Mutya POV
“Manong eto po. Keep the change” wika ko sa uber driver habang inaabot ko ang bayad sa pamasahe. Excited akong bumaba ng kotse. Andito nako ngayon sa tapat ng Neumann University. “Ang ganda!” hindi ko mapigilang mamangha sa prestisyosong paaralan na sa mga magazine ko lang nakikita. Hindi ko akalain na makakapag enroll ako dito. Dati ay naririnig ko lang ang pangalan ng school na to. Isa daw ito sa pinakasikat na school sa bansa at napakamahal daw ng tuition f*e dito. Diko alam kung magkano dahil sekratarya ni Don Antonio ang nag asikaso ng enrollment ko. Dati rati ay okay na akong makapasok sa public school. Baon at mga gamit sa school na lang ang pinoproblemahin namin ni Kuya Lucas. “Kuya Lucas sana nakikita mo ako ngayon.” usal ko. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ibinigay sa akin. Alam ko namang pansamantala lamang ito. Hindi ako tanga. Alam kong naghihintay lang ng tamang pagkakataon si Drake na hiwalayan ako. Habang hindi pa nagyayari yun ay gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay ko balang araw. Mahaba haba din ang aking nilakad patungo sa Senior Highschool Building dahil napakalaki pala ng school na ito. Marami akong nakakasalubong na mga estudyante. Unti unti na rin akong nakakaramdaman ng panliliit lalo na ng pumasok nako sa aming classroom. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay rito. Ang sososyal ng mga kaklase ko at mga inglisera pa. Pagpasok ko pa lang kanina ay hindi na nakawala sa paningin ko ang pagtaas ng mga kilay nila at parang nagtataka pa ang karamihan kung bakit ako naririto. Hanggang sa matapos ang klase ay wala ni isang pumansin sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil halatang mga anak mayaman ang mga ito samantalang suot ko ang luma kong damit na iniregalo saken ni kuya Lucas noon huling pasko naming magkasama. Nang oras ng tanghalian ay naglabasan na ang mga estuyante. Well, hindi naman lahat ay suplada at suplado. Hindi nga lang sila yung tipong unang mag-aaproach sayo. Nilapitan ko ang dalawa kong classmates na nag-uusap. Kahit mga mukhang sosyal ay mukha naman mababait. “Excuse me….. Saan ang canteen?” tanong ko sa mga ito. “Sunod ka na lang samen. Dun din sila pupunta” sagot ng isa na tumingin sa iba pa naming mga classmates na naglalakad na papalabas ng classroom. Sinundan ko sila hanggang makarating ng canteen at nakipila na rin ako sa pagkuha ng pagkain. Bitbit ko ang tray ng pagkain at naghanap ako ng bakanteng table na mapupwestuhan. Nadaanan ko ang grupo ng mga babae’t lalaki na nagkakasiyahan. Nagtatawanan ang mga ito. Kitang kita ko na isa sa mga ito ay biglang iniharang ang paa sa daraanan ko. Na-off balance ako at natumba. Napasubsob ang mukha ko sa sahig at nabitiwan ko ang tray na dala dala ko. Sa halip na maawa ay narinig ko pang nagtawanan ang mga ito. Akala ko ay sa drama lang ito nagyayari. Hindi ako makapaniwalang ako pa talaga ang makakaranas nito sa totoong buhay. Tumayo ako at pinagpagan ang aking tuhod. Sayang ang pagkain, yun ang iniisip ko ng mga oras na yun. “Stupid” narinig kong winika ng isa sa grupo na pumatid sa akin. Dahil sa narinig ko ay nagpanting ang aking teynga. Pinalagpas ko na nga ang ginawa ng kasamahan niya nang takirin ako. Ganun din nang magtawanan sila ngunit ang tawagin pa akong tanga ay hindi ko na mapapalampas. Dinampot ko ang tray at hindi inaasahan ng lalaking tumawag sa akin ng “stupid” na hahampasin ko sya ng tray sa ulo. Natigilan ito hindi dahil sa nasaktan kundi dahil sa pagkabigla. Natigilan