LOGINMatulin ang mga araw at di namalayang sabado na. Nasa labas siya kasama ang ina kung saan kakatapos pa lang nila sa paglalaba. Tinulungan niya ang kanyang ina sa pagsampay ng mga damit at iilang kurtina. Basa na rin ang suot niyang puting bestida kaya't nagiginawan siya kapag humahangin.
Isang kurtina na lang ang isasampay niya at napangiting natapos niya ang kanyang gawain sa umaga. Ngunit naiwan sa ere ang kamay nang akmang kukunin ang palanggana nang may nahagip ang kanyang mga mata. Sa labas ng gate, nakatayo ang isang binatilyong sa harap nito. Mariin ang titig sa kanya habang may backpack sa balikat. Suot nito ang itim na leather jacket habang magulo ang buhok. Napakurap siya at napatitig sa binatilyo. Napaawang ang labi mapagtantong hindi siya nagmamalikmata. Nakalimutan niya ang sinabi nito noon. Sabado nga pala ngayon! Nagdadalawang-isip si Athena kung pagbubuksan niya ba si Zeus. Medyo basa siya at nahihiya siya dahil nakalimutan niya. Napakagat labi siyang sinulyapan si Zeus na taimtim hinihintay na pagbuksan niya. Umiwas siya ng tingin at nilingon ang ina na bitbit na ang isang palanggana. Mukhang pupunta na sa likod bahay nila. "Mommy...." Mahina niyang tawag dito. Napalingon ito sa kanya at bahagyang tumaas ang kilay. "Oh, bakit? Oy, tapos ka na pala. Maligo ka na anak baka ubuin ka pa dyan." Anito pero napakamot siya sa kamay at sinulyapan si Zeus. Sa ginawa niya napalingon si Lory sa sinulyapan ng anak. Halos mawalan siya ng balanse makita ang binatilyo na si Zeus. Ang binatilyong ayaw makita ng kanyang asawa. Kahit nagtataka ay ngumiti siya rito at nilingon ang anak na parehas ni Zeus, tila may sariling mundo. Napailing siya. Kay bata pa pero nakikita na niya ang kanilang future. Hindi na siya nagtaka pero masyado pa silang bata para run. "Anak, pagbuksan mo si Zeus." Pukaw niya sa anak na tulala pa rin kay Zeus. Batang to' landi na talaga. Kung sabagay lumaking pogi si Zeus tapos ang ganda ng tindig at mga mata nito. Di nakakapagtataka maraming nahuhumaling nitong mga kabataan sa baryo nila. Matutuwa na naman ang mga 'yun kapag malaman nilang nandito ang kanilang crush. Pero sorry na lang. Hindi ito lumalabas sa kanilang bahay kapag di kasama si Athena. Tila robot na agad sumunod si Athena. Hindi pinutol ang titigan nila ni Zeus. Huminto siya sa harap ng gate at tumingalang tumitig dito. Gawa sa kawayan ang gate nila na hanggang leeg lamang ni Athena. Sinalubong niya ang titig ni Zeus na may kulay asul ang mga mata. Kaseng kulay ito ng langit at kaseng lamig ng yelo pero sa kabila ng kalamigan, ramdam niya rito ang kakaibang init. "You're here..." Halos pabulong niyang sabi. Tumango ang binatilyo habang nakayukong tumitig sa kanya. "I told you, Thena. I'll be here." Huminga nang malalim si Athena at tumango bago pinagbuksan ito. Tumabi siya at dumaan sa harap niya si Zeus. Naamoy ni Athena ang pabangong gusto niya. Napatitig siya sa likod ng binatilyo at napakurap mapagtantong tumangkad ito lalo. Humuni ang malamig na hangin at sumabay ang kanyang buhok. Inayos niya ang hibla ng kanyang buhok na tumama sa kanyang pisngi. Napayakap na rin siya sa kanyang katawan habang nakatitig pa rin sa malapad na likuran ni Zeus. Nakakunot ang noo ng lalaki habang nakatitig sa sinasampay niya kanina. Ilang saglit pa ay lumingon ito sa gawa niya. Napatitig ulit ito ng ilang