Home / All / You, Me, and the Sea / 15 Where You Belong

Share

15 Where You Belong

Author: Julia
last update Last Updated: 2021-07-15 16:25:06

HINDI mapakali si Angelie habang tinitingnan ang oras sa ka iyang cellphone. Kanina pa siya naghihintay sa may corridor. Malapit na ang oras ng ensayo nila para sa nalalapit na cheering competition, pero wala pa rin si Andrei. Kahit na friendly competition lang ang isasagawa ay gusto pa rin nilang mag all-out sa kanilang performance. Ito ang dahilan ng pagbabago nila ng cheering uniform. Bagay kasi ito sa bago nilang cheering moves.

Hindi pa nakikita ni Andrei ang bago nilang uniform kaya't gusto niyang sorpresahin ang kaibigan. Pero malapit na siyang ma-late sa cheering practice nila. 'Andrei?'

Nakikita na niya ang noo at buhok ni Andrei. Natatakpan ng ilang estudyanteng naglalakad ang mukha ng lalaki, pero natitiyak niyang si Andrei ito. Dahil kailangan na niya itong makausap, halos patakbo niya itong sinalubong.

"Besh,..." tawag niya kay Andrei nang malapit na siya rito. 

"O? Besh,..." nakangiti siyang binistahan ang suot na cheering uniform ni Angelie. "Iba yata ang uniform n'yo ngayon?" 

Mula sa dating cute na cheering uniform ay naging boyish naman ngayon ang cheering uniform nina Angelie. Naka basketball uniform sila pero may under shirt. At ang dating bloomers ay naging biker shorts.

"Life is a constant change daw kasi," nakangiti niyang sagot kay Andrei. "Bagay ba sa akin?"

Natahimik naman si Andrei ng saglit. Tinimbang niya kung ano ang sasabihin sa kaibigan. "Bagay. And yes, tama ka, life is a constant change."

"But I don't want you to change, so here!" Ibinigay niya ang sando na kamukha ng suot niya. Ang kaibahan lang ay Silva ang nakalagay na apelyido sa likod. "You will always be my best friend!"

"Meron din pala ako." Napangiti siya. Sweet naman talaga ang besh niya. "Thank you!"

Humakbang na siya papalayo kay Andrei. "Don't forget, you belong to me!" Seryoso ang mukha niya nang sinabi iyon, saka siya mabilis na umalis.

"Y-yeah!" Ano pa ba ang isasagot niya? Alam naman niyang walang malisya ang pagkakasabi niyon ng kaibigan. Siya lang naman ang kinabahan dahil sa mga salitang iyon ni Angelie.

Napaisip siya. Mukha yatang masyadong naging apektado si Angelie sa tila hindi pagkagusto ng ama niya rito. Baka kailangan ng kaibigan niya ng security sa relasyon nilang dalawa, na hindi niya ito iiwan kahit na may ayaw pa sa kaniya. He sighed. Wala pa man siyang girlfriend ay may ganito nang pangyayari.

"Uyy! May couple uniform!" Nakita kasi ni Mon ang pagbigay ni Angelie ng sando kay Andrei, kaya nakakita siya ng dahilan na tuksuhin ang kaibigan.

"Sira! Marinig ka no'n, malalagot ka talaga." Tinawanan na lang niya ang panunukso ni Mon. "Galingan mo mamaya, para sure win tayo."

"Sure win na tayo! Inspired ang three pointer natin, e," patuloy nitong panunukso kay Andrei. Nakasanayan na rin niya ang paminsan-minsan ay tuksuin si Andrei. 

Hindi na sinagot ni Andrei si Mon. Binilisan na lang niya ang paglalakad para siya makasabay kina Jebon at Marc. Napansin naman ng dalawa ang dala niyang sando na bigay ni Angelie.

"Ano iyan?" Tanong ni Jebon sa kaniya.

"Nagtanong ka pa, 'di ba iyan iyong dala ni Angelie kanina?"

