Share

63 Proposal Accepted

Penulis: Anna Marie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-18 19:54:49

PARA silang batang nakagawa ng mabigat na kasalanan na ngayon ay humaharap sa manlilitis.

"Bakit kailangan pang humantong ng apat na taon bago kayo ikasal kung pwede naman ngayong taon na ito ganapin?" Nagtatakang tanong ni Moises kay Miguel.

Walang reaksyon sa mukha ni Miguel, ni takot sa ama niya ay hindi kababakasan sa mukha nito.

"Tito Moises, ako po ang may kagustuhan noon. Napagkasunduan po namen pareho ni Miguel na after four years magpakasal." nahihiyang sabi ni Gabriella.

"Pero bakit? Marami ang pwedeng mangyari sa apat na taon, hija." biglang bumaba ang boses nito at hinarap si Gabriella.

"Alam ko po iyon. We will take it one step at a time, tito Moises. Mag-aaral muna po ako habang si Miguel naman po ay kailangan tutukan ang mga project na nakontrata niya. Maybe, four years in time wala na pong gaano stress sa amin dalawa at ang wedding na lang po ang haharapin namen." magalang na paliwanag ni Gabriella sa matanda.

Tahimik lamang si Miguel habang hawak ang kama
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
thanks Ms Author sa update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   74 The Gala Night

    TITANS OF GLOBAL CONSTRUCTION GALA-- Honoring the Visionaries Who Build the World. Hawak ni Miguel sa kamay ang imbitasyon na dumating sa kanilang mag-ama noong isang linggo. At ngayon nga ay ang natatanging gabi ng parangal. Yearly ay nagkakaroon ng prestihiyosong parangal na iginagawad sa mga malalaking kumpanya sa larangan ng konstruksyon at imprastruktura bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa pagpapaunlad ng mga makabagong proyekto, matatag na gusali, at mahahalagang pasilidad. Layunin nitong kilalanin ang kanilang kahusayan sa inobasyon, kalidad ng trabaho, at pamumuno sa mga proyektong nagdudulot ng malaking benepisyo sa lipunan at ekonomiya. At taon taon din ay may nakukuha ang mag-ama ng parangal. Pero espesyal ang parangal ngayong taon dahil pagkilala ito ng buong mundo sa mga natatanging kumpanya at kilalang tao na malaki ang naging impluwensya sa ekonomiya sa buong mundo. Dadaluhan din ito ng mga kilalang negosyante at politiko na nagmula pa sa iba

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   73 Brutal Insult

    NAPASANDAL si Miguel sa swivel chair niya habang mahigpit na nakahawak sa cellphone. Ang excitement na nararamdaman kanina ay nabantuan ng pagkadismaya at lungkot. Gustuhin man niyang sumama ang loob ay ano naman ba ang kahihinatnan noon? Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at niluwa noon si Samantha. Kasunod nito ang secretary niya na tila pinipigilan ito. "Sorry po, Sir. Hindi ko po kaagad napansin si Ma'am Samantha," hinging paumanhin ng secretary niya. "So? Tama nga na restricted na pala ako sa office mo?" natatawang sabi ni Samantha habang nakapamaywang sa harap ng table niya. "Sige na, Alma, umuwi ka na." sabi niya sa secretary niya. Yumuko lamang ito at isinara ang pinto nang lumabas ng opisina ni Miguel. "Anong kailangan mo?" tanong ni Miguel kay Samantha at umayos ng upo. "I've been looking for you these past few days but it seems you've really neglected me." ang mga salita nito ay tila sinasadyang artihan at layuning akit

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   72 Away from Him

    LUMIPAS ang ilang buwan na puno ng pagmamahalan at kasiyahan sina Miguel at Gabriella. Si Gabriella ay nag-umpisa nang mag-aral ng kolehiyo sa isang kilalang unibersidad ng Bulacan habang si Miguel naman ay naging abala na sa mga pinagagawa nitong project at iba pang nakontratang imprastraktura. Sa kabila nang pangungumbinsi ni Miguel kay Gabriella na sa Maynila magkolehiyo ay hindi pa rin niya ito napilit. May pagkakataon na pinagtalunan nilang dalawa iyon ngunit pinagmatigasan ng dalaga ang pasyang sa Bulacan na lamang mag-aral. May pagkakataon pa rin naman na nakakapasyal ang dalaga sa mansion ngunit kinabukasan lang din ay bumabalik ito sa Bulacan. Kung hindi magawang umuwi ng Bulacan ni Miguel dahil sa sobrang abala nito ay pinasusundo siya nito sa driver. Hanggang sa pareho na sila naging abala at may mga pagkakataon na hindi nagtutugma ang bakanteng araw nila. Sa tuwing ganoon ang mangyayari ay nagpapadala sa kanya si Miguel ng bulaklak at card na naglalaman ng mensahe kung g

