SA BAWAT minutong nagdaan, mas lalo siyang naguguluhan. Sinusubukan niyang intindihin ang sitwasyon, but for her it doesn’t make any sense.
“Ma’am, I’m sorry, pero sa record namin ay naka-married status ka na,” the staff reiterated.
“Pero hindi ko maalala na kinasal ako. Paano nangyari ‘yon? Pwede ko bang malaman kung sino ang asawa ko? Nandyan ba ang marriage certificate ko?” sunod-sunod niyang tanong.
“Naku, Ma’am, pasensya na. Down pa kasi ang system namin ngayon sa mga kukuha ng marriage certificate. Siguro mga five working days pa.”
“So, meaning, next week pa kasi Thursday ngayon, e?”
“Opo, Ma’am. Pwede kayong bumalik. . . o di kaya mag-iwan na lang kayo ng contact number, tawagan ko kayo once na ready na ang marriage certificate niyo”
Tumango si Mari at sinulat niya sa papel ang numero niya. Paglabas niya ng PSA ay tulalang naglakad siya sa kalye. Wala siyang maalala na pumirma siya ng marriage contract o dumalo man sa anumang seremonya sa kasal.
Her mind was flooded with questions. Pinapalibutan siya ng mga tao sa kalye pero bakit parang feeling niya disconnected siya sa mundo?
Sino kaya ang naging asawa niya?
Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaba. Iniisip niya na baka ginamit lang ang pangalan niya? Baka sina Bella o Estefan ang may pakana nito? O baka ang step-mom niyang si Silvana?
Ginulo ni Mari ang buhok niya. “Argh!” inis niyang sabi. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao.
“Luh, nababaliw na si Ate,” natatawang sabi ng isang babae habang tinuro ng hintuturo nito si Mari.
Hindi niya ‘yon pinansin. Dire-diretso lang siya sa paglakad niya hanggang nakarating na siya sa isang convenience store. Ang haggard ng itsura niya, pagod sa paglalakad at pinagpapawisan.
Nagtungo siya sa chiller ngunit may naunang lalaki sa harap niya. Sa uhaw ay bigla niyang kinuha ang canned soda na akma namang kukunin ng lalaki.
“What the—”
Laking gulat na napalingon ang lalaki kay Mari. Tanaw niya ang gulong buhok at haggard na mukha nito. Ilang sandali pa ay nilagok ni Mari ang isang canned soda habang nakatingin ito sa lalaki.
“Ahhh. Ang sarap!” wika ni Mari saka pinahid ng kamay ang basang mga labi.
Napahinto siya nang makita niya ang isang napakaguwapong lalaki. Mas matangkad ito sa kaniya, makapal ang mga kilay nito, maputi at ang kisig ng katawan. Pero hindi na siya tinamaan ng kilig dahil lumipas na damdaming ‘yon, six years ago.
Dumiretso siya sa cashier para bayaran ang ininom niyang soda. Isang customer na lang ay susunod na siya, kaya naman ay kinapa niya ang bulsa niya. But she found out na naiwan niya pala ang bag niya sa PSA.
Sh*t! Ang tanga ko naman!
Palinga-linga siya sa store at napansin niyang nasa likod niya ang lalaki. Umalis siya sa pila niya at nilahad niya ang puwesto niya sa lalaki.
“After you,” ngiting sabi niya rito.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki nang humakbang siya. Hindi niya maintindihan ang kinikilos ni Mari.
Nasa likod na si Mari at nasa harap na niya ngayon ang malapad na likod ng lalaki. Napakagat na lang siya ng ibabang labi. Nagdadalawang-isip kung lalapitan ba niya ito o hindi? Pero ayaw niya mabansagan siyang magnanakaw.
Huminga siya nang malalim. Nilakasan niya ang loob niyang kausapin ito.
“Um, excuse me,” mahinahong sabi niya ang kalabitin niya ito. “Ano kasi. . . naiwan ko ang bag ko at hindi ko dala ang wallet ko. P-Pwede bang ikaw muna magbayad dito?” Itinaas pa ni Mari ang empty canned soda niya.
Napataas siya ng kamay, senyales na nangangako siya rito. “Promise! Babayaran kita kaagad.”
Hindi sumagot ang lalaki. Pero no’ng siya na ang sumunod, binayaran niya ang dalawang canned soda.
Napakurap na lang si Mari nang mabayaran ng lalaki ito. Nakahinga siya nang maluwag.
Haay. Mabuti na lang at binayaran niya ito.
