Philippines
DELPHINaglalakad ako habang kumakamot sa ulo ko, na puro balakubak na yata kaya makati, nang madaanan ko ang isang tindahan na nakaandar ang TV at saktong balita ang naroon. Napahinto ako na nakatingin doon. Ngumiti pa ako sa babaeng nagbabantay sa tindahan.“Makikinood lang,” paalam ko.“Okay lang,” sabi niya.Makikinood ako kasi tungkol sa bagyo na parating bukas ang nasa balita. Wala kasi kaming TV, nasira noong isang buwan at wala pa akong pambili. Mas kailangan kasi ni Daphne ang gamot na pangmintina sa kalagayan niya habang hindi pa kami nakakahanap ng pwedeng makuhaan ng bone marrow para sa kaniya.May aplastic anemia ang anak ko. Hindi naman severe dahil bata pa siya pero papunta rin doon kapag tumagal. Sa ngayon ay kaya pa ng mga gamot na maintenance niya, pero ang sabi ng doctor na tumitingin sa lagay niya ay bone marrow transplant lang ang tanging solusyon para kay Daphne.Ipinanganak ko na siyang may problema sa dugo at dala ng kahirapan ay hindi ko naman nadadala sa pediatrician. Hindi ko naman kasi inisip na pwede palang lumala ang kalagayan niya.Two years old si Daphne noong akala ko mawawala siya sa akin. Nagkakomplikasyon na kasi kahit ang puso niya at lagi nawawalan ng malay. Ganoon kasi ang epekto ng sakit ng anak ko sa dugo, pati puso niya ay apektado.Iba iyon sa leukemia. Awa ng Diyos ay hindi naman leukemia ang sakit ng anak ko. Ang pinakaproblema ng anak ko ay ang bone marrow niya na hindi nagpo-produce ng tamang supply ng dugo sa katawan. Ang white blood at red blood cells niya, kasama ang mga platelets ay lahat mababa at hindi kayang magnormal.Since two years old si Daphne ay suki na kami sa Red Cross para sa blood transfusion. Iyon lang kasi ang isa pa sa pwedeng remedya para magnormal ang supply ng dugo sa katawan niya kahit paano. Kaya nga kahit nasira ang TV namin ay mas importante ang kalagayan ni Daphne.Ano kaya kung buhay pa ang tatay ng anak ko? Siguro matagal na nagawaan ng paraan ang kalagayan ni Daphne kung buhay si Gary.Nakakalungkot naman kasi na namatay ang asawa ko noong dalawang linggong buntis pa lang ako kay Daphne. Ang sabi kasi ng doktor ay kung sana buhay ang ama ni Daphne ay malaki ang possibility na magkaroon ng kapatid si Daphne na maaring magbigay sa kaniya ng bone marrow kapag handa na ang mga katawan nila sa transplant.Kaso ano ang gagawin ko… Namatay si Gary sa pagliligtas sa akin dahil nalunod ako sa dagat. Nang pilit niya akong iligtas sa pagkalunod ay siya naman ang nalunod.Binura ko ang masakit na katotohanan na iyon sa isipan ko. Wala na akong magagawa sa bagay na iyon, ang importante ngayon ay si Daphne dahil siya lang ang naiwan sa akin ni Gary.Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa balita na sinasabi na estimated bukas ng umaga ay nasa area na ang bagyo. Kailangan ko na pala masiguro ang makapamili ng supply namin ng isang linggo. Ganoon ako manigurado. Ayoko kasi na bumabagyo na ay lalabas pa ako ng bahay para mamalengke. Mas safe kami ng anak ko kasama ang mga magulang ni Gary na nasa bahay lang kami.Tapos na ang balita tungkol sa bagyo at paalis na sana ako nang matigil ako sa paghakbang dahil sa isa pang balita. Napatingin ako sa mukha ng babaeng pinapakita sa screen ng TV. Magandang babae.“Chloe Jordan McIntyre…” pabulong na basa ko sa pangalan sa ilalim ng picture ng babae. “Sino kaya iyon at nababalita?” parang ewan na tanong ko sa sarili ko.“Hindi mo kilala?” tanong ng isang ale sa tabi ko na nakikinood din pala.“Hindi po. Artista po ba? Mukhang foreigner eh. Ang ganda po.”