Share

Chapter 4

Mataman siyang tinitigan ng mga kasama ng makapasok sila sa bahay. May mga nakakalokong ngiti pa ang mga ito.

"Tss wag niyo ko tignan ng ganyan, tinulungan ko lang ang clumsy na yun, nothing happen Ok!" Naiinis niyang turan sa mga ito.

"Sabi nga namin wala! pero ano ba kasi nadatnan mo kanina?" tanong ni Lucas.

Napatingin siya sa mga ito at biglang naisip ang nangyari kanina. Sinubukan ni Cris tumayo pero nalaglag ito sa sofa at nakalas ang tapis nito at lumitaw ang malulusog nitong dibdib! damn sa isiping iyon biglang uminit ang pakiramdam niya. sinara niya agad ang pinto at baka makita pa ng mga kolokoy na to ang katawan ni Cris.

She is hot and gorgeous wearing only a towel!

" Nothing happen okay, ang mabuti pa Rigo sumaglit ka sa bayan isama mo si Max mag masid masid kayo at pag aralan ang bawat sulok, daanan at labasan." pag iiba niya ng usapan. Nag punta sila dito para sa misyon at hindi sa kung ano pa man. Mabilis namang sumunod ang dalawa sa kanya. Nag tuloy na siya sa kanyang silid at muling hinarap ang mga files and report sa hawak nilang misyon.

Isang linggo na rin sila sa Santa fe at meron na rin silang mga nakalap na impormasyon patungkol sa mga bigating personalidad na sangkot sa sindikato. Kasado na rin ang plano ng grupo. Hinihintay na lang nila ang tawag ng commanding general sa kanila para sa schedule ng 'shipments'. Naging malapit din si Cris sa mga kasamahan niya, palagi itong nag dadala ng ulam kaya naman tuwang tuwa ang mga ito sa kanya. Gaya na lang ngayong gabi, heto at papunta ang dalaga sa kanila kasama pa nito si Tarcy. May dala dala itong malaking tupperware na sa hinuha niya ay ulam na naman. Naka titig lamang siya sa dalaga habang papasok ito sa bakuran. Naka suot ito leggings at loose t-shirt, ang buhok nito ay itanali niya sa likod, lumapit itong nakangiti sa kanya.

"Hi Sarge! nag luto kami ng beef caldereta, sabi kasi ni Max paborito mo raw ito." binuksan pa nito ang takip ng tupperware at amoy na amoy niya bango ng caldereta. Napataas ang sulok ng labi niya at binigyang daan ito para makapasok sa loob.

"Wow ayan na ang supply natin!" palatak ni Art ito ang mas natuwa dahil hindi na ito mahihirapang mag luto.

"Caldereta! paborito ni Sarge to! siguradong mapaparami ang kain mo nito Sarge!" muling sabi pa nito. Mabilis ng nag sipuntahan sa mesa ang mga kasama niya at inihanda na ang pagkain. napalingon si Cris ng marinig ang ring ng phone ni Alex. Kumilos ito sinagot ang tawag.

"Hello General" pasimula nito at mabilis lumabas ng bahay.

May ilang minuto rin ang itinagal ng pag uusap nila ni General. Bumalik siya sa loog ng bahay at tinungo ang kusina at sabay-sabay pa na lumingon sa kanya ang mga ito nawari ay hinihintay talaga siya. Tumango naman siya sa limang kasama niya at sabay sabay na nag katinginan ang mga ito.

Nakahalata naman si Cris na kailangan na nilang umalis kaya nag paalam na rin sila kahit ayaw pa sana ni Tarcila.

Nang makarating sa loob ng bahay ay agad niyang sinilip sa bintana ang anim na binata kung ano ang ginagawa ng mga ito. Nakita niyang tapos ng kumain ang lima subalit si Alex ay hindi man lang ginalaw ang niluto niya. Napasimangot siya dahil doon.

"Hoy ano bang sinisilip silip mo dyan ha?" tanong Tarcy na akmang itataas pa ang blinds ng bintana subalit pinigilan niya ito

"Wag mo itaas baka makita tayo!" sita niya rito.

"Mukhang nag pa-plano na sila para sa misyon Tarcy" mahina niyang usal sa kaibigan.

"O ngayon?" walang ganang tugon nito. Nilingon niya ito at pinandilatan ng mata.

"Kailangan malaman natin ang plano nila para makakuha tayo ng magandang scoop na pwede nating isulat sa newspaper natin! para naman sumikat tayo no" nanggigil niyang tugon dito.

"Oo na fine binibiro ka lang eh! highblood ka kaagad hindi lang tinikman ni Sarge ang caldereta mo eh!" nang iinis pang turan nito sabay layo sa kanya.

Gigil man ay pinagpatuloy na lang niya ang pag silip sa bintana. Nakita niya na nakalatag sa mesa ang isang malaking tila mapa ng pilipinas habang ang anim na 'hunks' ay nakapalibot dito. Seryoso ang mga mukha nila lalo na si Alexander. Habang nag sasalita ito ay panay naman ang tango ng lima. Mamaya pa ay nakita niyang sumubo ito ng Caldereta niya. Kinilig siya ng makitang umaliwalas ang mukha nito pagkakain ng niluto niya. Ibig sabihin nasarapan ito!

Yes!

Mabilis siyang umalis sa bintana ng makitang isa-isa ng nag si-alisan ang mga lalaki sa kusina. Nakita niyang lumabas ng bahay sina Rigo, Max at Art at sumakay sa kanilang owner type jeep.

Nakita naman niyang naiwan sa loob sina Alex at Lucas.

"Kailangan na nating kumilos. In two weeks time mangyayari na ang delivery ng mga shipments. ayon kay General sa bahaging ito ng isla itatawid ang mga kargamento." sabay turo sa mapa.

"We need to check the whole place kung meron tayong posibleng pag taguan habang hinihintay natin ang pag dating ng mga shipments." imik naman ni Lucas.

"I will call Chief Enrico to inform him baka may maitulong din siya sa atin." tumango ito sa kanya at lumabas na siya kusina habang dinadial ang number ni Chief Enrico.

"Hello Chief we need your help. The shipments are coming in two weeks time." bungad niya sa kausap. Mataman naman niyang pinakinggan ang kausap sa kabilang linya.

"Okay will do that pero sino ang pwede naming isama na taga rito na hindi mag hihinala sa amin?" Tanong pa niya kay Hepe. Nang marinig niya ang sinagot nito ay agad siyang napatingin sa kabilang bahay at sakto namang niluwa niyon ang dalawang babae na nag mamadaling lumabas ng bahay at deretsong sumakay sa scooter.

"Wala na ba’ng iba na pwede bukod sa kanya chief, alam mo na" napapailing pa niyang tugon sa Hepe. Tumawa lang ito at sinabing wala ng iba na pwede niya’ng pagkatiwalaan sa ngayon. Bumuntong hininga siya ng matapos ang pag-uusap nila at pumasok na sa loob.

It looks like he's going to have a hard headache in the coming days. Wala sa loob na usal niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status