Share

Let's Have a Date

ANDY...

"Bro, musta? Parang ang lalim ng iniisip mo a? May problema ba?" si Mike, isa sa mga best friend ko nung college na ngayon ay nagwo-work na sa isang construction firm.

"Pre, mukhang di problema kasi ang lapad ng ngiti o? Chic ba pre?", ani Jon, isa pa naming tropa na nagtatrabaho naman bilang IT sa isang sikat na telecommunication company.

Sa aming tatlo, ako lang ang under-graduate. Pero kahit busy sila sa mga trabaho nila, madalas pa rin kaming magbonding dito sa paborito naming billiard & bar restaurant sa Makati. Palibhasa malapit sa mga work nila ganun din sa condo ko.

"Bro, may nakilala kasi akong chic." sabi ko. Kumunot ang noo ng dalawa sabay sabing, "Pa'no na si Laila?".

"Oh, come on pre, iba naman yung kay Laila. Pero, itong chic na 'to, teka nde ko pa pala alam ang pangalan nya." Akmang tatayo ako, gusto kong puntahan ang babaeng 'yon para alamin ang pangalan nya,  "Pero saan?"  Mabilis nila akong pinigilan.

"Hey hey, bro. Wait lang, sa'n ka pupunta?" si Jon.

"Oo nga. Teka, linawin natin ha, may nakilala ka na chic pero di mo alam ang pangalan tapos nagde-day dreaming ka at this hour dahil sa babaeng 'yon? Weird, bro. Anong meron ang babaing ito?" sabi naman ni Mike.

"Exactly, hindi ko nga rin maintindihan pre. Basta iba ang epekto sa akin ng babaeng ito." Sabi ko. Saka ko ikinuwento sa kanila kung paano kami nagkakilala, rather kung paano ako naakit sa kanya.

ASH...

"Hey Ash, ok ka lang?", tanong ni Claire habang nagla-lunch kami.

"Hmm? Oo naman. Bakit?", sabi ko.

"Kasi kanina pa ako nagsasalita dito pero parang hindi mo naririnig, wala kang reaksyon. Ang lalim ng iniisip mo, girl. May problema ka ba?"

"Huh? Ako? Wala, may naalala lang ako." sabi ko. Nagdadalawang-isip ako kung magkukuwento ba ako sa kanya tungkol dun sa mayabang na Andy na tumatakbo sa isip ko. Then, I decided. Wag na lang.

"Sure ka?"

"Oo nga." Saka namin tinapos ang aming lunch at bumalik na kami sa counter.

At the counter...

"Next please.." sabi ko.

"Hi." Nagulat ako. Nasa harapan ko ang taong ilang araw nang gumugulo sa isip ko. "Ano ang ginagawa niya dito? Malapit lang ba ang trabaho niya dito?"

"Good afternoon sir." sabi ko. Pinilit kong i-compose ang sarili ko sa pagkagulat. 

"Andy. Andy ang pangalan ko and you are?" Binasa niya yung name plate ko sa uniform sabay sabi, "Ashanty. Nice name." 

Ngumiti siya nang iabot niya sa akin 'yong deposit transaction niya. Pagtingin ko, "100 pesos?" Ganito lang kaliit?" Isinaisantabi ko ang pagkadismaya sa kanya, "Maliit lang pala ang transaksyon niya, pinagkaabalahan niya pa, sana inabot na lang niya dun sa taong, 'Alexandre Benitez Collins'. Ito ba ang buo niyang pangalan?" 

Nag-angat ako ng paningin, nakangiti na naman siya bigla tuloy tinambol na naman ang puso ko kaya nagbaba ulit ako ng paningin. "Bakit ba panay ang ngiti mo sa akin, nakakabulabog ka na. Pwede ba sa iba ka na lang ngumiti para manahimik na ang dibdib ko?"

"Done sir." sabi ko ng nakangiti na rin, SOP kasi yun sa amin, ang ngumiti sa customer.

"Thanks, at last ngumiti ka rin. Mukhang magugustuhan kong pumunta dito araw-araw a."

"Next please." Dinedma ko lang ang sinabi niya. Pero sa totoo lang di ko kasi alam kung ano ang isasagot ko do'n. Bigla parang blanko ang isip ko, parang nakalutang ako sa cloud 9. Pakiramdam ko din pulang pula na ang mukha ko. Lalo na nang kumindat pa siya bago umalis sa counter. "Ano ba talaga ang ginagawa ng taong 'to sa akin?"

