Share

Chapter 2

“O anong sabi sayo ni Ms. Tiger lily?” tanong ni Max kay Rigo pagbalik nito galing sa kabilang bahay.

“Wala naman, siya pala ang dating naglilinis nitong bahay kaso one-week na raw niya hindi nalinis dahil busy sa trabaho, sa atin na nga lang daw itong walis tambo may extra naman daw siya.” mahabang sagot ni Rigo at nag patuloy na ito sa pag lilinis.

“Hindi ka man lang tinarayan or kaya kinagat?” pangungulit nito sabay tingin kay Alex. Kinuha na rin nito ang dustpan at tumulong na sa pag lilinis.

“Kung ako sayo titigilan ko na siya sa pang iinis nakakahiya kay Chief,” tumalikod na sa Rigo at nagtungo sa pwesto ni Alex.

“Alex ano nga pala ang gagawin natin ngayong araw bukod sa pag lilinis?” tanong nito.

“Wala muna sa ngayon, kailangan ko muna pag aralan ang profile ng mga involved na personalidad sa kasong ito.” Sagot nito sabay tayo at dumiretso sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang folder at agad binuksan ang kanyang laptop upang tingnan naman ang laman ng hard drive na binigay ni General. Masyadong malalaking personalidad ang involve sa kasong ito kaya kailangan nilang mag ingat. International syndicate ang makakalaban nila at maaaring isang malaking mafia ang binabalak nilang buwagin. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang report na nasa USB binasa niyang mabuti ang bawat profile ng mga pangalang nakasulat doon. Maging ang mga larawang naroon. Napatitig siya sa kamay ng isang taong naroon may tatoo ito na tatlong maliliit na tatsulok sa kamay. Isa itong Chinese national si Mr. Chen. Iniisip niya kung saan nga ba niya Nakita ang tatoo na iyon dati.

Sumungaw sa pinto ng k’warto niya si Art para sabihing mag tatanghalian na. Halos makalimutan niya ang oras sa kakabasa ng mga files. Mabilis niyang sinara ang laptop at tinungo ang kusina. Si Art ang nag luluto sa grupo, mahusay itong cook dati bago sumali sa Navy.

“Aba level up ang putahe natin ngayon ah, may budget!” si max habang sumusubo ng sugpo.

“Tado, padala yan ni Chief kanina bagong huli daw sa Shrimp farm nila. Lubos lubusin niyo na at sa susunod ng mga araw dahon dahon na naman kakainin natin!” natatawang sagot ni Art sa kanya. Napakamot na lang sa ulo si Max at tahimik na silang nag sikaing lahat.

Nasa kalagitnaan na sila ng masarap na tanghalian ng may marinig silang tinig sa labas. Boses babae at alam na niya kung sino ito. Nagkusa ng tumayo si Rigo at tinungo ang gate upang pagbuksan ang babae.

“Ikaw pala Cris, napadaan ka?” bati ni Rigo habang pinagbubuksan ng gate ang dalaga. “Tuloy ka muna tamang tama at nagtatanghalian kami.”

“Ah ganun ba sakto pala itong dala ko kung ganun.”

“Ano ba yan?”

“Binugbog na manok,” natatawang turan ni Cris. Halatang nagulat si Rigo sa sinagot niya. Nag lakad na sila patungo sa kusina dala dala ang kanyang nilutong binugbog na manok. Special na putahe ito ng kanyang ina.

Kaya naman binugbog na manok ang tawag dito ng kanyang ina dahil kailangan mo munang palu-paluin ang laman ng manok bago mo ito iluto. Para mas lumambot ang laman nito. Karaniwan itong nilalagyan ng laman sa loob gaya ng sibuyas, bawang luya at tanglad. Saka ito sasabawan upang lumabas ang natural na lasa ng manok at mga sangkap. Mahahalintulad mo ito sa tinola yung nga lang wala itong papaya at talbos lamang ng sili ang lahok nito.

“O mga kasama may dala si Cris na ulam para sa atin,” masayang bungad ni Rigo sa mga kasama nito. Pinakilala siya nito sa mga kasama at napag-alaman niyang mababait naman pala ang mga ito sadya lang maloloko at pilyo lalo na si Max.

“Ito naman ang pinuno namin, si Sr. Sgt. Alexander Ricarfort,” pakilala nito kay Mr. Abs. tumango lamang ito sa kanya.

Hay suplado pa rin pero ang gwapo talaga. Ang lalaki ng biceps niya, siguro kayang kaya niya ko ihagis labas ng isang kamay lang ang gamit.

“Cris wag mo naman katitigan si Sgt. Baka matunaw yan, may mission pa naman kami!” natatawang biro ni Rom sa kanya. Napapahiyang nagbaling siya ng tingin kay Rom at mabilis na nilapag sa hapag ang dala niyang ulam.

“Hmm mukhang masarap ah” sabay na sabay na tugon nila liban na lang kay Alexander na seryoso pa rin nakatingin sa kanya. Naiilang man ay pinilit niyang ngumiti sa mga ito.

