ANIM na taon na ang nakalipas simula ng itinakwil si Mari ng daddy niya. Marami nang nagbago sa buhay niya. She now lives in Baguio with her 70-year-old grandma, Epiphania de Flores. Malakas pa ang lola niya kahit matanda na ito. May sarili silang ukay-ukay sa night market. May araw din na naglalako ito ng strawberry taho sa mga turista.
Payapa ang buhay niya sa Baguio. Ang maganda dito sa lugar na ‘to, kahit summer, malamig pa rin. At hindi na kailangan ng aircon sa loob ng bahay nila. Nakapundar na rin ng maliit na grocery store si Mari, pero kulang pa rin ito para sa future ng anak niya.
Gianni Harrington, her five-year-old son, had recently started attending grade school. Dumagdag ang responsibilidad niya habang lumalaki ito. She even stopped searching her son’s father, mauubos lang pera niya kahahanap dito. Pinubaya niya na lang sa Diyos ‘yon, basta ang importante ay kasama niya ang anak at lola niya. Her son’s future is on the top of her priority list.
Busy siya sa pagliligpit ng mga gamit sa loob ng bahay. Napahinto siya nang makita niya ang isang album sa ilalim ng kabinet. She scanned the pages. Luma na ang mga litrato dito, at ang iba ay inaamag na. While turning the pages ay napahinto siya when she saw a beautiful young woman na kamukha niya. It’s her mother—Sharon de Flores.
Naalala niya no’ng kinuwento ng Ate Vina niya ang nangyari sa ina. Sharon passed away shortly after giving birth to Mari. Di man lang nakita ni Sharon ang anak niya bago ito namatay.
Malungkot na sinara ni Mari ang album at nilagay ito sa drawer ng kabinet. Kung hindi lang siguro ito namatay, baka pinagtanggol siya nito sa daddy niya. Bigla tuloy siya nag-alala sa kapatid niyang si Vina.
Gabi ng alas syete isinara na ni Mari ang grocery store niya. Naghanda na siya umuwi kasama si Gianni. Medyo malayo ang bahay nila pero mas pinili niya na lang ang maglakad, pupuntahan din kasi niya ang lola niya sa night market. Safe naman dahil maraming tao sa labas.
Habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasan ang maalala ang nangyari sa kanya for the past six years— no’ng niloko siya ni Estefan, no’ng nakipag-one night stand siya at no’ng tinakwil siya ng sarili niyang ama.
“Mom, I want to know where my dad is? Kasi do’n sa school, everyone has a dad. Ako lang ang wala,” tanong ni Gianni habang naglalakad sila papuntang night market.
Mari crouched down to his eye level. “Your dad. . . well, he’s not here with us, but that’s okay. Ikaw, ako at ng lola mo, we’re a team, and we take care of each other.”
Gianni seemed satisfied with the answer and continued walking with Mari holding her hand tightly.
As usual, maraming tao sa night market pagdating nila. Nakita niya ang Lola Epiphania niya na busy sa pag-e-entertain sa mga customers nito. Pinaupo niya si Gianni sa loob habang siya naman ay nagsimulang mag-entertain sa mga bagong customers.
“Uy, akala ko uuwi ka kaagad sa bahay?” tanong ng lola niya.
“Hindi ko kayang umuwi na hindi ka kasama, La. At saka, mababagot lang ako sa bahay,” aniya saka binaling ang tingin sa bagong customer. “Yes po? Fifty pesos na lang po ‘yan.”
Napangiti na lang si Epiphania habang pinagmamasdan ang apo. Masaya siya na kasama niya si Marigold, lalo pa’t bilang na lang ang araw niya. Tumatanda na siya at nakakaramdam na ng panghihina ng katawan.
Ilang sandali pa ay natigilan si Mari nang makita niya si Estefan kasama si Bella. Parang gusto niyang magtago pero huli na dahil nakita na siya ng mga ito. Ngumisi si Estefan saka lumapit sa booth ni Mari.
“Well, well, well, look who we have here. Little Marigold, working at the night market. How the mighty have fallen, huh?”
Marahang tumawa si Bella, her laughed coated with malicious intent. “Naalala ko pala na pinalayas ka ng pamilya mo. Life must be tough for you.”
Napakuyom na lang ng kamay si Mari. Sumiklab ang galit niya nang maalala ang panloloko ng dalawa sa kaniya noon.
“Pinili ko ang buhay kong ‘to dahil gusto ko. I’ve built a life for myself and my son, and I’m proud of it,” lakas-loob na sabi ni Mari.
Napataas na lang ng kilay si Estefan, pilyong ngiti ang ginawa niya. “Oh, of course you’re proud of it. Yung nagbebenta ka ng ukay-ukay sa night market. Such a glamorous life you’ve got now.”
