Share

You're My Everything
You're My Everything
Author: AnäLeRïeYeäN

The First Encounter

ASH...

      "Uuwi ka na ba, Ash? Sabay naman tayo pa-LRT." ani Claire, isa sa mga naging malapit kong kaibigan at kasamahan sa bangko.

"Sige ba, magligpit ka na para saktong alas-sais maka-out tayo, ang dami pa namang pasahero sa Gil Puyat." sagot ko sa kanya.

"Ok." ani Claire.

Mabilis naman kaming nakarating ng Gil Puyat. Gaya ng inaasahan, rush hour kaya marami na namang nakapila at nag-aabang ng tren. Maya-maya nga ay may paparating nang tren, at saktong nagbukas ang pinto sa aming kinatatayuan. Pasampa na ako sa tren nang biglang may bumundol sa aking likuran na muntikan ko nang ikatumba. "Ayos ha, walang pakundangan akala mo maiiwan ng tren." Sabay tingin ng masama sa lalaking bumangga sa akin ngunit sinulyapan niya lang ako na parang walang nangyari.

"Oy, wag ka na magalit gwapo naman e", bulong ni Claire na tinudyo pa ako.

"Anong gwapo? Kahit na ba gwapo siya kung un-gentleman naman e wala akong pakialam. Kung ako lang, nasubsob kanina, lagot talaga siya sa akin, hmp!"

Natawa na lang si Claire, sanay na siya sa ugali ko. Ilang beses na rin naman siyang naging saksi sa mga pagwawala ko sa tuwing pakiramdam ko ay naaagrabyado ako. Mabuti na lang maluwag ang tren kaya nakaupo kami. Nang di sinasadyang mapasulyap ako sa lalaking nakabunggo sa akin. Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko nang magtama ang aming mga mata. Agad akong dumiretso ng tingin saka nagkunwang nakikipagkuwentuhan kay Claire. Maya-maya pa'y bumaba na si Claire sa Abad Santos at ako naman sa 5th Avenue. Isang tricycle pa ang sinakyan ko pauwi sa bahay na tinutuluyan ko kasama ang aking ina.

"Hi nay, mano po."

"Salamat. Magbihis ka na, nakapagluto na ako. Kakain na tayo."

"Ok po, nay. Na-miss kita." Yumakap muna ako sa kanya bago ako pumasok sa kuwarto para magbihis. Ganun kami kalambing sa isa't isa. Palibhasa lumaki akong walang ama. Ayon kay nanay, namatay daw ang aking ama sa isang aksidente noong ako'y tatlong taong gulang pa lamang. Mula noon namasukan na si nanay bilang mananahi upang buhayin at pag-aralin ako. Nakatulong din na masipag akong mag-aral nung elementarya kaya naman scholar ako mula high school hanggang college sa isang kilalang unibersidad.

Since high school, pangarap ko nang maging writer. Nabigyan naman ako ng pagkakataong  magsulat sa school paper namin as a journalist, at naging editor in-chief pa ako. Naranasan ko ring sumali at manalo sa mga kompetisyon sa pagsulat ng balita, editoryal at kung anu-ano pa.

Ngunit ang kursong tinapos ko ay malayo sa landas na gusto ko sanang tahakin kaya naman ang lahat ay nauwi lang sa isang pangarap. 

Nagtapos ako ng Business Administration major in Accountancy at kaagad namang natanggap bilang teller sa isang kilalang bangko. Maganda naman ang pasahod at benepisyo kaya nag-enjoy na rin ako sa career na pinili ko. Habang si nanay ay patuloy na nananahi sa isang pabrika ng mga damit pambata kahit ilang beses ko na syang pinayuhan na manatili na lang sa bahay.

Pagkaraan ng dalawang linggo...

"Hello Claire, oo eto na, nasa LRT na, malapit na ako sa Gil Puyat. Ano daw ba ang kailangan niya? Sabihin mo, mag-return call na lang ako sa kanya pagdating ko ng office. Sige salamat, ba-bye." Inilalagay ko na ang CP sa bag ko nang mapasulyap ako sa lalaking nasa harapan ko.

"Tsk!" sabay ngiwi ang lalaki.

"Teka, ako ba ang nginingiwian nito," naisip ko. 

