Share

Just Wanna Give My Everything

ASH...

       Lumipas ang ilang buwan, naging busy si Andy sa pag-take over ng business nila. Dahil sya ang lalaki, wala syang choice kundi tanggapin ang legacy ng dad niya. Hindi ko inakalang sobrang yaman pala nila Andy. Simple lang naman kasi silang mag-ina kung mamuhay. Mayroon silang sariling Architectural Firm na kilalang-kilala di lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Mayroon din silang hotel na pag-aari sa Makati, Cebu at Davao. May shares din sila sa isang kilalang telecommunication company. At ang lahat ng ito ay ipinamahala sa kanya ng dad nya.

       Natuwa ako nang tanggapin nya ang alok nito. Ibig sabihin, may posibilidad na maging maayos ang anumang sigalot na namamagitan sa kanilang dalawa.

        Pero mula noon, hindi ko na nakita ang dating masayahin at palangiting Andy. Ang laki ng ipinagbago nya. Marahil, dahil na rin sa malaking responsibilidad na nakaatang sa kanya.

 
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status