"Ano? Tititigan mo lang ako?" naiinis kong sabi, pilit pinipigilan ang pagtaas ng kilay ko.
Halos ilang minuto na ang lumipas pero wala siyang ginawa kundi titigan lang ako, nakahalumbaba pa na parang nasa pelikula. Nakakapikon. Napasuklay ako sa buhok bilang pang-disgusto at pilit umiwas ng tingin, pero hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa adams apple niya. Nakita ko itong gumalaw kasabay ng bahagyang pagnguya niya, dahilan para mas kumunot ang noo ko. Ano ba 'to? Bakit ako napapatingin sa parte na 'yan ng katawan niya? Ano bang meron? Agad akong bumawi ng tingin at tiningnan ang mukha niya, pero natagpuan ko na nakangisi na pala ang gago. "Enjoying the view?" tanong niya, bahagya pang iniangat ang baba niya na tila nanunukso. Umirap ako at muling sinandal ang likod sa upuan. "Sa hitsura mong 'yan? Ewan ko na lang kung paano ka nagkaka-girlfriend," tugon ko nang matalim. Tumawa siya, malalim at nakakainis. "So, na-confirm ko na... kanina pa pala ako type ng mata mo, Miss sexy. And for your information, wala akong girlfriend. No Girl Since Birth ata 'to." "Hanapin mo paki ko sa love life mo " Mabilis kong balik, pero naramdaman ko ang init sa mukha ko. Tangina, bakit ba ako napa-react sa ganito? Relax ka lang, Narnia! Hinilig niya ang ulo niya sa gilid, nakangisi pa rin. "Sus! Selos agad. Pero sa totoo lang, you look beautiful tonight," sabi niya nang biglaang seryoso, dahilan para hindi ko mahanap agad ang isasagot. Napakagat-labi ako at mabilis na umiwas ng tingin. "Kung ganyan ka nang ganyan, baka masapak kita mamaya." "Kung ganoon pala, sasamahan na kita mag-practice sa kamao mo. Pero mas gusto ko yung iba ang gawin natin pagkatapos," aniya, sabay kindat. Mas malakas pa sa kagat ng Margarita ang inis na naramdaman ko. "Ang creepy mo. Tumigil ka na bago kita sabuyan ng drinks." Ngunit imbes na matakot, mas lalo siyang natawa. "Shit! Mas lalo akong nahulog sayo. Tumigas din lalo. Kahit suplada ka, mas naging cute ka kapag nagagalit sa paningin ko." Napairap ako, pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi sabuyan ng Margarita ang mukha niya. "Kung gusto mong tumigil ang mundo mo, sige, ituloy mo pa 'yang kalokohan mo. Pustahan, hindi lang yan ang titigas sa'yo mamaya." Napangisi siya, mas lalong nanunukso. "Grabe ka naman. Iba na ba ang ibig sabihin ng hard to get ngayon? Kasi parang gusto mong magka-Fight Club tayo dito." "Sus! Gusto mo bang subukan? Kasi mukha mo ang unang tatama sa table," sagot ko nang may halong asar at inis. Seryoso akong napahawak sa baso ko, iniisip kung effective ba talagang gawing weapon ang Margarita. Ngunit imbes na mag-back off, mas lalo lang siyang natuwa. "Kalma, Chronicles of Narnia. Hindi ko akalaing ganito ka ka-wild kapag galit. Pero alam mo, you're so... intense. Parang gusto kitang makilala pa lalo." Ayan na naman tayo sa Chronicles of Narnia na yan! Pero gago! Anong makilala? Wala kang makikilala kundi kamao ko kung hindi ka titigil. "Makinig ka, Smith," madiin kong sabi, tumingin ng diretso sa kanya. "Hindi kita lubos na kilala, ayokong makilala ka, at lalong wala akong pakialam kung anong iniisip mo sa'kin. So, tumigil ka na kung ayaw mong maging highlight ng gabi dahil sa basag na mukha." Napataas siya ng kamay na parang sumusuko, pero halatang hindi pa rin natitinag. "Alright, alright. Panalo ka ngayon. Pero aminin mo, kahit konti lang, na-enjoy mo 'tong usapan natin." Pinipigil ko ang sarili