Di ko maiwasang tingnan siya, tila pamilyar ang isang ito sa akin. Nakapikit siya kaya pansin mo agad na mahaba ang pilik-mata niya. Mahaba din at wavy ang kulay brown niyang buhok, yaong buhok na pinauso noong 70's. Nakapagtataka lang na ang isang lalaking gaya niya na nasa mga mid-twenties ang edad ay ganoon ang buhok pero bumagay naman sa look niya. Matangos ang ilong, pangahan pero mestiso, mukhang may lahing amerikano at may manipis na labi. Gwapo, sa simpleng salita.

"Sa'n ko ba 'to nakita?"

Tumayo ang babaing katabi niya upang bumaba sa Doroteo Jose, kaya naman naupo ako sa tabi niya. Nagulat pa 'ko nang bumulong siya sa akin, "How do I rate?"

"Huh?" pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya. Pero nayabangan din ako sa kanya kaya dinedma ko na lang siya. "Teka, siya 'yung lalaking bumunggo sa akin kamakailan lang. Muntikan pa nga akong masubsob. Ah, no wonder mayabang talaga. Akala mo kung sinong gwapo. Hmm, eh gwapo naman talaga. Eh, kahit pa!!"

Di na lang ako kumibo. Pumikit ako at nagkunwaring matutulog... Hanggang sa...

"GIL PUYAT STATION...GIL PUYAT STATION..."

Bigla akong napabalikwas, dali-daling tumayo at lumabas ng tren. Hala, nakatulog nga talaga ako. Pagbaba ko, meron nang bus na nakahinto papuntang Aseana, kung saan ako nagtatrabaho. Pag-upo ko, kasunod ko na ang hambog na lalaking nakasakay ko sa LRT na sa kasamaang palad ay tumabi pa sa kinauupuan ko. Kaya naman ibinaling ko ang mukha ko sa may bintana.

"Do I deserve a thank you? Kundi kita siniko, malamang nasa Baclaran ka na."

Lumingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin, nakangiti, sabay sabing "Ang sarap kasi ng pagkakasandal mo sa balikat ko, buti na lang naalala kong sa Gil Puyat ang baba mo."

"Ano? At paanong...ah so naalala mo ring muntikan mo na akong itumba sa LRT dahil sa pagka-barubal mo. Mas deserve ko ang sorry mo, noh!"

"Hmmm...okay. Sorry, naitulak din lang ako 'nung time na 'yun. Alam mo naman sa LRT. So, ok na, quits na tayo. I'm Andy", inilahad ang kamay niya. Tumitig siya sa akin sabay ngiti ulit nang pagkatamis-tamis. 

Hindi ko ata matatagalan ang mga titig na 'yun, ang ngiti niya na nagpalabas sa maliit na dimple sa gilid ng kanyang bibig. Nakakailang kaya sa halip na tanggapin ang pakikipagkamay niya, ibinaling ko sa bintana ang aking mukha. "Loko to a, pa-cute. Saka bakit nagpapakilala? Inaakit ba 'ko nito, nakakailang kung tumingin. Teka bakit parang biglang uminit sa bus na 'to.. hey Ash, ang aga-aga ha." 

Maya-maya lumapit na ang konduktor para kumuha ng bayad at mag-abot ng ticket, so wala akong choice kundi lumingon, kitang-kita ko ang tipid niyang pagngiti kahit diretso naman ang tingin niya sa unahan ng bus. "Ugali ba talaga nito ang ngumiti, nakaka-good vibes."

Pagdating sa Aseana, "Excuse me, bababa na 'ko." sabi ko para mag-give way siya ng daan. Tumayo naman siya para padaanin ako sabay sabing "Ok. Ingat."

"Huh?" Napatingin na naman ako sa kanya, siguro para i-confirm kung ako ba talaga ang sinabihan niya nun. "Pero bakit? Siguro, friendly lang talaga siya." Tumango na lang ako saka parang natatarantang dumiretso ng baba sa bus. Grabe ang bilis ng pintig ng puso ko, parang ngayon lang ako nabati ng kung sino.

ANDY...

Monday evening..nagmamadali ako papunta ng school ni Laila, kailangan ko sunduin ang gf ko at ihatid sa bahay nila. Coding kaya wala akong dalang sasakyan. Pinili kong mag-LRT, 40 minutes or more lang ang byahe. Pasado alas sais na, kailangan kong magmadali, kundi totopakin na naman si Laila. 

