Share

Chapter 20

PAGDILAT ni Anicka ay nag-iisa na lamang siya sa kama.

Hayy... lagi na lamang ganoon. Matutulog sila ng magkayakap, ngunit sa tuwina ay hindi na niya ito nagigisnan.

Pabuntong-hiningang inabot niya ang unang ginamit ni Tyron nang nagdaang gabi at niyakap. Naaamoy niya pa ang binata sa ginamit nitong unan.

Kailan kaya mangyayaring magigisnan niya ito sa tabi niya?

Katulad ng sinabi nito, ay hindi sila nagtalik ng nagdaang gabi. Ito ang unang beses na magkatabi sila, na natulog lamang talaga sila. Nakatulog siyang hinahagod nito ang buhok niya at panay ang banayad na paghalik sa noo niya.

Gusto niyang umasa.

Na baka sakaling nakapasok na siyang muli sa puso nito. Na baka sakali ay mahal na siya nitong muli.

Katulad ng dati.

Ngunit pinaalalahanan niya ang sarili. Masyado pang maaga.

Ilang sandali pa, ay iinot-inot na babangon na sana siya upang pumasok sa tindahan nang bumukas ang pintuan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status