Two less lonely people in the world and it’s gonna be fine.
Out of all the people in the world, I just can’t believe you’re mine.
In my life where everything was wrong, something finally went right.
Now there’s two less lonely people in the world tonight.
- Two less lonely people, KZ
***
MAY LIWANAG na dumadampi sa makinis na balikat ng isang dalaga.
Makikita sa maamong mukha nito ang isang taong animo’y hindi marunong gumawa ng kasalanan ni magsinungaling. An angel reincarnate here in land.
Napahawak ito sa ulo nang maramdaman ang sakit nito.
Ano bang nangyari sakin? Tanong nito sa sarili.
Inangat nita ang sarilI sa pagkakahiga. Kinipkip ang puting kumot na siya lamang nagsisilbing takip sa kanyang kahubadan.
Hubad?
Mas lalong nag-panic ang dalaga na wala nga siyang suot sa ilalim ng kumot. Nilibot niya ang paningin sa paligid.
Nasa isa siyang kwarto. Kwarto ng isang lalaki base sa mga kagamitang nandoon.
Sa gilid ng kama ay nakita niya ang kanyang damit kagabi.
Kagabi?
Ano ba kasi talaga ang nangyari sa kanya kagabi? Bakit siya nandito? Sinong nagdala sa kanya dito?
~~
“Ano ba ‘yan April? Puro ka naman trabaho. Hindi ka ba marunong magpahinga? Kahit mag-enjoy man lang kahit sandali. Aral, trabaho, bahay ka lang naman lagi. Ngayon lang naman ako nagpapa sama sayo. Sige na naman.” Paglalambing sa kanya ng katrabaho slash kaibigang si Kim.Patapos na kasi ang duty nila sa Spotz. Ang restaurant na pinagta-trabahuhan niya after school kaya naghahaya na itong mag-bar kahit na weekdays. May pasok pa siya sa university bukas. Hindi niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral. Baka mawala ang scholarship niya.
“Wala naman kasi akong pera.” Sabi niya dito habang pinupunasan ang isang lamesa. Nakasunod naman ito sa kanya. “Saka wala akong susuotin sa ganyang mga gimik. At may pasok pa ako bukas.” Pagtanggi niya dito.Agad naman itong tumigil sa paglalampaso ng sahig at tinignan ang paligid kung nakatingin ang manager nilang si Sir Leon. Masyado kasing strikto ang manager nilang iyon. Bawal mag-usap habang duty. Baka mapagalitan silang dalawa.“Wag mong problemahin ang pera at gastos kasi sagot ko naman. Malaki ang naging bonus ko nitong katapusan kaya malaki-laki ang extra budget ko. Saka sa damit, marami akong mapapahiram sayo.” Lumingon ulit ito sa paligid at nakitang may kausap na costumer si Sir Leon.“Sige na kasi April. Samahan mo na ako. Matagal ko nang pangarap iyong makapasok sa mamahaling club. Malay mo doon ako makahanap ng mayaman na mag-aahon sakin sa kahirapan. Hindi bagay sa’tin ang maglampaso at maglinis lang ng mga lamesa. Masyado tayong maganda para dito.” Reklamo nito na kinan tawa naman niya.Umalis ang magkasintahan sa isang lamesa. Agad silang bumati dito ng pasasalamat at agad na nilinis ang lamesang inalisan ng mga ito.“Kim, hindi ka makakahanap ng taong seseryoso sayo sa mga mamahaling club. Tanging mga kasing edad lang natin na walang alam sa responsibilidad ang nandoon.”Ngumuso naman ang kaibigan.“At least mga mayayaman!” Hirit pa nito.Siya naman ang napa-irap. “Pero iresponsable.” Sabi niya dito habang naglalakad papuntang dishwashing section. Sinundan pa rin siya nito.