Tumikhim si Bella. Napatingin siya kay Gianni na nakaupo lang sa loob. Napangiti siya na may panunuya. “Your son’s father must be proud, too, wherever he is. Or alam niya ba na may anak siya?” Marahang natawa si Bella.
Mas lalong napahigpit ng pagkuyom ng kamay si Mari. Hindi na niya kayang tiisin pa ang masasakit na salita ng dalawa.
Tiningnan niya ng seryoso ang dalawa. “You have no right to judge me. You both betrayed me, Estefan. You, who cheated on me with my. . .” Napalingon siya kay Bella. “. . . ex-best friend a day before our wedding.”
“Wala kayong karapatan na pagsalitaan niyo ako ng ganyan, na kayo lang din naman gumawa nito,” dagdag pa niya.
Napayuko na lang si Bella. Dinig ng mga tao sa night market ang sinabi ni Mari. Nakaramdam ng kahihiyan ang dalawa kaya naman mas lalong lumakas ang loob ni Mari.
“I may not have the wealth or the status I had before, but I have a son. Gagawin ko ang lahat, Estefan, para sa anak ko.”
Natahimik na lang ang dalawa. Guilty sila sa ginawa nila kay Mari.
Hinawakan ni Bella ang braso ni Estefan, dahil kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao. “Let’s go. Mahuhuli na tayo sa dinner.”
Nakahinga nang maluwag si Mari nang makalayo na ang dalawa. Pero at least nagkaro’n na ng closure sa past niya.
Pagkauwi niya mula sa night market ay napabukas siya ng drawer. Hinahanap niya ang passbook niya. Malungkot niyang binalik ito sa lalagyan nang mabasa ang mahigit isang daang libong piso na savings niya. Ito pa lang naipon niya simula nang binuksan niya ang grocery store two years ago. Parang hindi na kakayanin pa ng tindahan niya dahil kinakain lang ito sa renta at bills, tapos kakarampot lang na net sales ang natatanggap niya, buwan-buwan.
Kailangan na siguro niya maghanap ng trabaho.
Kinabukasan, habang naglalakad si Mari sa daan papuntang tindahan ay napahinto siyang makita ang malaking banner sa gate. Nasa tapat siya ng isang soon-to-open na hotel, ang Hotel de Sinclair.
Nakalagay sa tarpaulin ang listahan ng mga hinahanap nila. Habang binabasa niya paisa-isa ang job list ay naagaw ang atensyon niya sa hotel concierge. Eksaktong tourism ang natapos niya.
May sarili din kasing hotel ang mga Harrington. Gusto kasi ni Robert na si Mari ang mag-ma-manage nito noon. Pero ngayon na wala na siya, posibleng si Kate na ang namamahala ngayon.
Kaagad siyang nag-send ng resume sa Hotel de Sinclair. Nakapasa siya sa phone interview at binigyan siya ng mga requirements para sa pre-employment.
Minimum salary lang ang binigay sa kaniya para sa three months probationary. Lalaki lang ang sahod niya kapag maganda ang performance niya at maging regular employee siya.
Tinanggap niya ‘yon kahit minimum pa ang sahod. Ang importante, hindi na siya araw-araw mamomroblema sa bayarin niya sa renta at bills ng grocery store niya. Gagalingan niya na lang ang performance niya para tumaas ito.
Nasa Philippine Statistic Authority (PSA) office ngayon si Mari para i-process niya ang Certificate of No Marriage Record (CENOMAR). Isa kasi sa requirement ng hotel ito dahil may program sila para sa mga single-mom na kagaya niya. May additional lang na two thousand pesos na allowance every month kaya kumiribels na siya.
Ilang sandali pa ay bumalik na sa kinauupuan ang staff dala ang papel. Bakas sa mukha ng babae ang pagkalito niya.
“Ma’am, hindi po kayo qualified sa cenomar.”
Napakunot ng noo si Mari. “Ano? Bakit naman?” Naguguluhan siya sa sinabi nito. Nampa-prank ba ‘to?
Huminga nang malalim ang babae, pati siya ay hindi siya makapaniwala dahil hindi naman siguro pupunta si Mari sa PSA kung alam nito ang status.
“Kinasal na po pala kayo, Ma’am.”
Nanlaki ang mata ni Mari nang marinig niya ‘yon. Wala siyang maalala na kinasal siya. Well, papunta na do’n pero nagloko si Estefan. Gulong-gulo ang isip ni Mari.
“Po? Paano nangyari ‘yon?” gulat niyang tanong.