“Hindi ‘yan artista pero masyado siyang sikat ngayon dahil doon sa pagtakas niya sa kasal.”Tumango ako pero hindi talaga ako interesado. Wala akong hilig sa tsismisan. Magpapaalam na sana ako nang magsalita na naman ang ale na naka-curlers pa ang buhok. Baka malapit lang dito ang bahay niya kaya ganito ang ayos.“Kahit naman ako ay tatakasan ko ang kasal doon sa lalaking mapapangasawa niya kung ako siya.”“Kilala niyo po sila?” tanong ko kasi masyado naman siyang galit yata sa tinutukoy niyang lalaki.“Hindi ko sila kilala ng personal pero dati akong taga-Salvacion. Iyong lalaking mapapangasawa niya sana ay pasaway na anak ni Gov. Dimagiba ng Salvacion.”“Pasaway po?” takang-tanong ko kunwari. Ayoko na makipag-usap pero baka mainis siya sa akin kapag wala akong reaksyon.“Oo, hindi ko nga alam paano nauwi sa planong kasalan iyang sina Dimagiba at McIntyre. Tingin ko ay tinakot lang ang babae. Ngayon na nakahanap ng pagkakataon ay tumakas.”“Ay… gano’n po pala…”“Ni-rape ni Dimagiba iyang si McIntyre. Tapos kinidn*p niya.”Gusto ko nang matawa sa pagkatsismosa ni ate. At nakakatawa naman talaga kasi ibang level pagkamosang niya, mga hindi niya kilala ng personal ang tsinitsismis niya.“Grabe po pala ano…” sabi ko na lang at muling tumingin sa balita. Nakinig ako sa sinasabi ng tagabalita nang ipakita na rin ang mukha ng sinasabing Dimagiba.Ang gwapo pala.Trace Dimagiba… basa ko sa pangalan pero sa isip ko na lang. Ayaw ko na akalain pa ni manang na siya ang kausap ko.“Gwapo lang ‘yan pero siraulo!” sabi na naman ni manang sa tabi ko na mukhang kulang sa kausap kaya kahit sino tsinitsismisan. Nagulat pa ako na parang mind-reader pa kasi nabasa niya sa utak ko na sinabi kong gwapo ang lalaki.Ngumiti na lang ako kay manang at nagpaalam na. Iniwan ko na nga siya at ayaw ko na makinig pa sa sasabihin pa niya. Sa dami kong iniintindi ay hindi na kasama ang pakikipagtsismisan sa gusto kong idagdag.Naglakad pa ako nang naglakad. Nakarating na ako sa malapit na talipapa nang may lalaking kasalubong ako na nakaitim na t-shirt. Ang maong niya ay punit-punit na. Nakita kong may nalaglag siyang wallet na agad kong dinampot para ibigay sa kaniya pero nawala na siya bigla.Wow… Ang bilis namang nawala… multo lang?Binuklat ko na lang ang wallet at binasa ang pangalan ng lalaki sa ID na naroon. Ipo-post ko na lang siguro sa social media ang wallet niya at ID para mabalik ko sa kaniya.Pero… teka! Napakamot ako sa ulo kong makati na naman. ID ba ito?Siniyasat ko pa ang parang ID na parang ATM card.“Zeno…” binasa ko ang apat na letra na naka-emboss sa parang ATM card. Naka-capital letters pa lahat. “Ay hindi pala ito ATM kasi wala naman ATM na naka-emboss ang name ng bank.”“Ano ‘yon, miss?” tanong sa akin ng isang lalaki na nakatingin sa akin. Akala yata kausap ko.“Hindi ko po kayo kausap. Pasensya na po,” sabi ko sabay lakad palayo.Hindi naman siya iyong may-ari ng wallet kaya iniwan ko na. At baka mamaya manghingi na naman ng numero ko kaya iwas na ako agad. Ayaw ko sa mga gano’ng diskarte at wala akong panahon sa mga lalaki.Curious na tiningnan ko pa ang laman ng wallet nang mapasinghap ako. Ang guwapo naman nito… ani ko sa utak ko habang nakatingin sa picture ng may-ari ng wallet.Ilalabas ko pa sana ang isang papel na nakatupi para tingnan kung ano iyon nang may putok akong narinig.Putok? Ano ‘yon?Mabilis akong humakbang kasunod ng mga tao na papunta sa pinagmulan ng putok. Curious akong nakatingin sa pinag-uumpukan na ng mga tao at lumapit din para makiusisa.Napatingin ako sa isang lalaki na nasa kalsada, nakatihaya at ang mga mata ay nakadilat. Umaagos ang dugo mula sa tama niya sa ulo. Napaawang ang bibig ko.Bakit—bakit siya pinatay?Tinitigan ko pa ang lalaki at nilapitan nang awatin ako ng isang lalaking nakaitim. Parang James Bond ang pormahan.