan na nasa mesa nakaharap kay Carlo Sañiego. Ako nandito sa isang tabi at nakikinig sa usapan nila."Bakit ko sasabihin? Hindi ko gusto mapahamak ang mag-iina ko." wika nito. Tumayo si Brandon at lumapit dito."Kung makikipagkaisa ka samin. Sabihin mo kung nasaan ang mag-iina mo at ililigtas namin sila. Titiyakin namin na magiging ligtas siya sa aming pangangalaga" wika ni Brandon."Si Don Ysmael, siya ang pinaka-pinuno. Inuutusan lang ako. Narinig ko sa usapan ng mga nag-utos sakin. Kapag di daw ako sumunod at nagsumbong ako, mapapahamak ang mga anak ko pati ang asawa ko.
Pagkatapos naming maidala si Mrs Sañiego sa isang lugar na ligtas kung saan mga Agent lang ang nakakaalam. Agad kaming bumalik sa Head Quarters para sa pagsasanay. Alas tres na ng hapon ng makarating kami. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kaming nagtungo ni Leo sa likod ng Head Quarters kung saan saan ginaganap ang pagsasanay. May nakasabit sa gitna na isang papel na may nakaguhit na tao. Hindi pa nagsisimula ang pagsasanay."Halika upo tayo doon kina Faith." yaya sakin ni Alexandra at kinuha ang kamay ko patungo sa gilid kung saan nakaupo si Faith. Iniwan ko si Leo na kausap si Harold. Umupo kami sa bakanteng silya na nasa tabi ni Faith. Lumingon sakin si Faith. Ngumiti siya sakin."Ikaw yung dinala ni Leo na sugatan diba?" tanong niya sakin."Opo, Agent. Ako nga po." wika ko sa kanya."Masyadong pormal. Just call me Faith. What's your name?" Inilahad nito ang kamay sakin at tinanggap ko iyon."Rhianna, Rhianna Evangelista." wika ko."Sandali, naiihi ako. Punta lang ako sa CR." paa