kong huwag mag-react. Gusto ko sanang sabihin na hindi, pero alam kong kahit paano ay naaliw ako—kahit nakakainis siya. Kaya imbes na sagutin, tumayo ako, kinuha ang clutch ko, at tumingin sa kanya nang matalim. "Inom ka na lang, baka sakaling maayos ang wiring mo sa utak." Naglakad ako palayo, pero narinig ko pa rin ang malalim na tawa niya sa likuran ko. Siraulo talaga. Gusto ko sana lapitan si Azyl pero ang gaga ayun may kalandian na. Iba talaga kapag nalasing ang babaeng 'to. Di ko na hinanap si Clythie dahil alam ko naman na kaya niya ang sarili niya. Naisipan kong pumunta sa comfort room. Medyo madilim at marami ng lasing. May naghalikan at kung ano-ano pa. Hindi ko na lang pinansin at pumasok sa comfort room. Walang tao sa loob. Buti naman at di nila naisipan gumawa ng kakabalaghan dito. Inayos ko muna ang buhok ko at damit ko sa harap ng salamin bago pumasok sa cubicle. Iniwan ko ang clutch bag sa ibabaw ng sink. Hindi ko naman inisip na may gagawa ng kabalbalan dito dahil private naman ang lugar. Habang nasa loob ng cubicle, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Akala ko kung sino lang, pero narinig kong nag-uusap ang mga pumasok—dalawang lalaki, base sa mga boses nila. Kinabahan ako bigla. Anong ginagawa ng mga lalaki sa loob ng pambabaeng comfort room? "Sure ka ba na dito siya pumasok?" tanong ng isa, mababa at may halong kaba. "Oo, nakita ko siya. Maganda yung suot niya yung kulay itim tapos naka YSL heels, impossible na makalimutan mo," sagot naman ng isa, mas mataas ang boses at halatang sabik. Napatulala ako. Tangina, ako ba ang tinutukoy nila? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Luminga-linga ako sa maliit na espasyo ng cubicle, pilit iniisip kung paano ako makakalabas dito nang hindi nila napapansin. "Hanapin mo na. Siguraduhin mong hindi tayo mahahalata. Bantayan mo yung pinto," sabi nung mababang boses. Narinig ko ang tunog ng sapatos nilang umiikot sa tiles. Tahimik akong naglabas ng cellphone mula sa bulsa ng dress ko. Buti na lang at hindi ko ito iniwan sa clutch bag ko. Agad kong tinext si Azyl. Me: Nasa CR ako. May dalawang lalaki dito. Tulungan mo ako. Napakapit ako sa cellphone ko, pilit pinapakalma ang sarili. Narinig kong bumukas ang isa sa mga cubicle sa tabi ko. Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukang i-lock nang mas maayos ang pinto ng cubicle ko. Diyos ko naman, sana hindi nila makita na nandito ako. Nasa kalagitnaan ng pag-iisip ko kung lalaban ba ako o magtatago nang marinig kong bumukas ulit ang pinto. Sumunod ang pamilyar na boses—mababa at malamig. "Ano'ng ginagawa niyo dito?" Napahinto ang mga lalaki. "Zuhair? Anong ginagawa mo rito, bro?" tanong nung isa, halatang kinakabahan. "Ako dapat ang nagtatanong niyan. Wala kayong karapatang pumasok dito," sagot ni Zuhair, matigas at puno ng awtoridad. Narinig ko ang tunog ng mabigat na hakbang. Pucha, si Zuhair na naman? Ano ba ‘to, guardian angel na siya ngayon? "Tangina, di ka boss dito. Umalis ka na lang kung ayaw mong madamay," sabi nung isa, pilit nagpapakatapang. Narinig ko ang malakas na kalabog at ang ungol ng isa sa mga lalaki. "Sinabi ko nang lumabas kayo, hindi ba malinaw?" ani Zuhair, mas mababa na ang boses at mas nakakatakot. Tahimik akong huminga nang malalim sa loob ng cubicle, pilit nilalabanan ang kaba. Narinig ko ang mabilis na yabag ng mga lalaki palabas ng CR. "Labas, Alvarez. Ligtas ka na," malamig na sabi ni Zuhair mula