segundo bago lumapit sa kanya. Napaatras si Athena. Bigla siyang nagulat at hindi niya alam kung bakit. Mas lalong kumunot ang noo ni Zeus sa ginawa niya ngunit napailing na lamang ito. Dumampi ang kamay ni Zeus sa balikat niya. Ang kaninang malamig niyang balikat ay mas lalong lumamig dahil sa kamay ni Zeus. Malamig din ito kagaya niya. "Come on, Thena. Maligo ka na. Change your clothes." Anito at mahina siyang iginaya papunta sa kanilang likod bahay. Ito na rin ang nagdala sa palanggana niya. Tahimik lamang siya sa tabi ni Zeus habang tinahak ang daan tungo sa likod bahay. Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang nahiya. Siguro dahil medyo basa siya. Napailing lamang si Athena sa naisip at mabilis ang kilos sa kanilang banyo. Iniwan muna siya ni Zeus upang makaligo siya. Matapos maligo at nagbihis ay agad siyang nagtungo sa kanilang sala. May towel sa kanyang buhok at nakasuot siya ng tsinelas. Isang simpleng t-shirt lamang na pinaresan niya ng maong shor hanggang tuhod ang suot niya. Nang makita ni Mommy Lory ang suot niya ay sinita agad siya. "Goodness, anak! Try mo kaya mag-dress? Maraming binili si Daddy sa’yo. Dalaga ka na, anak. Noon, ang hilig-hilig mo sa dress tapos ngayon shorts na hanggang tuhod. Tibo ka ba, nak?" Gulat na gulat ang mommy niya, parang ngayon lang niya napansin ang pagbabago. Napakamot si Athena sa pisngi, napangiwi pa, saka marahang tumabi kay Zeus, na kanina pa nakatitig sa kanya. Nakaupo ito sa sofa, nakasandal at nakadikwatro na parang matagal na siyang inaabangan magsalita. "What?" napairap niyang tanong dito. Tumaas ang kilay ni Zeus, halatang na-curious. "Dalaga ka na?" tanong nitong parang hindi makapaniwala, bahagyang nakakunot ang noo. Dahan-dahan siyang tumango, napayuko pa. Hindi niya alam kung kailangan ba niya talagang sabihin kay Zeus na nagdadalaga na siya. She’s still twelve. Ang bata pa nga niya sa tingin niya pero dinugo na siya. Noong una, halos maiyak siya sa takot, akala niya may mali sa kanya. Pero sabi ni Mommy Lory, normal daw iyon. Sign na lumalaki na siya. Sign na nagbabago ang katawan niya. Ayaw nga lang niyang pag-usapan ito, lalo na ngayon na pareho siyang pinagtitinginan ng mommy niya at ni Zeus, na parang hindi pa rin alam kung tatakboba siya palayo dahil awkward. Narinig niyang umubo nang mahina si Mommy Lory, halatang pinipigilan matawa. "Aba, Zeus, wag mo ngang tingnan ng ganyan si Athena. Babae ‘yan, siyempre magdadalaga." Namula si Athena sa sinabi ni Mommy Lory at umiwas ng tingin kay Zeus. Ang hindi niya alam, namula rin ang tenga ni Zeus at lihim na napalunok dahil sa narinig. Knowing Athena, maraming nagkakagusto rito. He can't let them near her lalo na ngayon na dalaga na. Baka mabali ang mga buto nila sa murang edad. Sumapit ang gabi, masagana ang hapunan nila. Ngunit, hindi para sa bunsong kapatid ni Athena. Matalim ang titig nito kay Zeus na tahimik ngumunguya sa tabi ng kanyang ate. Siya ang kapatid nito pero kapag nasa bahay nila si Zeus, ito ang tatabi sa ate niya sa hapunan. Inis siya rito! "Stop it, Poseidon. I didn't do anything." Natawang saway sa kanya ni Zeus habang may mapanuksong ngisi. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Poseidon. "Sumbong ko ikaw kay Daddy!" Banta niya kay Zeus na napaawang ang labi. Napailing nalang si Athena lalo na't naramdaman niyang lumingon sa kanya si Zeus para humingi ng tulong. Narinig niyang tumawa ang kanyang ina. Natutuwa ito sa mga nangyari. "Bigyan mo ng pansin nag kapatid mo, Athena. Hayaan mo na yan si Zeus, may kamay yan." Napahinto si Athena sa paglalagay ng ulam sa plate ni Zeus habang si Zeus naman ay patuloy sa paglalagay ng kanin sa plate niya. Palagi nila itong ginagawa dahil nga best friends silang dalawa ni Zeus. Sanay na siya. Umangat ang tingin niya at sumalubong ang tingin ni Poseidon na matalim ang tingin sa kanilang dalawa. "Sorry, Poseidon. Don't be mad at ate Athena." Lambing niya rito at naglagay ng ulam sa plate nitong puno ng lumpiang gulay. Malamig ang boses ni Athena. Kung iba ang kasama niya ngayon ay baka pagsabihan siya na hindi sincere but she's with her family and Zeus. Kilala nila ang buong pagkatao niya."Tay..." mahina at may buntong-hiningang tawag niya sa atensiyon ng ama, na halatang masama ang loob sa kanya. Nakasandal si Dark sa swivel chair ng kanilang opisina, nakahalukipkip, at nakatitig sa kanya na para bang sinusuri ang bawat galaw niya. Mabilis na napansin ni Zeus ang tensiyon sa panga ng ama, at alam niyang hindi magiging madali ang pag-uusap na ito. "How old are you again, Zeus?" malamig ngunit bigat na tanong ni Dark, hindi inaalis ang tingin sa anak. Hindi nakasagot agad si Zeus. Kahit kilala niya ang ama sa tapang at tikas, iba ang dating ng boses nito kapag nag-aalala. Mas mabigat. Mas nakakabingi. Nag-angat ng kilay si Dark, saka padabog na huminga. "You are still my little demon, Zeus, pero hindi ka na maliit. Isa ka nang demonyo na pinalaki ko at alam kong kaya mong pumatay. Pero para sa awa ng langit at impyerno, Zeus... wag mong uulitin ang ginawa mo kanina. You are going to kill me with worry. Sabihi
Mission.Sumasama siya sa tinatawag nilang mission ng ama, ngunit bilang tagamasid lamang. Hindi siya pinapayagang pumatay, kahit pa natutunan na niya ang lahat mula sa pagsasanay. Ayaw ni Dark na mabahiran ng dugo ang mga kamay ng mga anak niya, lalo na si Athena. Para kay Dark, marami nang dugo ang dumikit sa kanya, at hindi niya hahayaang sundan iyon ng sariling anak.At ngayon, si Zeus.Hindi basta-basta ang mission na pupuntahan nito. Hindi ito simpleng negosasyon o pagkuha ng impormasyon. Hindi rin ito isa sa mga undercover operations na kaya niyang takbuhan kapag kailangan. Ito ay operasyon na kasingbigat ng trono na kailangang laanan ni Zeus balang araw. Bilang anak ng isang mafia lord, kasali na si Zeus sa mga responsibilidad na hindi na puwedeng talikuran.Humigpit ang hawak ni Zeus sa pisngi niya, marahan ngunit mariin na para bang gusto nitong iparamdam na narito pa siya. Na hindi niya ito mawawala.“Athena,” bulong niya, maba
Habang naglalakad sila patungo sa lilim ng kakahuyan, unti-unting lumitaw ang isang grupo na kumpleto, maingay, at halatang may mission na namang pinagplanuhan nang walang pahintulot ng mga nakatatanda. Ang ilan naka-puting bestida, ang ilan naka-sando at may hawak pang bayabas. "Ba't kayo naka-white dress? Ano 'yan? Magpapakasal kayo sa mga engkanto?" puna ni Eros na sinabayan ng tawa ni Virgil. "Wag kang ano diyan, kuya Eros," sagot ni Alcyone, na himalang sumama ngayon, usually nasa loob lang ito nagbabasa. "We’re going to run under the trees like Bella from Twilight." "Ang kokorni niyo naman," sagot ni Eros, umikot ang mata. "Walang hahabol sa inyo!" "And so what if wala?" sagot ni Azyl habang maingat na inaayos ang laylayan ng damit niya. "We don't need Edward Collins!" "You’re going to habol me, Virgil." biglang singit ni Zebediah, sabay tingin sa binatang kumakain ng bayabas. Katabi nito si Heros na tahimik lang, yakap-yakap ang science book na parang shield.Napatigil si
