HINDI niya kayang mawala sa kaniya si Angelie. Alam din niya na mahihirapan si Angelie kapag mawala siya sa buhay ng dalaga. Isipin pa lang niya na magkakahiwalay silang dalawa ng landas ay ramdam na niya agad ang kalungkutan, at ang pagkaawa kay Angelie.
"This is just a test to our friendship. Self, don't give in," mahina niyang sambitla habang nakatingin siya sa sarili sa harap ng salamin. Kinurot-kurot pa niya ang sariling mga pisngi at kapagkuwa'y tinampal-tampal ito ng mahina. "Don't imagine weird things," ang bilin niya sa sarili bago siya umalis ng bahay.
Habang nakasakay siya ng bus papuntang school ay mukha ni Angelie ang nakikita niya sa kaniyang isipan. Napabuntunghininga na lang siya. Mukhang hindi siya pinakinggan ng kaniyang 'self'.
Kung sino ang pinipilit niyang huwag isipin kanina ay siya namang nag-aabang sa kaniya sa paaralan. Masaya siyang sinalubong ni Angelie sa may lobby. "Andrei!"
Nang magtagpo sila ay agad nanulis ang nguso ng babae na tila nagtatampo.
"What's that all about? Bakit parang naghahamon ka ng kiss sa mga dumadaan?"
Nag blush naman si Angelie nang makitang nakangiti ang mga estudyanteng nakarinig sa sinabi ng kaibigan. Pinanlakihan niya ng mga mata si Andrei.
"And now you're frowning like a monster!" Umiling-iling pa siya rito. Gusto niyang matawa sa mabilis na pagpapalit ng facial expression ng dalaga. Inakbayan niya ito nang tila galit itong nauna nang naglakad sa kaniya. "So, tell me, what did I miss?"
"Talagang forget mo na?" Hindi makapaniwala ang dalaga sa tinuran ng kaibigan. "We will meet Mommy Jones after school!"
Saka lang niya naalala ang usapan nila ng naturang talent scout ng isang modeling agency. "A, iyong talent scout."
"Yeah!" Hinarap niya ang lalaki na may dismayadong mukha. "He called you five times daw, hindi mo raw sinagot."
"A, siya ba iyon? Akala ko kung sino lang, o baka nagkamali lang ng number." Nginitian niya ng matamis si Angelie. Pinungayan pa niya ito ng mata. Ang totoo ay hindi magaan ang loob niya sa taong iyon. May pagdududa siya. Hindi niya lang sinabi sa kaibigan dahil nakita niya kung gaano ito na-excite nang malamang may chance silang maging ramp models.
Wala naman siyang ebidensiya against the man kaya hindi niya pinagbawalan ang kaibigan na umasa rito. Basta siya, babantayan niya ang kaibigan, kahit maging dakilang escort siya nito.
"Kailangang kasama mo ako lagi 'pag makipag-meet ka sa kanila, ha." Hinintay muna niya ang sagot ng dalaga bago siya umupo sa kaniyang classroom seat.
"Of course! Dalawa kaya tayong niri-recruit. Package deal tayo, 'no."
"Two become one," pakantang pagpaparinig ni Nannette sa kanila. Tumawa naman ang mga kaibigan nila.
"Sshhh! Marinig kayo ni Ma'am!" pagsaway niya sa mga kaklase habang papasok naman sa classroom ang guro nila. Kinasanayan na niya ang paminsan-minsang pagbibiro ng mga ito sa kanila.
Itinuon naman ni Andrei ang isipan sa mga itinuturo ng guro. Ipinipilig niya ang ulo sa tuwing nai-imagine niyang naghahalikan silang dalawa ni Angelie. Kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili.
"Masakit ba ang ulo mo?"ang pabulong na tanong sa kaniya ni Norma nang lumapit ito sa kaniya.
"M-medyo." Magtataka naman ito kung sasabihin niyang hindi masakit ang ulo niya pero kung umasta siya ay parang may diperensiya.
Agad na hinawakan ni Norma ang ulo ni Andrei. "Let me massage it."
"Huwag na, baka makita tayo ni Ma'am." Sa isang sulok ng mata niya ay nakita niyang hindi lumilingon sa kaniya si Angelie pero nasa peripheral vision siya nito. Bahagya pa itong sumimangot kahit na nanatiling nasa harapan ang tingin ng kaniyang bestfriend.