Nakita niyang lumabas na ang lalaki sa convenience store. Sinundan niya ito para sana magpasalamat.
“Salamat pala sa soda. Promise babayaran ko talaga ‘yon,” ngiting sabi niya rito habang naglalakad silang dalawa. Hindi pa rin siya pinapansin dito hanggang sa marating nila ang pedestrian lane.
Muling nagsalita si Mari. “Ano pangalan mo? Saan ka nakatira? Ano contact number mo?” sunod-sunod niyang tanong dito.
This time, humarap na ang lalaki sa kaniya. Pinasadahan siya ng tingin rito kaya naman nang mapansin ni Mari ang magulo niyang buhok, agad na inayos ng kamay niya ito.
“I don’t give my name, my address, especially my contact number to a stranger. Hindi mo na kailangan bayaran ‘yon,” walang emosyong sabi ng lalaki.
Nanlaki ang mata ni Mari, at iniwan siya nito nang mag-green na ang light. Hindi siya makapagsalita dahil sa gulat. Nang bumalik na siya sa huwisyo ay tumakbo siya nang mabilis para habulin ang five seconds sa pagtawid niya. Hingal siya nang nagawa niya ‘yon.
Kaagad na nilinga niya ang buong paligid pero hindi na niya mahanap ang lalaki.
“Tsk. Ang gwapo pero ang sungit!” inis niyang sabi sa sarili.
Bumalik siya sa PSA para kunin ang bag niya saka siya diretsong umuwi. Pagdating niya sa bahay ay biglang tumawag ang HR sa kaniya, to follow-up her pre-employment.
“Cenomar na lang po ang kulang ko, Ma’am. I mean—”
Napahinto si Mari. Hindi niya pwedeng sabihin na kinasal na siya sa pangambang baka hindi siya tanggapin dito.
“Ayos lang, Miss Marigold kahit wala pa ang cenomar mo. Ang kailangan namin ‘yong main requirements sa government. Ma-su-submit mo kaya ‘yan today?”
Parang nabunutan ng tinik si Mari. “O-Opo! I-se-send ko na po ngayon sa email niyo, Ma’am!” masiglang sabi niya.
Kaagad na binuksan ni Mari ang laptop niya saka sinend ang mga naka-scanned copy na requirements niya. Naka-received siya ng letter the day after, kung kailan siya papasok. Sinabi rin sa letter na sa hotel na ibibigay ang mga uniforms nila.
Three days na lang ay magbubukas na ang Hotel de Sinclair. Medyo familiar sa kanya sa pangalang Sinclair. Siguro apelyido ‘to ng may-ari?
***
TODAY is her first day, and at the same time ay grand opening ng hotel. She’s wearing a red formal attire. Alas sais ng umaga ang call time nila pero 5:30 AM pa lang ay nando’n na si Mari. Gusto niya na maganda ang magiging impresyon ng mga boss niya. First impressions last ika nga.
All the staff are gathered at the lobby. Their head manager—Manager Patricia, stepped forward with a warm smile.
“I am truly honored to be here on this special day,” wika ng manager. “Today is a day to celebrate and remember, as we officially open our doors to guests from all over the world. Hindi pangkaraniwang mga guest na pagsisilbihan natin. So, I am asking you to be more professional and always smile.”
Oras na para sa ribbon-cutting kaya lumabas silang lahat para simulan na ang seremonya. Bago pa magsimula, ay huminto ang isang limousine black car sa tapat ng hotel. Hindi maiwasang ibaling ng mga tao ang pagdating nito.
Lumabas sa sasakyan ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng grey checkered corporate attire with matching black necktie, at may naka-insert na itim na panyo sa bulsa malapit sa dibdib. Isang golden Rolex watch naman ang suot nito sa pulso that shows off his wealth and sense of style. Nakatayo naman ang buhok niya at sobrang neat tingnan.
That man had striking good looks and a commanding presence. He embodied success and charm, making it impossible not to notice him. Siya ang may-ari ng Hotel de Sinclair.
“Ladies and gentlemen, it’s my pleasure to introduced to you behind this grand hotel, Mr. Clarence Sinclair,” maligayang pagbati ni Manager Patricia.
Sa oras na ‘yon ay nanlaki ang mata ni Mari nang makita niya ang mukha ng lalaki. Bumilis ang tibok ng puso niya at nataranta siyang magpagtanto, na ang lalaking ito ang nakasama niya sa convenience store no’ng isang araw.