“Sinabihan kasi ako ni Ninong na mag luto ng specialty ni Nanay at ipatikim ko raw sa inyo, kaya ayan nagluto ako. Wag niyo na lang alamin ang pangalan ng putahe pero promise masarap yan.” Tinikman ito ni Art at lahat sila ay nakamasid dito at hinihintay ang opinion nito.

“Masarap nga, similar to tinola less papaya, may anghang din ng luya at tanglad.” Nakangiting turan nito sa kanya.

“Sumabay kana sa amin Cris mag lunch para naman may muse kami rito,” si Lucas.

“Naku wag na kasi kailangan ko pa makabalik sa office namin sinaglit ko lang talaga yan sa inyo. Sige mauuna na ko.” Mabilis na siyang tumalikod at tinungo ang pinto.

Dali dali siyang pumasok sa loob ng bahay niya at dun napasandal siya sa pintuan. Napapangiti pa siya ng maalala ang itsura ni Alexander. Crush niya ang lalaki amin niya sa sarili. Eh kasi naman makalaglag panty talaga ang kagwapuhan nito. His eyes, his eyebrows and his prominent nose were all perfect. Lalo na ang mga maninipis na lips nito.

Gosh parang luluwag ang garter ng panty ko sa kanya! Tapos ang ganda ganda pa ng katawan niya parang ang sarap niya yakap yakapin. Napayakap pa siya sarili at tila nag iimagine na yakap siya nito.

“My Girlfriend na kaya siya o kaya asawa?” sa isiping iyon bigla siyang nanlumo. Sa itsura nito malamang maraming babae ang nababaliw dito. Ano lang ba naman siya kung ikukumpara sa mga babae sa Manila. Oo nga at Maraming nag sasabi na maganda siya, morena ang kutis, tama lang din ang height niya na 5’5” may pag ka singkit ang mata niya at matangos din ang ilong at higit sa lahat meron siyang kurbalicious na body. Maraming nag sasabi na may hawig siya kay Maja Salvador! Yun nga lang hindi siya dalagang pilipina kung kumilos! May pagka brusko siyang kumilos marahil gawa na rin na lumaki siya sa Tatay niyang pulis at Ninong niyang Hepe. Pero babae ang puso niya at tumitibok tibok ito sa mga kalahi ni Adan na mala-Adonis ang dating gaya na lang ni “My Abs Sgt.”

“Anong tingin mo Alex masarap ang niluto ni Tiger lily?” mapanuksong tanong ni Max sa kanya. Hindi siya kumibo at bagkus ay tinikman na lamang niluto ng dalaga. Ah great! Parang naaalala niya ang Hacienda Miranda sa lasa ng niluto ni Cris. May ginhawang hatid sa lalamunan niya ang sabay ng putaheng iyon.

“What’s the name of the dish again?” tanong niya na kay Rigo nakatingin.

“Binugbog na Manok daw sabi ni Cris,” natatawang sagot naman nito.

Muntik na nilang mabuga ang hinihigop na sabaw pagka rinig sa tinuran ni Rigo.

What the hell is that name? parang akma sa personalidad ni Cris ang putaheng niluto niya. Bigla tuloy siyang napatingin sa laman ng manok. He checked it kung may mga pasa pasa ito! Wala naman siyang nakita except na sobrang lambot ng laman nito at pwede mo na ngang hindi nguyain.

“Kakaiba talaga ang babaeng iyon!” palatak ni Lucas.

“Tingin ko may crush yun dito kay Alex eh! Pansin niyo ba iba ang titig sayo boss! Kulang na lang bugbugin ka sa pagmamahal!” nagtawanan ang grupo maging siya ay napangiti na rin. Na halata niya rin ang kakaibang pagtitig ng dalaga sa kanya. Kaya lang hindi niya type ang mga gaya ni Cris halatang hindi ito finest kumilos, parang bawat galaw nito ay may masisira itong gamit or bagay. Isa pa mukha itong bata sa kanya ng ilang taon. Sa tantiya niya nasa bente lamang ang edad nito.

“Well, she is not my type,” umiiling na tugon niya sa mga nakakalokong tingin ng grupo niya. Tumayo na siya at tinungo ang pinto palabas ng bahay. Gusto niyang mag pahangin saglit. Malawak ang harapan ng bahay ni Chief, magaganda ang mga halamang nakatanim doon halatang may nag aalaga. Buhay probinsiya. Marahan siyang napabuntong hininga, ito ang gusto niyang gawin sa ngayon sana kung di niya lang tinanggap ang mission. Gusto na niyang mamuhay sa Hacienda Miranda.

Yeah, nakakapagod din pala ang makipag bakbakan. Nais na rin niyang pagbigyan ang hiling ng mga magulang na mabigyan sila ng apo pero bago iyon kailangan niya munang humanap ng mapapangasawa. Bigla siyang napalingon sa kabilang bahay ng may marinig siyang na tila bumagsak at nabasag na bagay.

Instinct dictates him to run fast towards the house. Alam niyang wala roon ang dalaga dahil sabi nito ay babalik ito sa kaniyang opisina. Mabilis siyang nakatalon sa gate nito at nang pihitin niya ang doorknob napakunot noo siya ng ito ay bukas! Nag mamadaling binuksan niya ang pinto para lamang magulat sa kanyang nasaksihan!

“Oh my god!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status