"Hayaan mo siya. Busy naman siya sa pagsusulat." Nang lumingon sa kanila ang teacher nila ay agad niyang inihinto ang pagmamasahe sa ulo ng lalaki. Narinig naman niya ang mahinang pag 'thank you' ni Andrei.
"Why are you standing?"
"Excuse me, Ma'am. I'm going to the loo," pagdadahilan naman ni Norma sa teacher nila. Lumabas siya nang tinanguan siya nito.
" Loo, ha! Totyal!" pagbibiro naman ni Vens kay Norma. Tinanggap naman nila ang pakikipag-close ng kaibigan.kina Angelie. Ang mahalaga sa kanila ay napapalapit ito kay Andrei, ang lalaking matagal nang kinahuhumalingan nito.
Nang makalabas si Norma ay pa poker face namang nilingon ni Angelie si Andrei.
Andrei bit his lip. Ang paglabas ng kaniyang dimples ang naging palatandaan na ngumiti siya kahit itinago niya ito kay Angelie.
Cute para sa kaniya ang pagiging childlike ng kaibigan. In fact, para siyang kinikiliti sa tuwing umaasta ito nang ganito. Feeling yata ng kaibigan niya ay pag-aari siya nito. Hindi man nito sinasabi sa kaniya ng lantaran ay mukhang bawal siyang makipag-close sa ibang babae, lalo na sa hindi nito kasundo, kagaya ni Norma. But lately ay mukhang nagkaayos na naman ang dalawang babae kaya wala na siyang problema. Isa na lang ang problema niya, ang nanliligalig niyang feelings para kay Angelie.
TINUNGO nina Andrei at Angelie ang address na ibinigay sa kanila ng talent scout. Hindi niya inaasahan na isa itong apartment. Nasa harapan na sila nito nang magyayang umuwi si Andrei.
"Bakit? Nandito na tayo!" Kumapit pa si Angelie sa bisig ng kaibigan para pigilan ito sa pag-alis.
"Di ba dapat, studio? Bakit apartment ito? Ano'ng gagawin natin dito?" Lalo siyang naghinala sa naturang talent scout kaya hinawakan niya ang bisig ni Angelie para sumama na ito sa kaniya pauwi. "Let's go."
"Pero bakit? We should at least see him. Hinihintay tayo ni Mommy Jones!"
"Angelie, masama ang kutob ko. Mukhang nagkamali tayo ng pagpunta rito. I'm having this hunch–" hindi naman niya maapuhap ang tamang eksplanasyon na ibibigay sa kaibigan.
"Hello!" Narinig nila ang boses ni Mommy Jones mula sa apartment. Masaya itong sumalubong sa kanila. "Nandito na pala kayo. Come in. Pasok kayo sa Medusa's lair! Charot!" Hinaplos-haplos pa nito ang suot na wig. Tila isang bungkos ng maliliit na ahas ang itsura ng suot nitong wig.
Tinititigan naman ni Andrei si Angelie habang sumusunod sila ng paghakbang kay Mommy Jones. He was hoping na mauunawaan siya ng kaibigan sa gusto niyang mangyari.
"Ay, ang ganda naman po ng wig n'yo, Mommy Jones!"
Dahil sa inasta ng kaibigan ay naunawaan ni Andrei na useless nang um-effort pa siya ngayon para paatrasin si Angelie. Magiging keen observer na lang muna siya.
Likas na mailap si Angelie sa mga tao, pero may ugali kasi ang dalaga na lubos agad na nagtitiwala sa tao kapag inakala nitong totoo ang pagiging mabuti nito sa kaniya. Ito isa sa mga ugali ni Angelie na naging dahilan kaya siya naging protective dito.
SA loob ng unit ng apartment ay masaya silang sinalubong ng mga kasama ni Mommy Jones na puro naka wig. "Ay! Sila na ba ang bago?"
"Oo, sila na nga. Kaya maghanda na kayo!" Agad namang bumalik sa kani-kanilang puwesto ang mga sumalubong sa kanila.
Lumingon-lingon si Andrei. Nakita niya sa isang sulok ay may mga teenager na nakasuot lang ng panty at bra. Agad na nakakita ng dahilan si Andrei, itinuro niya ang mga iyon kay Angelie.