din ang iba pang kasamahan nya. Napansin kong biglang tumahimik sa buong canteen. Marahil lahat sila ay hindi inaasahan ang ginawa ko. “You f*cking b*tch!” malakas na sabi ng lalaking nakita kong pumatid sa akin kanina. Dinuro ako nito. Bumuntong hininga muna ako at hinarap ito. Hindi nito inaasahan nang bigla ko siyang suntukin sa mukha. Siniguro kong malakas ang pagkakasuntok ko dahil ito ang pumatid sa akin at gumaganti lang ako. Natumba ito sa kanyang inuupuan. Tatayo pa sana ang lalaking hinampas ko ng tray nang muli ko itong hampasin sa ulo kaya muli itong napa-upo. Nakita ko na reresbak pa sana ang iba pa nitong mga kasamahan ng may dalawang taong humarang sa akin. “Tama na!” wika ng babae na humarang saken. Sya yung kaklase kong napagtanungan kanina. Sinabihan din nito ang kabilang grupo. “Please stop!” saway nya sa mga ito. “Gago yang babaeng yan ah.” wika ng isa sa mga ito na sila pa ang galit na galit. “Mas gago kayo hindi ko naman kayo inaano!” gumanti ako ng sigaw. “Gusto mong masaktan?” wika ng isa pa. “Subukan mo!” malakas na sagot ko. “Miss tama na. Baka masaktan ka nila” nag-aalalang wika ng isa sa umaawat. Boses pa lang ay alam ko na agad na binabae. Sya yung isa sa napagtanungan ko kanina. “What’s going on here!” isang malakas na boses ang nagpatahimik sa amin. Sa itsura pa lang nito ay alam ko nang empleyado ito ng campus. Agad na nagsumbong ang grupo ng mga nakaaway ko. Natural sila ang biktima sa storya nila. Agad nila akong itinuro. Pinareport kami sa Guidance Counselor ganun din ang dalawang lalaking sinaktan ko dahil sila pa itong may ganang magreklamo. Pagdating namin dun ay nadatnan namin ang Guidance Counselor na si Mrs. de Chavez. Agad agad na nagkwento ang mga lalaki. “So, she totally thought we were messing with her and hit me on the head with a tray, not once but twice!” reklamo agad ng isa. “I dunno why, but she straight up punched me for absolutely nothing.” pagsisinungalin ng isa pa. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Ang yayabang kanina tapos ngayon ang duduwag magsabi ng totoo. Nakakunot ang noo ni Mrs. de Chavez nang tumingin sa akin. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Wala rin itong ipinakaiba sa mga estudyanteng mapanghusga kung tumingin. “Miss, I am not familiar with your background. However, I must assert that violence is not acceptable within the premises of this school. Baka unang araw mo pa lang ma-expel ka na agad.” wika nito na mukhang nasa 50’s ang edad. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Ni hindi man lang nito hiningi ang side ko pero heto at tinatalakan na agad ko. “Hindi nyo ba muna tatanungin ang side ko?” tugon ko dito. Mahina itong napatawa na parang nakakainsulto. “Miss, I have knowledge of these boys. Clearly, you are the one who hurt them. Let's just say they laughed because you tripped, but that doesn't give you the right to hurt them.I'm not sure how you managed to get into this school, but if you're a scholar, you could potentially lose your scholarship," mataray nitong sabi. Nakita ko ang nakakalokong ngiti ng dalawang estudyanteng lalaki. Ang yayabang ng mga ito. “I want a copy of CCTV!” sagot ko sa babaeng counselor. Ma-expel man ako ay kailangan kong patunayan na wala akong kasalanan. Nakita ko ang panlalaki ng mata ng dalawang lalaki. “You can't just casually ask for a copy of the CCTV recording.” wika ni Mrs. de Chavez. “I demand a copy of CCTV!” matigas kong sabi sa kanya. Napatitig ito sa akin. Lumaban ako ng titigan. Alam