“Sige na kasi, April. Sandali lang tayo. Promise.” Nagmamakaawang sabi nito.She exhaled a huge amount of air. Hindi talaga siya tatantanan ng kaibigan niyang ito.“S-Sige! Pero sandali lang tayo huh.”Agad naman siyang niyakap nito.“Oo naman! Basta mamaya huh!” Masaya itong nagpaalam sa kanya at magsimula ulit mag lampaso sa ibang bahagi ng restaurant.Pagkatapos ng shift nila ay agad silang pumunta sa bahay ng mga ito.Lasing nanaman ang tatay nito sa kanto habang ang nanay naman ng kaibigan ay nasa kapitbahay at naglalaro ng bingo. Kalong-kalong pa nito ang anim na buwang gulang na pamangkin ni Kim sa kuya nito.Si Kim ang nagpapa gatas sa bata. Iniwan ng kinakasama ng kuya ni Kim ang bata sa kanila, pati na rin ang kuya nito, dahil hindi na daw nito matagalan ang kapatid. Literal kasi na wala itong ginagawa. Wala din ang kuya nito ngayon doon. Sabi ay maghahanap daw ito ng trabaho, pero ang tingin ni Kim ay para na naman itong asong susunod sunod sa dating kinakasama.Buhay nga naman, parang life. Ito ang madalas na sabihin ng kaibigan sa kanya.Agad siyang hinila nito sa kwarto sa second floor ng bahay. Bawat tapak nila ay lumalangitngit. Yari kasi ito sa kahoy.“Ito! Bagay na bagay sayo! Bigay sa akin ito ni Carla, iyong kapitbahay naming nagja-Japan. Eh hindi naman kasya sa’kin dahil masyadong malaki ang dibdib ko.” Sinabayan pa nito nang tawa.Totoong medyo pinagpala nga ang kaibigan sa dibdib. Pero hindi naman masyadong pinagkaitan ang kanya. Sakto lang ang laki nito.“A-Ayoko niyan, Kim. Parang wala na akong tinago.”Isa itong bistidang kulay itim na napapalibutan ng sequins kaya kumikinang ito kapag tinatamaan ng ilaw. Pero ang disenyo nito ang hindi niya gusto. Tube kasi ito, hindi pa man din niya ito nasusukat pero mukhang alam niyang hahapit ito sa kanyang katawan. Isa pa ay ang haba nito. Dalawang dangkal lang ang haba nito mula sa bewang. Nasisigurado niyang natakpan lang nito ng kaunti ang hita niya.“May nag-club bang naka saya? Ano ka? Magsasaka? Ang manang mo talaga, April! Show some skin, ang puti at ang kinis mo kaya. Sayang lang iyan kung itatago mo.” Itunulak nito ang damit sa kanya. “Hala sige! Magbihis ka na doon at baka masyado na tayong gabihin!”Wala na siyang nagawa Kung hindi sundin ang kaibigan. Tuwang tuwa ito ng makita siya sa damit na pinili. Pero siya ay hindi masyadong gusto ang nakikita. Hindi siya ito, hindi siya nagsusuot ng mga ganitong damit.Nilagyan siya nito nang make up. Pero hindi siya pumayag na sobrahan ng kaibigan. Ngunit hindi naman siya nanalo dito nang ipasuot sa kanya ang 4 inches heels na nabili daw nito sa ukay at ang pulang-pulang lipstick. Noong una ay ayaw pa niya talaga pero nang makita niya ang repleksyon sa salamin, nagustuhan niya rin ito.“Diba? Sabi ko sa’yo mas aangat ang ganda mo sa red lipstick na ‘yan.” Sabi pa nito.Black hugging dress din ang suot nito. Napapalibutan rin ng sequins pero imbes na tube ay may spaghetti strap ito. Hubog na hubog ang katawan ng kaibigan, ganoon din ang mayamang dibdib nito.Punong-puno na ang club nang dumating sila. Akala mong hindi weekdays. Karamihan sa mga nandito ay kasing edad lang din naman nila. Kaso ay mayaman ang mga ito. Mga de-sasakyan at ingles ng ingles. Hindi alam ang salitang hirap.Agad siyang hinila ng kaibigan sa bar. May mga bartender dito na agad naman silang inasikaso ng ngitian ng kaibigan. Pinalibot niya ang tingin sa buong club. Sa bandang gilid nito ay medyo may kadiliman, kada pagtama ng laser lights doon ay mapapansin ang mga taong may special business. Mga kamay ng lalaki na kung saan-saan na napupunta sa katawan ng babaeng naka-kandong sa mga ito.