KANINA pa naiinis si Tyron. Panay ang papungay ng mga mata sa kanya ng katabi niya. Kung dumating ang katulad nito noong mga panahong nasa New York siya at hindi pa sila nagkakabalikan ni Anicka, ay baka pinatulan niya pa ito. Ngunit sa ngayon ay sarado ang puso at mga mata niya para lamang sa iisang babae.
Ang kailangan lamang niyang gawin ay hanapin ang babaeng iyon at patunayan dito kung gaano niya ito kamahal."Tyron, gusto mo ba subuan kita nitong mangga para hindi ka antukin? Ang aga kasi ng bihaye natin, eh." maarteng sabi ni Coleen habang bumibiyahe sila. Ito ang kapatid ng kaibigan ni Bench na kanina pa panay ang papungay ng mga mata sa kanya."No, thanks. Wala pang laman ang sikmura ko, baka mangasim sa mangga." aniya at pilit itong nginitian."Ah, okay. Just tell me, if you need something, ha. Nakakahiya naman sa'yo, ikaw pa ang nahilang driver namin. Pasensya ka na, ha, wala kasing ibang mahanap, eh." daldal pa rin nito.<"IS THAT Rachel? At kaya ayaw mong buksan ay dahil malalaman niyang nandito ako?" tanong ni Anicka sa binata sa malamig na tinig. Tila may malaking kamay na pumiga sa puso niya sa naisip.Awtomatiko ang pagkunot ng noo ni Tyron sa sinabi niya. "Of course, not." mabilis nitong sagot. "Rachel's in New York now, and she'll be staying there for good.""Kaya ba nandito ka na naman sa akin, dahil nandoon na naman siya. Ano'ng plano mo? Doon mo ititira ang pamilya mo habang kinakasama mo ako dito?" mapait siyang ngumiti. "Please, Tyron, spare me. Kung ginusto kong maging kabit, eh, di sana pumayag na lang ako sa gusto ni Mr. Montelibano. Hindi sana ako nasasaktan ngayon." aniyang pinangingiliran na ng mga luha.Agad niyang nakita ang pagtatagis ng mga bagang ni Tyron sa sinabi niya."Will you stop that?! Kaya nagkaka-loko-loko ang buhay natin, eh! Dahil diyan sa kung anu-anong iniisip mo!" inis na singhal nito sa kanya.Tila wala itong
NANG magising si Anicka ay mag-isa na lamang siya sa silid. Bahagya pa siyang napaisip kung panaginip lamang ba ang lahat ng nangyari kagabi. Ngunit hindi, imposible, bukod pa sa hubad siya sa ilalim ng kumot.Inabot niya ang unang ginamit ni Tyron at niyakap. Nakakapit pa rin doon ang swabeng amoy ng cologne nito na humalo sa natural na amoy ng binata. Napapikit pa siya at hinayaang ipaghele siya nang mabagong amoy na iyon.Nang lumipas na ang antok ay iinot-inot na bumangon na siya.Nasaan kaya ang kasintahan? Ibinalabal niya ang kumot sa katawan at papasok na sana sa cr nang mapansin niya ang isang malaking kahon na nakapatong sa mesita. Kunot-noong nilapitan niya iyon.Napangiti siya nang masilayan ang isang magandang puting bestida, mayroon din niyong tila korona na gawa sa iba't ibang uri at kulay ng bulaklak. Napapikit pa siya nang samyuin ang bango niyon.Sa ibabaw ng damit ay may nakalagay na note, alam niyang sulat kam
"NAY, kumusta na po kayo?" sabik na bati ni Tyron sa ina nang makausap niya ito sa telepono."Mabuti naman ako anak, ikaw? Kumusta ka na diyan?" ramdam niya rin ang galak sa tinig ng ina."Okay naman po, may ibabalita pala ako sa inyo, Nay.""Ano 'yon?""Malapit na po akong umuwi, confirmed na po 'yong flight ko." abot hanggang tainga ang ngiti niya habang sinasabi niya iyon.Alam niyang matagal na rin iyong hinihintay ng ina."Talaga ba, anak? Mabuti naman kung ganon... miss na miss na kita, anak."Ramdam niya ang pananabik ng ina sapagkat iyon din ang nararamdaman niya. "Ako din po, miss na miss ko na po kayo.""Ikaw naman kasi, anak... pwede ka naman palang umuwi, nagpalipas ka pa ng ilang taon.""Nay, sorry na po... napag-usapan na po natin iyan 'di ba? Ang importante po, pauwi na ako at magkikita na tayo." aniya sa malambing na tinig."Salamat naman, anak." masaya pa ring sagot ito. "Ako din, may