Huminga siya nang malalim. Malayong-malayo ang itsura niya ngayon kumpara sa haggard niyang mukha no’ng nakaraan. Umaasa na lang si Mari na hindi siya makikilala rito.
NATAPOS na ang ribbon cutting at saka naman pinakilala ni Manager Patricia ang mga staffs niya kay Clarence. Nakayuko lang si Mari at panay iwas ang tingin niya kay Clarence habang nagsasalita ito. “So, I hope na maging consistent tayo sa mga gagawin natin. Kailangan galingan natin sa customer service, okay?” seryosong sabi ni Clarence. “Opo, Sir Clarence,” ani ng staffs saka yumuko ang mga ito. Umayos na ng pagtayo ang mga conceirge ngunit naiwang nakayuko si Mari. Kinalabit ng kasamahan nilang babae si Mari nang mapansin nila ito. “Kanina ka pa nakayuko, uy? Tapos na.” Nanlaki ang mata ni Mari saka agad siyang napatindig ng maayos. Tumikhim siya habang inaayos ang buhok niya, nakatingin pa rin siya sa malayo at pilit na iniiwasan si Clarence. Napatingin si Clarence sa direksyon ni Mari. Feeling niya familiar ang mukha ng babaeng ‘to, ang hindi niya alam ay ito ang kasama niya sa convenience store.
“STOP the car, Mike,” utos ni Clarence sa secretary niya. Napatingin na lang ito sa rearview mirror, tila naguguluhan ito sa sinabi ng boss niya. “Po? Bakit naman, Sir Clarence?” Binaling ni Clarence ang tingin niya kay Mari at napansin niyang nakayuko lang ito na pilit iniiwasan ang mga titig ng binata. Wala din ideya si Mari sa kung anong dahilan kung bakit pinapahinto ang sasakyan. Malapit na sila sa Hotel de Sinclair, bakit papahintuin si Mike? “I don’t want her to be seen by the people getting out of my car sa tapat mismo ng hotel. Baka kung anong isipin nila. Please stop the car, Mike,”
HINDI pa rin makapaniwala si Mari sa natanggap niyang marriage certificate. Nakasaad do’n na si Clarence Sinclair, ang boss niya sa hotel ang naging asawa niya. Stunned and confused. How could the man she knew as her boss also be her husband? Paano nangyari ‘yon? May arranged marriage ba na hindi niya alam? O baka naman, ginamit lang siya ng pamilyang Sinclair? Pero imposible mangyari ‘yon. Ni hindi niya pamilyar ang pangalang Sinclair no’ng panahong nasa mansyon pa siya. Napatingin siya muli sa marriage certificate. Mas lalo siyang kinahaban nang makita ang pirma niya sa ibabang ng pangalan niya. Hinawakan niya ito at napagtantong kuhang-kuha nito ang pirma. Napahawak na lang ng ulo si Mari. Naguguluhan siya lalo sa mga katunungan niya sa isip. Mas maiintindihan pa niya kung kagagawan ito ng step-mother niya. Pero si Clarence Sinclair? Paano niya naging asawa ang antipatikong ito? Napabuga na lang ng hangin nang maalala ni Mari ang nangyari kanina sa kotse. Hindi niya mata
NAGING tensyonado ang paligid nang magkatinginan sina Mari at Kate. Anim na taon na ang lumipas simula no’ng umalis si Mari sa mansyon, at nasaksihan ni Kate ang nangyaring pagtakwil ng ama nila kay Mari. She was happy that her stepsister is no longer a part of the Harrington family. Mas nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Lahat ng atensyon at pabor ay nasa kanya na. Ang pagkagulat ni Kate ay napalitan ng mapanuksong ngiti nang lapitan ang kapatid. “Well, look who showed up after all this time,” sarkastikong sabi ni Kate. Inihanda ni Mari ang sarili nang harapin niya ‘to. “Surprised to see me, Kate?” Marahang tumawa si Kate sabay tinakpan ang bibig. “Surprised? Leaving and breaking our family’s tradition was a real shocker. Para mo na lang din inabandona ang pamilya mo.” Nanatiling kalmado si Mari. “I didn’t abandon anyone. Kayong lahat, except Ate Vina, ang nag-abandon sa akin. Pinili ko na lang magpakasaya.” “Happiness?” Ngumisi si Kate. “Does breaking a tradition make y