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   71 So Much Love

    MABIGAT ang mga paang lumabas si Gabriella mula sa bakuran nila Lora. Hindi niya pinilit si Lora na magkuwento at nirespeto ang gusto nitong manahimik sa issue nila ni Karl. Masyadong nasaktan ang kaibigan niya at kailangang igalang niya ang desisyon nito. Nalulungkot siya na sa tagal ng pagkakaibigan nilang tatlo ay mauuwi lamang ito sa tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Hihintayin niyang tumawag si Karl at ito ang tatanungin niya. Luminga siya upang maghanap ng tricycle ngunit kotse ni Miguel ang nakita niyang papalapit sa kanya. Saktong huminto ito sa tapat niya at bumaba ang salamin ng bintana. "Wanna ride?" nakangiting tanong ni Miguel sa kanya. Maaliwalas na ang mukha nito. "Akala ko umalis ka na?" nagulat si Gabriella. Halos dalawang oras din siyang nagtagal sa pakikipag-usap kay Lora at hindi niya naisip na hihintayin siya ni Miguel. Buong akala niya sa mga oras na iyon ay kasalukuyan na itong bumabyahe. "Just get in," utos nito na tila ayaw magbigay ng paliwanag s

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   70 Visiting Lora

    MAAGANG gumising at naligo si Gabriella para puntahan si Lora. Bitbit ang kahon na ibinilin ni Karl bago umalis. Palabas na siya ng gate nang tawagin siya ni Miguel. "Heading somewhere this early?" tanong ni Miguel habang humahakbang palapit sa kanya. Humarap si Gabriella kay Miguel. Mukhang may lakad din ito dahil nakabihis din ito. Kanina nang kinuha niya ang kahon sa silid niya ay wala na ito sa higaan. Ayon sa Mamang niya ay maaga itong gumising at pumunta na sa site. Nakita ni Miguel ang bitbit nitong kahon. Nahulaan na niya kung saan ito pupunta. "Ikaw, bakit ang aga mo atang nakagayak? Aalis ka ba ngayon?" tanong din niya sa binata. "Babalik ako ng QC," sagot ni Miguel at namulsa habang nakatingin sa mukha niya. "Bakit?" bigla ay napakunot ang noo ni Gabriella. "Tara, sakay ka na sa kotse, ihahatid kita kala Lora." tumalikod si Miguel nang hindi man lang sinasagot ang tanong ni Gabriella, lumapit sa kotse at binuksan ang pinto para kay Gabriella. Hindi na lang p

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   69 Setting Plans

    BAGO magtanghali ay nakarating na si Miguel at Gabriella sa Bulacan. Hindi nagawang makasama ni Moises sa kanila dahil inatake ito ng rayuma at nahihirapang bumangon. Pagbaba ng dalaga sa sasakyan ay napapikit ito at sinamyo ang hangin na umiihip na nagmumula sa kabukiran. Ilang araw lang siyang nagbakasyon sa mansion nila Miguel, pero pakiramdam ni Gabriella ay matagal na panahon siyang nawala. "You missed your place, don't you?" nakangiting tanong ni Miguel nang makababa ng sasakyan. "Absolutely!" masayang sagot ni Gabriella. Lumabas si Mariella mula sa kusina nang matanawan ang pagdating ng dalawa. "Tamang tama ang pagdating ninyo. Tara at mananghalian na tayo," sinalubong sila ni Mariella at nagbigay galang ang dalawang bagong dating sa matandang babae. "Pumunta nga pala dito si Lora nung isang araw, Gabriella," sabi ng Mamang niya. Bigla ay naalala ni Gabriella ang iniwan ni Karl sa kanya na para kay Lora. "Sinabi po ba kung bakit?" tanong niya. "Mukhang pina

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status