Halo-halo ang emosyon na naramdaman ni Athena sa araw na ito dahil dumating na ang petsa kung saan magbabakasyon sina Z sa Bukidnon. Excited siya lalo na’t alam niyang mangangabayo na naman sila kasama ang kanilang mga kabigan. Kasama na roon sina Zephyr, Zuhair, Zebe, Virgil, at Azyl. Mula bata ay magkakaibigan na sila at mas lalong tumibay ngayon kahit tuwing bakasyon lang sila nagkakasama. "Zebe!" Tili ni Azyl pagbaba ni Zebediah sa itim na van nasa harapan nila. Tipid siyang ngumiti makitang mahigpit itong niyakap ni Azyl. Agad naglabasan ang iba pa sa van. Napasimangot siya makita ang ngisi ni Eros na nakabuzz cut na naman. May suot na earing sa kaliwang tenga at headphone sa leeg. Napabaling ang tingin niya kay Zephyr tila kakagising lang at inayos ang suot nitong salamin. Nasa likod nito ang magkambal na sina Zenon at Zenos. Hinanap ng mga mata niya ang bunsong kapatid nila na si Zephyie pero hindi niya nakita. Mukhang hindi sinama. Bumaling ang tingin niya sa harap nang may
"Hmmpp! Tabi tayo maya." Anito at kumagat ng lumpia. Tumango siya at ngumiti kay bunso. Rinig niya ang buntong hininga ni Zeus ngunit di niya pinansin. Nagpatuloy ang hapunan nila habang pinag-uusapan ang buhay ni Zeus sa syudad. Si Zeus ang naghugas ng pinggan habang siya naman ay nasa mesa. Pinaliguan ng kanyang Mommy Lory si Poseidon at nakalimutan nito ang sinabi sa hapagkainan. Pumasok siya sa kitchen habang dala ang dalawang baso at inilagay sa sink kung saan naghuhugas pa rin si Zeus. Naka puting sando lamang ito at jogging pants. "Doon ka lang, Thena. Just sit. Malapit na to'." Pagtataboy nito na akmang tutulong siya. Nagkibit-balikat siya at umalis sa tabi ni Zeus. Nilapitan niya ang isang silya at umupo rito. Pinagmasdan ni Athena ang swabeng galaw ni Zeus hanggang sa natapos nga ito. "It's still eight in the evening, you don't want to watch television?" Tanong nito habang nagpupunas sa sink. Napatingin siya sa wall clock mula sa sala at tama nga si Zeus. Napaisip nam
Matulin ang mga araw at di namalayang sabado na. Nasa labas siya kasama ang ina kung saan kakatapos pa lang nila sa paglalaba. Tinulungan niya ang kanyang ina sa pagsampay ng mga damit at iilang kurtina. Basa na rin ang suot niyang puting bestida kaya't nagiginawan siya kapag humahangin. Isang kurtina na lang ang isasampay niya at napangiting natapos niya ang kanyang gawain sa umaga. Ngunit naiwan sa ere ang kamay nang akmang kukunin ang palanggana nang may nahagip ang kanyang mga mata. Sa labas ng gate, nakatayo ang isang binatilyong sa harap nito. Mariin ang titig sa kanya habang may backpack sa balikat. Suot nito ang itim na leather jacket habang magulo ang buhok. Napakurap siya at napatitig sa binatilyo. Napaawang ang labi mapagtantong hindi siya nagmamalikmata. Nakalimutan niya ang sinabi nito noon. Sabado nga pala ngayon! Nagdadalawang-isip si Athena kung pagbubuksan niya ba si Zeus. Medyo basa siya at nahihiya siya dahil nakalimutan niya. Napakagat labi siyang sinulyapan s