“ARE YOU sure you wanna marry Kate Harrington?” naguguluhang tanong ni Mike kay Clarence. Nasa office silang pareho at katatapos lang ng meeting kanina sa mga board of directors. Si Clarence Sinclair ang nag-iisang anak ng mag-asawang sina Timothy Sinclair at Rosemary Sinclair. At dahil do’n ay siya lang ang tagapagmana ng Sinclair Group. Napatingin si Clarence sa family picture na nasa mesa at tinitigan niya ang mukha ng mommy niya. Her mother is beaming with happiness habang nakaharap sila sa kamera. Pero ‘yon na ang huling litrato na kasama niya ito. As he started at the photo, bigla na lang naalala ni Clarence ang masasayang alaala sa mommy niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkamatay nito. “I know it might seem sudden, Mike, but there’s a reason behind my decision.” Sumandal si Clarence sa upuan niya at pinatunog niya ang mesa gamit ang mga daliri bago niya isiwalat ang bagay na matagal na niyang pinag-isipan. “It’s not about Kate, it’s about the Har
UMILING si Mari sa sinabi ni Clarence. Napatingin siya sa broken vase at kaagad niya ito pinulot isa-isa. “I’m gonna fix this first,” maluha-luhang sabi niya. Napasinghap sa galit si Clarence saka hinilamos ng kamay niya ang mukha. Lumapit siya rito at hinila ang braso ni Mari para ilayo mula sa vase. Dahil do’n ay nasugatan ang kamay ni Mari. Marahas na pinaharap niya si Mari gamit ang kamay niya sa braso nito. Masakit ang pagkahawak ni Clarence kay Mari ngunit tiniis lang ‘yon ng dalaga. “I said get out of my office! That’s a simple order, Mari, can’t you even follow that?” Nagliliyab sa puso ni Clarence ang galit lalo na’t makita niya muli ang basag niyang vase. Iniingatan niya ang alaala ng mommy niya mula sa vase. Pero dahil basag na ay para bang nawala na nang tuluyan ‘yon. Pumasok na si Mike para alalayan si Mari na lumabas na lang ng opisina. Mike understands how Clarence feels. Alam niya ang pinagdaanan nito. “I’m sorry, Miss Mari, kailangan mo nang umalis dito. Alam k
KASAMA ni Mari sina Gianni at Epiphania sa mall at katatapos lang nila mag-grocery. Pumasok sila sa loob ng restaurant para mag-lunch. Ilang sandali pa ay biglang nakita ni Mari ang Ate Vina niya na tantya niyang galing ito sa cr. “Ate?” gulat niyang sambit dito. Nanlaki ang mata ni Vina at napangiti itong makita ang kapatid after six years. “Mari!” Excited nilapitan niya si Mari at niyakap ito. Humiwalay ng yakap si Mari habang nakangiti siya. “It’s good to see you, Ate Vina. Kumusta ka? Ba’t nandito ka sa Baguio?” “Actually, nandito kami ni Kate ngayon sa Baguio dahil sa business meeting. At kung gusto mo malaman ang buhay ko ngayon, Mari. Ito sunod-sunuran pa rin sa kanila.” Mari rolled her eyes at bigla na lang siya naging seryoso. Hindi niya alam kung bakit mas pinapaboran ng daddy nilang si Robert si Kate kahit hindi naman talaga itong dugong Harrington. “Balita ko na engaged na si Kate?” Napataas ng kilay si Vina. “Hindi pa, Mari, pero malapit na. Teka. How did you kno
TULALA nang titigan ni Clarence si Mari habang naglilinis ito ng opisina niya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit naging asawa niya ito sa papel. Paano nangyari ‘yon? Bumuntong-hininga si Clarence saka tumindig. Lalapitan niya sana si Mari pero parang pinipigilan siya ng kanyang paa na gawin ‘yon. Nanlaki na lang ang mata ni Clarence nang magtama ang mata nila nang lumingon ito sa direksyon niya. “S-Sir? M-May problema po ba? O baka may gusto kayong ipalinis pa sa akin?” Nahihiyang marahang tumawa si Mari. “Pasensya na po pala do’n sa vase niyo. Kung alam ko lang na mahalaga pala ‘yon, hindi na ako naglinis sa mesa niyo.” Umiling si Clarence. “No. Ako dapat ang mag-sorry dahil nasigawan kita. Salamat pala sa pagbuo ng vase ko. Alam kong mahirap pero ginawa mo. I didn’t expect that pero salamat.” Napakamot na lang ng ulo si Mari. “Ah. Hehe. Ginawa ko lang naman ang nararapat. At saka kasalanan ko naman talaga ‘yon.” Huminga muli nang malalim si Clarence, iniisip niya kung ano