Dumating ang LRT, skip train kaya nagkagulo ang mga pasahero. Nag-uunahan sa pagsakay sa di ko maintindihang kadahilanan. Nang biglang may tumulak sa akin kaya naman naitulak ko din ang babaing nasa harapan ko. Mag-so-sorry sana ako kundi lang sa pasaring na narinig ko mula sa kanya na kinainis ko. "Ah bahala ka, no use na mag-sorry ako alam mo naman ang senaryo sa LRT." Sa isip ko lang kaya sinulyapan ko lang siya na parang walang nangyari. Hindi ko maiwasang balikan siya ng tingin, dahil ramdam ko ang pagka-irita niya.

Simpleng mukha pero maganda, bilugan ang mga mata pero halatang mataray ito. Maybe nasa 22-25 ang edad niya. Hindi katangusan ang ilong niya pero hindi rin naman pango. May makapal at mapupulang labi, na marahil dahil sa lipstick. Naka-pony tail, mga 5'2 ang height, maputi at balingkinitan. Hmmm pwede...

Nang biglang lumingon siya sa kinatatayuan ko at magtama ang aming paningin. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya sabay bawi ng tingin. Nangiti ako sa inasal niya, di ko tuloy maiwasang maintriga sa kanya.  "Kani-kanina lang nanggagalaiti sa galit, ngayon naman nahihiya. Kakaibang babae, nagba-blush sa simpleng tingin lng, tsk".

Napansin kong bumaba siya sa 5th Avenue. Gusto ko sanang lingunin niya akong muli bago siya lumabas ng tren pero hindi niya ginawa. Kaya nakuntento na lang ako sa pagtanaw sa kanya habang papalayo ang tren.

Sa wakas nakarating din ako ng MCU University. Physical Theraphy student dito si Laila. Actually six years na siya sa school na 'to, hindi lang maka-graduate pa, dahil paiba-iba ng kurso. Sana makuntento na talaga siya sa PT. Pagbungad ko pa lang sa gate, nakasimangot na si Laila. 

"Ang tagal mo naman, kanina pa ko dito, nag-iintay."

"Sorry babe, alam mo naman galing pa 'ko ng Makati. Wala akong sasakyan kaya nahirapan akong mag-commute at makipag-sabayan sa LRT."

"Dapat kasi inagahan mo ng alis, wala ka namang ginagawa sa condo nyo e."

"As if naman makakaalis ako ng maaga. Nasa condo si Mom, nde ako papayagan nun na pumunta dito. Alam mo naman yun."

"Ok, fine. Tara, sa'n ba tayo ngayon? Want something delightful, babe?" aniyang nang-aakit. 'Pag ganito na ang tono ni Laila, alam na kung sa'n na naman kami makakarating. 

May pagka-liberated kasi ito, dahilan kung kaya't nde siya magustuhan ni Mom. Pero sa lahat ng naging gf ko, si Laila lang ang tumagal ng two years. Siguro dahil hindi siya kailanman nag-demand ng kahit ano sa akin. Oo, madalas siyang topakin sa mga simpleng bagay lang pero, mas madalas din naman na magkasundo kami. 

Nakilala ko siya no'ng minsang magkayayaan kaming mag-bar ng mga kaibigan ko no'ng college. After that night, isinama niya 'ko sa apartment niya, mula noon kami na. Walang ligawan, basta nagkasundo lang. 

Engineering student ako sa La Salle University that time. One year na lang sana graduate na ako pero hindi ko tinapos, na-bad trip kasi ako sa erpat ko. 

Australian businessman ang dad ko pero matagal na siyang naninirahan sa Pilipinas. May dalawa siyang anak na babae sa una niyang asawa. Habang broker naman ang mom ko. Nagkakilala sila sa isang seminar at naging lihim na magkarelasyon. Dahil ako lang ang anak niyang lalaki na magdadala sa apelyido niya, pinakasalan niya ang mom ko no'ng mabyudo siya, two years old ako noon. 

Pero si Mom, hindi nagsasawa sa pagsuporta sa akin kahit pa pag-awayan na nila ng dad ko. Isang bagay lang ang hindi pinapaboran ni Mom sa akin, si Laila. Maybe because natatakot siyang makabuntis ako, kahit pa maingat naman kami ni Laila. 

Kaya naman kahit 23 na ako ngayon, walang direksyon at tambay, nakaalalay pa rin si Mom sa akin. Ayon sa kanya, darating din ang time na magigising ako at ako na mismo ang susuko at kusang magtutuwid ng buhay ko. Kaya heto ako ngayon, pa-easy easy lang. 

Nakatulog na si Laila, pero ako, gising pa. Dito na naman ako inabutan ng dilim sa apartment niya. As usual, magaling talaga si Laila magpaligaya. Nagbihis ako at naghanda nang umalis.

