"Inday, dumidiretso siya dito!" sabing excited ni Azyl, na halatang nag-e-enjoy sa sitwasyon.
"Tumahimik ka," sagot ko, pilit na inayos ang postura ko. Pero sa totoo lang, gusto ko nang maglaho sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero habang papalapit siya, parang mas lalong bumigat ang paligid. Nangingibabaw ang presensya niya, at kahit anong pilit kong huwag magpaapekto, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. "Chronicles of Narnia," bati niya nang nakangiti habang tumayo sa harapan ko. Ang boses niya—mababa, malalim, at puno ng kumpiyansa—parang tumagos sa kaluluwa ko. Narinig kong napatawa sa tabi ko si Azyl sa patawag sa akin ng siraulo. Di ko pinansin at baka mabatukan ko pa. "Zuhair," sagot ko nang malamig, pilit pinapanatili ang poker face ko. "Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti siya ulit, mas malapad. "Bakit, bawal na ba akong mag-enjoy ng gabi ko?" Di ako nagsalita. Nagtitigan lang kami kahit tumikhim si Azyl sa tabi ko ay hindi naputol. "Err...grabeng lagkit yan. Iwan ko na kayo. Babye. Titig well." Sabi nito at naglaho sa tabi ko. Kinunutan ko ng noo ang siraulong nasa harapan ko ngayon—si Zuhair, na mas makapal pa ang mukha kaysa kay Azyl. Diretsong umupo siya sa table ko na parang siya ang nagbayad ng upa rito. "Hindi ka naman invited dito," malamig kong sambit habang iniwas ang tingin ko, sinimsim ang natitirang alak sa baso ko. "Ganun ba? Akala ko kasi lahat ng lugar, pwede kong pasukin. Especially kung nandoon ka." Ang ngiting iyon—arrogante at may halong kaswal na pang-aasar. Nag-init ang tenga ko. "Zuhair, seriously? Ano bang problema mo? Wala ka bang ibang pwede pagkaabalahan?" "Ikaw ang problema ko," sagot niya agad, seryosong tumitig sa akin, na para bang sinadya niyang guluhin ang buong gabi ko. Napabuntong-hininga ako, pilit kinakalma ang sarili. "Well, sorry to burst your bubble, pero hindi kita problema. Kaya pwede bang tumayo ka na at umalis dito?" Hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakatingin sa akin, malalim at tila sinusuri ang bawat galaw ko. "Narnia, bakit ba ang hirap mong kausapin? Alam mo namang hindi kita kayang iwasan." Natigilan ako. Ang tono ng boses niya—hindi ko maipaliwanag kung seryoso o nilalaro lang ako. Pero sa halip na magpadala, itinulak ko na lang ang baso ko palayo at tumingin nang diretso sa mga mata niya. "Zuhair, kung may kailangan ka, sabihin mo na. Otherwise, wala akong panahon para sa drama mo," madiin kong sabi. Ngumiti siya muli, pero ngayon, parang may halong lungkot. "Wala naman akong kailangan, Narnia. Gusto lang kitang makita." Parang biglang tumigil ang paligid sa sinabi niya. Gusto kitang makita. Ang simple, pero may bigat. Pilit kong kinakalma ang puso kong biglang kumabog. Tangina naman, Narnia. Wag kang papaapekto. "Well, nakita mo na ako. So, mission accomplished. Pwede ka nang umalis," sagot ko nang malamig, pilit na itinatago ang bumabagabag sa akin. Ngunit sa halip na sumunod, umayos lang siya ng upo at ngumiti ulit. "Hindi pa. May gusto pa akong malaman." Sh*t. Ano na naman 'to? Bago pa siya magsalita ng kung ano-ano ay inunahan ko na. "So, anong pangalan mo? Complete name mo, I mean." Tanong ko sa kanya at sumandal sa silya. Tila na offend naman siya sa tanong ko at nakalimutan ang gusto nitong malaman tungkol sa'kin. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Bakit? Anong akala niya sa akin kilala ko siya? Hindi lahat ng babae ay kilala siya, kasali na ako run. "Di mo ako kilala?" Di makapaniwalang tanong nito, turo ang sarili. Umirap ako at hindi interesadong tumango. Mapakla siyang tumawa makita ang tango ko. Hinila niya pa ang necktie na parang sikip na sikip siya rito. "Putcha! Nak ng..." Rinig ko pa kahit maingay ang paligid. Sumulyap ako sa kanya at tumingin sa dance floor. Sumayaw sa dance floor si Azyl partner nito si Clythie na kahit kunting kimbot lang ng katawan ay nakakaulol na para sa mga lalaki. Parehas na hindi pa masyadong lasing habang sinasabayan ang kanta. Untouched, XO Young lust, let's- (ah) When we drive in your car, I'm your baby (so sweet) Losing all my innocence in the back seat Say you love, say you love, say you love me (love me) Losing all my innocence in the back seat Nawala sa tingin ko ang dalawa nang may humarang dito na isang kamay. Binaling ko ang lalaki. Nakakunot ang noo nito. "Sa akin ang atensiyon mo. Ako kausap mo hindi sila. So, sagutin mo tanong ko. Totoo? Hindi mo ako kilala?" Nakakunot nitong tanong, halatang badtrp at hindi matanggap na hindi ko siya kilala. Binaba ko ang baso sa mesa at pinagkrus ang mga braso sa dibdib dahilan para mapatingin siya run na kinataas ng sulok ng kanyang labi. Masama ko siyang tinitigan. Muli itong tumitig sa mga mata ko. "What? Pinuri ko lang naman sa utak ko ang dalawa na magiging babies ko in the future." Walanghiya nitong sabi. Sinubukan ko siyang sipain sa hita pero nakailag ang bwiset. Tumawa lang ito at umayos ng upo habang sumandal sa lamesa. "Balik tayo sa tanong ko...Pero di nga?" Pangungulit nito. "Paulit-ulit? Sira ba utak mo?" Masungit kong tanong. Ngumuso siya. Sheyt! Di bagay. Ano siya babae? "Di ko lang matanggap. Sige na nga," anito at inilahad ang kamay. Nakita ko na 'to. "I'm Zuhair. Zuhair Eros Smith, nice meeting you again." sagot niya sa wakas, may halong yabang sa tono. "Ngayon, siguro naman kilala mo na ako." Napakunot ang noo ko. "Smith? As in, kapatid ka ni Zebe?" Ngumiti siya, tila natutuwa na kahit papaano ay may koneksyon kami. "Exactly. Ikatlo ako sa quadruplets, at ako ang pinaka-pogi. Di mo man lang napansin?" Napairap ako nang todo. "Ewan ko sa'yo." Tumingin ako ulit sa dance floor. Tumahimik siya, nagmamasid sa akin. Bigla siyang ngumiti, pero seryoso ang mga mata. "Alam mo, Narnia, you’re... different." Nagtaas ako ng kilay. "Different? Saang banda?" "Sa lahat," sagot niya, halos bulong. Napabuntong-hininga ako, ayaw magpaapekto sa sinasabi niya. "Kung tapos ka na, pwede ka nang umalis." Hindi siya tumayo. Bagkus, dumukwang siya palapit sa akin. "Hindi pa ako tapos." Napatitig ako sa kanya, pilit iniintindi kung anong laro ang nilalaro niya. Pero sa halip na magpaliwanag, ngumiti lang siya at nagtanong, "Bakit di mo gustong kilalanin ako?" "Simple lang," sagot ko, diretso ang tingin sa kanya. "Hindi ako interesado sayo." At doon, sa unang pagkakataon, tila napatigil siya. Ngunit kalaunan ay napatawa. Siraulo nga siya. Umiwas ako ng tingin at pilit binalewala ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakatanaw lang ako kay Clythie na ngayon ay may hawak ng wine. Nakangiti ito—ngiting nakakaakit. Normal na ito for her dahil ganun naman talaga siya ngumiti pero para sa iba na hind siya kilala, iba ang iisipin nila. Iisipin nilang inakit niya ang mga ito. "Chronicles of Narnia..." May bantang tawag sa akin ni Zuhair. Mabilis akong napatingin ulit sa kanya na nakasimangot na naman. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa akin nga ang atensiyon. Ilang ulit ko ba yan sasabihin sayo? Ako kausap mo. Ako kaharap mo ngayon." May halong inis nitong sabi habang dumukwang palapit, halos magkalapit na ang mukha namin. Halata sa boses niya ang pagka-irita, pero sa likod nito ay parang may halong lambing na hindi ko maintindihan. Napaatras ako ng bahagya, pilit pinapanatili ang espasyo namin. "Relax, Zuhair. Hindi mo ako pwedeng diktahan kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Hindi kita kaano-ano," sagot ko, malamig pa rin. Ngumiti siya, pero halata ang pangingibabaw ng inis sa mga mata niya. "Tama ka, hindi mo ako kaano-ano. Pero