“What’s your order beautiful ladies?” Tanong ng bartender. Ang mga mata nito ay nasa dibdib ng kaibigan. Tumikhim siya kaya nakuha niya ang atensyon nito.“Ah… Ano…” Lumingon ang kaibigan sa paligid. “Kagaya noon.” Turo nito sa katabi nila. Agad namang tumalima ang lalaki.Kinalabit niya ito kaya nakuha niya ang atensyon ng kaibigan. Pinan lakihan niya ito ng mata.“Hindi mo ba napapansin sa dibdib mo siya nakatingin? Wala ka man lang ginawa?” Sabi niya dito na tila ba pinapagalitan niya ito.“Kung ganun naman ka-gwapo mag papa bastos talaga ako.” Malandi nitong tugon na naging sanhi ng pagkurot niya sa singit nito.“Ay ano ba ‘yan April!” Mahina pa siya nitong tinulak. Inirapan na lang niya ito at tingnan kung paaano paghalo haluhin ng bartender ang order nila. Minutes later ay binaba na nito ang order nila, may pahabol pa itong kindat sa kaibigan.“Mag-enjoy ka nalang kasi manang April.” Pang-aasar nito sa kanya pagkatapos ay inisang lagok nito ang order na alak. “Hi! Dalawang order pa noong kagaya ng kanina.” Akmang kukurutin niya ito ulit nang tawanan siya nito.“Relax and enjoy April.”Eons later. Hindi na niya mabilang kung naka-ilang baso sila nang alak. Kim ordered a bottle of tequila na siyang nagpahilo agad sa kanya kahit nakaka-apat na shot palang siya.The party become wilder. Hindi na siya nakapalag ng hatakin ng kaibigan sa dance floor. Because of the alcohol she gladly lose all her inhibitions. Ngayon lang naman, bukas ay balik na siya sa pagiging si April.Para silang mga taong bundok na ngayon lang nakarating sa patag. They dance not minding others. Ganoon rin naman ang iba, karaniwan pa nga sa mga ito ay may mga ‘kababalaghang’ ginagawa habang nasa dance floor.The music changes from party to slow music. Tanging couples nalang ang naiwan sa dance floor. Naunang maglakad pabalik sa bar si Kim. Susunod na dapat siya nang may humila sa kanyang siko, na agad pinalibot sa kanyang bewang ang matipunong braso nito.The man is tall and lean that she’s just in his chest. Amoy na amoy niya ang pinaghalong alak, sigarilyo at natural scent nito.If she’s in the right mind hindi niya hahayaang hawakan siya nito ng basta-basta. But because of the alcohol she lost all the strength to fight.Pinaikot niya ang tingin sa buong bar, she saw Kim already slow dancing with someone.Dahil sa alak at sa pagiging sobrang kumportable niya sa kasayaw, she can’t help but close her eyelids and feel their own grove.“Hey kitty, party like a wild animal huh? Hindi ko alam na may ganyang side ka pala.” He chuckle at her ears, medyo nakiliti siya sa ginawa nito. The way he talks to her she has a feeling na kilala siya ng kasayaw. “So? Ano naman kung wild ako? Minsan kailangan ding magbago ng life style.” Wala sa sariling sagot niya. Blame the alcohol.“I like the other side of you-“Hindi na niya narinig ang sumunod na sinabi nito dahil unti-unti na siyang nilamon ng kalasingan. Her vision went black.
