Share

Chapter 5

    Parang bata kung mag-celebrate ang loko simula nang tanggapin ko ang alok niyang magpakasal. Maybe it was something that bugged him for so long kaya ‘yon ang naging outlet niya to release what he feels. 

    “I really can’t believe it’s happening. Thank you, Rhea. I can’t believe you’d actually agree. I’m at a loss of words. . .” Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang kasiyahan sa laki ng ngiti nito. 

    Kumunot ang noo ko. Hirit ko, “Alright, ikakasal na tayong dalawa. I agree to be your wife. But of course, tutal wala naman tayong romantic feelings for each other, sana man lang ay ituring mo ako with all respect. Tandaan mong malaking pabor ito at malaking factor ito na magbabago sa simple kong buhay.”

    He nodded repeatedly. Anito, “Of course! Well, we’ll see how we could love after our marriage. I think it won’t be that hard since I’m already starting to.” Ngumisi ang loko. Ewan ko ngunit pagkarinig ko sa sinabi niya, nag-init ang pakiramdam ko. Not in a sexual way, but of course, in a way that flutters me. 

    “Corny mo,” I brushed him off. I raised a finger. “Pero mayroon pa akong one last concern. . .”

    Tumaas ang isa niyang kilay. Pagpapatuloy ko, “Hindi madaling proseso itong pagpapakasal. Alam kong hindi ito church wedding, pero dahil civil wedding ito, puro paper works ito. Paano ang gagawin natin? Hindi ba masyadong maikli ang time frame to arrange everything in one week? Ano sa tingin mo?”

Tumango-tango siya. I found that attractive.

“Well, it's not just the two of us who's going to fix all these paperworks. I'll have my lawyer help us with that. Just provide me with the papers we need and I think everything would be feasible next week. Sounds good?”

Tumango na lang ako. Nakalimutan ko na namang mayaman ang lalaking ito. Mayroong abogado na lalapitan para mas mabilis na mangyari ang kasalang ito. 

To be honest, I can't feel it yet. . . Nakakakaba. I feel like I'm sacrificing a big part of my life. Mahirap pa naman sa Pilipinas at against ang nakararami sa diborsyo. Bahala na si Lord.

“Shall we buy our attire for our wedding?” tanong nito sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi ka naman masyadong excited?” natatawang sambit ko.

Tumawa siya nang mahina at napatakip sa mukha niya. “Kind of. Sorry, I just want to be married already.”

Napataas ako ng kilay. “Hoy, totoo ba talaga ang rason mong ia-arrange ka for marriage o gusto mo lang talagang magpakasal in the easiest way?”

“Both,” sagot nito. “But promise, I'm not lying to you.”

“But do you want to buy clothes already? I know it's not tomorrow, but at least we could prepare earlier.”

Napatingin ako sa dingding para magmuni-muni nang saglit tungkol doon. Umiling ako. Anang ko, “Pasensya na, mayaman kong fiance. Wala akong pera sa ngayon.”

“I'm paying for you.” 

Umiling ako. “Hindi ba tayo maghahati sa bayarin ng kasal na ito? Nakakahiya naman sa iyo, lahat na lang ng bayarin ay sh-in-oulder mo. Wala na akong naging ambag sa kasalang ito.”

He insisted, “Nope, no need to worry about that. I'm asking for a big favor, right? Like you have mentioned. Let me do everything for you. Please.”

Napatigil ako. This is the softest moment of him na nakita ko sa buong buhay ko. Kakaibang-kakaiba sa sarili niya noong unang pagkikita namin. Mukhang nabwisit lang talaga siya sa akin noong araw na 'yon.

“Sige na nga. Bumili tayo nang maaga pero h'wag muna ngayon, beh. Kailangan ko pang i-prepare ang sarili ko rito,” palusot ko.

“Alright.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Thank you so much, Rhea.” 