ngayong gabi, gusto kong sa akin lang ang atensyon mo." Napalunok ako. Ano ba itong pinasok ko? Ang unang akala ko’y simpleng birthday party lang inaattend namin ni Azyl tapos mag acting girlfriend niya ako, biglang nag-iba ang eksena. "Kung ako sayo, wag mo akong pansinin. Aalis na lang ako at iwan dito," sagot ko nang walang pakundangan. Tumayo ako, kinuha ang clutch bag ko, at tumalikod sa kanya. "Hindi ka aalis," mariin niyang sabi, kasabay ng paghawak sa braso ko. Napahinto ako, pero hindi ko siya tinignan. "At bakit? May karapatan ka ba para pigilan ako?" tanong ko, pilit pinapanatili ang lakas ng boses ko kahit parang may bigat ang hawak niya sa akin. "Hindi ko sinabing may karapatan ako," sagot niya, ang boses niya ay mas mababa na ngayon. "Pero please, huwag kang umalis." Nagulat ako sa tono niya—seryoso, halos nagmamakaawa. Lumuwag ang hawak niya, pero hindi niya tuluyang binitiwan ang braso ko. Napalingon ako sa kanya, at sa unang pagkakataon, may nakita akong bahagyang lungkot sa mga mata niya. "Give me this night," mahinang sabi niya. "Just this night." Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya o bakit bigla siyang naging ganito. Pero sa loob-loob ko, alam kong may bumabagabag sa kanya. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi ko magawang umalis. "Fine," sagot ko nang malamig, at naupo ulit sa upuan ko. "Pero tandaan mo, Zuhair, hindi ako madaling kalabanin." "Eros...call me Eros," Umirap ako at tumango. Ngumiti siya, tila nabunutan ng tinik. "Good. Dahil hindi rin ako sumusuko." Siraulo na nga, matigas pa ang bungo.Narnia Melpomene Alvarez — SmithMalawak ang ngiti ko nang mabasa ko ulit ang invitation card mula kay pareng Thanatos at Athena.Putangina. Nakakilig pa rin kahit tatlong buwan na ang lumipas mula nang kinasal kami. Dinaan ko na talaga sa santong paspasan. Hirap na, baka hindi na ako tanggapin ni Alvarez—ay mali pala... Mrs. Smith na siya.Oo. Mrs. Smith.Ang nag-iisang asawa, iniirog, kabiyak, misis, bebelabs ko. Naks! Kinikilig na naman ako."Siraulo! Ba’t nakangiti ka diyan?! Akala mo hindi mo ako pinaiyak no’n!" sabay batok ng asawa ko.Yan na naman tayo. Paulit-ulit.Kasalanan ko ba kung naniwala siya sa prank ni Athena? Iba rin mag-manipula ‘yung babaeng 'yun, para bang scriptwriter sa teleserye. Anong akala niya, mamamatay talaga ako sa kamay ng mga gago? Eh sa akin nga natakot 'yung mga ‘yon.“Lah, hindi ah! Smith ka na talaga, Bebelabs. Tignan mo 'to..."Ipinakita ko sa kanya ang invitation card.Kumunot ang noo niya, tapos sumilip sa hawak ko.Binasa niya 'yung nakasulat. P
“She knows about your secret?” tanong ni Cain, malamig ang tono. “Paulit-ulit ba, Cain?” iritado kong sagot habang pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit, gusto niya bang paulit-ulit kong alalahanin kung paano ako sinuklaman ng babaeng mahal ko? “Oh, another devil falling down,” sabat pa ni Aamon, sabay ngisi na parang demonyo talaga. Sarap niyang sipain palabas sa penthouse ni Mikaelson. Walang ambag, puro angas. Mga gago talaga. Para kaming koleksyon ng mga sirang manika—isa-isa nang nagkakalas. Kami ni Mikaelson, kami lang pala ang tunay na tinamaan ng unos. Ang iba? Parang nanonood lang ng pelikula—peste. Ako? Tinatanggap ko ang galit ni Alvarez. Hindi ko na siya masisisi. Alam na niya ang lahat. At tangina—mas masakit pa sa lahat, buntis siya. Buntis siya ng anak ko habang sinasaksak ko siya sa likod ng mga lihim. At ngayon, galit na galit siya sa akin. At ako? Gago pa rin. Imbes na lambingin, sinabayan ko pa ng init ang galit niya. Wala na. Wala na yat
