MasukDylan POV Ilang araw na lang bago umalis si Maria. Simula nang malaman ko ang eksaktong date, mas lalo kong napapansin kung gaano kabilis ang mga araw. Dati, kapag naiisip kong aalis siya, parang malayo pa. Pero ngayon, may araw na akong tinitingnan sa kalendaryo. Isang araw, pagkagising ko, napansin ko agad yung maliit na kalendaryo sa tabi ng mesa. Nandoon yung petsa. Ilang araw na lang. Hindi ko alam kung bakit lagi kong tinitingnan. Siguro dahil gusto kong masanay sa idea na darating talaga yung araw na iyon. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Mama sa kusina. Naghahanda siya ng kape habang may hawak na cellphone. “Ma,” tawag ko. “O?” “Final na ba talaga yung date?” Tumingin siya sa akin bago ibaba ang cellphone. “Oo. Final na.” “Wala nang pagbabago?” “Wala na.”Umupo ako sa mesa. “Si Maria na mismo ang nagdesisyon?” “Oo. Matagal na niyang pinag-iisipan. Ngayon lang naging maayos lahat.” Hindi ako nagsalita. May ilang segundo kaming parehong tahimik.“Paano naman si Jet?” tanon
Maria's POVTahimik ang gabi.Nasa kwarto ako habang mahimbing nang natutulog si Jet sa kabilang kwarto. Nakahiga lang ako habang hawak ang cellphone ko. Hindi ko naman talaga balak maghintay ng message, pero ilang beses ko pa ring tinitingnan ang screen.Maya-maya, nag-vibrate ang cellphone ko.Si Liam. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan niya. Liam: "Are you still awake?" Hindi ko agad sinagot. Ilang segundo lang, may kasunod na message.Liam: "How are you?" Napatingin ako sa message niya. Simpleng tanong lang. Pero hindi ko alam kung bakit parang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko.Nag-type ako. "I'm okay. Just tired." Nagreply siya agad . Liam: "Did you eat dinner?" Napangiti na naman ako. "Yes. What about you? Liam: "I already ate." Maya-maya, may kasunod. Liam: "And Jet?" Naalala ko Mahimbing siyang natutulog sa kwarto niya. "He's sleeping already."Liam: "Good. You should get some rest too."Napangiti ako habang binabasa iyon.Hindi ko alam kung bakit lagi niyang inuu
Dylan's POV Malamig ang gabi sa Australia. Tahimik ang buong bahay nina Marco. Tanging mahinang tunog ng telebisyon sa sala ang maririnig habang naghahanda na ang lahat para magpahinga. Katatapos lang naming maghapunan. Tahimik lang akong nakaupo sa dulo ng mesa, hawak ang isang baso ng tubig. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa tabi ng plato.Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman buong araw. Parang may hinihintay. O baka umaasa lang ako. "Dylan." Napatingin ako kay Mama nang marinig ko ang boses niya. "O,ayos ka lang ba?" Pilitan akong ngumiti. "Oo, Ma. Pagod lang." Hindi na siya nagsalita. Kilala niya ako. Kahit anong pilit kong itago ang nararamdaman ko, nababasa pa rin niya iyon. Lumapit si Marco at tinapik ako sa balikat. "Huwag mong akuin lahat ng bigat, Kuya let go na." Tumango lang ako. Kung alam lang nila... Hindi pagod ang dahilan. Konsensya.Iyon ang unti-unting sumisira sa akin araw-araw. Matapos magligpit ng pi
Maria's POV (Part 1)Maaga akong nagising nang araw na iyon.Hindi na tulad noon na gigising akong mabigat ang dibdib at namumugto ang mga mata dahil sa kaiiyak. Unti-unti na akong natutong bumangon. Unti-unti na rin akong natutong tanggapin na may mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghihilom. Natututo ka na lang mabuhay habang dala-dala ang mga peklat. Tahimik akong bumangon at inayos ang higaan. Mula sa bintana ng kwarto ay tanaw ko ang unti-unting pagsikat ng araw.Isa na namang panibagong umaga.Isa na namang panibagong araw para ipagpatuloy ang buhay. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto.Pagdating ko sa kusina ay agad akong naghanda ng almusal.Nagprito ako ng itlog, hotdog at nagsaing ng kanin. Habang kumukulo ang tubig para sa kape ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Jet. Lumabas siyang naka-uniporme na.Mas matangkad na siya ngayon.Sa edad na labing-anim ay halos ka-height na niya ang ama niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Napakabilis lumaki ng a
Dylan's POVNagising ako sa mahinang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng guest room.Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ilang segundo akong nakatitig sa puting kisame. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako.Hanggang sa marinig ko ang huni ng mga ibon sa labas at ang mahinang ingay ng mga sasakyang dumaraan. Australia.Napabuntong-hininga ako. Nasa Australia na nga pala ako. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at lumapit sa bintana. Pagbukas ko ng kurtina, bumungad sa akin ang malinis na kalsada ng subdivision. Halos walang sasakyang dumaraan. Tahimik ang paligid. Napapalibutan ng matatandang puno ang magkabilang gilid ng daan. Hindi ko maiwasang humanga.Napakaiba nito sa Pilipinas. Tahimik. Maayos. At napakalinis. Ngunit sa kabila ng ganda ng tanawin... Hindi pa rin maalis sa isip ko ang isang tao. Maria. Napapikit ako sandali. "Hanggang kailan ba kita iisipin?" mahina kong bulong sa sarili. Napailing ako at pilit na inalis ang mga alaala sa isip ko. Hindi ako narito
Beng's POVHindi ako dinalaw ng antok nang gabing iyon.Tahimik na ang buong bahay. Mula sa salas ay naririnig ko ang mahinang ugong ng air conditioner at ang paminsan-minsang tawanan ng mga apo ko na unti-unti ring nawala habang isa-isa silang nakatulog. Ako lang ang naiwan.Tahimik. Gising. At inuusig ng sarili kong konsensya. Mahigpit kong hawak ang tasa ng mainit na tsaa habang nakatanaw sa malaking bintana ng bahay nina Marco. Sa labas ay maliwanag ang mga ilaw sa kalsada. Tahimik ang buong subdivision. Walang tila nag-aalala.Pero ako... Hindi mapakali ang puso ko.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ni Dylan kanina habang kumakain kami. Ang pilit niyang ngumiti. Ang kakaunti niyang isinubong pagkain. At ang mabilis niyang pag-akyat sa silid.Kilalang-kilala ko ang anak ko. Ako ang nagsilang sa kanya. Kapag ganyan siya katahimik, ibig sabihin ay may dinadala siyang sakit na hindi niya kayang sabihin kahit kanino. Napapikit ako.Hindi ko na kailangang magtanong.Alam ko