"MAY nasagap akong balita," sabi ni Mike nang pumasok siya sa kuwarto ni Gianni saka binuksan ang TV.Walang emosyon na tumingin si Mari sa screen. Inaasahan na niya ito. Kanina pa siya tinatawagan ng isang journalist para kunin ang kanyang reaksyon.Nagpakawala siya ng buntong-hininga at tinignan si Mike. "Ano pang bago?"Matalim ang tingin ni Mike habang nakatuon ang atensyon sa balita. "Ngayon ay naglabas na rin ng statement si Robert sa page niya," pinakita ni Mike sa tab niya ang statement na iyon. "Balita ko, pinapalayas na raw niya si Silvana sa mansyon. Hindi pa siya nagsasampa ng kaso pero... mukhang hindi na rin malabo."Mari smirked. "He’s just saving his own skin. Gusto niyang linisin ang pangalan niya bago siya tuluyang madamay.""Pero Mari, ito na yung pagkakataon mo," wika ni Clarence.Tumaas ang kilay ni Mari. "Ano'ng ibig mong sabihin?"Ngumiti si Clarence bago nagsalita. "Ito na ang pagkakataon mo para bumalik bilang CEO ng Harrington Group."Napatingin si Mari sa an
TAHIMIK na nag-iimpake si Silvana pero sa bawat galaw niya ay ramdam niya ang bigat sa kalooban. Pinapalayas na siya ng asawa niyang si Robert dahil sa ginawa niyang panloloko dito tungkol sa DNA test ni Mari. Isa-isa niyang ipinasok sa maleta ang mga family pictures nila. Napaluha na lang siya habang tinitingnan ang masasayang alaala na ngayon ay unti-unti nang mawawala ito.Nang matapos siyang mag-impake ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang notification mula sa bangko—isang milyong piso ang ipinadala ni Robert sa account niya. Ilang saglit pa, may isa pang notification. Nang tingnan niya ay napansin niyang blinock na ni Robert ang lahat ng credit cards niya.Napakuyom ang kamay ni Silvana. Hindi sapat ang isang milyon para magsimula siya. Asawa pa rin siya ni Robert, at may karapatan siya sa lahat ng meron ito, maliban na lang kung pipirma siya sa annulment papers.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Robert at may hawak itong folder. Walang
TAHIMIK na nakaupo sina Mari at Clarence sa law office ni Jacob."Pasensya ka na, Jacob kung naabala ka namin," sabi ni Clarence. Huminga nang malalim si Jacob at pinadulas sa mesa ang annulment papers sa mag-asawa."Tutol ako sa ginagawa niyo, Clarence. Wala akong tiwala kay Kate pero naiintindihan ko naman si Mari," paliwanag ni Jacob.Hawak na ng dalawa ang mga papeles ng annulment. Pareho nilang tinitigan ang dokumento. Dahil do'n ay mas lalong bumigat ang dibdib ni Mari. Walang alinlangan na unang pumirma si Clarence. Pagkatapos ay iniabot niya ang ballpen kay Mari. Nanginginig ang kamay ni Mari habang pumipirma ito. Pagkatapos niyang lagdaan ay huminga siya nang malalim. May kung anong luha na gumilid sa mata niya."Clarence, I'm sorry. I... I don't know what to do. Hindi ko ginusto ito pero kailangan mabuhay ang anak natin," naiiyak na sabi ni Mari.“Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapakasal sa kanya,” matatag na sabi ni Clarence.Kumunot ang noo ni Mari, tila bang nagugul
Nanliit ang mata ni Kate, sinusubukang alamin kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Mari sa kulungan. Iniisip niya na baka nandito ito para pagtawanan siya o ipamukha ang pagkakamali niya.“Are you here to mock me, Mari? Makakalabas ako rito. So please—”Hindi natapos ni Kate ang sasabihin niya nang mapansin niyang tumulo ang luha ni Mari. Biglang natigilan si Kate. Pinagmamasdan niya ang mugtong mata ni Mari, na tila bang pagod na itong umiyak. Hindi niya inasahan na makikita niya itong mahina, na parang may dinadalang mabigat na problema.“Mari…” mahinang bigkas ni Kate habang nakatingin dito. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inayos ni Kate ang sarili niya, she stood herself na para bang gusto niyang kalabanin si Mari. Lahat ng dinanas niyang hirap sa kulungan ay kailangan pagbayaran ng kapatid niya.Magsasalita pa sana niya nang biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Kate. Sa gulat, napaatras si Kate, pero hindi niya napigilan ang sari