Galit siya. Oo. Galit na galit. At ang gago ko. Napahilamos ako sa mukha habang binibingi ako ng sarili kong inis. Napalingon ako kay Mikaelson at binigyan siya ng matalim na titig—tanginang damay ako Kung siraulo ako, gago naman siya. Wala na. Galit na sa akin si Alvarez, at kasalanan ito ni Mikaelson. Siya 'tong nagpabaya. Siya 'tong hindi naging alerto. Bakit niya hinayaang makidnap ang dalawa? Asan ang utak niya? Asan ang proteksyon? Ang responsibilidad? Mabigat akong bumuntong hininga. May problema kami ni Bebelabs dapat sa kanya ako nakafocus hindi sa iba. Oo. Ganyan nga dapat, Zuhair. May sarili tayong problema. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan ko siyang ipaliwanag. Kailangan ko siyang hawakan. Pero paano? Putangina. Ramdam na ramdam ko ang iwas niya. Hindi nagpapakita. Hindi sumasagot. Ilang araw na. At nung muli kaming nagkita—lioness na lioness ang dating. Galit. Matatalim ang mga mata. Hindi ako pinansin. Mas lalong kinain ng guilt at frustration ang di
"Mga pre... ayoko pang mamatay."Tahimik. Saglit lang, pero ramdam ko ang bigat ng katahimikan.Hanggang sa nagsalita rin sila, halos sabay."Finally, Zuhair."Napailing si Hades. ”We thought life meant nothing to you anymore.""You're not bored with the world now?”Umiling ako, mabigat ang dibdib. "Bored pa rin. Pero hindi ang mundo ang tinutukoy ko."“Then what are you talking about?""It’s who, Hades.”Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko'y ngayon lang ako naging totoo—hindi bilang Bratva, hindi bilang Don, hindi bilang anak ng Mafia.Bilang Zuhair Eros Smith.Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama siya. Ng matagal. Gusto ko siyang makita araw-araw, hawakan ang kamay niya, marinig ang boses niya bago ako matulog. Gusto kong makita ang anak namin lumaki."She's pregnant." Buntis siya.Nagkatinginan sila, gulat.Ako? Napatango lang. Paano ko nalaman?Napangisi ako, mapait.Obsessed ako sa kanya. Hininga pa lang niya, alam ko kung kailan may mali. Kilos pa kaya niya? Laman a
Asaran. Galit-galitan. Nagpipikonan.Enemies kung baga sa isa’t-isa, pero lovey-dovey sa kama.Putangina talaga.Binabaliw ako lalo ng babaeng 'to.Gago ako. Oo.Challenging siya—yan ang alam ko.Pero ‘di ko akalaing mahuhulog ako sa kanya.Mas malalim pa sa impyernong pinanggalingan ko.The Pakhan summoned me.Gabi ‘yon. Malamig. Tahimik. Pero alam ko, may paparating na unos."Narnia Melpomene R. Alvarez. Familiar, Bratva Smith?"Putangina!Ramdam kong sumikip ang dibdib ko.‘Wag siya… kahit sino, ‘wag lang siya.Pero tuloy ang Pakhan, malamig ang tono."She’s the daughter of the consiglierie of the Italian-American Mafia. One of the old allies of the former American Mafia.""She's planning something. She's moving quietly. I want you to ruin her, Smith. Destroy her plans. Break her."Napatigil ako.Sa loob-loob ko, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila—na ang babaeng gusto nilang wasakin......ay ang babaeng mahal ko.Pero hindi pwede ang feelings sa mundong ‘to.Walang
"Blood in, blood out." "You need to get the American Mafia, Zuhair. That's the only way to join the Bratva." Malamig ang boses ni Pakhan—parang bakal na binalot sa pelus. Kalma, pero walang kahit katiting na lambing. ‘Yung tono niya? Hindi lang basta utos. Isa siyang hamon, isang hatol, at isang sentensya ng kamatayan sa iisang linya. Napakuyom ako sa ilalim ng lamesang gawa sa pulidong kahoy. Amoy ng sigarilyo’t usok ang umikot sa silid habang nakatitig sa akin ang mga counselor—tahimik na mga hukom, mabigat ang mga mata, parang baril na nakatutok. “Buong Mafia?” tanong ko, may halong tawa sa loob ko pero walang lumabas sa bibig ko. “Gusto mo akong pabagsakin sila… mag-isa?” Pakhan leaned forward, tapping the ash off his cigar, eyes narrowed. “Isa kang Smith. Huwag kang umakto na parang sibilyan. May kapangyarihan ang dugo mo, pero kailangang patunayan mo. Walang upuan sa Bratva ang libre. Kailangang palitan ng tamang dugo.” Ang American Mafia. Isang gubat ng katiwalian,