DELPHI
“Thank you for reaching us, my name is Delphi. May I have your name and phone number for confirmation of your account please…” I rolled my eyes. Nakakaumay na ang linya na paulit-ulit pero ano ba ang magagawa ko at ito ang trabaho ko? Magdadalawang buwan na rin ako sa trabaho ko rito sa— sa ano na nga ang pangalan ng company na ito? Hindi ko naman nalimutan, nataon lang na na-absorb daw ng isang company kaya iba na ang name at management.Ah okay… naalala ko na… AFSLinks ang pangalan na ngayon. Hindi pa dini-disclose ang ibig sabihin ng unang tatlong letra, pero magpapatawag naman daw ng meeting sa susunod, kapag dumating na ang bagong general manager ng company. Maayos naman ang pasahod kaya okay na ako rito. Ang importante kasi sa akin ay ang makapadala para sa pangangailangan ni Daphne at ng dalawang matanda. Matugunan ko lang ang kailangan nila ay solve na ako. Ayos na iyon. Happy na ako. Sila lang naman ang dahilan kaya ako nandito sa Manila nagtatrabaho. Kung wala ngang sakit na kakaiba si Daphne ay baka umuwi na ako ng Marinduque at makontento sa simpleng buhay namin doon. Natapos ang call at excited akong nag-out sa system. Yes! Hindi ako inabutan ng another call bago ako naka-log out. Ayoko nga mag-OT. Gusto ko na umuwi at matulog dahil rest day ko bukas at makakatulog na naman ako ng dalawang gabi na magkasunod.Kung hindi lang talaga maganda ang sahod at commission sa ganitong trabaho ay ayaw ko ng ganito. Ang hirap kaya na baligtad ang araw sa gabi. “Pauwi ka na?” tanong sa akin ni Jenny, katrabaho at kasabayan ko sa shift. Lagi ko rin kasabay siya sa pag-abang ng masasakyang bus. “Oo eh…” sagot ko habang kinukuha ang gamit ko sa locker. “Sahod natin kahapon, labas naman tayo maya. Nomo tayo…” aya ni Jenny sa akin. Umiling naman ako na nakangiti. Ayoko naman siyang mainis sa akin, pero hindi naman siguro masama ang tumanggi. “Nagtitipid ako eh," katwirang kong totoo. "Alam mo naman… Nakwento ko na rin sa ‘yo na may kakaibang sakit ang anak ko kaya hindi ako dapat mag-aksaya ng pera. Para sa pagkain, pamasahe, at renta lang ang tinitira ko para sa akin, eh. Wala akong extra para sa ibang bagay.” “Akong bahala. Treat naman kita,” nakangiting pangungulit niya. Ngumiti lang ako roon. “Hindi rin kasi ako umiinom,” dahilan ko na naman. Hindi na talaga! Hindi na ako iinom dahil nadala na ako sa muntik kong pagkapahamak nakaraan. “Eh di kain na lang tayo sa labas. Ako na ang bahala. Gusto lang kitang maka-bonding. Ikaw lang kasi kasundo ko rito.” Tumango na lang ako. Kung kakain lang ay wala namang problema at huwag lang akong yayaing uminom. “Sige, kain na lang tayo paglabas natin para pag-uwi ay tutulog na lang ako,” ani ko sa kaniya.Ngumiti naman siya at pagkatapos niyang kunin ang bag niya sa locker niya ay bumaba na kami sa ground floor. “Ilang taon ka na nga?” tanong ko kay Jenny. “Twnety-one,” nakangiting sagot niya. “Kaka-graduate ko lang din ng college kaya ako nag-try dito.” “Ganiyan talaga kapag single pa,” nakangiti kong sabi. “Ako kasi ay sa ganito lang ako pwede kumita ng maayos para sa anak ko. Hindi ako nakapag-college.”"Pero grabe ang accent mo, para kang American talaga kapag nakipag-usap na."Nginitian ko lang ang bagay na iyon. Hindi ko rin alam bakit lagi kong naririnig na gano'n daw ang accent ko. Para kasi sa akin ay natural man lang akong nakikipag-usap lang. Walang effort. Hindi pilit. Nag-usap pa kami ng mga kung ano-ano habang naglalakad papunta sa MOA, nang mapansin ko na may dalawang lalaki na parang sumusunod sa amin. Naging alerto ang utak ko at hinila ko si Jenny papasok sa nadaanan namin na fast food chain. “Okay lang dito mo na lang ako ilibre?” tanong ko sa kaniya, habang alerto akong nagbabantay sa