sa labas ng cubicle. Napanganga ako sa inis. Tangina, paano niya nalaman na ako 'to? Nakalimutan kong natakot ako kanina at napalitan ng inis dahil sa kanya. Binuksan ko ang cubicle at bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Zuhair. Napatingala akong nakipagtitigan sa kanya. "Ano?!" Masungit kong tanong. "Ba't ka galit?" Inis nitong balik ng tanong sa akin. Tinulak ko siya paalis sa pintuan para makalabas ako. Pero sa halip na umalis, lalo pa siyang humarang sa daraanan ko, parang tinutukso ako. "Ba't parang ako pa ang masama dito?" usisa niya, nakataas ang kilay. "Ako na nga ang nagligtas, ako pa ngayon ang binabara?" "Una sa lahat, hindi ko naman hiniling na iligtas mo ako, Smith," sagot ko, pilit nilalampasan siya. "At pangalawa, kaya ko ang sarili ko." Tumawa siya, mababa at parang nanunukso. "Talaga? Kaya mo bang labanan ang dalawang lalaking mas malaki sa'yo?" Napahinto ako at humarap sa kanya. "Bakit, ikaw ba si Superman? Gusto mo bigyan kita ng cape?" "Ang kulit mo," aniya, mas seryoso na ang tono. "Ramdam ko kung paano ka kinabahan sa loob. Wag ka nang magpanggap na hindi mo ako kailangan." Napalunok ako. Ibang klaseng lalaki. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga salitang binitiwan niya o sa paraan ng pagtitig niya na parang hinuhubaran ako ng kaluluwa. Pero hindi ko hahayaang siya ang may huling salita. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Smith," malamig kong sagot. Tumalikod ako at tuluyang naglakad palabas ng CR. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo, hinila niya ako papasok ulit sa loob nang marinig ko ag tilian sa dance floor at hiyawan at mura mula sa kalalakihan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napahawak sa dibdib niya. Pinulupot niya ang isang braso sa bewang ko habang nilock ang pinto ng cr sabay harang nito gamit ang katawan. Tila pinigilan niyang bumukas ang pinto kung sinuman ang maglakas loob na sisira rito. "Anong nangyari sa labas?" Takang tanong ko. "Naalala mo yung kasama ko kanina?" Tanong nito, ang braso nito ay nasa bewang ko pa rin, hinaplos pataas-baba. Tumango ako at pilit di pinansin ang namumuong init sa aking katawan dahil sa ginawa niya. Napailing siya. "Ayun, sumabog ata dahil sa inis at selos. Mukhang nalaman na niya ata na may ex-boyfriend ang kaibigan mo at ang kaagaw niya pa sa racing." Kaibigan ko? Sino sa kanila? Azyl? Clythie? Dyosa? Eh, si Clythie lang naman ang may ex sa tatlong binanggit ko o baka may dumating na iba ko pang kaibigan. Hindi ko lang napansin dahil sa lalaking 'to. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, pilit inaalis ang braso niya sa bewang ko, pero lalo lang niyang hinigpitan ang kapit. Napatingin ako sa kanya nang may inis, pero parang wala siyang balak bitawan ako. "Simple lang," sagot niya habang may bahagyang ngiti sa labi. "Mukhang nagkagulo sa labas dahil sa ex ng kaibigan mo. At baka mas malala pa kung malaman niyang ikaw ang kasama ko ngayon." Napakunot ang noo ko. "Anong koneksyon ko diyan? At bakit parang kasalanan ko pa?" Tumawa siya, mababa at may bahid ng tukso. "Wala akong sinasabing kasalanan mo. Pero huwag ka munang lumabas. Hayaan mong magkalinawan sa labas." "At ikaw ang magde-decide para sa akin?" tinaasan ko siya ng kilay. "Baka nakakalimutan mo, Smith, wala kang karapatang magdikta sa'kin." Hindi siya sumagot agad. Sa halip, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin, sapat lang para maramdaman ko ang init ng hininga niya. "Wala nga. Pero anong gagawin mo kung ayaw kong bitawan ka ngayon?