Home / Romance / Yvonne, The Vengeful Wife / CHAPTER 8 - NAKALALANGONG INUMIN

Share

CHAPTER 8 - NAKALALANGONG INUMIN

Author: keity_cutie
last update Last Updated: 2022-09-19 20:53:21
YVONNE'S POV.

Tulala at lumuluha akong nakaupo sa sahig at nakasandal sa gilid ng papag. Laman ako ng kwarto naming mag-asawa at iniinom ang isa pang bote ng alak na natira. Nakakatatlo na ako at pakiramdam ko ay unti-unti na akong tinatamaan.

Madilim ang buong kabahayan. Walang kahit na ano'ng ilaw ang nakasindi. Tanging ang nakabukas lamang na bintana na natatapatan ng namimilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa akin.

Muling nanumbalik sa alaala ko ang nakaraang panaginip ko. Iyong panaginip na nasa dagat kami at lumayo sa akin si Ervin para ibato sa tubig ang hawak niyang bato at nagbitiw ng mga salitang mahal niya ako. Ngayon ko lang napagtanto na babala na nga siguro iyon. Pagkatapos niya kasing sabihin iyon ay bigla na lamang siyang nawala. Pakiramdam ko'y sinuntok ako ng buwan sa na-realized kong iyon.

Paulit-ulit binalikan ng isipan ko ang lahat ng aming pinagsamahan. Iyong mga panahong masaya kami at palaging lumalabas para mag-bonding at kalimutan ang stress na dala ng pro
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 23 - BAKIT NGA KAYA?

    YVONNE'S POV.Nagising ako nang tumunog ang alarm clock ko. Pinatay ko iyon at saka bumangon sa lapag. Bigla kong naramdaman ang pagsakit ng katawan ko dahil masyadong malamig ang semento. Tinignan ko si Ervin na masarap ang pagkakatulog sa kama.Napangiti ako ng mapait at saka na tumayo.Pagkatapos ko kasi siyang ipagluto kagabi, basta na lang niya iniwan sa akin ang mga tira-tira niyang pagkain at saka na siya umakyat sa itaas para matulog. Nagulat na lang ako nang makaakyat ako, solo na niya ang kama. Hindi ko na siya ginising at nahiga na lang ako sa lapag. Ayoko naman sa couch dahil natatakot ako. Paano kung may multo pala roon?I sighed.Hindi na ako naghilamos at nagmamadali ko nang tinapos ang lahat ng trabaho sa bahay. Simula ngayon ay dapat matuto na ako. Kailangan ay 4:30 pa lang ng madaling araw, gumising na ako kung umaga ang duty ko para malinis ko muna ang bahay at maipagluto ko si Ervin. Kailangan sa pag-uwi ko naman, ganoon din ang gawin ko kaysa naman bungangaan ko p

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 22 - PAGSISISI

    YVONNE'S POV.Nakangiti ako nang lumabas ng opisina. Madilim na ngayon sa labas pero ang gaan ng pakiramdam ko kahit na nakakapagod ang araw na ito. Ang sarap kasing magtrabaho, e. Parang sandali kong nakalimutan ang mga problema ko.Dire-diretso akong naglakad palabas ng kompanya. Dahil hindi naman ako susunduin ng asawa ko, sasakay na lang ulit ako sa jeep. Mas mura kasi roon kaysa sa tricycle o taxi, e.Mula sa kinaroroonan ko, isang babae at lalaki ang nakita ko sa isang madilim na sulok na mukhang may ginagawang kababalaghan.Napailing ako. Hindi man lang nila nagawang magtago.Naglakad na ulit ako nang bigla na naman akong natigilan at napahawak pa ako sa dibdib ko nang marinig ko ang malakas na pagsigaw at pagsampal ng lalaki sa mukha ng babae."Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo ako hinalikan?!" bumubulusok sa galit nitong sigaw."Ano ka ba naman? Mahal mo ako, 'di ba? May karapatan akong halikan ka!" sigaw rin ng babae.Muli akong napailing. Sa una lang 'yan! Kapag kayo nag-asa

