共有

Kabanata 5 Ang Shirt Niya

作者: Cora Smith
Tahimik ang paglalakbay patungong Stansend Manor. Hindi nangahas si Jonathan na baguhin ang bilis ng takbo niya sa ganoon ka-tense na kapaligiran.

Hanggang sa huminto siya sa parking lot ay napabuntong-hininga siya. Bumaba siya ng sasakyan para pagbuksan sila ng pinto.

Hindi tulad ni Lucian, hindi gusto ni Calista ang pinagsisilbihan siya. Bubuksan na sana niya ang pinto, pero bigla itong nagtanong, "Mahilig ako sa mga walang utak pero may magandang katawan?"

Halos masamid si Calista. Nakalimutan niyang sinabi niya iyon.

Gusto lang niyang magsalita ng masama tungkol sa kanya. Sino ba talagang nakakaalam kung anong klaseng babae ang gusto niya?

Tumingin siya sa likod at napansin niya ang titig nito. Tumingin ito sa ibaba lamang ng kanyang collarbone. Hindi sigurado si Calista kung sinasadya ni Lucian.

May kung anong namumuo sa kanyang mga tingin, isa na itinuturing niyang panghahamak.

"Hindi ba gusto naman talaga ng mga lalaki ang malalaking boobs?" Baka 'yun ang dahilan kaya hindi siya naaakit kay Calista sa buong pagsasama nila.

Pero 'di rin naman gaanong pinagpala si Lily.

Kumunot ang noo ni Lucian. "Ako hindi."

Napangiti na lang si Calista.

May kabangisan ang kanyang kagandahan. At sa ngiting iyon, madali niyang mamabihag ang sinumang lalaki. Pero kahit ganoon ay tinitigan lang siya ni Lucian nang walang pakialam.

"Wala naman akong pake sa preference mo, pero kung ako lang, gusto ko ng malaki at mahaba," sabi niya. "Iyon talaga ang dahilan kung bakit kita hihiwalayan."

Halos bumagsak ang mukha niya. Nagyeyelo ang kapaligiran sa loob ng sasakyan.

Hinihintay sila ni Jonathan sa labas. Hindi maganda ang soundproofing sa kotse, at naririnig niya ang usapan nang malakas at malinaw.

Namuo ang malamig na pawis sa kanyang noo. Napansin niyang galit si Lucian kaya pinilit niyang buksan ang pinto. "Mr. Northwood, Madam Calista, nakarating na po tayo."

Naunang lumabas ng sasakyan si Calista. Sabay lakad ni Selena palabas ng bahay na may matamis na ngiti.

Hinawakan niya ang kamay ni Calista at pinapasok siya sa loob. "Callie, sinabihan ko si Macy na gumawa ng tomato soup. Maganda 'yun sa balat mo."

Nasa sasakyan pa rin si Lucian, nakalimutan na siya ng mga babae.

Nang nasa loob na ng bahay ay hininaan ni Selena ang boses. "Binubully ka ba ng brat na 'yon?"

Nakita ni Selena ang balita kahapon. Nag-aalala siyang baka magalit si Calista, kaya niyaya niya silang matulog sa Stansend Manor.

"Mom, mag—"

Gustong sabihin ni Calista sa kanya ang tungkol sa divorce. Pero hindi na siya pinagsalita ni Selena, "Sabihin mo lang kung binubully ka niya. Sasabihan kong turuan siya ng leksyon ng Dad niya. Kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo ha

"Bibigyan kita ng listahan ng pagkain na di niya gusto. 'Yun and orderin mo para sa kanya mula bukas. Sinabi ko na rin kay David na huwag maghanda ng pagkain para kay Lucian, kung hindi, tatanggalin ko siya."

Wala siyang binanggit na salita tungkol kay Lily para maiwasang magalit si Calista.

Maya maya ay dumating si Macy na may dalang shawl. "Madam Selena, bakit hindi ka nagsuot ng shawl? Madam Calista, sabihan niyo nga po si madam na alagaan ang sarili niya. Palagi po siyang ganyan."

"Mom, okay na ba ang pakiramdam mo? Tumawag ka ba ng doktor?" tanong ni Calista. Wala na siyang pagkakataon na banggitin ang hiwalayan nila.

Ikinaway ni Selena ang kanyang kamay. "It's the same old thing. Gagaling din ako. Di natin kailangang tumawag ng doktor nang disoras ng gabi."

Totoo naman, gabi na. Sinamahan ni Selena si Calista hanggang sa maubos niya ang tomato soup. Pagkatapos subukan ni Selena ang bracelet, umakyat siya sa taas para matulog.

Bago umakyat, sinamaan niya ng tingin si Lucian. "Kung hindi mo papabutihin ang pakiramdam ni Calista ngayong gabi, sinasabi ko sa'yo, katapusan mo na!"

