LOGINDylan's POV Malamig ang gabi sa Australia. Tahimik ang buong bahay nina Marco. Tanging mahinang tunog ng telebisyon sa sala ang maririnig habang naghahanda na ang lahat para magpahinga. Katatapos lang naming maghapunan. Tahimik lang akong nakaupo sa dulo ng mesa, hawak ang isang baso ng tubig. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa tabi ng plato.Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman buong araw. Parang may hinihintay. O baka umaasa lang ako. "Dylan." Napatingin ako kay Mama nang marinig ko ang boses niya. "O,ayos ka lang ba?" Pilitan akong ngumiti. "Oo, Ma. Pagod lang." Hindi na siya nagsalita. Kilala niya ako. Kahit anong pilit kong itago ang nararamdaman ko, nababasa pa rin niya iyon. Lumapit si Marco at tinapik ako sa balikat. "Huwag mong akuin lahat ng bigat, Kuya let go na." Tumango lang ako. Kung alam lang nila... Hindi pagod ang dahilan. Konsensya.Iyon ang unti-unting sumisira sa akin araw-araw. Matapos magligpit ng pi
Maria's POV (Part 1)Maaga akong nagising nang araw na iyon.Hindi na tulad noon na gigising akong mabigat ang dibdib at namumugto ang mga mata dahil sa kaiiyak. Unti-unti na akong natutong bumangon. Unti-unti na rin akong natutong tanggapin na may mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghihilom. Natututo ka na lang mabuhay habang dala-dala ang mga peklat. Tahimik akong bumangon at inayos ang higaan. Mula sa bintana ng kwarto ay tanaw ko ang unti-unting pagsikat ng araw.Isa na namang panibagong umaga.Isa na namang panibagong araw para ipagpatuloy ang buhay. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto.Pagdating ko sa kusina ay agad akong naghanda ng almusal.Nagprito ako ng itlog, hotdog at nagsaing ng kanin. Habang kumukulo ang tubig para sa kape ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Jet. Lumabas siyang naka-uniporme na.Mas matangkad na siya ngayon.Sa edad na labing-anim ay halos ka-height na niya ang ama niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Napakabilis lumaki ng a
Dylan's POVNagising ako sa mahinang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng guest room.Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ilang segundo akong nakatitig sa puting kisame. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako.Hanggang sa marinig ko ang huni ng mga ibon sa labas at ang mahinang ingay ng mga sasakyang dumaraan. Australia.Napabuntong-hininga ako. Nasa Australia na nga pala ako. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at lumapit sa bintana. Pagbukas ko ng kurtina, bumungad sa akin ang malinis na kalsada ng subdivision. Halos walang sasakyang dumaraan. Tahimik ang paligid. Napapalibutan ng matatandang puno ang magkabilang gilid ng daan. Hindi ko maiwasang humanga.Napakaiba nito sa Pilipinas. Tahimik. Maayos. At napakalinis. Ngunit sa kabila ng ganda ng tanawin... Hindi pa rin maalis sa isip ko ang isang tao. Maria. Napapikit ako sandali. "Hanggang kailan ba kita iisipin?" mahina kong bulong sa sarili. Napailing ako at pilit na inalis ang mga alaala sa isip ko. Hindi ako narito
Beng's POVHindi ako dinalaw ng antok nang gabing iyon.Tahimik na ang buong bahay. Mula sa salas ay naririnig ko ang mahinang ugong ng air conditioner at ang paminsan-minsang tawanan ng mga apo ko na unti-unti ring nawala habang isa-isa silang nakatulog. Ako lang ang naiwan.Tahimik. Gising. At inuusig ng sarili kong konsensya. Mahigpit kong hawak ang tasa ng mainit na tsaa habang nakatanaw sa malaking bintana ng bahay nina Marco. Sa labas ay maliwanag ang mga ilaw sa kalsada. Tahimik ang buong subdivision. Walang tila nag-aalala.Pero ako... Hindi mapakali ang puso ko.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ni Dylan kanina habang kumakain kami. Ang pilit niyang ngumiti. Ang kakaunti niyang isinubong pagkain. At ang mabilis niyang pag-akyat sa silid.Kilalang-kilala ko ang anak ko. Ako ang nagsilang sa kanya. Kapag ganyan siya katahimik, ibig sabihin ay may dinadala siyang sakit na hindi niya kayang sabihin kahit kanino. Napapikit ako.Hindi ko na kailangang magtanong.Alam ko
Dylan's POV Tatlong buwan. Tatlong buwan kaming magbabakasyon ni Mama sa Brisbane, Queensland, Australia. Hindi ko pa rin lubos maisip na matutuloy talaga ang biyahe namin. Nakatayo ako sa sala habang hawak ang passport ko. Nakalatag sa mesa ang mga printed airline tickets, travel documents, at iba pang requirements na ipinadala ng kapatid kong si Marco mula sa Australia. "Siguraduhin mong kumpleto lahat ng papeles mo," sabi ni Mama habang isa-isang inaayos ang mga dokumento. Tumango ako. "Kumpleto na, Ma." Napabuntong-hininga siya. "Mabuti naman." Tahimik kaming dalawa sa loob ng ilang sandali. Hindi ko maiwasang mapatingin sa airline ticket.Manila to Brisbane. Noon... Ako sana ang nasaAustralia. bAko sana ang unang aalis ng bansa. Naalala ko ang araw na tumawag sa akin si Marco halos limang taon na ang nakalipas. "Kuya," masaya niyang sabi noon sa telepono. "May taong naghahanap sayo hiring daw sa airport." "Naghahanap sila ng tao." "Hinahanap ka diba may license kana at na
The typing indicator appeared... then disappeared.A few seconds later, it appeared again.I couldn't help smiling.Liam was probably deciding whether he should tell me the truth.Finally, his message arrived.Promise me you won't get mad.I raised an eyebrow.That depends on your answer.A few moments later, another message popped up.DC told me.I blinked.Of course.It had to be him.I immediately replied.He told you everything?Liam answered honestly.Not everything.Just enough to let me know that you weren't taking care of yourself.Another message followed.Maria...Do you honestly think I could sleep peacefully knowing you were skipping meals?I looked down at my phone.No.I knew Liam too well.He worried over the smallest things.If I caught a cold...He would remind me to drink water.If I had a headache...He would call just to make sure I had taken medicine.







![Cover your eyes baby [Series 1]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)