"Do you want to do that?" anas niya kay Angelie.
"Ha?" Napatunganga siya nang masundan niya ng tingin ang itinuturo ni Andrei sa kaniya.
"Can you do that? That would be you kung hindi ka aalis dito." Hinila niya ang kamay ng kaibigan. Hindi na niya hinintay ang magiging desisyon nito. Ang alam niya ay kailangan niya itong iligtas ngayundin!
"Hoy, saan kayo pupunta?" Hindi makapaniwala ang talent scout nang makita ang pagtalilis ng dalawa.
"We're going home!" mariing sagot ni Andrei.
"No!" Pumalahaw ang talent scout kaya naalarma ang mga tao sa labas ng apartment.
Nang makita nila na mukhang haharangan sila ng mga kasama nito ay magkahawak sila ng kamay na tumakbo. Hindi naman tumuloy sa pagharang ang mga ito.
"Hoy! Bumalik kayo rito!"
Hindi na nila nilingon si Mommy Jones. Tumakbo sila nang tumakbo. Tiniyak nilang nakalayo na sila bago sila huminto ng pagtakbo.
Tiningnan ni Andrei si Angelie. Namumula ang mukha nito. Pareho silang hinihingal.
"Andrei!" Umiiyak na yumakap siya sa kaibigan. "Did I do something wrong? Muntik na ba tayong napahamak dahil sa akin?" Puno ng pag-aalala ang boses ng dalaga.
Niyakap naman niya nang mahigpit ang dalaga. "It's okay. Nakalayo na tayo sa kanila."
Hindi pa rin siya makapaniwala sa natuklasan. "Ayokong maghubad!" Nanginginig pa siya sa takot sa isiping pipilitin siyang maghubad ng mga iyon.
"I know." Hinagod niya ang likod ng babae para ma-relax ito.
"Wait,... maybe it's our fault. Maybe we should have asked him." Hindi nga naman sila nagtanong. Basta ramp modeling ang inialok sa kanila at na-excite naman siya agad.
"Maybe you're right." Sumang-ayon na lang siya sa babae. Ang mahalaga sa kaniya ay nakalayo na sila doon.
"I want to be a model!" Tila siya batang helpless na naumitan ng paboritong pagkain.
Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang kaibigan. "You will be. Someday." Muli niya itong niyakap.
Namatay ang pangarap nito ngayon. Kailangan nito ng karamay.
"Mabuti na lang kasama kita!"
Napatingin siya sa mukha ni Angelie. Napahalik siya sa labi ng dalaga. Alam niyang pareho silang nagulat sa pagdampi ng labi niya sa labi nito kaya niyakap niya ito. Nagtago siya sa mga buhok nito. Paano niya ito haharapin ngayon?
Dear readers, thank you for your time. Sana nag-enjoy kayo. Please support Andrei and Angelie's lovestory.
HINDI pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang dampian ng halik sa labi si Angelie, kaya madaling-araw na ay hindi pa rin siya makatulog. Hindi niya maipaliwanag ang naramdamang sensasyon sa isang segundong halik na iyon. Ang mahirap, hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang sandaling iyon. Umaga na. Heto siya ngayon, hindi alam kung paano iiwasan si Angelie sa school. Nakita niya ang dalaga na naglalakad sa lobby patungo sa direksyon niya. Bigla siyang lumiko para makaiwas sa dalaga. Mabilis siyang naglakad at nagpaliko-liko. Pagdating niya sa classroom nila ay nagtaka siya dahil walang tao. Gusto niyang tawagan si Angelie para magtanong, sa halip ay si Mon ang tinawagan niya. "Bro, nasaan ka?" ang bungad na tanong ni Mon sa kaniya nang sinagot nito ang tawag niya. "Nandito ako sa classroom natin. Bakit walang tao rito?" "Bakit ka nandyan? Nandito na kami sa school ground. Ikaw na lang ang wala rito!" "Ba't kayo nandyan? Ano'ng meron?" Wala siyang