kong may kasalanan ako pero ipaglalaban ko ang aking karapatan. Damay damay na to. Nang makita ni Mrs. de Chaves na wala akong balak umurong ay tumaas ang kanyang kilay. “Fine but I need to talk to your guardian first.” mataray nitong wika. Kinuha nito ang aking student number at ibingay ko naman. Dinayal nito ang telepono at tumawag sa Registrar’s Office. Narinig kong binanggit nito ang aking student number sa kausap. “Can you help me get her guardian’s information….. Okay….” habang naghihintay sa kausap ay paminsan minsan nya ako binibigyan ng mataray na tingin. “Oh hello… yes…. What!?!...” wika nito na parang gulat na gulat sa narinig. “A-are you sure? …… O-okay….. Thank you” pinutol na ang tawag. Napatingin ito sa direksyon ko. Nang magkasalubong ang mata namin ay bigla nitong binawi ang kanyang tingin. Nagtataka ako sa itsura dahil parang ibinabad sa suka ang mukha nito ngayon. Bigla itong namutla. Muli itong nagdial ng telepono. “Hello… This is Mrs. de Chaves. Can I talk to Mrs. Abalos?.... Yes…. thanks.” halata ko sa boses nito ang pagkabalisa. Ang alam ko ay Mrs. Marissa Abalos ang principal ng school. Nabasa ko kanina sa bulletin board sa may hallway. Bakit pati principal napasali? Bahagya akong kinabahan. Mukhang malaking gusot itong pinasok ko. Nilingon ako ni Mrs. de Chavez at pinalabas muna ako ng opisina. Nagtataka ako kung bakit ako lang samantalang yung dalawang lalaking estudyante ay naiwan sa loob. Nakakaramdam talaga ako ng discrimination sa mga oras na ito. Parang ang excitement ko kaninang umaga ay naglaho na lang lahat. Paglabas ko ng pinto ay nakita ko sa labas na naghihintay ang dalawang estudyante na pumagitna kanina habang nakikipag away ako. Mukhang ako talaga ang hinihintay ng dalawang ito. Agad na lumapit ang mga ito sa akin. “Miss, okay ka lang?” tanong ng bakla. “Ah… siguro.” sagot ko dito. “Kung kailangan mo ng witness, andito lang kami. Nakita naming lahat ang nangyari kanina.” sabi naman ng kasama nitong babae. Finally, sa unang pagkakataon ngayon araw na ito. Mukhang may mabuting tao akong nakilala. Kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam. Ngumiti ako sa mga ito. “Salamat! Mukhang tagilid yata ako. Ni hindi nga nila ako tinanong tapos sinabihan ako na maaari daw ako ma expel.” malungkot kong sabi. “Malakas kasi ang kapit ng dalawang nakaaway mo. Pamangkin kasi ng isa sa mga direktor dito sa school ang isa sa kanila. Yung isa naman is anak ng doktor and assistant chief medical officer doon sa Neumann University Hospital” paliwanag ng babae sa akin. Kaya naman pala ganun kayabang. Napailing ako. Mukhang mapapatalsik nga yata ako. “Anyway…. I’m Jodie and he is Kai.” pagpapakilala ng babae.Inilahad nya ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman iyon ng nakangiti. “Ako si Mutya. Salamat sa inyong dalawa.” wika ko at nakipag kamay din ako kay Kai. “Wag kang mag-alala. If you need witnesses, we’re here to help you.” ani Kai matapos niyang makipag kamay sa akin. Nilingon ko ang pintuan ng Guidance Counselor’s Office. Hindi pa rin lumalabas ang dalawang estudyante. Nakakapagtaka talaga. “Bakit kaya ako lang yung pinalabas? Unfair talaga.” disappointed kong sabi. Maya-maya pa ay may nakita kaming babaeng nakasalamin na naglalakad papalapit sa amin. “Si Ms.Bautista yan ah. Secretary yan ng Chairman ng school natin.” ani Jodie. “This is getting interesting dahil hindi basta pumupunta rito ang staff ni Chairman Tan.” dugtong ni Kai. Mas lalo na akong pinanghihinaan ng loob. Mukhang malalaking tao