Share

CHAPTER 28

EIGHT-THIRTY na nang makauwi kami sa bahay ng parents ko, at tulad nga ng gusto ni Tita Mesha ay iniwan namin ang kambal sa bahay nila. Pareho kaming walang kibo ni Drex habang nasa biyahe. Tahimik siyang nagmamaneho, at tahimik naman akong nakaupo sa kanyang tabi. Hanggang sa biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may mensaheng dumating.

Mommy

Anak, kumusta na kayo ni Drex? Nagkaayos na ba kayo?

Hindi ko mapigilan ang mapairap sa text ni mommy. Talagang inaasahan niyang magkakaayos kami ni Drex. Ngayon ay na-gets ko na kung bakit sila umalis.

"Break up with him, Elize."

Napabaling ang tingin ko kay Drex. "Huh?"

"I said, break up with him. Paano tayo makakapagsimula muli kung nakabuntot pa sa 'yo 'yang fiancé mo?" Parang may pait pa sa kanyang boses habang masama ang tingin sa hawak kong cellphone.

Oh, and speaking of Garry. Hindi ko na alam kung saan na ba napadpad ang bading na 'yon matapos mapaalis sa hotel, ni hindi na tumawag sa akin o nag-text man lang.

"Oo nga pala, Drex, pina
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status