Share

Special Chapter

NANG magising si Anicka ay mag-isa na lamang siya sa silid. Bahagya pa siyang napaisip kung panaginip lamang ba ang lahat ng nangyari kagabi. Ngunit hindi, imposible, bukod pa sa hubad siya sa ilalim ng kumot.

Inabot niya ang unang ginamit ni Tyron at niyakap. Nakakapit pa rin doon ang swabeng amoy ng cologne nito na humalo sa natural na amoy ng binata. Napapikit pa siya at hinayaang ipaghele siya nang mabagong amoy na iyon.

Nang lumipas na ang antok ay iinot-inot na bumangon na siya.

Nasaan kaya ang kasintahan? Ibinalabal niya ang kumot sa katawan at papasok na sana sa cr nang mapansin niya ang isang malaking kahon na nakapatong sa mesita. Kunot-noong nilapitan niya iyon.

Napangiti siya nang masilayan ang isang magandang puting bestida, mayroon din niyong tila korona na gawa sa iba't ibang uri at kulay ng bulaklak. Napapikit pa siya nang samyuin ang bango niyon.

Sa ibabaw ng damit ay may nakalagay na note, alam niyang sulat kam
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Krisjazjobert Moli
thank you author.,Ang ganda Ng ending.....️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status