Habang pauwi, biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng 'yon. "Kailan ko kaya siya muling makikita?

After two weeks... Hindi ko alam na pagbibigyan ako ng tadhana isang umaga. 

Nakaupo ako sa LRT, naiidlip, nang mapadilat ako sa lakas ng boses ng babaing nakatayo sa harapan ko. Laking gulat ko nang makilala ko sya. The girl in my dreams... Hmm...

Hindi ko maiwasang mag-react sa sinabi niya sa kausap niya sa phone. Sinabi niya kasing malapit na siya sa Gil Puyat samantalang nasa Tayuman pa lang ang tren. "Pilipino talaga o."

Alam kong titingnan niya ako sa reaksyon ko kaya muli akong pumikit.  Nagkunwaring natutulog pero ramdam ko ang init ng kanyang titig. Sa totoo lang, gusto ko talagang magpapansin sa kanya kaya ako nag-react ng ganoon. 

Laking tuwa ko nang tumayo ang katabi ko at pumalit siya kaya naman hindi ko na napigilang magsalita.

"How do I rate?", bulong ko sa kanya nang nakapikit pa rin. Pero nadismaya ako nang hindi siya kumibo. Maya-maya naramdaman ko ang bigat sa balikat ko. Pagdilat ko, nakasandal na ang ulo nya sa balikat ko. Nakatulog na pala siya. Naaamoy ko ang shampoo ng buhok niya, ang masarap na scent ng pabango niya, kaya hinayaan ko na lang siya sa ganoong posisyon kahit gusto ko pang iangat ang braso ko at itulak siyang lalo palapit sa akin. Ayokong matapos ang moment na ito.

Sinadya ko talagang sikuhin sya nang huminto ang tren sa Gil Puyat. Natawa pa ako sa reaksyon niya nang nagmamadali siyang tumayo para habulin ang pinto ng tren. 

Di ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko para sundan siya. Ewan din, ang lakas ng panghila niya, ando'n 'yong urge na gusto ko siyang makilala. Sinundan ko siya hanggang sa pagsakay sa bus at swerteng nakaupo ako sa tabi niya.

Nginitian ko siya, alam ko nagulat siya sa paglapit ko. Agad siyang umiwas ng tingin at ibinaling ang mukha niya sa may bintana. Pero pinilit ko pa ring magsimula ng conversation, dahil gusto kong marinig ang boses niya.

"Do I deserve a thank you? Kundi kita siniko, malamang nasa Baclaran ka na." Nagulat siya sa sinabi ko, kaya sinundan ko pa ng isa.

"Ang sarap kasi ng pagkakasandal mo sa balikat ko, buti na lang naalala kong sa Gil Puyat ang baba mo." 

"Ano? At paanong...ah so naalala mo ring muntikan mo na akong itumba sa LRT dahil sa pagka-barubal mo. Mas deserve ko ang sorry mo, noh!", Shoot, sa wakas sumagot din siya, pataray nga lang. Kaya naman lalo pa akong nagpa-cute sa kanya.

"Hmmm...ok. Sorry, naitulak din lang ako no'ng time na 'yon. Alam mo naman sa LRT. So, ok na, quits na tayo. I'm Andy." sabi ko pa.

Pero hindi ata nakuha ng charm ko ang beauty niya dahil hindi na niya 'ko pinansin at bumaling na siyang muli sa bintana. Nakuntento na lang ako sa pagmamasid sa maganda niyang mukha. 

Nang sa wakas ay lumapit ang kundoktor at kunin ang bayad namin. Dumiretso ako ng tingin pero alam ko, sa gilid ng mga mata ko, na muli niya akong minasdan at napangiti ako sa tuwa.

Maya-maya, nag-excuse siya para bumaba, hindi ko pa rin napigil na magpabaon ng salita sa kanya. 

"Ok, ingat." Tila lumundag ang puso ko nang tumingin siya sa akin nang may pagkagulat saka tumango. Masaya ako habang pinagmamasdan siyang pababa ng bus. 

Pagdating ng bus sa stoplight, bumaba na rin ako. Para akong tangang tumawid sa kabilang kalsada at sumakay ulit ng bus pabalik, pa-Ayala. Di ko mapaniwalaan na nagawa ko 'yon. For the first time, sinundan ko ang isang babae para lang ma-satisfy ang curiosity ko. Alam ko na kung saan sya nagtatrabaho. At napangiti ako sa naisip ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status