“Are you with him?” tanong ng lalaki sa akin.Napailing ako at natakot na humakbang paatras. Napailing ako kasi ayaw kong madamay. At natakot ako kahit wala akong kasalanan dahil nakilala ko ang patay na lalaki… siya iyong… iyong nakalaglag ng wallet kanina.“Search his body while I am looking for his accomplice,” utos ng isang lalaki sa kasama nito. “We need to find our boss’ wallet.”Wallet? Mabilis kong itinago sa bag ko ang wallet at pasimpleng umalis sa lugar. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay nakakatakot sila at iyong lalaking patay… snatcher siya sigurado at dinukot ang wallet ng boss ng dalawang foreigner na ‘yon. Pero bakit nila pinatay ng gano’n na lang? Hindi ba sila takot sa mga pulis?Lumakad na ako para makalayo. Palayo pa nang palayo.The name of the man in the wallet. Ano na nga ang nabasa ko?Zeno.Zeno Scotto.Who are you, Zeno? At ano ang nasa wallet mo para… para magbuwis ng buhay ang kawawang snatcher?Muli kong inilabas sa bag kong sukbit sa balikat ang wallet at tiningnan ang laman niyon. Nakita ko ang nakatuping papel at napakunot sa sulat-kamay ng isang babae para kay Zeno. Love letter iyon at napakunot ang noo ko.Uso pa pala ang gano’n? Tiningnan ko ang petsa. 2015 pa. Matagal na. 2022 na kasi eh.Eu te amo, Zeno. Para Siempre, Althea.Napangiti ako bago ko pa na-realize na kinilig ako sa nabasa ko. Tinigil ko ang pagngiti at napabuntong-hininga.Diyos ko naman talaga… bakit may gana pa akong kiligin? Dami na problema kinilig pa sa love letter sa kung sino ka mang Zeno ka…ZENOI was staring at Delphi. Tulog na tulog na naman siya. I sighed. Sa pagdilat ng mga mata niya mamaya ay hindi ko alam kung sinong katauhan niya ang mangingibabaw. Binalikan ko ang araw kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nagkagustuhan, nagmahalan…Kahit anong balik ko sa nakaraan ay wala akong makitang pagkakataon na may nag-iba sa kaniya. Wala. Lagi naman kaming magkasama noon maliban lang minsan noong umuwi siya ng Brazil dahil sabi niya ay may reunion ang pamilya ng ama niya. Iyon ang unang beses na nabanggit ni Althea hindi niya talaga gusto na naghiwalay ang mga magulang niya. Isa pang hindi niya gusto ay ang paglayo sa kaniya sa kakambal niya. Si Atlas… that dude who is now creeping Delphi was once the most trusted person of Althea. Nakakatawa isipin. Kung si Delphi ay takot sa kakambal niya, ang katauhan niyang si Althea ay basta si Atlas ang usapin ay puro papuri ang sinasabi. And that I am worrying about… paano kung nasa katauhan siya ni Althea sa susunod na mag
DELPHI Bigla akong napabangon. Napatingin ako sa itsura ko sa salamin. Magulo ang aking buhok at nakasuot ako ng pulang lingerie. Nasa tabi ko si Zeno na tulog. Napakunot ang noo ko. Muli kong tinitigan ang itsura ko sa salamin. Pulang lingerie? Bakit ito ang suot ko? Natatandaan ko na ang suot ko kagabi ay ang pajamas ko na white na ang design ay mga ulo ni Naruto. Anong nangyari at ganito na ka-sexy ang suot ko? Nilingon ko si Zeno na walang damit pang-itaas kaya nakalantad ang dibdib niya. Napalunok ako. Ang ganda talaga ng katawan ng taong ito. Hinaplos ko ang dibdib niya at pinagapang pababa ang kamay ko hanggang sa abs niya. Ibinaba ko pa at nakapa ko na ang may morning wood niyang mahaba, mataba, at maugat. Masarap din. Hindi ko pwedeng kalimutan kung ilang beses na ba akong pinaungol niyon habang naglalabas-masok sa… sa ano ko. Habang tinataas-baba ko ang hawak sa pagkalȁlaki ni Zeno ay bigla akong natigilan at may tanong na nanggulo sa isipan ko. Bakit pala ang lagi ko l