I won’t let you go, now you know. I’ve been crazy for you all this time. I kept it close, always hoping. With a heart on fire. - Heart on Fire, Jonathan Clay *** SHE’S HOT. Iyon agad ang pumasok sa isip ng isang binata nang makita niya ang isang anghel na pumasok sa club. Isang anghel na nakasuot ng black sinful dress. Oo, isa nga siyang angel. Sarkastikong sabi niya sa sarili. Kilala niya ito. Her name is April, kaklase niya ito sa World Literature. Isang boring na subject kaya hindi niya pinapasukan. Anong mapapala niya sa pagbabasa ng mga sinulat nila Shakespeare at Edgar Allan Poe? Kung hindi lang ‘yon kasama sa curriculum ng course niya ay hindi niya iyon kukunin. Such a waste of time. Pero ibang April ang nakikita niya ngayon. The way she dressed tonight, the way she groove that beautiful ass of hers. Bagay dito ang suot. How he wished na ganun na lang lagi ang suot nito kapag pumapasok. Naiirita kasi siya sa suot nitong saya at long sleeves. Sadyang pervert ka la
Pangarap ka sa bawat sandali. Langit man ang tingin ko sa’yo sana’y marating. - Pangarap, Barbie Almadis *** “HINDI ko na kailangang manghula kung anong ginawa niyo sa loob ng kwartong iyan. Alangan namang nag jack en poy lang kayo o di kaya nag taguan pong sa loob ng magdamag! At huwag mong makuhang sumagot pa sa’kin ngayon Cyril John!” Pigil ng ginang sa anak ng akmang sasagot pa ito. Nasa sala na sila nang condo nang binata. April is wearing Cyril’s oversize t-shirt. Akala mong dress na ito sa dalaga. Pinausot sa kanya ng binata matapos mapansing sira ang zipper ng dress na suot nito kagabi. Magkatabi sila ng binata sa long sofa nito sa sala. Ang kapatid ni tong babae ay nasa solo seater sofa na nasa kanilang tabi. Nakatingin lang ito sa kanilang dalawa. Samantalang ang ginang ay pabalik balik na naglalakad. Hindi ito mapakali na animong gusto ng gulpihin ang anak. “Ang dami ng balitang nakarating sa akin, kung sinu-sinong babae daw ang nakikitang kasama mo sa bars at hote
*** INSIDE Cyril’s room April doesn’t know what to do. Nahampas niya ang noo ng maalala lahat ng nangyari kagabi. Simula pa lang kasi ay hindi na dapat siya nagpapilit kay Kim. Napatingin siya sa wall clock. It says 9 o’clock. Late na siya sa unang klase sa araw na ito. Much worst hindi siya nakauwi, alam niyang nag-aalala na ng sobra ang kanyang nanay at mga kapatid sa bahay. Dali-dali niyang sinamsam ang mga damit. Kahit masakit ang pagitan ng kanyang mga hita ay hindi niya iyon ininda. She needed to go home. Napa-igik siya sa gulat dahil sa pagbukas ng pinto. She saw Cyrill looking at her. Hindi ito nagsalita, inabot lang nito ang isang paper bag. “Change. Fix yourself. Hihintayin kita sa sala, ihahatid na kita pagkatapos.” Agad nitong sinara ang pinto. Ni hindi siya binigyan ng pagkakataong magsalita o magtanong. Agad niyang inayos ang sarili. While dressing ay dinig na dinig niya ang malamyos na musika na nagmumula sa isang piano. Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya
If I were a boy I think I could understand. How it feels to love a girl, I swear I’ll be a better man. I’ll listen to her, ‘cause I know how it hurts. When you lose the one you wanted ‘cause he’s taking you for granted. And everything you had got destroyed. - If I were a boy, Beyonce *** AGAD naman na tahimik si April bago sumakay sa sasakyan. Katahimikan ang namayani sa buong byahe nila. Nakayuko lamang si April. Hindi alam ni Cyrill kung paano kakausapin ang dalaga. Partly alam niyang may kasalanan siya. Pero hindi din naman niya matanggi sa sarili na kahit papaano ay gusto niya ang nangyari. Pero hindi pasensosyong tao si Cyrill. Hindi niya alam kung saan iuuwi ang dalaga. “Saan ka nakatira?” He made his voice as cold as possible. Dahil baka hindi niya mapigil ang sarili at iuwi niya ulit ito and he won’t stop until she beg to stop. “S-Sa sakayan mo nalang ako ihatid.” Sabi nito habang naka yuko pa rin. Nauubos na talaga ang baon niyang pasensya. “Kapag sinabi kon