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Tangina, bakit ba parang mas mahirap siyang labanan ngayon? Pinilit kong ayusin ang boses ko, kahit alam kong nagugulo na ako. "Bitawan mo na ako," madiin kong sabi, pilit pinapakalma ang mabilis kong tibok ng puso. "Ayokong maging bahagi ng kahit anong gulo." Sa halip na sumunod, ngumiti lang siya nang bahagya at tumingin sa akin na parang may binabasa sa mga mata ko. "Kung ganun, hindi ba't mas safe ka dito kasama ko?" "Safe?" Muntik na akong matawa sa sinabi niya. "Sa'yo pa talaga?" "Oo naman." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Hindi mo pa ba alam? Ako ang pinakaligtas mong pwedeng lapitan... at ang pinakadelikado rin." Napailing ako, pilit na hinahabol ang normal na takbo ng isip ko. "Ano ba talaga ang gusto mo, Smith?" "Simple lang," aniya habang dahan-dahan niyang idinikit ang katawan niya sa akin. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya dahil sa uri ng kilos niya. "Siraulo ka ba? Bakit mo hinagod sa puson ko ang alaga mo?! Ano?! Para maramdaman ko ang katigasan mo? Pakialam ko dyan! Bitawan mo ako." Ngunit ang gago, tumawa lang ng malakas kahit sunod-sunod na katok ang narinig namin mula sa labas. Halos lahat ay babae. Nag-alala naman ako pero ang kasama ko walang pakialam sa kanila. "Demonyita pero inosente." Bulong nito pero di ko pinansin. "Bitawan mo ako, Smith!" madiin kong ulit, pilit na kumakawala sa yakap niya. Pero imbes na sumunod, mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin. Halos maramdaman ko na ang mabilis na tibok ng puso ko sa kaba at inis. Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin, ang ngiti niya'y parang may bahid ng pang-aasar. "Relax ka lang, bebelabs. Wala akong balak sayo. Gusto ko lang siguraduhin na safe ka dito." "Safe?!" halos mapasigaw ako. "May mga babae na sa labas, naghihintay na makapasok, at eto ka, parang gago na niyayakap ako ng parang sarili mong unan! Ano ba, Eros?!" "Ang init mo, ah." Hinaplos niya ang buhok ko na parang nanunuyo. "Ang cute mo kasi pag galit." "Putangina, hindi ako cute!" sabi ko habang pilit tinutulak ang dibdib niya. "At hindi rin ako natutuwa sa ginagawa mo!" Sa wakas, binitiwan niya ako pero hindi pa rin siya lumayo. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, ang mga mata niya'y puno ng kapilyuhan. "Okay, okay. Bibitaw na. Pero sabihin mo muna... na-miss mo ako." "Namiss?" halos matawa ako sa sobrang inis. "Ikaw? Tangina, Smith, kahit sa panaginip ayokong makita mukha mo!" Ngunit sa halip na ma-offend, ngumiti lang siya nang mas malapad, parang nagtatagumpay siya sa pang-aasar niya sa akin. "Ouch. Ang sakit naman niyan, mahal. Pero sige na, para hindi na ako bad guy sa paningin mo, papasukin natin sila. Pero, in one condition." Umawang ang labi ko. Walanghiya m! Humirit pa talaga. Anong one condition? "Siraulo ka ba? Anong one condition? Nakuha mo pa talaga mag-in one condition? Nagkakagulo na sa labas." "Edi don't." Napahilamos ako sa mukha dahil sa sobrang inis. Pisteng yawa! Ang sarap niyang ihulog sa tulay. Napasinghap ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. "Eros, seryoso ka ba? May oras ka pang magpatawa? Anong condition na naman 'yan?" Ngumiti siya, at may kung anong kislap sa mga mata niya na mas lalong ikinaiinit ng ulo ko. "Simple lang. Bigyan mo