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 21 - LIPSTICK

    YVONNE'S POV.Napahilot ako sa aking sintido nang sumakit ang ulo ko. Kaharap ko ang isang malaking screen ng computer habang kami ay tinuturuan para sa pinaka-unang gagawin namin mamaya bilang paninimula ng trabaho."Ang sakit naman pala sa utak nitong trabahong 'to. Malaki nga ang sahod, mabobobo ka naman," reklamo ko sa aking sarili at saka bumuntong hininga.Pinilit kong intindihin ang itinuturo ni Miss Shaneila. Siya ang naka-assign sa amin para gabayan kami sa unang araw ng trabaho namin pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan, ang daming nakatingin sa akin at nagpipigil ng tawa.Ano bang problema nila? Alam kong baguhan lang ako at talaga namang walang laman ang utak ko pero ano ba 'to?Mukha ba akong isinumpa?Break time kasi ng ilan sa kanila kaya nakakatawa-tawa pa sila. Sigurado ako mamaya lang, iyak tawa na naman sila.Ay, loka! Nagsalita ang akala mo, e, hindi baguhan.Hay! Bahala na nga sila. Kailangan kong mag-focus at baka mawalan pa ako ng trabaho sa ginagawa kong

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 20 - FIRST DAY

    YVONNE'S POV.Malawak ang ngiti sa aking mga labi nang sagutin ko ang tawag ni Akiro."Hello, frenny!" masayang panimula ko."Ay, wow! Kinikilabutan ako, ah? Ano'ng meron? Parang ngayon mo lang yata ako tinawag na frenny, ah? May good news ba?" tumatawang tanong niya."Of course! Magsisimula na ako bukas sa trabaho. Nakumpleto ko na ang lahat ng requirements ko.""Talaga? Oh, magandang balita! Uminom tayo sa unang sweldo mo," biro niya."Sige. Sagot ko ang alak at pulutan. Magdala ka na lang ng pitchel, baso, at yelo," biro ko rin.Parehas kaming nagtawanan habang magkausap sa telepono. Nandito ako sa kwarto at nakahiga. Sobrang gaan ng pakiramdam ko."E, maiba nga tayo? Alam na ba ito ng asawa mo?" Bigla siyang sumeryoso. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. Bigla tuloy bumigat ang pakiramdam ko."Teka, huhulaan ko. Hindi niya pa alam, 'no?""Hindi. Alam na niya. Nahuli niya ako kagabi na inaayos ang ilan sa mga requirements na naiwan sa envelope ko. Doon ay nalaman niyang nag

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 19 - PANAGINIP

    YVONNE'S POV.Dumidilim na nang makauwi ako. Tulad ng inaasahan ay madilim ang buong bahay. Sigurado akong wala pa ngayon si Ervin dito.Kailan ba naman kasi siya umuwi nang maaga, 'di ba? Minsan nga ang uwi niya, madaling araw na.Oo, naiisip kong baka nasa babae niya na naman siya. Hindi naman niya inaamin sa akin na wala na silang relasyon ni Sheila, e. Hindi nga niya nagawang depensahan ang sarili niya nang makita ko ang plastic ng condom sa bulsa ng pantalon niya at bahid ng lipstick sa kwelyo ng damit niya. Mas lalo pa nga akong nainis no'n kasi napunit ang laylayan ng damit niya. Bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing naaalala ko iyon. Mukha kasing matinding sagupaan ang nangyari noon sa kanila.Nasasaktan na naman ang puso ko. Parang gusto ko na namang uminom ng alak at umiyak nang umiyak. Hanggang kailan kaya ako magiging tanga? Kapag sinampahan ko naman ng kaso si Ervin, malaking gulo iyon. Magiging usap-usapan kami sa kompanya at sa mga business partners namin pati sa mga s

  • Yvonne, The Vengeful Wife   CHAPTER 18 - NAKAW NA SANDALI

    ERVIN'S POV.Nananabik akong naghihintay sa pagdating ni Sheila. Napakatagal naman kasi niya. Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko nang maglabas ng init ng katawan."Babe, nasaan ka na?" lumalambing na tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko."Malapit na, babe. Ikaw talaga. Excited ka na naman," pilyong sagot niya na halata kong kinikilig habang nagsasalita."Syempre naman. Ikaw 'yan, e.""Oh, sige na. Malapit na ako. Hintayin mo lang ako."Hindi na ako nakapagsalita pa nang ibaba na niya ang telepono.Nakatayo ako sa gilid ng front desk kung saan ko hinihintay ang pagdating ni Sheila. Isang motel ang pinuntahan namin para maglibang at kalimutan ang problema.Galing siya ng Cebu at halos dalawang linggo roon kaya't parehas kaming sabik na sabik sa isa't isa. Susunduin ko sana siya sa kanila pero pinagbawalan niya ako. Dito na lang daw kami magkita para mas makapaghanda raw siyang ikinatuwa ko naman.Habang lilinga-linga sa paligid, isang anghel na kumakaway ang nakita ko. Gumuhit ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status