Legit ang kalungkutan sa puso ni Andrei. Pinanindigan niya ang pag-iwas na makipag bonding kay Angelie tuwing matapos ang school time. Hindi na rin siya nakipagkita sa kaibigan kahit sa weekend. Mag-isa siyang naglaro ng basketball sa likuran ng bahay nila. Ginusto niyang magpapawis. Habang nagdi-dribble ay hindi pa rin makatkat sa isipan niya ang kaibigang si Angelie. Iniisip niya na kawawa ito, na paniguradong malungkot ito ngayon. Nalulungkot siya para sa kaibigan. Pero hindi pa kasi niya ito handang harapin, habang ginugulo pa siya ng 'weird' niyang imaginations tungkol sa kanilang dalawa. Ayaw niyang maging unfair sa dalaga. DUMATING na ang coronation ng Campus Crush. May dance ball sila ngayong gabi. Kagaya ng inaasahan nilang magkakaklase, si Angelie ang nanalong Female Campus Crush. Siya naman ang nanalong Male Campus Crush. Dati ay Campus King and Queen ang naturang patimpalak. Pero binago ito at idinaan sa botohan ng mga estudyante. Ang hindi lang binago ay ang araw ng n
"Just for experience lang naman," ang narinig niyang sabi ni Nannette kina Angelie at Melrose habang magkasama na nakaupo ang mga ito sa canteen. Sinadya niyang magpahuli ng pagpunta sa canteen, baka sakaling magkaroon siya ng dahilan para sa iba muna siya makigrupo for this lunch time at hindi muna kina Angelie. "Andrei!" Tinawag siya ni Angelie at automatic naman siyang umupo sa tabi nito. Muli siyang tumayo para kumuha ng pagkain. Habang pumipila para kumuha ng pagkain ay natawa na lang siya sa sarili. Wala ring nangyari sa pagpahuli niya, heto at gutom na siya pero doon pa rin ang puwesto niya sa tabi ni Angelie. Sina Mon naman ay nasa katabing mesa lang nila. Pinili niyang tahimik na kumain habang nag-uusap ang mga katabing babae. Pero hindi naman papayag ang mga ito na hindi siya sasali sa usapan nila. "Payag ka ba, Andrei?" ang tanong ni Nannette sa kaniya. "H-ha?" "Di pa raw kasi nagkaka-boyfriend si Angelie. Irereto ko siya sa pinsan ko." Kinilig pa siya na bumaling ka
"She loves me,... she loves me not," ang mahinang usal ng binata habang isa-isang itinuturo ng kaniyang hintuturo ang mga talulot ng tanim na rosas ng kaniyang ina. Ayaw niyang pigtalin ang mga talulot kaya itinuturo na lang niya ito. Nakakatatlong rosas na siya na laging "she loves me" ang huli niyang nasasambit. "She loves you, Kuya!" ang biglang bungad sa kaniya ni Errol. Pabatok naman itong sinaway ng ina niyang si Flor. Nagulat man sa ginawa ni Errol ay ngumiti na lang si Andrei. Pinilit niyang itago ang tila paglundag ng puso niya dahil sa sinabi ni Errol. "Pumasok ka na nga doon," utos ni Flor sa anak. Kakamot-kamot naman sa ulong tumalima naman ito. Ngumiti si Flor sa binata. Tinabihan niya ito. "May gumugulo ba sa isipan mo?" Kanina pa kasi niya napansin na tahimik na nakaupo rito ang binata. "Para kasing malalim ang iniisip mo mula pa kanina." Saglit namang nag-isip si Andrei. Tinitimbang ang sasabihin niya sa katulong nila na itinuring na niyang parang kamag-anak. Nasa
SINIKAP ni Andrei na makabawi sa grupo. Itinodo niya ang pakikipaglaro sa mga ito habang nagtatampisaw sila sa tubig. Ilang oras lang ang ilalagi niya rito kaya ibinuhos na niya ang kaniyang lakas kahit na pagod pa siya. Mahaba kasi ang ibinyahe niya. Habang nakikipagkulitan siya sa mga kaibigan ay pinili niyang dumikit sa mga lalaki kesa sa mga babae. Tuwing tinatawag naman siya ni Angelie ay nagpapasama siya kay Alvin, gayon din ang ginagawa niya tuwing tinatawag siya ni Norma. "Hanep, parang kayo na ang mag bestfriend ngayon ni Alvin, ah. Baka naman magselos na sa kaniya si besh mo," ang panunukso ni Mon sa kanya. Tinawanan niya lang ito. Sanay na siya sa pagiging observant at mapang-asar ni Mon. Sila pa ring dalawa ni Angelie ang magkatabi sa bus sa uwian. Expected na ito ng lahat. Palagay niya'y magtataka ang lahat kung hindi siya tatabi kay Angelie. Sa kabila namang linya ng upuan ay nandoon sina Melrose at Nannette. Pare-pareho silang pagod, kaya hindi na siya nagtaka na hi
