Share

Chapter 3

"Oh my god!" gulat na singhap ni Cris ng mabungaran siya ni Alex na nakasalampak sa sahig na walang ibang saplot kundi yung kanyang bath towel! nadulas lang naman siya at aksidenteng nahawakan ang cabinet niya na may mga collection ng pigurin ng yumaong ina. Dali dali siyang nilapitan ni Alex at inalalayang tumayo at dahang dahang iniupo sa sofa.

"Anong nangyari?" tanong nito.

mariin siyang napapikit ng bahagyang kumirot ang balakang niya, napasama yata ang tama niya sa sahig. "Nadulas ako eh, nag mamadali kasi akong tumakbo ng mag ring yung phone ko". sabay sulyap sa naka bukas na silid kung saan naroon ang lintik niyang cellphone! nakakahiya nakita siya ng crush niya sa ganitong sitwasyon.

"You better watch your step next time, and please get dress." masungit nitong saad sa kanya sabay tayo at diretsong nag tungo sa pinto. hindi pa ito nakakalabas ng marinig nito ang pag ikig niya. Sinubukan niya kasing tumayo kaso talagang masama ang tama ng balakang niya at napaupo na naman siya sa sahig kasabay nito ang pag kahulog ng towel niya! mabilis niyang tinakpan ang naka expose niyang dibdib ng makarinig siya ng sunod sunod na yabag palapit sa kanyang bahay.

Mabilis pa sa alas kwatrong sinarado ni alex ang pinto ng makita niyang papunta sa bahay ang ka grupo niya. Ni- lock niya ang pinto at naiinis na lumapit sa babae at mabilis itong binuhat at dinala sa naka bukas na silid. Iniupo niya ito sa kama at binalot dito ang towel.

D*mn! mahinang mura ni Alex ng di sinasadyang masilayan niya ang dibdib ng dalaga. Nakita naman niya ang pisngi nito na namumula marahil sa hiya.

"Alex anong nangyayari d’yan? Buksan mo itong pinto oy baka kung ano ng ginagawa mo kay Tiger Lily!" boses yun ni Max. marahas siyang huminga at tinitigan si Cris.

"Kaya mo ba mag bihis?" tanong niya kay Cris na nakatulala pa rin.

"Ahmm ok na ko kaya ko na mag bihis," nauutal nitong sagot sa kanya.

Lumabas na siya ng silid ni Cris at sinara ang pinto para makapag bihis ito. Tama ang hula niya sa babaeng ito clamsy ito at puro disgrasya ang dala. Binuksan niya ang pinto at agad pumasok ang limang ugok niyang kasama. Iniikot ng mga ito ang mata na may tila hinahanap sa loob ng bahay. Nakita ng mga ito ang mga nabasag na pigurin sa sahig.

"Aba mukhang matinding laban ang naganap dito ah!" palatak ni Lucas habang lumalapit sa mga nabasag na pigurin.

"Tss nadulas siya at nahawakan niya yang mga yan kaya nabasag! wag kung ano ano ang iniisip niyo!" seryoso niyang tinitigan ang mga ito pero sa itsura ng mga ito ngayon alam niyang puro kapilyuhan ang naglalaro sa mga utak nila. inutusan niya na lamang ang ito na linisin amg mga nag kalat na bubog. Mabilis namang kumilos ang ito at nilinis ang salas.

Saktong tapos ng linisin ang mga nag kalat na bubog ng lumabas ang dalaga sa silid na iika ika at hawak pa ang balakang nito. Basa pa ang buhok nito at gulo gulo! Sabay sabay na tumingin ang limang ugok kay Cris at sa kanya. Napapikit na lang siya ng mabasa ang tingin ng mga ito sa kanila.

Nagtatakang nag palipat lipat ng tingin si Cris sa anim na disipulo ni adonis na nasa kanyang salas ngayon! Grabe parang sumikip ang salas niya sa anim na hunks na ito. Napabaling ang tingin niya kay Sgt. Alex at bigla nag flash back sa kanya ang eksena kanina. Bigla siyang nag bawi ng tingin dito at ibinaling ang mata kay Rigo na ngayon ay nakakalokong naka ngiti sa kanya.

"Masakit ba ang katawan mo Cris? First time mo ba?" napaubo si Alex sa tanong na iyon ni Rom. Habang siya naman ay nalilito sa tanong nito.

"Oo eh masakit ang balakang ko ang sama ng bagsak ko sa sahig kanina, napilayan pa yata ako." ani niya. Sabay sabay namang na pa "ah" ang mga ito. Nag bawi ng tingin si Alex at sinenyasan ang mga ito na sumunod na sa kanya. Siya naman ay napasunod din sa mga ito sa may tarangkahan. Hindi pa sila nakakalabas ng bakuran niya ng huminto ang scooter ni Tarcy sa labas. Pinapunta nga pala niya ito para mag paalalay sa kanya at sumabay na rin pabalik ng opisina nila.