Hindi nakaimik si Lucian. Hindi na siya kumibo mula nang dumating sila pero may sinasabi pa rin ang nanay niya.

Ang kwarto nila Lucian at Calista ay matatagpuan sa ikalawang palapag. Dahil alam niyang babalik ang mag-asawa, pinalitan muna ni Macy ang bedsheets.

Gustong maligo ni Calista. Kukunin na sana niya ang kanyang pajama, pero nang buksan niya ang wardrobe ay wala na ito.

Sa halip, iba't ibang mga revealing at puro lace na pantulog ang meron. Dalawang set pa nga dun ay mukhang para sa role-play.

Alam ng lahat sa manor na gusto ni Selena na magkaroon ng apo. Naghanda siya ng isang baby room pagkatapos na ikasal sina Lucian at Calista. Nakatago sa kwarto ang mga laruan at damit para sa isang sanggol na lalaki at isang sanggol na babae.

Inihanda ni Selena ang mga pantulog at mga costume pang role-play para sa kanila. Lahat para matupad ang kanyang hiling.

Naawa si Calista kay Selena. Kung alam lang ng kanyang biyenan na wala silang sex life ni Lucian, baka itakwil niya ang anak niya.

Tumingin si Calista kay Lucian.

Walang interes na sinulyapan ni Lucian ang mga damit. Pagkatapos, tinignan niya si Calista mula ulo hanggang paa at sinabing, "Hindi naman bagay sa'yo."

Walang naisagot si Calista sa komento.

Nang maabot niya ang pinakahindi gaanong revealing na damit pantulog, ibinato ni Lucian sa kanya ang shirt nito. "Isuot mo 'to."

Dahil sa tangkad niya, hanggang tuhod ni Calista ang damit. Mas mabuti na 'to kaysa sa mga kakaibang nightgowns na nasa damitan. Malamig niyang tinanggap iyon at dumiretso sa banyo.

Ayon sa batas, pag-aari niya ang kalahati ng kanyang mga ari-arian. Kaya, makatuwirang sabihin na sa kanya din ang shirt na 'yun.

Pagkatapos magpatuyo ng buhok ay lumabas si Calisa sa banyo. Si Lucian ay naninigarilyo sa balkonahe. Natakpan ng kaunting usok ang kanyang mukha, na nagpapalambot sa kanyang itsura.

Iniisip niya kung nag-iimagine ba siya ng mga bagay, pero napansin niya ang panandaliang pagbabago sa mga mata nito nang tumingin ito sa kanya.

Pinatay niya ang baga ng sigarilyo at nilampasan si Calista para pumasok sa banyo. Sanay na sanay si Calista sa ugali nito kaya naman namamanhid na siya sa halip na madismaya.

Hindi nagtagal, kumatok si Macy sa pinto. May dala siyang mangkok ng soup.

"Madam Calista, si Madam Selena ang personal na gumawa nito para kay Mr. Northwood. Siguraduhin mong tatapusin niya ang bawat patak nito para hindi masayang ang effort ni madam.

"Napaso pa nga siya kakaluto ng soup na 'to. Kahit di sila gaanong nag-uusap mahalaga pa rin si Mr. Northwood kay madam. Nag-aalala siya na hindi pa nakakain ng maayos ang anak niya kaya pinadala niya 'to sa'kin."

"Sige." Naiintindihan naman ni Calista ang pag-aalala ni Selena. Kung tutuusin, anak niya si Lucian.

Ilang sandali pa ay natapos na si Lucian sa pagligo. Paglabas niya ng banyo, napansin niya ang mangkok ng soup sa mesa.

"Ginawa daw yan ni Mom. Ubusin mo," sabi ni Calista.

Sinulyapan ito ni Lucian ng walang salita, walang balak na higupin ang sabaw.

Naalala ni Calista ang mga sinabi ni Macy at kung paanong hindi kinain ni Lucian ang kanyang pagkain. Nairita siya sa lalaki. "Lucian Northwood, napaso pa si Mom para lang gawin itong soup para sa iyo. Gusto mo ba talaga siyang ma-disappoint?"

Iba ang pagkakaintindi niya sa mga salita ni Calista. Pagkatapos, hindi maipaliwanag ang ngiti nito sa babae. "Sigurado ka bang gusto mong inumin ko 'to?"

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 358 May Mangyayari Ngayong Gabi

    Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 357 Itinapon niya ba ang Love Letter ko.

    "Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 356 Manood Ng Action Movies

    Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 355 Hindi Makakalimutan ang Bastardong iyon

    Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 354 Nakipag-away Siya Sa Kanya

    Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 353 Ito ay Usaping Pang Pamilya

    Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status