ZENO I was heading home. Pabalik na ako ng penthouse pagkatapos kong makipag-usap kina Trace at Ice. My intention was to talk to Trace alone. Si Trace lang sana at bahala na siya makipag-usap sa mga kamag-anak niya pero nagkataon na narito rin pala sa Pilipinas ang head ng FSO na si Isidro Ferreira. The man was in rage after seeing me. Hindi naman ako nagtaka sa galit nito sa akin dahil sa bintang sa akin ng pamilya nila na pinatay ko si Athea. Sa airport pa lang ay ramdam ko na gusto na akong dispatsahin agad ni Isidro. Tama ako na mas madaling lapitan si Trace. Kahit noong una ay ayaw din akong kausapin ni Trace, dahil sa akala na gusto ko ang asawa niya, mabilis ko naman nabago ang utak niya nang ipakita ko ang picture nina Delphi at Daphne sa phone ko. And thanks to Trace at nakalma niya si Isidro. Dahil kay Isidro ay maraming dumagdag sa isipan ko tungkol sa sitwasyon ng asawa ko. Binalikan ko ang naging usapan kanina. Sa dami kong narinig na kuwento ni Isidro patungkol kay
DELPHI Lumipas ang mga araw na naging mga linggo at naging mga buwan, na okay na okay kami ni Zeno. Successful ang bone marrow transplant ni Daphne and thanks God na parehong walang complication sa kanila. Ang sabi nga ni Zeno ay magto-tour kami kapag naayos na rin niya ang lagay ni November. Sa ngayon ay si November na ang problem ni Zeno lalo na at nauubusan na siya ng dahilan sa ama na dito muna sa Pilipinas ang isa. Ang isang nakakatuwa pa ay hindi na rin naulit na nagtalo pa kami ni Zeno. Wala na ring Althea na binabanggit siya at masaya ako na nakikitang palakas na nang palakas si Daphne. “Mama…” inaantok na tawag ni Daphne sa akin. Nasa may pool area kami ng penthouse at nagbabalat ako ng mansanas para sa kaniya. “Yes, anak?” tanong ko. “Saan si Papa?” tanong niya na isinubo ang slice ng papaya na nasa plato at pagkatapos ay ang slice ng pakwan naman ang tinikman niya. “Papa mo?” tanong ko na parang normal na lang sa akin ang tukuyin na papa niya si Zeno. Minsan nakok
ZENO "Sorry that I let this happen…" bulong ko kay Delphi. I sincerely apologized to her, not just to make her feel better. I am sorry because I didn't investigate further after the ambush. I neglected everything because I didn't care anymore and thought she was gone. More or less, I'm apologizing because I didn't consider that she might still be alive, and I let fate find a way for me to see her again. At nagso-sorry ako dahil kung hindi ako nagpabaya ay sana wala kami sa sitwasyon namin ngayon. Yes, I am saying sorry for the lost time na sana kasama ko siya, I am saying sorry for the tragedy she experienced that making her be like this now. But still, I am thankful na napadpad siya rito sa Pilipinas dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang nawala sa akin dahil hindi rin naman ako nagkamalay agad after being shot that day. Na kung sakali man hindi siya kinuha ng mga kung sinong may gawa ng pagtapon sa kaniya sa dagat ay baka natuluyan na rin siya. Hindi na ako sigurado sa kung