ako ng isang hmmm pag-iisipan ko pa pero dapat pumayag ka." "Ano?!" Napataas ang boses ko, halos mapangiwi sa sinabi niya. "Ano to, joke? Ayoko! Kahit pinag-iisipan mo pa yan, ayoko pa rin." Tumawa lang siya, pero seryoso ang tono ng boses niya nang magsalita ulit. "Kung ayaw mo, edi hindi ko bubuksan ang pinto. Sige, tayo na lang dito habang hinahayaan natin sila maghintay." Nanlaki ang mga mata ko, at halos hindi ako makapaniwala sa pagka-baliw niya. "Eros, pwedeng-pwede kitang saksakin ngayon kung gusto mo. Papasukin mo sila bago pa ako ma-stress lalo!" "Yun lang naman ang hinihingi ko," aniya habang hinilig ang likod sa pinto at tumingin sa akin na parang nanunukso. Pumikit ako, pilit na kinakalma ang sarili kahit gusto ko nang sabunutan ang buhok niya. "Fine! Okay! Payag ako sa one condition mo kung ano man yan. Buksan mo na 'yang pinto!" Ngumiti siya ng parang tagumpay na tagumpay, saka inabot ang lock ng pinto at binuksan ito. Agad na pumasok ang mga babaeng nasa labas, nagtilian at nagtakbuhan sa bawat cubicle. "Salamat, Eros," sarkastiko kong sabi bago ko siya tinignan ng masama. Pero sa halip na matakot o mahiya, tumawa lang siya at sumagot, "You're welcome, bebelabs." Umirap ako at lumabas ng CR. Tangina talaga. Anong pumasok sa utak ko at pumayag ako sa anong kondisyon ng siraulong 'to?Eros is true to his words. Para siyang halimaw kung makalapa sa akin sa kama. Well, isang taon din kaming tigang kaya bumabawi kami sa isa't-isa. Tulad niya, namiss ko rin siya. Being inside me, again. Ewan. Sa loob ng isang taon, parehong focus kami kay Aslan at sa isa't-isa minus s-x. Di naman kami nagmamadali para sa bagay na yan but now. Kakaiba pa rin talaga kapag may ganito. Mas lalong nakakahibang at nakakabaliw. Hindi nakakasawa. Kinabukasan, nagising akong mag-isa sa kama. Magulo ang kumot. Amoy pa ng katawan naming dalawa ang silid. Pero wala si Eros. Agad akong napabangon. “Eros?” sigaw ko habang nagmamadaling isuot ang robe. Pinuntahan ko ang nursery, ang kusina, ang buong bahay—pero wala. Hinawakan ko ang cellphone ko. Out of coverage area. Nanginginig ang kamay kong hinanap ang phone niya sa office. At doon ko ito nakita—kasama ng sulat, na parang sinulat ng nagmamadali pero sinigurong mababasa ko. "I'll be back, Alvarez. Don't worry about me. I love you—both o
Sumapit ang gabi, ang iba lalo na ang mga magulang ni Eros ay bumalik na agad sa hotel. Ang natirang mga bisita ay iilang kaibigan ni Eros—namin. "Mr. and Mrs. Smith." Mabilis akong napatingin kay Azyl. "Iba ang trip ni Athena, hindi taguan ng anak kundi taguan ng pamilya." dugtong nito at uminom ng alak. "Parehas na kayong may anak pero me? Still single. I mean, it's unfair you know. I'm older than you pero you already found your the right one." Pagsisimula ng drama nito. Inayos ko ang bote ng wine nasa harap namin. Pagkatapos, hinanap si Eros, nasa grupo niya ulit ito habang karga si Aslan na gising na gising pa rin. Gustong kumarga sa anak namin ang mga kaibigan niya pero sorry na lang sa kanila. Mas protective si Eros at madamot kay Aslan. "Akala ko alam mo. Trio kayo ni Zebe diba?" Kunot noo kong tanong kay Azyl habang nilalagyan ng wine ang baso niya. "Yes! We are trio but have a secrets. I never expected na ito yung secret ni Athena." Bumuntong-hininga siya, sabay
Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng simbahan. Napaangat ang tingin ko—at agad kong nakita ang pamilyar na anyo ng isang matandang lalaki sa puting barong. Sunod-sunod na pumasok ang ilang babae at lalaki, pormal ang mga suot, pero kapansin-pansin ang tensyon sa kanilang mga kilos. Hindi sila basta bisita—pamilya ni Eros. Nagpatuloy ang mesa habang nagsitungo ang pamilya ni Eros sa bakanteng upuan. Napansin ko na tila may hinahanap ang paningin nila. Dumako ito sa pwesto namin at nang magtagpo ang paningin namin ni Tita Cassy ay agad akong napaiwas ng tingin. Napakagat ako ng labi habang nakatitig sa altar at pari. Kinabahan ako. Nahihiya. Alam kong naintindahan nila ang sitwasyon ko noon pero di yun okay sa akin. Hindi maganda ang ginawa ko sa kanila. Nadala ako sa galit—sa lahat. May karapatan ako diba? Pero bakit mabigat pa rin kapag nagkita kami? Siguro, nahihiya ako sa ginawa ko. Huminga ako ng malalim. Di ko na dapat inaalala yun. Sabi nga ni Eros, magsisimula ulit ka
Today is our Aslan's Big Day! Isang taon na ang anak namin at mabibinyagan na rin. Parang kailan lang, nanginginig pa ako sa delivery bed habang si Eros ay mahimatay. Ngayon? Heto kami—kompleto, masaya, at sabik sa bagong yugto ng buhay pamilya. Maagang nagising si Eros. Siya pa ang unang nagbitbit ng mga giveaways at nag-ayos ng photobooth. Ako naman, busy sa pag-aasikaso ng mga damit, gatas, at extra diapers ni Aslan. Maaga ang mesa sa bayan lalo na’t Linggo ngayon—ang misa para sa binyag ay nakatakda ng alas-diyes ng umaga. Everything was fine simula kagabi. Mula sa catering, handa, at clown party para sa mga anak ng bisita namin. May nag-aayos na rin ng dessert table at mini-play area sa garden. Ang saya, ang colorful, pero hindi overwhelming. Gusto naming intimate pa rin kahit may kasamang kislap. About sa ninangs and ninongs, hati ang gusto namin ni Eros. Gusto ko sana kaunti lang para mas personal, pero gusto rin ni Eros ng madami lalo na’t marami siyang kaibigan—business p
"Ahm, Melpomene?" Mabilis akong napalingon kay Eros. Seryoso ang boses, at nakakunot ang noo. Tinawag din niya akong Melpomene. Seryoso nga siya. Mabilis malaman kapag nagseseryoso si Eros. Kukunot ang noo, tapos kakamot sa batok—parang ngayon. Napansin kong medyo hindi siya mapakali. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama, habang ako’y nakaupo, inaayos ang mga gamit ni Aslan para sa photoshoot mamaya. Tahimik si baby, nakahiga sa crib at nakanganga habang mahimbing ang tulog. “Bakit?” Taka kong tanong, pinipigilang kabahan. Nagkibit-balikat siya saglit, tapos—yun nga, nagkamot sa batok. “Hmmm… My family wants to attend Aslan’s birthday and baptism.” Biglang kumislot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matataranta. The Smiths? Yung buong Smith clan? Hindi ko agad nakasagot. Nanuyo ang lalamunan ko habang tinitigan ko si Eros. Alam kong hindi rin siya kampante sa balitang ‘to. Pero malinaw ang intensyon niya—ayaw niya akong gulatin, kaya sinasabi niya ngayon
"Isasabay na lang natin sa birthday ang binyag niya. Para isang gastos lang," sabi ko habang maingat kong isinusuot ang bagong diaper kay Aslan.Tahimik lang si Eros sa tabi ko, nakaupo sa gilid ng kama, pinapanood ang bawat kilos ko na para bang bumibilib siya sa simpleng ginagawa ko. Alam kong gusto niya itong gawin pero nakakabanas dahil parang nakalimutan niya atang ina pa rin ako ni Aslan. Pambihira!"Hoy, nakikinig ka ba, Smith?" medyo inis kong tanong, dahil wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya.Nagkatinginan kami. Nataranta pa siya ng kaunti bago sumagot."Huh? Ah, oo naman. Ayos lang kahit hindi natin isabay. May pera naman ako, Narns. Pero kung 'yan ang gusto mo, edi okay. Para isang big celebration na lang kay Aslan," sabi niya, ngumiti pa ng nakakaloko habang pinisil ang dulo ng ilong ko.Natawa ako ng mahina, pero agad kong binalingan ulit si Aslan.Napatingin ako sa maliit naming anak—ang buhay na patunay ng pagmamahalan namin.Namin.Hanggang ngayon, may m