PAGKAALIS ng kahuli-hulihang nakipag-libing ay napabuntong-hininga na lamang si Anicka.Ano nang gagawin niya ngayon?Nag-iisa na lamang siya.Nakita niya ang ama sa loob ng kwarto nito na wala nang buhay.Nagbaril ito sa sarili.Ayon sa iniwan nitong sulat ay humihingi ito ng tawad sa kanya.Hindi pa malinaw kung bakit.Nang maalala ang ama ay muling pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.Bakit nagawa iyon ng ama?Kung may problema, o, kung may nagawa ito ay maaari naman nila iyong pag-usapan.Bakit kailangang kitlin nito ang sarili nitong buhay? Sa dami ng mga pinag-daanan nila ay ngayon pa ba ito susuko?Ama niya ito.Ito na lamang ang natitira sa kanya. Hindi maaaring hindi niya ito mapatawad.Napabuntong-hiningang lumabas na lamang siya ng sementeryo at nagpasya nang umuwi.Pagdating niya sa bahay ay may magarang kotseng na
"GOOD MORNING, baby." bungad agad ni Albert pagsagot niya sa telepono."Morning." nakangiti niyang sagot dito."Ano'ng ginagawa mo?""Heto, nag-aayos papunta sa work."Ha? Work agad? Okay ka na ba?" naroon ng pag-aalala sa tinig nito.Humugot siya ng malalim na hininga. "I should be. Isang linggo na akong hindi pumapasok dahil sa burol ni Papa, kung hindi pa ako papasok, baka wala na akong trabahong balikan.""Pero baby, kailangan mo pa ng konting pahinga.""Okay lang ako, hindi ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang tabaho ko.""Kung pinakakasalan mo na ba kasi ako, e di wala ka nang problema."Isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Albert, napag-usapan na natin 'yan."Alam ko, kaya lang bakit mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Nakahanda naman akong alagaan ka.""Please, saka na natin pag-usapan 'yan."Sige na nga. sunduin na lang kita diyan, hatid kita
KANINA pa wala sa sarili si Anicka. Hanggang sa mga oras na iyon ay naiisip niya pa rin si Tyron.Parang nararamdaman niya pa rin ang talim ng mga titig nito sa kanya kanina.Sigurado siyang nakita nito ang ginawang paghalik sa kanya ni Albert.Ano kaya ang iniisip nito sa nakita?At bakit parang galit ito sa talim ng titig nito sa kanya?Posible kayang...--?"Hays! Erase, erase, erase!" mahina niyang sabi na inihilamos ang kamay sa mukha. "Huwag mo na siyang isipin, Anicka. Mas marami kang bagay na mas dapat isipin kaysa sa kanya." kausap niya sa sarili habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay at huminga ng malalim.Pagdating ng lunch time ay may problema na naman si Anicka.Wala siyang baong lunch!Tanghali na kasi siyang nagising kanina kaya't hindi na siya nagluto ng babaunin.Sa isip niya ay kakainin na lamang siya sa canteen sa tapat.Sa kabila naman kasi ng nangyari sa nakaraan ay maganda n
"OKAY ka lang?" tanong ni Albert na kung ilang beses na yata nitong inulit."Huh...? Of course." ilang beses niya na ring sagot.Kanina pa siya wala sa sarili.Hindi niya sinunod ang sinabi ni Tyron na kanselahin ang dinner nila ni Albert.Narito siya ngayon at kumakain ng hapunan kasama ang binata, ngunit wala naman dito ang isip niya."Hah... sino ba siya sa akala niya?" maka-ilang ulit niyang kausap sa sarili.Maaaring may nagawa siyang kasalanan dito, ngunit wala itong karapatang mandohan siya.Kung may nagawa man siyang kasalanan sa nakalipas, ay ginawa niya iyon para din dito."Baby, are you sure, you're okay?" tanong muli ni Albert."Okay lang nga ako, ano ka ba? Napagod lang siguro ako, ang daming tao kanina. Malapit na kasi ang pasukan, eh." sagot niya ritong nag-iwas ng tingin.Bumuntong-hininga muna si Albert bago nagsalita."I saw him. He's back. Siya ba ang dahilan, kung bakit kanina ka pa bali
FLASHBACK "MGA Sissies..." Tila iisang tao na nag-angat ng mga ulo ang magkakaibigan nang marinig ang tinig ni Brittany na humahangos pang papalapit sa kanila. Naroon sila ngayon at nakatambay sa canteen dahil isang oras pa bago ang klase nila, pumasok lamang talaga sila ng maaga sapagkat sabi nga nito ay may good news daw ito sa kanila. "What now, Brit?" naka-angat ang isang kilay ni Bella nang tumingin dito. "Pinapasok mo kami ng maaga, pagkatapos ikaw ang late?" Ngunit nginitian lamang ito ni Brittanny. Sanay na sila sa isa't-isa. "Wait till you hear what i've got, Belle." inilibot nito ang tingin sa kanilang lahat at natigilan nang makitang kulang sila. "Where's Anicka?" "Sorry, i'm late." anang kadarating lang na dalaga. Isa-isa nitong nilapitan ang mga kaibigan at binigyan ng halik sa pisngi. "Ngayong kumpleto na tayo, spill the good news, Britt." sabi naman ni Chelsea.