galawan ng dalawang lalaki na parang mga character sa Men In Black ang pormahan. Napangiwi ako. Pa-Men In Black pa na datingan ay wala naman alien dito. At kagaya ng inaasahan ko ay pumasok na rin sa establishments ang dalawang lalaki. Sabi ko na nga. Tama ako. Sinusundan nila ako. Ano ba kailangan nila sa akin? Ang magulo kong buhok? Wala akong tiwala sa kanila. Kamukha nila iyong mga tauhan noong lalaking ini-spray-an ko nakaraan sa mata kasi akala ko snatcher. Teka! What if boss nila nga iyon at nabulag pala kaya ako hinahanap ng mga ito? What if kunin ang mga mata ko? Paano pa ako magtatrabaho kapag bulag na ako? Paano na si Daphne? Paano na ang ekonomiya ng Pilipinas? Paano na ang kabuhayan ng bawat Pilipino?Pero pakialam ko ba sa kabuhayan ng bawat Pilipino? Problema na ng presidente iyon. Napakamot ako sa ibabaw ng ulo ko na biglang nangati na naman dahil sa kung ano-anong kalokohan naiisip ko. Hindi ko rin maunawaan ang anit ko na ito. Lahat na lang ng anti-dandruff shampoo ay nasubukan ko na pero may balakubak pa rin ako. Kung pwede lang magpalit ng anit eh ginawa ko na. “Anong gusto mong kainin?” tanong ni Jenny na natawa pa kasi alam kong ang pagkamot ko ang tinatawanan niya. Nagulo na naman sigurado ang buhok ko.“Bahala ka na umorder tapos do’n! Do’n na lang ako sa mesa na iyon pupuwesto,” sabi ko sabay turo ng mesa sa corner na medyo tago sa iba. “Sige, wait mo na lang ako do’n,” nakangiting sabi niya. Pumunta na ako sa mesa habang tinitingnan ng pasimple ang men in black. Kapag ang mga ito gumawa pa ng paraan silipin ako rito ay wala ng duda na mga tauhan ito no’ng Italian na ‘yon. Italian. Oo, alam kong Italian dahil sa lenggwaheng gamit niya. Naririnig ko kasi iyon sa mga napanood ko na mga pelikula. Kung bakit naman nahilig ako sa mga Italian movies ay hindi ko alam, siguro kasi guwapo ‘yong artista na pinanood ko kaya gano’n. Naubos na lang yata ang oras namin ni Jenny sa loob ng fastfood chain na iyon na nagkukwentuhan. Kahit inaantok na ako ay okay lang dahil ayokong umalis hanggang hindi umaalis ang men in black sa mesang tinatanaw ko. Wala akong tiwala talaga sa kanila pareho. “Nasaan ang anak mo ngayon?” tanong ni Jenny sa akin na ikinabaling ng atensyon ko sa kaniya. “Nasa Marinduque. Nasa mga byenan ko.” “Ang ganda ng anak mo kahit payat,” sabi niya sa akin na ikinangiti ko. Nakita na niya kasi ang picture ni Daphne sa wallpaper ng phone ko at maganda naman talaga ang anak ko. “Pero huwag ka magalit sa akin, ha?" nag-aalanganin ang ngiti niya sa gustong sabihin kaya na-curious ako. "Ano 'yon?""Napansin ko lang na wala kasing nakuha sa asawa mo. Pero mabuti na lang at sa side mo nagmana. May dugong foreigner ka ba?”Napatitig ako sa kaniya. Wala nga sa itsura ni Daphne ang mukhang Pinay. Pero mestiza kasi ako kaya baka sa akin nga lang nagmana. “Napansin ko kasi na iba ang ganda mo sa pangkaraniwang maputi lang na Pinay. Mukha ka talagang may lahing foreigner. Sino sa parents mo ang may ibang lahi?” Hindi ako makasagot. Sino nga ba? Ang alam ko lang ay pangalan nila at kung saan kami nakatira noon bago nila ako iniwan kasi namatay sila nang maaga. “S-Si mama,” sagot ko sa tanong ni Jenny para wala na siyang isunod na dagdag tanong pa kung bakit mukha akong foreigner. Ilang saglit pa ay napansin ko ang dalawang lalaki na wala na sa mesa nila kanina. Niyaya ko na si Jenny na umalis dahil doon. “Ayaw mo na ba mamasyal?” tanong niya pa sa akin nang lumalakad na naman kami papunta sa paradahan ng mga bus.“Sa sunod na lang, Jen. Antok na talaga ako,” pinalamlam ko pa ang mga mata ko para makumbinsi ko siya na antok na antok na nga ako. Nakasakay na ako sa bus nang maisip ko ang sinabi ni Jenny kanina na mukha akong may lahing foreigner. Bigla, mayroon akong naalala. Iyong lalaking foreigner na tinatawag ako ng Althea. Iyong binato ko ng tsinelas. Dahil sa kaniya ay napabili pa ako ng bagong tsinelas noong araw na iyon. At dahil sa kaniya ay para akong minalas kasi kasunod ay iyong pagkadampot ko sa wallet at pagtakas kasi natakot ako sa mga kamukha ni James Bond na pinatay iyong kawawang snatcher. Pero… teka… naalala ko pala!Mabilis kong kinuha ang wallet na nasa bag ko, iyong wallet na nadampot ko galing sa snatcher. Muli ay inilabas ko ang ID na naroon. Binasa ko na naman ang pangalan ng may-ari. Zeno Scotto. Tinitigan ko ang mukha ng lalaki na naroon. Bakit pala parang kamukha noong lalaking binato ko ng tsinelas? Nakanguso na muli kong isinuksok sa bag ko ang wallet na iyon. Pwede ko naman iyon ibigay sa mga pulis pero ewan ba… mayroon sa wallet at sa pangalan na Zeno Scotto sa ID ang nagpapagulo sa isip ko at parang sinasabi na huwag kong ibibigay kahit kanino ang wallet. Napakamot na naman ako sa ulo ko. Ay, ewan. Kung ano-ano na naman nasa utak ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko sabay sandal. Sana sa sunod na sahod ko ay malaki ang maipon ko na commission sa sales para mapapasyal ko si Daphne at mga byenan ko rito sa Manila, nami-miss ko na siguro sila kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko at pati ang Zeno na kung sino man siya ay gumugulo sa isip ko.ZENOI was staring at Delphi. Tulog na tulog na naman siya. I sighed. Sa pagdilat ng mga mata niya mamaya ay hindi ko alam kung sinong katauhan niya ang mangingibabaw. Binalikan ko ang araw kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nagkagustuhan, nagmahalan…Kahit anong balik ko sa nakaraan ay wala akong makitang pagkakataon na may nag-iba sa kaniya. Wala. Lagi naman kaming magkasama noon maliban lang minsan noong umuwi siya ng Brazil dahil sabi niya ay may reunion ang pamilya ng ama niya. Iyon ang unang beses na nabanggit ni Althea hindi niya talaga gusto na naghiwalay ang mga magulang niya. Isa pang hindi niya gusto ay ang paglayo sa kaniya sa kakambal niya. Si Atlas… that dude who is now creeping Delphi was once the most trusted person of Althea. Nakakatawa isipin. Kung si Delphi ay takot sa kakambal niya, ang katauhan niyang si Althea ay basta si Atlas ang usapin ay puro papuri ang sinasabi. And that I am worrying about… paano kung nasa katauhan siya ni Althea sa susunod na mag
DELPHI Bigla akong napabangon. Napatingin ako sa itsura ko sa salamin. Magulo ang aking buhok at nakasuot ako ng pulang lingerie. Nasa tabi ko si Zeno na tulog. Napakunot ang noo ko. Muli kong tinitigan ang itsura ko sa salamin. Pulang lingerie? Bakit ito ang suot ko? Natatandaan ko na ang suot ko kagabi ay ang pajamas ko na white na ang design ay mga ulo ni Naruto. Anong nangyari at ganito na ka-sexy ang suot ko? Nilingon ko si Zeno na walang damit pang-itaas kaya nakalantad ang dibdib niya. Napalunok ako. Ang ganda talaga ng katawan ng taong ito. Hinaplos ko ang dibdib niya at pinagapang pababa ang kamay ko hanggang sa abs niya. Ibinaba ko pa at nakapa ko na ang may morning wood niyang mahaba, mataba, at maugat. Masarap din. Hindi ko pwedeng kalimutan kung ilang beses na ba akong pinaungol niyon habang naglalabas-masok sa… sa ano ko. Habang tinataas-baba ko ang hawak sa pagkalȁlaki ni Zeno ay bigla akong natigilan at may tanong na nanggulo sa isipan ko. Bakit pala ang lagi ko l
ZENO I was heading home. Pabalik na ako ng penthouse pagkatapos kong makipag-usap kina Trace at Ice. My intention was to talk to Trace alone. Si Trace lang sana at bahala na siya makipag-usap sa mga kamag-anak niya pero nagkataon na narito rin pala sa Pilipinas ang head ng FSO na si Isidro Ferreira. The man was in rage after seeing me. Hindi naman ako nagtaka sa galit nito sa akin dahil sa bintang sa akin ng pamilya nila na pinatay ko si Athea. Sa airport pa lang ay ramdam ko na gusto na akong dispatsahin agad ni Isidro. Tama ako na mas madaling lapitan si Trace. Kahit noong una ay ayaw din akong kausapin ni Trace, dahil sa akala na gusto ko ang asawa niya, mabilis ko naman nabago ang utak niya nang ipakita ko ang picture nina Delphi at Daphne sa phone ko. And thanks to Trace at nakalma niya si Isidro. Dahil kay Isidro ay maraming dumagdag sa isipan ko tungkol sa sitwasyon ng asawa ko. Binalikan ko ang naging usapan kanina. Sa dami kong narinig na kuwento ni Isidro patungkol kay
DELPHI Lumipas ang mga araw na naging mga linggo at naging mga buwan, na okay na okay kami ni Zeno. Successful ang bone marrow transplant ni Daphne and thanks God na parehong walang complication sa kanila. Ang sabi nga ni Zeno ay magto-tour kami kapag naayos na rin niya ang lagay ni November. Sa ngayon ay si November na ang problem ni Zeno lalo na at nauubusan na siya ng dahilan sa ama na dito muna sa Pilipinas ang isa. Ang isang nakakatuwa pa ay hindi na rin naulit na nagtalo pa kami ni Zeno. Wala na ring Althea na binabanggit siya at masaya ako na nakikitang palakas na nang palakas si Daphne. “Mama…” inaantok na tawag ni Daphne sa akin. Nasa may pool area kami ng penthouse at nagbabalat ako ng mansanas para sa kaniya. “Yes, anak?” tanong ko. “Saan si Papa?” tanong niya na isinubo ang slice ng papaya na nasa plato at pagkatapos ay ang slice ng pakwan naman ang tinikman niya. “Papa mo?” tanong ko na parang normal na lang sa akin ang tukuyin na papa niya si Zeno. Minsan nakok
ZENO "Sorry that I let this happen…" bulong ko kay Delphi. I sincerely apologized to her, not just to make her feel better. I am sorry because I didn't investigate further after the ambush. I neglected everything because I didn't care anymore and thought she was gone. More or less, I'm apologizing because I didn't consider that she might still be alive, and I let fate find a way for me to see her again. At nagso-sorry ako dahil kung hindi ako nagpabaya ay sana wala kami sa sitwasyon namin ngayon. Yes, I am saying sorry for the lost time na sana kasama ko siya, I am saying sorry for the tragedy she experienced that making her be like this now. But still, I am thankful na napadpad siya rito sa Pilipinas dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang nawala sa akin dahil hindi rin naman ako nagkamalay agad after being shot that day. Na kung sakali man hindi siya kinuha ng mga kung sinong may gawa ng pagtapon sa kaniya sa dagat ay baka natuluyan na rin siya. Hindi na ako sigurado sa kung
DELPHI Nagising ako na nakatali sa kama. Anong… Teka nga! Anong nangyari at nakatali ako? Nanlaki ang mga mata ko sa kung anong naisip. Bakit ako nakatali?! Bigla akong kinabahan. Nababaliw na yata si Zeno at itinali ako! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Na imposibleng basta siya iwan ng asawa niya. Baliw nga yata! O baka naman sadista o mahilig sa BDSM. BDSM? Napalunokok ako at naisip ang gagawin niya sa akin kung dahil sa BDSM kaya niya ako itinali. Pero sana naman hindi iyong tulog ako at saka ako itatali. Nakakatakot naman ang lalaking iyon mag-trip. “Zeno!” tawag ko sa kaniya nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower. “Zeno, pakawalan mo nga ako! Kung ano-ano na yatang kalokohan pumapasok sa utak mo, eh! Ano ba gusto mong posisyon at may patali-tali ka pa sa akin ngayon? Pinagbibigyan ka naman lagi… Bakit may patali-tali pa?” pabulong na lang pagkakasabi ko ng huling mga salita. Hindi sumagot si Zeno pero tumigil ang tulo ng tubig. Napalunok ako nang makitang lumaba