Tumawa naman si Jebon dahil sa sinabi ni Marc. "E, baka kasi i-deny ni besh."

"Tigilan n'yo nga iyan. Kayo talaga!" Isinilid niya sa bag ang naturang sando. Sumabay naman siya sa ibang basketball players.

Sinikap niyang makapag focus sa paglalaro. Ayaw niyang magpaapekto sa mga gumugulo sa isipan niya ngayon. May sakit pa rin ang ina niya. Ang ama naman niya ay hindi niya tiyak kung ano ang pinaplano para sa kaniya. At si Angelie… kailangan niyang maging maingat sa damdamin ng kaibigan. Ayaw niyang ma-disappoint ito sa kaniya. Ayaw niyang mawala ang tiwala ni Angelie sa kaniya.

HABANG nagbabasa sila sa library ay pinapakiramdaman niya si Angelie. Nakatuon ang pansin ng babae sa paggawa ng assignments nila kaya pinili niyang huwag itong istorbohin. Isinubsob na rin niya ang sarili sa pag-aaral.

Nang papalabas na sila ng library ay nagmungkahi siya sa babae. "Nakapapagod din ang week na 'to, ano? Masyado tayong naging busy. I think, we have to enjoy din naman."

Tumango naman at nagkibit ng balikat ang babae. "What do you have in mind?"

"Gusto mo bang mag out of town sa weekend?"

"Ha?" Hindi niya inasahan ang itinanong sa kaniya ni Andrei. Alam niya kasing abala ito sa bahay nila lalo na tuwing weekend. "Where?"

"Ikaw, kung saan mo gusto. Gusto mong magpahinga? O gusto mo ng mahabang exercise?"

Nag-isip muna ng ilang sandali si Angelie. Nang mabuo na ang kaniyang pasiya ay namungay ang mga mata niya.

SA probinsiya ng Rizal nila piniling mag trekking. Kasama nila sina Melrose, Nannette, Mon, Jebon, at Marc. 

Magsisimula pa lang silang maglakad mula sa starting point ay nilapitan ni Angelie si Andrei.  "Did you bring your water?"

"Yes." Ngumiti siya. Umaastang nanay na naman ang best friend niya. "Did you bring your snacks?" Siyempre, magtatanong din siya. Nsgki-care din naman siya sa kaibigan.

"Yes." Pero hindi pa tapos na magtanong si Angelie. "Did you bring your camera?"

"I brought my cellphone, powerbank, money, alcohol, and extra shirt. Okay?"

Satisfied naman si Angelie sa isinagot ng kaibigan. "Okay." Humakbang na siya para tumabi sa mga babae. Mauuna kasi sila at sa hulihan nila ang mga lalaki.

"Did you bring your swimsuit?"

Napalingon siya kay Andrei. Tiningnan din niya ang mga kaibigang babae.

"May falls doon, 'di ba. Kasama iyon sa activities natin." Nagtatanong pa rin ang mga mata ni Andrei kay Angelie.

"Sabi ni Marc, magbi- birthday suit ang walang dalang swimsuit," ani Jebon na maluwang ang pagkakangiti.

"Eeewww!" Tatampalin niya sana ang bisig ni Jebon dahil sa biro nito pero mabilis itong umilag. "Wala akong dala!" Na-miss niya yata ang information na maliligo sila doon.

"I thought so." Nginitian naman ni Andrei si Nannette.

"Nagdala ako ng para sa iyo, Ange," wika ni Nannette. "Buti na lang pala tinext ako ni Andrei." Ibinigay niya kay Angelie ang kulay pink na swimsuit.

"Salamat," nahihiyang tinanggap ni Angelie ang ibinigay ni Nannette. Pero dahil nakaramdam siya ng hiya, kinurot niya sa bisig si Andrei. "Besh naman, e. Tinext mo na lang sana ako! Si Nannette  pa talaga ang--" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil inakbayan siya ni Nannette.

"Okay lang naman sa akin. Me extra swimsuit  naman."