DELPHI Nagising ako na nakatali sa kama. Anong… Teka nga! Anong nangyari at nakatali ako? Nanlaki ang mga mata ko sa kung anong naisip. Bakit ako nakatali?! Bigla akong kinabahan. Nababaliw na yata si Zeno at itinali ako! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Na imposibleng basta siya iwan ng asawa niya. Baliw nga yata! O baka naman sadista o mahilig sa BDSM. BDSM? Napalunokok ako at naisip ang gagawin niya sa akin kung dahil sa BDSM kaya niya ako itinali. Pero sana naman hindi iyong tulog ako at saka ako itatali. Nakakatakot naman ang lalaking iyon mag-trip. “Zeno!” tawag ko sa kaniya nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower. “Zeno, pakawalan mo nga ako! Kung ano-ano na yatang kalokohan pumapasok sa utak mo, eh! Ano ba gusto mong posisyon at may patali-tali ka pa sa akin ngayon? Pinagbibigyan ka naman lagi… Bakit may patali-tali pa?” pabulong na lang pagkakasabi ko ng huling mga salita. Hindi sumagot si Zeno pero tumigil ang tulo ng tubig. Napalunok ako nang makitang lumaba
ZENO “Eu te amo, Zeno…” paungol na sabi ni Delphi. Napahinto ako sa ginagawa ko at tinitigan siya. “Não pare.…” paungol pang dagdag niya. “Thea?” tanong ko. She smiled seductively and initiated another kiss. Kung anong init na pinagsasaluhan namin kanina na siya si Delphi ay biglang nabago. The way Althea kissed me is no reservation, just like what she used to when we started then. “Eu senti sua falta, Zeno...” Hindi na ako nagsalita pa. Basta kapag nagsasalita na siya ng Portuguese ay alam kong bumalik na naman siya sa pagiging si Thea. And when I thought that sex could bring her back being Thea is not at all like that. Minsan pakiramdam ko ay may asawa ako at kabit na iniintindi. Kapag ganito na si Thea siya ay ramdam ko ang asawa ko pero kapag si Delphi ang personality niya ay pakiramdam ko may kabit naman ako. “Why are you always leaving me?” tanong ko kay Althea at muling umulos sa lagusan niya at inilagay ang mga braso ko sa ilalim ng mga hita niya para makalabas-masok
DELPHI Month have passed at nagiging stable na ang lagay ng anak ko, ready na rin siya sa bone marrow transplant. Two weeks pa at sa ospital na rin mag-i-stay si Zeno, dahil kailangan niyang dumaan ulit sa panibagong mga test para masiguro na magiging successful nga ang pag-donate niya ng bone marrow kay Daphne. Nandito ako sa kwarto namin ni Zeno sa penthouse niya, at may kausap lang siya sa may pool area na mga tauhan mula sa mansion niya. Ang penthouse ay sa taas lang din naman ng condominium building na binili niya raw para sa… para sa akin. I sighed at napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Napakurap-kurap ako. Iniisip kung ano ba ang tinititig ko sa sarili ko? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan kung ano ang nagustuhan talaga ni Zeno sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit anong titig ko sa sarili ko ay wala akong mahanap na sagot… baka naman sadyang maganda lang talaga ako masyado sa paningin ni Zeno kaya baliw na baliw sa akin. “Ay, ewan!” Napa
ZENO When I returned to my unit, I found Delphi wearing my shirt, and she looked so fresh from the bath. I stared at her and waited for her outburst like last night, but she did not say anything about last night. Mukhang nalimutan na niya ang mga ginawa niya. Nang tanungin niya ako kung saan ako galing ay sabi ko sa ospital at totoo naman na nanggaling din talaga ako roon dahil dinalaw ko si Daphne. Ibinilin ko na rin kay Gilberto at sa nurse na kinuha ko para maging yaya niya bago ko iniwan. Pinayagan ko rin umuwi muna ang matatanda at pinahatid ko na rin sila kay Ramon. Hindi ko alam kung nasa unit pa nila sila sa ibabang floor o baka nakabalik na rin sila sa ospital. Nauna kasi silang umalis sa akin sa ospital at may kinausap pa akong doktor. I sighed thinking of the convo I had with the psychiatrist of the hospital. ****** “Your wife is probably having a mental condition of split personality. Mas okay kung makakausap ko siya kasi base sa kuwento mo ay may chances din na hindi l