nga yata ang mga nakabangga ko. Kanina lang principal ang tinatawagan ni Mrs. de Chavez, bakit ngayon may Chairman pa. Pag minamalas ka nga naman. Nakatingin sa akin ang babae habang papalapit ito. “Are you Ms. Mutya Rufino?” nakangiting wika nito sa akin. Napatango lang ako. Hindi ako nakapagsalita dahil nagulat ako ng ngumit ito sa akin. Akala ko ay makakatikim na naman ako ng pagtataray. Paglingon ko kay Jodie at Kai ay parang nakakita ng multo ang dalawang ito na nakatitig sa akin. “Ms. Rufino can you please come with me?” wika ng babaeng nakasalamin. “Sige po.” Mahina kong tugon. Nilingon ko muna sina Jodie at Kai. “Maiwan ko muna kayo ha” pagpapaalam ko sa dalawa na hanggang ngayon ay parang mga estatwa pa rin. Hindi ko na hinintay ang sagot ng mga ito. Pinilig ko ang aking ulo. “Ang wi-weirdo talaga ng mga tao sa school na ‘to.” Bulong ko sa aking sarili.Kayo po ang nagbabasa ng YOUR HERO YOUR LOVER.... by KARA NOBELA
Mutya POV Matapos umalis kaninang umaga ay muli na namang bumisita ngayong hapon ang pamilya ni Drake. Nadatnan sila ng pamilya ni kuya Carding na bumiyahe pa mula sa Batangas. Finally ay nakilala ng pamilya ni Drake ang mga taong parang pamilya ko na. Magiliw na inistima ni mommy Agatha ang pamilya nina Tintin. Ang don Antonio na kilala kong nakaka-intimida ay ibang iba ang ipinakita sa kanila. Nakikipagbiruan pa ito kay kuya Carding. Nagulat ako na may side palang ganun ang aking byenan. Sa kanya nga siguro nakamana si Drake. Suplado pero kung kikilalanin mo ay napakababa ng loob. Mukhang napagsabihan na si Gigi na magbehave dahil napakatahimik nito at halatang pigil na pigil sa pagsasalita. Kabalikataran naman ni Tintin na kanina pa nakatingin kay Andrew. Nakalimutan na yata nito na ako ang binibisita niya. Kapansin pansin naman na hindi kinakausap ni kuya Carding ang aking bayaw. Iwas na iwas kasi ito kay Andrew. Lumapit si Tintin sa crib at sinilip si baby Luke. Sinipat si
Mutya POV Buong pagmamahal kong pinagmamasdan ang aking mag-ama. Kapapanganak ko lang kagabi. Buhat buhat ni Drake ang baby namin. Titig na titig ito sa mukha ni baby habang ipinaghehele. Bawat facial expression na gagawin ng anak namin ay mangingiti si Drake at amuse na amuse sa nakikita. Bawat details ay pinagmamasdan niya. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito. Simula ng ikwento ko sa kanya ang tungkol kay kuya Lucas ay ilang beses ko pa yung inulit ulit na ikwento hanggang sa makabisado na niya ang bawat detalye at siniguro kong nauunawan din niya kung gaano kahalaga na dumating siya sa buhay ko. Iniligtas ko nga siya sa sunog ngunit iniligtas naman nya ako sa matinding kalungkutan ng buhay. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag balik ng kanyang memorya. Ang mahalaga, kahit ngayon lang ay maramdaman ni Drake kung gaano kaimportante na dumating siya sa buhay namin ni kuya. Nakikita ko rin ngayon kung gaano niya kamahal ang aming anak at malaking tulong din ito upang marealiz
Mutya POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina ni Drake ay napansin ko na agad na wala ang painting ng mga mata ni kuya Lucas. Narito kasi ako ngayon upang dalhan siya ng pagkain na niluto ko para sabay na rin kaming mag lunch. Nasa meeting pa siya at ayon sa sekretarya nito ay malapit na raw yung matapos. Naglakad lakad ako upang hanapin yung painting ko dahil baka inilipat lang ni Drake yun ng pwesto. Napaigtad ako ng biglang may yumakap sa akin. “Kanina ka pa baby ko?” malambing na wika ni Drake. Kung dati ay babe, ngayon ay baby na nya ako kung tawagin. Humarap ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. As usual, nakakaalala man o hindi.., ay hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Binigyan niya ako ng mahaba at mainit na halik. “Nasaan yun painting ko?” tanong ko agad sa kanya pagkatapos nya akong halikan. Naglumikot ang mga mata ni Drake na parang nahuling may ginawang kasalanan. Kumalas ito sa akin at umupo sa kanyang swivel chair. Tinapunan ko lang siya ng