Napangiti si Kate nang makita ang presensya ng mommy niya. Nasa loob sila ng kuwarto na may harang na glass sa pagitan nila. Dito ginagawa ng mga taong gustong bisitahin ang mga preso."Makakalabas na ba ako, Mom?" excited na tanong niya. Napansin ni Kate ang biglaang pagbabago sa mukha ni Silvana. Tila lumungkot ang mata nito, at ang kanyang mga labi ay parang nag-aalangan bago magsalita."Kate..." malumanay na sabi ni Silvana, "hindi ka na makakalabas nang basta-basta dito."Marahang tumawa si Kate habang nangigilid ang mga luha sa mata. "That's not true, Mom," aniya habang umiiling siya. "I know dad will come here to get me out," dagdag pa niya."At hindi na mangyayari iyon, Kate. Pinapalayas na ako ng daddy mo."Napatindig sa gulat si Kate. "What?!" galit na tanong niya. Gulong-gulo ang isip niya. Paano nagawa ni Robert iyon sa sarili nitong asawa? At bakit hahayaan ang anak niyang mabulok sa kulongan?"I don't understand you, Mom. What do you mean na pinalayas ka ni dad? Nag-aw
"MARI, wait for me!"Hingal na hingal si Ricca habang hinahabol niya ang pinsan. Nang huminto si Mari at lumingon ay natigilan siya. Umiiyak na pala ito."Mari..." mahinang tawag niya.Agad na pinahid ni Mari ang luha sa mga mata niya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Lumapit si Ricca at hinawakan ang balikat nito. "Huwag mo masyadong dibdibin ang nalaman mo, Mari."Bumuntong-hininga si Mari at tumingin sa malayo. Pinipigilan niya ang sariling di humikbi, pero hindi na niya kaya. Nagsimula na ulit tumulo ang luha niya."Pagod na ako, Ricca," mahinang sabi niya. "Pagod na akong gawin ang lahat para maayos ang pamilya ko. Lahat sinunod ko naman, yung tradisyon na iyon ginawa ko dahil mahal ko si dad. Kahit alam kong sobra na. Akala ko kasi, kapag ginawa ko iyon, baka matutunan niya akong mahalin bilang anak niya."Nagulat si Ricca sa narinig niya, pero nanatili siyang tahimik."No'ng nalaman kong hindi ako anak ni dad? Masakit. At tinanggap ko iyon. Pero alam mo ang mas masaki
MALAKAS na hiyaw ang ginawa ni Kate habang nasa loob siya ng kulungan. Nag-echo mula sa selda niya hanggang sa opisina ni Severano ang pagwawala nito. Huminga na lang siya nang malalim Mahigpit ang pagkakahawak ni Kate sa rehas. “Let me out! Let me out!” sigaw niya na halos mapaos sa lakas ng boses.Isang mataba at kulot na buhok na babae ang lumapit kay Kate at kinalabit siya nito. Pagkalingon ni Kate ay napatingala siya dahil mas matangkad pa ito sa kanya. Seryosong tiningnan siya ng babae, dahil do’n ay napalunok siya. Kahit nakakatakot ang hitsura nito ay minarapat niyang maging matatag sa harap nito. “What do you want?” lakas loob na tanong niya sa babae na tila bang hinahamon niya ito.Nagtawanan ang mga babae sa loob ng selda kasama ang matabang babae. “Ang lakas naman ng loob mo, ano? Sa seldang ito, ako lang ang masusunod. Kaya tigil-tigilan mo ‘yang pagwawala mo, baka pagkamalan kang baliw at mapunta ka sa mental hospital,” salaysay ng babae saka nagtawanan ang lahat.Big
NAKAUPO ngayon si Mike habang naghihintay na ibigay ni Yssa sa kanya ang resulta ng DNA test. Lumipas ang halos sampung minuto ay napatayo siya na makita ang presensya nito na naglalakad patungo sa kanya.“Pasensya na po kung medyo natagalan. Ito na po ang DNA test result nila,” wika ni Yssa nang iunat ang envelope kay Mike. “Thank you, Yssa,” pasalamat niya rito saka agad siyang umalis.Pagpasok ni Mike sa loob ng kotse ay agad niyang binuksan ang envelope. Nanlaki ang mata niya sa nakita niyang resulta. Dumukot ng cell phone si Mike sa bulsa at tinawagan si Clarence.“Sir, I already got the result. Papunta na ako sa opisina niyo.” Binaba ni Mike ang tawag at nagsimulang magmaneho papuntang Sinclair Company.Nasa entrance siya nang makita niya si Ricca sa unahan hanggang sa pareho silang pumasok sa elevator. Dahil dalawa lang sila sa loob ay agad na napansin ni Ricca ang presensya ni Mike. “You saw me earlier, right? No greetings at all?”Nanatiling nakatingin si Mike sa
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya