Share

4. WISE 2

ZENO

Sorry. 

That was the word the woman mouthed three nights ago. Kamukha niya talaga si Althea. Kung bakit sila magkamukha ay malalaman ko rin. 

One more thing ay tama ang hinala ko. Siya iyong babaeng nakita ko bago nawala ang wallet ko. Nakausap ko pa nga siya.  

And now my men found out na siya ang accomplice ng espiya na dumukot ng wallet ko ay isa lang ang ibig sabihin, tao siya ng kalaban at baka iyon ang dahilan kaya ginagaya niya ang mukha ni Althea. They are fooling me.

But I am still trying to figure out what may have happened years ago. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko na baka… na baka may posibilidad na siya nga si Althea. Because everything about her is like Althea.

Almost two months ago nang una ko siyang nakita… almost two months ago na parang pakiramdam ko ay muli akong nabuhay…

******

“Althea?” naguguluhang tanong ko sa sarili habang nakatingin sa isang babae na naglalakad. Kamukha siya ni Althea. No! Hindi kamukha. Si Althea talaga. 

Naguguluhang sinundan ko ng tingin ang babae. Matagal nang wala ang asawa ko, namatay siya na yakap ko bago ako nabaril at nawalan din ng malay. Akala ko kamatayan ko na rin noon pero nagising ako sa isang ospital. Doon ko nalaman na wala na si Althea. At pagkalabas ko ng ospital ay kinabukasan na ang libing ng asawa ko. Hindi ko na tiningnan pa ang asawa ko sa loob ng kabaong niya. Tama na ang mga larawan na nakita ko kung paano siya natagpuan.  

Pero ngayon na nakikita ko ang isang babae na alam kong ang asawa ko ay… ay alam ko na may mali sa nakaraan. Si Althea ang babae sa kabilang kalsada na naglalakad habang kumakamot sa ulo. At kung bakit siya kumakamot ay… teka nga… bakit parang walang suklay-suklay ang buhok ni Althea?  

Her hair. Her clothes. Althea could never look like that but I cannot be wrong. At hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko. Kahit magsuot pa siya ng sako ay makikilala ko siya. Agad akong tumawid ng kalsada para habulin si Althea at tanungin kung bakit niya ako nagawang pagtaguan. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari maglilimang taon na ang nakaraan. 

“Boss!” narinig ko ang malakas na tawag ni Gilberto nang makita niyang nakatawid na ako. Hindi ko siya pinansin at sinundan pa rin si Althea. 

Althea continued walking. A few steps from her when I extended my right arm to grab her. 

“Althea!” I exclaimed her name again while holding her upper arm.

Natutuwa man ako na nakita ko siyang muli, na buhay pala siya, ay nararamdaman ko rin ang galit sa hinalang panloloko niya at pagtatago rito sa Pilipinas. At ano ba talaga ang nangyari? I saw how she died in my arms. Paanong? Teka… paanong—

“Sino ka?” she asked me in her angry tone. Angry and doubtful tone. Taas-baba pa ang ginagawang pagtingin sa akin. 

“I found you at last!” galit na sagot ko. Galit dahil naisip ko na tama ang hinala ni papa noon, pamilya ni Althea ang kasabwat ni Pellegrini. Sila ang may gawa ng ambush. 

Habang tinititigan ko siya ngayon ay lalo na akong naniniwala na baka nga drama lang ang lahat pero nataon na nadamay siya. Oo, baka nadamay lang siya. Na baka nang mawalan ako ng malay ay kinuha siya ng pamilya niya at nakaligtas siya… pero sino ang inilibing namin? 

Saka ko na iisipin kung sino ang inakala kong si Althea. Ngayong nasa harap ko na siya ay alam ko na… hindi talaga siya namatay. Drama lahat para mapaniwala ako. Kung sino man ang may gawa ng kalokohan ay malalaman ko rin. Nandito na si Althea sa harap ko, iyon ang importante. 

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya lalo. “Althea?” she asked me. “Sino 'yon?” 

Hindi ako nakaimik agad. Bigla akong naguluhan sa nakikita konng reaksyon niya. Nakikita ko si Althea sa kaniya at kahit boses ay pareho sila pero… pero nakikita ko rin na hindi niya nga talaga ako kilala. 

I know kung nagpapanggap siya. No matter how good she acts ay malalaman ko kung nagpapanggap siya. But the way she was looking at me with all doubt in her eyes, alam kong hindi siya nagsisinungaling na hindi niya ako kilala.

“Naano ka?!” mataray niya pang dagdag tanong. Mataray pero nasa mga mata niya rin ang pagtataka nang tingnan niya ang ayos ko. 

“Stop your act, Althea!” asar kong sabi. I have no time for more lies. 

Lalong lumalim ang kunot sa noo niya. Mukhang asar na asar sa akin. Naisip ko na baka… baka nga nagkakamali lang ako pero hindi… imposible na magkamukhang-magkamukha lang sila. Kahit ang paghinga niya nang pabuga dahil naiinis ay pareho kay Althea. Ang hindi lang pareho ay ang pananamit niya. Hindi magsusuot ng cargo shorts si Thea at polo na naka-tuck in pa sa cargo shorts.

Kanina ko pa napansin ang ayos niya na walang ka-sense-sense ang fashion. Parang hindi babae manamit lalo na at ang suot na flip-flops na kulay light brown ang strap ay mukhang luma na. Naka-focus kasi ako kanina sa gulat na makita siyang buhay kaya ngayon ko lang ulit napasadahan ang ayos niya. Her beautiful and arresting face is the same. Ang nabago lang ay ang buhok niyang magulo, na may bangs na tumatakip na sa mga mata niya. 

Muli kong ibinalik sa suot niyang flip-flops ang paningin ko. No. Thea won’t wear this kind of footwear, much her choice of clothings. Kahit ang bag na nasa balikat niya nakasabit ay lumang-luma na at may mga butas pa. Pero… siya talaga si Thea. 

“Anong act?” asar na tanong niya sa akin na nagpabalik sa mga mata ko sa mukha niya. “Gago! Hindi kita kilala! Wala akong kilalang Althea!” 

Tulala naman akong napatitig sa kaniya. Gago? And the way she said the word… yeah, parang hindi nga siya si Althea. My wife will never said those words. 

“Mukhang tanga naman itong lalaking 'to. Guwapo pero mukhang may sayad…” pabulong-bulong niya but I heard it all. 

My forehead furrowed. Is she saying I am stupid? “What are you saying, Althea?” hindi ko natiis na tanong.

She scratched her head kaya lalong gumulo ang buhok niya. “My name's Delphi and not Althea.” 

There! That accent is now the same again with Thea. But what did she say her name was? 

“Delfin?” I clarified what I heard from her. 

She rolled her eyes. “D-E-L-P-H-I. Delphi. Not Delfin. Ambot! May sayad na bingi pa. Sayang ang itsura!” 

I shook my head sidewards. Hindi ako naniniwala na ibang tao siya. The way she spoke in English ay pareho kay Thea. 

“You are Althea. Althea Ferreira. My wife!” I said with all intensity for the last two words. I want her to know na wala akong planong makipaglaro pa. Na kung ano man ang nangyari at dini-deny niyang siya si Althea ay tapusin na niya. 

“Wui…” she chuckled. 

I gaped at her, mesmerized seeing her laugh. Indeed si Althea nga siya. Her laugh is Althea’s.

“Anong wife sinasabi nito?” tanong niya na mas kausap yata ang sarili. “May anak ako pero wala akong asawa. Raulo naman nito…” dagdag niya pa.

“Stop mumbling…” I said. 

She smiled now, an irritated smile. “Are you taking drugs, sir?” 

“Drugs?” Lalo na akong naguluhan. Do I look like a drug dependent one? But wait… what if siya ang nadroga pagkatapos ng ambush at baliw na pala siya kaya ganito?  

“No, thank you! Cute mo kausap. Bye na!” She turned her back and left me. 

I continued following her while calling her name until she took one of her flip-flops and threw it to me. Nasalo ko naman bago tumama sa mukha ko. Pagtingin ko sa kaniya ay wala na siya. She escaped. I looked at her flip-flop with Dragon brand name on its strap.

I am still holding it when someone bumps into me. A guy. He smiled apologetically at me and said sorry. I just nodded until he turned his back, and I saw the tattoo on his nape. 

Organo. That’s the tattoo of Organo’s group. 

I got my phone from my pants pocket to call Gilberto when I noticed I had lost my wallet. 

Fuck! I was robbed in the open. And Althea… Where is she?

******

“Zeno!!!” malakas na tawag sa pangalan ko ang nagpawala sa isip ko kay Althea o Delphi. Napatingin ako sa pinto, lalo na at pabalagbag na bumukas iyon at pumasok ang may gawa.

My seventeen-year-old sister, November, is bragging in my office just like that. I sighed and shook my head at this brat’s temper.

“What’s the tantrums, November?!”

“I won’t go with you!!!” galit niyang sabi. “You just came from the Philippines three days ago, and if you want to go back there to stay there for good then better stay there with your people!” 