Parang tumigil ang oras nang yakapin niya ako. Ang init ng katawan niya ngunit hindi ito nakakainis. It was fluttering. Parang ayaw kong kumawala mula sa yakap niya. Ang bango rin niya. Akala mo'y hindi pawisan kanina noong nagwo-workout siya.

NAKATULALA AKO ngayon sa nirerentahan kong bahay. I came back to ponder more on things pero mas matagal pa yatang nakatulala lang ako — nakatitig sa puting pader. Nakasilip doon ngunit wala namang tinitingnan. Lumilipad lang ang isipan ko.

    Sinamsam ko ang naiwan kong abubot dito sa munti kong lamesa at pinatong ito sa lababo para malinis ko na. Natambak ko na rin kasi ang mga ligpitin ko simula kahapon. Nawalan ako ng gana sa paglilinis ng bahay dahil na rin sa dami ng iniisip. Una, ang utang ko rito sa renta. Ngayong wala na akong utang sa landlord ko, iba naman ang problema ko. Ikakasal na ako in a week and I don’t have anything to do about it. Sana magandang desisyon ito dahil hindi biro ang pinasok ko.

    Pamilya ng mga bilyonaryo. 

    Tapos makikihalo ang isang poorita na katulad ko?

    Napahalakhak ako nang mahina. Hindi ako kailanman naging ganito kahit noong mayroon pa akong utang sa renta. Siguro nga’y kailangan ko lang ng panahon para isipin ang lahat ng nangyari ngayong araw.

    Nilagay ko ang mug na ininuman ko ng kape sa lababo at binuksan na ang gripo para matanggal ang mga mumo na nasa mga pinggan, kutsara’t tinidor pati na rin sa mga baso ko bago ko simulang ligpitin ang mga hugasin.

    Napalingon ako sa kanan ko nang marinig ko ang cellphone kong naka-charge na nari-ring. Pinatay ko pansamantala ang gripo at pinunasan ang kamay kong medyo nabasa. Pumunta ako sa tapat ng outlet na pinagsaksakan ko ng charger at tingnan kung sino ang natawag.

    Si Mama.

    Natigilan ako. Siguro’y napa-isip ako nang ilang segundo bago ko kunin ang phone ko. Sinagot ko ito ngunit hindi ako nagsalita.

    “Hello, ‘nak?”

    Hindi ko mapigilang hindi maiyak nang marinig ko ang boses ni Mama. Miss na miss ko na siya. 

    “Miss na miss na kita, ‘nak. Wala ka yatang paramdam ngayong linggo, ah. Kinukumusta ka ng Papa mo, hindi ko lang masabi na hindi kita macontact dahil baka may pinagdadaanan ka r’yan o kaya busy lang sa trabaho. Alam mo naman ‘nak, pwede mo naman akong sabihan ng mga problema mo. Mama mo naman ‘to, ‘nak.”

    Mula sa pamumugto ng mata ko, hindi ko na napigilang umiyak.

    “L-love you, ‘Ma. . .”

    Parang natigilan din si Mama nang marinig ang nangangatal kong boses.

    “Naku, may problema nga itong anak ko. Gusto mo bang pag-usapan ‘yan o gusto mo munang mapag-isa?” tanong ni Mama mula sa kabilang linya. Kahit na sa cellphone ko lang siya nakaka-usap, ramdam na ramdam ko ang presensya ni Mama. 

    Sambit ko, “Siguro sa susunod na lang po, Mama. . . L-love you. . .”

    “Oh siya, love you rin, anak ko. Tawagan mo na lang ako kapag maayos na ang pakiramdam mo. Ayaw naman kitang pilitin,” natatawang paalala ni Mama.

    “Opo, Mama. Mahal na mahal ko po kayo. . .”

    Pinatay ko ang tawag at dali-daling pinatong sa lamesa ang phone ko na nakasaksak. I just lost it. Napa-upo ako sa sahig at nag-break down sa pag-iyak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status