PABILING-BILING sa kaniyang higaan si Angelie. Ayaw siyang patulugin ng nangyari kanina. Hindi niya inasahan na dumating sa kanilang magkaibigan ang ganoong pangyayari. Ayaw makatkat sa isipan niya ang pangalawang beses na pagdampi ng labi ni Andrei sa labi niya. Hindi na iyon one second. Hindi na iyon matatawag na aksidenteng pagdampi. Ayaw siyang patulugin ng katotohanang may kakaiba siyang naramdaman nang sandaling iyon. It made her give way to his kiss, to answer it with a kiss. Paulit-ulit siyang kinukulit ng pangyayaring iyon. It was her first real kiss! Tinugon niya ang labi ni Andrei. "Gosh!" Tila naninigas siya na hindi pa rin makapaniwala na nangyari ang halikan nila ng kaibigan niya. "Gosh, Andrei!" Ipinilig niya ang kaniyang ulo, kapagkuwa'y napatda siya. Napuno ng pag-aalala ang isipan ni Angelie. Sariwa pa rin sa kaniya kung ano ang naramdaman niya nang tanungin siya ni Andrei nang sandaling iyon: "Puwede na ba tayong magsimula ng bagong relationship?" Nagsusumamo ang
NAGPATULOY sa pagdi-date sina Andrei at Norma. Nagdesisyon silang mas kilalanin pa ang isa't isa. Nagkasundo sila na hindi madaliin ang mga bagay tungkol sa kanilang dalawa. Si Angelie naman nagdesisyon nang ibinigay na kay Alvin ang kaniyang final decision. Sinabi niya sa lalaki na may sasabihin siya rito matapos niya itong pakainin ng meryenda. "Kinakabahan ako, Ange. Parang last supper ko ba 'to? Bubusugin mo bago patayin?" Natawa naman ng mahina si Angelie dahil sa tinuran ng lalaki. "Sira! Huwag ka ngang OA. Maghahapunan ka pa mamaya." "Hindi ko yata kayang kumain kung umiiyak ako." Dahil sa narinig ay sumeryoso ang mukha ni Angelie. Lalo namang kinabahan si Alvin. Hindi na niya nagawang sumubo pa ng pagkain. Lumapit si Angelie kay Alvin. Hindi niya gustong saktan ito. Naging mabait ito sa kaniya. Sinuportahan siya nito sa bawat nais niya. Si Alvin ang tila pumalit kay Andrei sa pagbibigay sa kaniya ng panahon at pang-unawa. Kung matuturuan lang sana niya ang puso niya, si
"Angelie!" Kay Andrei ang boses na iyon. 'Imposible! It can't be him.' Labis na ba ang pag-iisip niya sa binata at napalakas yata ang imahinasyon niya? Nalungkot siya sa naiisip niya na posibleng hahanap-hanapin niya si Andrei habambuhay. "Angelie!" Dalawang beses ba talaga niyang maririnig sa hangin ang boses ng binata? Naglakas ng loob siyang lumingon. Nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ni Angelie nang paglingon niya ay nakita niya si Andrei. Hindi pala imagination lang ang pagkarinig niya ng boses ng binata. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil sa pagsisikip ng kaniyang dibdib. 'Andrei! "Thank God, nakita kita!" bulalas ni Andrei habang mabilis na nilapitan ang dalaga. Agad niya itong niyakap. Sumagot din ng pagyakap ang babae. Hindi na napigilan ni Angelie ang pag-iyak ng malakas. Akala niya ay mag-iisa na lang siya sa pagsapit ng bagong taon. Umiyak na rin si Andrei. Hinigpitan niya ang pagyakap sa dalaga. "You're alone! Bakit ka nagpunta rito? Bakit 'di mo ako tinawagan?