I cocked my brows. So our father already told her about my plan to bring her to the Philippines. 

“Stop acting tough on me, Zeno! You can’t force me to follow anything you told me about!”

I just looked at her. She’s only seventeen but not like some girls at her age. Ang iba ay boys ang iniisip at kung paano maging maganda sa mga selfies. This sister of mine is different; she wants Paradiso. She wanted to be the mafia queen and ousted me from my throne.

“I hate you!” sabi niya sa akin. 

“Don’t flatter yourself, November! I don’t like you either. But I won’t say I hate you for I am not a seventeen-year-old-teen, screaming her brother’s name, just to make some scene with her lousy arguments.”

“Screw you, Zeno!” 

“Language, November!”

“So what?! Papa never had an issue with my cursing. It was only you who likes to make an issue over petty things. How boring you are!” 

“Really?!” pang-asar kong tanong. Kung bakit naman kasi pinapatulan ko pa ang ugali ng m*ldita na ito ay hindi ko rin alam. Baka tama siya na boring nga ako.

“I should be the one leading Paradiso if you have been half the man you are.”

“You know it well that I am going to waive the throne for you, brat…” I trailed off this time. Sa lahat ng ayaw ko ay ang mapaalala sa akin ang nangyari noong araw na handa na akong tumalikod sa Paradiso.

“Then prove it! Waive it! I could lead Paradiso better than you do!”

“Alright… be it like that! Come with me to the Philippines and learn how to manage my new businesses there. If this project of mine becomes fruitful, I will certainly leave Paradiso to you.”

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni November dahil sa sinabi ko. Minsan iniisip ko talaga na ang babaeng ito ang papatay sa akin. I love her as my sibling, and I know I matter to her too, but her drive to get what she wants makes her dangerous.

“What business?” 

“A casino and a BPO company.”

“BPO? What’s that?”

“Business Processing Office.”

“What is it doing?” 

“Cater calls, customer services, troubleshooting, and—”

“And the fuck?! Since when have you been interested in that kind of business?” parang diring-diri na tanong nito.

“Since I found her…” I showed her the picture of Delphi Gomez.

“Althea!” she grabbed the photo. “She’s alive, Zeno!” The ecstatic voice of November made me smile. She was close to Althea. She was the one crying heavily at Althea’s funeral.

“Her name is Delphi Gomez and she will be under your supervision once you enter the BPO company I am speaking of.”

“But I am only seventeen.” 

“Malapit ka na rin mag-eighteen,” nakakaintindi naman si November ng Tagalog. Kahit naman kasi maagang nawala si mama ay puro mga kapatid naman niya ang nag-alaga sa amin ni November. Half-Filipina lang si mama pero pinalaki siya sa Pilipinas kaya magaling siya sa lenggwaheng iyon.

“So you bought a company because of her?” November showed me the picture. “But—but why is she there?” November grimaced. “And you said her name is Delphi Gomez. It means she’s not Althea.” She made a face.

Then I told her everything I know of. Nakinig naman si November pero nasa mga mata ang pagdududa sa sinasabi ko, na si Delphi ay baka nga si Althea. 

“What if she is not Althea, Zeno? And you said she has a daughter…”

“She is Althea. I know that. And that child, I need to find her to know if she’s mine. She’s four years old now.” 

Hindi na umimik pa si November at muling itinaas ang larawan para matitigan ang larawan ni Delphi Gomez. 

“Yes. I really wanted to find out the truth too, Zeno. If this woman is Althea, then what happened years ago? Who was the one who was buried under the lake?”

“That is why I am asking you to help me. A win-win for both of us. Once Thea is back to me, Paradiso is yours.”

November just nodded. “I get it now. Don’t worry I have your back in here, big bro. So, when are we going to the Philippines?” she asked excitedly. 

I grinned. “After the announcement from out father about my engagement with Esposito’s sister.”   

"Are you really going to marry her?"

"No. But I need to follow our father's plan."

"Aren't you going to tell papa that you found Althea?"

"Not yet. And November, don't tell papa. I am just trusting you kaya ikaw ang kinausap ko na tulungan ako. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon.”

November giggled. "But why do you trust me now? You know I could kill you for Paradiso."

"Yeah… but Paradiso is me. You cannot kill someone you cared about, November."

“Oh hell… don’t assume too much, my dear big bro.”

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Bei
Ayy nkk excite ang plano nilang mgkptid..
goodnovel comment avatar
Sophia Sahara
Yes, I will. Bukas ulit.
goodnovel comment avatar
Caroline Parazo
ang exciting din ng story ni zeno. more update pa otor ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status