"Tulog ka na po. " Alam niyang hinihintay pa rin ni Angelie  ang paliwanag niya. "I tried to call you last night."

Tinanggap naman ni Angelie  ang paliwanag niya. Pero alam niyang posible na kukulitin pa rin siya nito.

Sumabay sila sa grupo na magti-trekking. Nakinig muna sila sa instructions ng guide bago sila tumulak.

In-enjoy nila ang maaliwalas na hangin. "Ang fresh pa ng hangin dito," bulalas ni Melrose.

"Oo nga. Masarap sa ilong. Sana ganito ang hinihinga nating hangin araw-araw," pagsang-ayon naman ni Nannette.

"Ang sarap ng hangin, guys!" Nakangiti siyang lumingon kay Andrei. Bigla siyang nag pose nang mapansin niyang nakaumang ang camera nito. Gumaya naman ang dalawang babae.

"Stolen shot nga, e," ani Marc. "Kanina pa nga kayo kinukuhanan niyan."

"Ako naman, mas type kong kunan ang nature," ani Mon habang kinukunan ng litrato ang paligid.

Mahaba-haba rin ang nilakad nila kaya inaabot din sila ng pagod.

Nang mapansin ni Andrei na naa- out balance na paminsan-minsan sa paglalakad si Angelie ay hinawakan niya ang kamay nito. "Kaya mo pa ba?"

"I… I can do it. You can all go. Hahabol ako sa inyo." Ayaw niya kasing maging pabigat sa grupo. 

"No. We're in this together," ang seryosong sabi ni Andrei kay Angelie. Gusto niyang i-prove sa kaibigan ang sincerity niya. "Guys, please hold the girls. Medyo challenging yata ng konti ang trail sa unahan."

Tumalima naman ang mga lalaki. Hinawakan ni Mon si Nannette at hinawakan ni Marc si Melrose.

"Well, solo flight ako, wika naman ni Jebon. Dahil siya ang walang akay na babae, siya ang ginawang tagakuha ng picture ng grupo.

Hinihingal sila nang makarating sa ituktok ng Treasure Mountain. Pero tila nawala ang pagod nila nang masaksihan ang kagandahan ng view.

"Wow! Parang gusto kong matulog sa sea of clouds na iyan!" 

Tumango-tango naman si Melrose sa ibinulalas ni Nannette.

"Besh!" Tuwang-tuwa siya. Niyakap niya si Andrei. Sumagot naman ng pagyakap ang binata. "Thank you, besh! This is the best view for a mountain!"

"You're welcome, Ange." 

"Marami talagang magagandang view dito sa Pilipinas. Wait till you see them all!" 

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ni Marc.

"Akala ko nga sa Benguet lang may sea of clouds, marami pala rito sa Pilipinas," pahayag naman ni Nannette.

"Di kasi tayo naglalakwatsa, ne."

"Hayaan n'yo, 'pag maka-graduate tayo, ipon-ipon lang, makakadayo rin tayo sa gusto nating puntahan," wika naman ni Mon sa mga babae.

Matapos nilang busugin ang mga mata sa kagandahan ng view ay hindi naman nila kinalimutan ang mag selfie at groupie.

Habang patungo sila sa sunod nilang stop over ay nawawala sa focus si Andrei. Iba kasi ang damdaming naramdaman niya kanina nang nagyakap sila ni Angelie. Hindi naman iyon ang unang beses na niyakap siya ng kaibigan, pero bakit may kakaiba na siyang naramdaman? Napahugot na lang siya ng hininga.

Julia

Thank you! Please share the love. ☺️

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You, Me, and the Sea   32 GatherYourseelf

    Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay

  • You, Me, and the Sea   31 Confession

    ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero

  • You, Me, and the Sea   30 The Promise

    The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang

  • You, Me, and the Sea   29 Truth and Lies

    Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak

  • You, Me, and the Sea   28 Losing Game

    NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno

  • You, Me, and the Sea   27 Bewilderment

    Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status