Pinilit kong mag-concentrate sa trabaho ko. Maya-maya lumapit sa akin si Claire.

"Ash diba si pogi yun sa LRT? Malapit lang din pala siya dito. Ang gwapo talaga noh, hindi ka ba kinilig sa itsura niya?" tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ano nga pala ang transaction niya?"

"Hay naku, deposit. 100 pesos." bulong ko.

"A, baka naman pang-balanse sa cash flow nila sa office."

"Nde noh! Personal account niya kaya."

"Talaga?" napangiwi si Claire sa pagkadismaya. Pinakita ko sa kanya 'yung deposit slip copy ng transaction ni Andy.

"In fairness, pangalan niya ba yan? Ang ganda ha, kaya pala tisoy, may lahi."

The next day, eto na naman si pogi, este Andy sa harapan ko, nagde-deposit ulit. Natapat siya sa kasama kong teller, pero sabi niya. "Salamat, kay Ms. Ashanty na lang ako." kaya hinintay niya pang matapos 'yong huling customer ko.

"Good afternoon sir."

"Andy" putol niya sa sasabihin ko.

"Ok, sir Andy. Bakit nag-intay pa kayo, pwede naman po kahit saang teller kayo magbigay ng transaction."

"Pero mas gusto ko sa'yo." Sabi niya, na nagpalundag na naman sa puso ko. Pagkaabot niya sa deposit slip, natawa na lang ako sa isip ko dahil 100 pesos na naman ang deposit niya.

"Can i have your cellphone number, please?" Napalingon ako bigla sa kanya.

"Sorry sir, hindi po ako nagbibigay ng personal number sa customer."

"Hmmn. Okay," 'yun lang at umalis na siya. 

Kinabukasan, ayan na naman siya.

"Good morning, deposit ulit?" Pag-abot ko sa deposit slip niya at makita ang nakasulat doon. "Sir, nananadya ba kayo? Araw-araw kayong nagdedeposit ng 100 pesos. Pagsabay-sabayin mo na lng kaya para isang transaction lang sa isang linggo."

"Hala nagrereklamo na siya o. Pag ginawa ko 'yon, hindi na kita makikita everyday." at ngumiti na naman siya. Nabigla ako sa sagot niya at muli, bumilis ang pintig ng puso ko.

Sumimangot ako nang makabawi. Yumuko siya sa counter at bumulong "Give me your number instead. Please..."

"Sorry sir, hindi talaga ko..."

"Eh di araw-araw pa rin akong magdedeposit ng 100 pesos sa account ko." Sabay kindat at talikod pagkaabot ko ng deposit slip copy niya. Napanganga na lang ako pag-alis niya.

ANDY...

Ilang araw pa ang lumipas, namimis ko na siya kaya nagdesisyon akong puntahan siya sa bangkong pinagtatrabahuhan niya. Pero syempre dapat may gimik. 

Nagulat siya pagkakita sa akin. At natuwa naman akong malaman ang pangalan niya. "Ashanty, such a cute and sweet name. My Ashanty."

Napansin ko din na nadismaya siya na 100 pesos lng ang 1st deposit transaction ko. Di niya alam, sinadya ko 'yon para araw-araw ko siyang makita, kahit maubos pa ang allowance ko at gas sa pagbyahe ko mula Makati hanggang Paranaque. 

Pero masyado siyang mailap, kahit cellphone number ayaw niya ibigay. Mahina na ata ako sa diskarte a. Kailangan ko makaisip ng paraan. Biglang nag-ring ang phone ko, si Laila.

"Hello, babe. Asan ka? Busy ka ba? Hindi mo na kasi ako pinupuntahan e."

Saka ko naalala, mula ng makilala ko si Ashanty, nakalimutan ko na si Laila. Kahit text at tawag hindi ko na nagagawa. Samantalang dati, ako ang unang tumatawag at nagtetext sa kanya.

"Sorry Laila. Naging busy lang ako lately. Sige magkita tayo mamaya." sagot ko. Kelangan ko na siyang kausapin, hindi ko ugaling mahumaling sa dalawang babae nang sabay. Kailangan kong i-give up ang isa.

"Hi babe," bungad ni Laila sabay yakap sa akin pagdating ko sa coffee shop na meeting place naming dalawa. "Umorder na ako ha, ayan favorite coffee mo."