*** HINDI siya tinigilan ng kanyang nanay sa kakatanong kung saan niya ginugol ang magdamag. She just said that she’s with Kim at doon na rin siya nagpalipas ng gabi. Ni hindi na nga rin ito nagtanong sa suot niyang damit. Pinagalitan lang siya saglit nang malamang hindi siya nakapasok sa kanyang klase ngayong araw. Pina alala nito ang scholarship niya na pwedeng mawala. Nasa huling taon pa naman na siya ng kursong Mass Communication. Masakit din ang pagitan ng mga hita niya pero hindi niya iyon masyadong pinahahalata. Nakita niyang pinagmamasdan siya ng kanyang nanay kaya mas lalong naging pang best actress ang pag-arte niya. Alas-tres ng hapon ay nag-ayos na siya para sa part time job niya sa Spotz. Hindi siya pwedeng basta-basta um-absent at wala siyang karilyebo. Gusto na rin niya kasing makausap si Kim para itanong kung kumusta na ito. May sinat siya nang makarating sa trabaho. Hindi niya na lang yun ininda. Pagpasok niya ay si Kim agad ang nabungaran niya. May hawak na
Wise men say: Only fools rushing. But I can’t help falling in love with you. - Can’t help falling in love, Elvis Presley *** NAGDAAN ang mga araw na kagaya ng naka-ugalian. Wala naman ibang nagbago sa mga nakagawian ni April. Medyo naging madalas nga lang ang pagkahilo niya lalong-lalo na sa umaga. Hindi naman niya iyon pinapansin, alam niya kasing dahil lang iyon sa pagod dahil sa nagdaang exam week. Simula noong hinatid siya sa bahay ni Cyril ay hindi pa niya ito nakikita muli. Pero kahit kailan ay hindi ito nawaglit sa kanyang isipan. A night so wonderful like that takes time to forget. At alam niyang darating rin siya sa ganoong punto. Mas mabuti na iyon sa kanyang palagay. Ayaw na niya ng dagdag alalahanin sa ngayon. Ang kailangan niyang gawin ay mag-focus sa research na siyang pangunahing kailangan para siya ay maka-graduate. “Nahihilo ka nanaman? Napapadalas ata?” Tanong ni Kim nang mapansin niya ang kaibigang sapo-sapo ang noo habang naglalampaso. “Wala ka namang lag
*** MONDAY afternoon sa university na pinapasukan ni April. Hindi niya malaman sa sarili kung bakit sobrang antukin niya nitong mga nakaraang araw. Muntik pa nga siyang mapagalitan ng professor niya dahil naka-idlip siya sa klase nito. Buti nalang at naiintindihan nito na may part time job siya at maaaring pagod lang siya ngayon. Pero hindi naman siya sobrang pagod sa trabaho. Hindi na rin siya masyadong busy sa research niya dahil malapit na niyang matapos ang first part nito. Maaga rin siyang natutulog sa gabi, ganoon pa man ay hirap na hirap pa rin siyang bumangon sa umaga. Katulad na lang ngayon. Nasa library siya para sana maghanap ng mga librong magiging reference niya sa research. Pero hindi siya makapag-concentrate dahil hinihila siya ng mga upuan sa dulong bahagi ng library para matulog. Meron siyang isa’t kalahating oras na vacant at kailangan niya itong gugulin sa paghahanap ng references para sa research niya ng hindi siya mahuli sa schedule. Pero iba ang gusto ng kat
Cause it’s you who fills the emptiness in me. It changes everything, you see. When I know I’ve got you with me. - You, Basil Valdez *** DALAWANG linggo na ang nakaraan matapos ang insidente sa library. Aminado siyang medyo nag-expect siya sa binata dahil sa nangyari sa restaurant. Nakalimutan niyang playboy nga pala ito. Sanay sa mga ganoong bagay. She sometimes sees Cyril around the campus. Well, this time with a different girl. This should be an ordinary day for April. Pero ang sama talaga ng timpla ng katawan niya. Nagsuka pa nga siya kanina pagkagising. Pagkatapos noon ay wala na siya sa mood. Ngayon naman ay gusto niya ng manggang hilaw. Kamalas-malasan pa ay wala sa dati nitong pwesto sa labas ng kanilang campus ang tinderang suki niya. Ramdam na ramdam ni April ang panunubig ng mga panga dahil sa pagka takam sa manggang hilaw. Kailangan kong makakain noon. Pakiramdam ko ay mababaliw ako anumang oras kapag hindi pa ako nakakain ng manggang hilaw. Sabi nito sa saril