Pagkatapos naming makalabas ng ospital, dumiretso kami sa mansyon ni Eros — sa wakas, sa bahay na para sa amin. At doon nagsimula ang bagong kabanata ng buhay ko: bed rest, breastfeeding, sleepless nights, at pagdilat sa madaling araw dahil umiiyak si Aslan, naghahanap ng gatas o yakap. Pagod ako, bugbog ang katawan, pero punô ng pagmamahal ang puso ko. At si Eros... Wala akong ibang maihiling pa. Hands-on siya sa lahat — sa pag-asikaso kay Aslan, sa pag-alalay sa akin, sa bawat maliit na bagay na akala ko ay kakayanin ko mag-isa. Bawat pag-iyak ni Aslan sa dis-oras ng gabi, si Eros ang unang bumabangon. Siya ang nagpapalit ng diaper, nagpapakalma, nagpapasyal sa hallway habang ako naman ay pinipilit ipikit ang mga mata kahit ilang minuto lang. Hinahanda niya ang hot compress ko kapag sumasakit ang likod ko, minamasahe ang binti ko kapag namamanhid na. Siya ang gumagawa ng mga bagay na hindi ko kailanman inakalang hihilingin ko sa isang lalaki. Ayaw niyang mabinat ako. Tila ba
Magulo ang buhok, para siyang sinapian ng tatlong kaluluwa dahil sa panic. Yung polo niya, hindi pantay ang pagkakabutones. Yung sapatos niya, isa nakatali, isa hindi. Parang nakalimutan niyang tao siya. Halos mapigtas ang leeg niya kakalinga ng tingin, desperado niyang hinahanap ako sa gitna ng puting kwarto. Nang magtagpo ang mga mata namin, parang may humila sa kanya — agad siyang lumapit sa akin, halos hindi na niya pinansin ang mga nurse na nagpipilit siyang suotan ng protective gown. "Baby..." bulong niya, nanginginig ang boses. Nanginginig ang kamay. Napakapit siya sa kamay ko, pinaghalo ang kaba at pagmamahal sa mga mata niya. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Putlang-putla ang gago at halatang blanko ang isip. Parang anytime pwede na siyang mawalan ng malay. Tangina, sino ba talaga ang nanganganak dito? Hindi nakakapag-isip ng tama ang lalaking 'to sa kapag ganito ang kalagayan ko. "Ayos lang ako," bulong ko, pilit na pinapakalma siya kahit ako halos mabaliw na sa s
Paglabas namin ng pinto, agad kong nakita ang nakahandang sasakyan — may driver, oo, pero hindi ko siya kilala. At hindi lang 'yon ang ikinagulat ko. May isang batang lalaki na nakatayo sa tabi ng kotse, mga pito o walong taon siguro ang edad. Maputi, kulay asul ang mga mata, seryoso ang mukha — at sa isang iglap, para akong nakakita ng batang Eros. Sino 'to? Nagkaanak ulit si Tita Cassy?! May hindi ba sila sinasabi sa akin?! "The bag is ready in the car, Mom," anito, seryosong-seryoso ang tono, para bang sanay na sanay sa emergency. Mom?? Napanganga ako. Nagkakamali ba ako ng dinig? Bago pa ako makapag-react, isang mas matinding contraction ang umatake sa akin, halos mawalan ako ng ulirat sa sakit. Napasinghap ako nang malalim at napakapit kay Athena. "Focus, Narnia. Dahan-dahan lang," bulong niya habang mahinahong inalalayan akong sumakay sa backseat ng sasakyan. Siya naman, parang isang sundalong sanay na sa gera, agad na tumabi sa akin at sinigurong nakaupo ako nang maayos.