"Hi, Laila. Sorry late ako."

"Laila? So Laila na lang ako ngayon?"

Tiningnan ko siya ng diretso, tinatantya. Saka ako nagbuntong-hininga. 

"Let's end it here."

"Why?"

"Come on Lai, i know you're a sensible person. Kaya nga magkasundo tayo e. We both knew it would happen anyway. I should've make it sooner. I'm really sorry."

"Is there someone new?"

Umiling lang ako.

"Kailan pa?"

"Wala...Wala pa."

"Then, why?"

Hindi na ako sumagot, uminom na lang ako ng kapeng binili niya para sa akin. Akala ko madali lang sabihin na tapos na. Hindi pala. Mahabang katahimikan ang lumipas. 

       "Ok. Friends?" maya-maya pa'y sabi niyang nakalahad ang kanang kamay. I knew it. Laila is a very strong person. 

"Friends." tinanggap ko ang kamay niya. "Salamat."

Naghiwalay kami no'ng gabing 'yon nang magaan ang loob ko. Alam ko, tama ang naging desisyon ko.

ASH...

"Hi sir Andy." bati ni Claire na nasa tabi ko kaya nag-angat ako ng mukha at sinalubong na naman ako ng mga matang 'yon na kung tumitig ay tila nakakapanghina. Nagbawi ako ng tingin, kunwa'y may sinisipat sa monitor ko pero sinabayan ko rin ng salita.

"Good afternoon sir. Deposit po ulit?" saka ako ngumiti nang pilit.

"Yes please. Sabi ko sa'yo araw-araw akong babalik e. Ibigay mo na kasi ang number mo."

"Hay naku sir, ako ang magbibigay sa'yo..."

"Claire ano ba, wag ka nga..." putol ko sa sasabihin pa niya.

"O sige. Let's date then."

"Uyyy...yun o" tudyo ni Claire sa akin. Saka dahan-dahang umalis, feeling niya siguro kalabisan na siya sa eksenang 'yon. Napanganga na lang ako sa pagkabigla. Pakiramdam ko pulang pula na naman ang mukha ko. Ibinaling ko ang tingin sa paligid, sure ako narinig ng lahat 'yong sinabi niya. Hindi nga ako nagkamali dahil nakatingin nga ang lahat ng tao sa amin. May ibang kinikilig, may ibang nakamasid lang nag-iintay ng isasagot ko at may ibang tila naiinggit. Pinilit ko magseryoso sa harap niya at sinabing, "Sir, I think it is improper to ask such thing in....."

"Ok, then. I'll wait outside after office." putol niya sa sasabihin ko. Ni hindi ako binigyan ng pagkakataong pumayag o tumanggi. "Haist, ano ba 'tong taong to. Ano'ng gagawin ko? Dapat ba na pumayag ako?" Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. 

Lalo pa nang biruin na ako ng mga kasamahan ko. "Ang haba ng hair mo teh, binabalik-balikan ka ni pogi e," tudyo pa ni Claire sa akin.

ANDY...

"O sige. Let's date then."

After two weeks na pabalik-balik sa branch na 'yon, 'di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob, para sabihin 'yon kay Ashanty. Pero nandito na ako, wala nang atrasan 'to. Sinamantala ko ang pagkabigla niya, kumbaga sa boksing na-corner ko siya. Kaya naman pinutol ko agad ang anumang balak niyang pagtanggi.

Nag-intay ako, hanggang sa oras ng uwian niya. Mga dalawang oras din 'yon. Kaya no'ng makita ko siyang papalabas ng bangko, agad akong lumabas ng kotse para salubungin siya. Nagulat pa sya nang makita ako, marahil ay hindi niya inaasahan na tototohanin ko yung sinabi ko.

"Sir Andy, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Iniintay ka, of course."

"Hindi...kasi wala naman..." Tinutukso na kami ng mga kasamahan niya kaya naman sabi niya, "You won't give up do you?"

"Nope," sabay iling.

"Sige, ibibigay ko na lang ang number ko." 

"Ayaw mo talagang makipag-date sa akin?"

"Sir naman e."

"Andy na lang. Kahit snack lang please o coffee?" nagpapa-cute ko pang sabi hoping na pumayag na siya.

Matagal siyang nag-isip, hanggang sa, "Sige na nga. Coffee lang ha."

"Yahoo!!" Napasuntok ako sa ere sa sobrang tuwa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status