Drake POV Nagpapasalamat ako at reliable ang aking sekretarya. Hindi naging mahirap para sa akin na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dahil naipaliwanag nya sa akin ng malinaw ang lahat ng mga kailangan kong malaman. “Sir, 6:30 na po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng sekretarya ko. Bahagya akong natawa rito. “Ano ako, senior citizen maagang matulog? Mauna ka na, pag-aaralan ko lang ito. ” I said sarcastically. “Baka hintayin kayo ng asawa nyo, usually 5pm umaalis na kayo, minsan mas maaga pa, sinusundo nyo siya sa school.” Parang bigla akong nabalisa dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at humakbang papalabas ng kwarto. Agad akong nagdrive papalayo ng building. While driving I begin to wonder what in the world am I doing right now? Is it because of my wife? Nah, that’s not me. That’s the lame Drake who’s obsessed with his wife. Pinihit ko ang manibela at iniba ang ruta ng aking pupuntahan. Later, I found myself at Darren’s bar. “What are you doing here?
3rd Person POV Mainit nilang pinagsaluhan ang magdamag. Para kay Mutya habang tumatagal ang kanilang pagniniig ay nararamdaman niya ang pagbabalik ng kanyang asawa. Hindi man siya naaalala nito ay wala pa rin itong ipinagkaiba sa paraan kung paano siya nito angkinin. For Drake, having sěx with young wife, whom he barely knew, was a completely different experience but his body reacts to her like it recognizes her in bed. It went on all night and it was way better than anyone else he’d been with. He’s totally surprised that he can’t get enough of her. Kung ibang babae lang ito ay nagbibihis na siya sa mga oras nato and ready to leave the place pero ngayon ay siya pa itong nakayakap sa nakatalikod na hub0t hubad nitong katawan at ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog dahil sa pagod…, dahil ilang ulit niya itong inangkin buong magdamag. “So, ito ba ang pinagdaraan ko bago ako nagka-amnesia?” tanong niya sa sarili dahil narealized niya na simula pa sa hospital hanggang ngayon, his wi
Drake POV Dali daling pinulot ni Mutya ang mga prutas at isa-isang inilagay sa loob ng basket. Lumapit si Darren upang tulungan sana ito. “You should probably head out, Darren. It's getting late.” saad ko. “Kadarating ko lang, pinapaalis mo na ako? Alas dos pa lang ng hapon.” wika ni Darren at nagpoprotestang tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng nagbabantang tingin. In the end, napailing na lang si Darren at makahulugang napangiti. “May amnesia ka na nga’t lahat, seloso ka pa rin.” nakangising winika nito Napakunot ang aking noo nang maalala na ganitong ganito rin ang sinabi Andrew sa akin kanina. Palihim kong pinalapit si Darren. Humakbang nga ito papalapit ngunit ang mga mata naman ay nakamasid pa rin kay Mutya na abala pa rin sa paglimot ng mga prutas. “Gusto mong dukutin ko yang mga mata mo!” mariin kong sabi sa kaibigan ko. Napatawa lang ito at umiling iling na lumapit sa akin. “ I need a serious answer from you. Seloso ba talaga ako?” pabulong na tanong ko kay Da