Bumaba ito ng scooter at direderetsong pumasok sa gate. "Crisanta! Crisanta! Naku ikaw na babae ka napaka pa-sa-way mooo!" napatigil ito sa pag sasalita ng makita ang anim na "hunks" na nasa loob ng bakuran niya. nakita pa niyang nangingislap ang mata nito at di alam kung kanino sa anim ibabaling ang tingin! Nalintikan na! tatawagin na sana niya ito ng mag salita itong muli na akala mo si tuesday vargas kung mag pa cute.

"Hi, hello ako nge pela si Tarcy, best friend ni Crisanta este ni Cris, single pa ko beke nemen." Napa ngiwi siya sa pabebe nitong salita. grabe ang pangit hindi bagay! Nakita niya pa na lumapit ito kay Sgt. Alex at akmang hahawakan ang kamay nito. Parang biglang nawala ang sakit ng balakang niya at lumalit kay Tarcy at hinila na ito palayo kay Alex.

"Ipakilala mo naman ako sa kanila Crisanta!" hirit pa nito. No choice kaya napilitan siyang ipakilala ito sa kanila. Akma na naman itong lalapit kay Alex ng pigilan niya ito. Nakipag hilahan pa ito sa kanya at dahil masakit pa ang balakang niya nawalan siya ng balanse at muntik ng sumubsob sa damuhan kundi lang sa brasong maagap na sumalo sa kanya.

Tiningala niya ito at ng makitang si Alex iyon ay parang sinilihan ang pisngi niya. napatitig siya sa mga mata nito tapos sa lips. Isamg tikhim ang nagpabalik sa ulirat niya. Si Tarcy iyon na nakataas ang isang kilay sa kanya na parang sinasabi na "see ang galing ko diba". Mabilis siyang umayos ng tayo at nag pasalamat kay Alex. Seryoso itong tumango at lumabas na ng bakuran niya kasunod ang limang herodes nito.

"OMG Cris! bakit di mo sinasabi na may kapitbahay ka pa lang mga hunks dito!" iwinasiwas pa nito ang kamay na akala mo naiinitan.

"Grabe grabe as in grabe talaga, mapapadalas yata ang pag tambay ko rito sa bahay mo friend!" tili pa nito. Palakad lakad pa ito sa harapan niya. Hinila niya ito para umupo sa tabi niya.

"Pinapunta kita rito para hilutin ang balakang ko at hindi para lumandi dyan!" sita niya rito.

"Asus nag salita naman ang hindi lumandi kanina, kitang kita ang spark sa mata mo girl kulang na lang ikaw na humalik kay Sarg!" Umupo ito sa tabi niya at itinaas ang damit niya. Nilagyan niya ng ointment ang namamaga niyang balakang at saka ito hinilot. Naginhawaan naman siya kaagad dahil magaling talaga ito manghilot. Niyaya na niya itong bumalik na sila sa opisina. Kailangan niyang mag report sa kanilang editor.

Sumakay sila sa scooter ni Tarcy at bahagyang sumulyap sa kabilang bahay. wala siyang nakitang tao siguro busy na ang mga ito sa kasong hawak nila. sa isiping iyon bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. Mabilis siyang bumaba mg scooter ni Tarcy at pumasok sa opisina ni Marco ang kanilang editor na matagal na rin nanliligaw sa kanya.

"Cris! thanks god your here, I thought may nangyari na sayo, bakit ngayon ka lang nagpakita dito? masama ba pakiramdam mo?" sunod sunod ma tanong nito sa kanya.

"Okay lang ako Marco, galing kasi ako kay ninong alam mo na nag babakasakali sa magandang scoop." naka ngiti niyang sagot kay Marco. malamlam itong napatingin sa kanya.

" Kung sinasagot mo na kasi ako, hindi mo na kailangan mag trabaho pa. Look Cris I’m already a well-off man, kaya kitang buhayin at ang magiging mga anak natin." malumanay nitong sabi sa kanya.

Batid naman niyang totoo ang sinasabi nito. Kaya lang nga hindi niya ito gusto! isa pa gusto sana niyang makarating ng Manila at maging news writer doon. Matagal na niyang pangarap iyon.

"Marco, please napag usapan na natin to diba? Pangarap ko ito eh, please understand."

"Alright kung yan talaga ang gusto mo, pero pag isipan mo sana ang sinabi ko." may pag sukong turan nito.

Ngumiti siya rito at nag tuloy na sa kanyang desk. Kinuha niya ang maliit niyang notebook at dito nag simulang mag sulat ng mga detalye patungkol sa misyon ng mga "hunks" na pulis. she smiled when he wrote down Alex name. sinulat niya rin ang pangalan niya sa tapat ng pangalan nito. "Crisanta Ricafort" wow bagay parang biglang naging maganda ang tunog ng pangalan ko.

"Wow ha talagang ikinabit mo yung apelido niya sa pangalan mo? ano flames lang ang peg?"

"Tse! wag ka mga maingay dyan Tarcy baka marinig ka ni Marco" saway niya dito.

"Sige na mag kwento kana, anong nangyari at kilig na kilig ka kanina?"

Nangingislap ang mga matang tiningnan niya ang kaibigan at sinimulang ikwento dito ang mga nangyari kanina. Ang pag pasok ni Sarge at pag pangko nito sa kanya, ang pagka hulog ng towel niya at paglitaw ng kanyang malulusog na dibdib!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status