Home / Romance / Zillionaire’s Bride in Revenge / Chapter 1: This Wedding Dress Sucks!

Share

Zillionaire’s Bride in Revenge
Zillionaire’s Bride in Revenge
Author: Winter Red

Chapter 1: This Wedding Dress Sucks!

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-09-05 16:43:13

“Slay queen, you’re so gorgeous! This gown is so ethereal, parang kang bumaba mula sa Mt. Olympus. Bagay na bagay sa’yo, besh!”

Pumalakpak ang stylist na kinataas ng kilay ni Hazel.

“Tsk!” naiinis siyang pumalatak, saka tiningnan ang sarili sa full-length mirror ng boutique. Nagtagis ang kanyang panga ng makita ang balinkinitang katawan na suot ang traje de boda. Para sa kanya ay mas kamukha niya si Cinderella na nawalan ng glass slipper matapos layasan ang prince charming niya.

She hates fluffy things like this fvcking fluffy skirt, but somehow she’s happy to wear this wedding dress. Magkahalo ang emosyon niya, matutuwa ba s’ya o maging malungkot sa kahinatnan ng arrange marriage na ito.

Kahit wala siyang make up ay maganda at nakakaakit pa rin siya. Kaya kinikilig at walang hanggan ang pagpupuri sa kanya ng binabae niyang stylist, ito rin ang may-ari ng ng luxury boutique kung saan siya ngayon.

“Wait lang… ‘di ba sumama si Sir Dominic? Ugh, tragic. He won’t even see the ethereal queen goddess fantasy you’re serving today. Like, hello?? His loss, besh!”

“Enough with that ‘besh’ thingy,” pambabara niya pero hindi niya mapigilang tumawa. “Busy sa trabaho ang isang iyon kaya ‘wag mo na siyang isipin.”

Tumahimik ito, saktong nag-vibrate ang phone niya na pinatong sa side table. Mabilis niyang dinampot at nanliit ang mga mata ng makita ang pangalan ng bestfriend niyang si Charlotte. “Ano’ng problema Romano?”

“H’wag mo nga akong tawagin sa last name ko. Parang mga army naman tayo!” sikmat nito. “Napatawag ako dahil gusto kong sabihin sa’yo na nakita ko si Ameliá at Dominic na magkasama.”

Tumigas ang mukha niya saka unti-unting napalis ang ngiti sa kanyang labi matapos marinig ang bad news mula sa bunganga ng kanyang bestie.

Naging malamig ang mga mata niya.

Fiancée niya si Dominic Juarez, at sa susunod na linggo ay magpapakasal na sila. As for Ameliá Monteverde, marinig pa lamang niya ang pangalan na ‘yon ay nangagalaiti na sa asar ang kanyang sistema. Binalik niya ang atensyon sa kanyang stylist, saka tumango para sabihin na umalis ang mga ito. Mabilis na tumalima ang lahat at naglaho sa kanyang paningin.

Sinipat niya ang bagong manicure niyang kuku sabay salita ng kaswal: “Saan mo sila nakita?”

“Sa hospital, doon sa obstetrics at gynecology department. Hmm, nangangamoy buntis,” sagot nito.

Ngumisi siya sabay angat ng isang kilay. “Espesyal ata ang lugar na ‘yon. Nangangamoy pagtataksil, beshy.”

Ano ba kasi ang madalas na mangyayari tuwing lumilitaw na magkasama ang babae at lalaki sa ganoong lugar?

“Look, isang bruhang social climber, gold digger at amoy lupa ‘yang si Ameliá, at isang bastardo naman si Dominic. H’wag ka talagang magkamiling magpakasal sa h*******k na ‘yan!” gigil nitong babala.

Inunahan ulit siyang magalit. Napabuntong hininga siya sabay dampot ng water goblet at uminom ng tubig. “Malinaw pa sa krystal kong kilala ang bruhang iyon, kaya ‘wag mo akong pangunahan magalit. Magkaka-bad image na naman ako tuwing lilitaw ang haluparot na ‘yan, tsk!”

Naalaala niya ‘yong panahon na nagsusumamo ito, halos lulubog sa lupa habang nakaluhod—dalawang taon na’ng nakalilipas. Aba, bumalik ngayon para agawin si Dominic sa kanya. Sadya ba siyang mabait noong mga panahong iyon? Nasobrahan ba ang pagpapakitang tao niya bilang mabuting tao? Sana pala, tinodas na niya eh!

“Talagang sinadya niyang bumalik ngayon na magpapakasal na kayo ni Dominic. Hatalang may masama siyang intensyon, tsk!”

“Patayin mo muna ang tawag.”

“Huh, ano ba’ng gagawin mo?”

“Magpapakutkot na naman ng ginintuang bruha, kaya pupuntahan ko muna sila para tuluyan ng tanggalan ng ulo!” Siya na mismo ang pumatay ng tawag.

Habol ang hininga niyang humarap ulit sa salamin, dumilim ang mga mata, sandaling pinasadahan ng kamay ang bodice at sa isang iglap ay pinunit niya ang traje, tinapon sa sahig at inapakan. Nanlaki sa takot ang mga mata ng ilang empleyado sa nasaksihan, pero wala ni isa ang sumaway nang makita ang mala-demonyo niyang mukha.

Mayamaya’y nasa cellphone ulit ang mga mata niya, nakabihis na siya ng normal niyang damit at kasalukuyang naglalakad palabas. Ngumuso siya nang makita ang pangalan ng kanyang nobyo sa screen bago niya sinagot.

“Come to my office if you’re done. I need you, ASAP!” Umugong ang baritono at matigas nitong boses sa kabilang linya.

Dalawang taon na pala ang lumipas, naalala niya ang pagiging mapagmalasakit, maalalahan, at mapagmahal ng lalaking ito, pero noon iyon dahil nagbago na ito ngayon. Aba, malamang sa malamang ay dahil sa pagbabalik ni Golden goose.

Nasa mata niya ang pagiging sarkastiko. Ni hindi siya nagsayang ng oras para tumugon at pasimpleng pinatay ang tawag nito.

Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan ni Hazel ang sarili na may mabigat na yapak habang maingay na pumapagting ang takong ng kanyang stilleto sa marmol na sahig ng opisina ng kanyang nobyo, nakataas noo siyang binabagtas ang pasilyo, at pasimpleng pinihit pabukas ang mabigat at yari sa mahogany na pintuan ng opisina nito. Naningkit ang mga mata niya nang masilayan ang matangkad at matipunong lalaki na nakatayo sa gilid ng glass wall. Binubuhusan ito ng nakakasilaw na liwanag ng araw, kaya nagmumukhang elegante at maginoo.

Napamura siya sa kanyang isipan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 5: She’s Important to them

    Huminto sa pagnguya si Hazel, kinuha ang tissue at niluwa doon ang bubble gum. “Mas pinaniwalan niyo siya kesa sa akin maski na sabihin niyang kinamumuhian niya ako. Kung mas mahalaga siya sa inyo, bakit nagsayang pa kayo ng effort para mahanap ako? Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko kaya iba-block ko na kayo!” “Hazel Xaviera! Pwede ba rumispeto ka naman? Tigilan mong magalit tuwing pinag-uusapan ulit natin ito!” Nasa tono na ang galit. Pabalik-balik na parang sirang plaka ang topic na ito at napupuno na siya sa iritasyon. “Pinalalampas kita dati, pero iba na ngayon. May malubhang karamdaman si Amelia. Maniwala ka!” “Ano ba’ng kinalaman doon sa pagpo-postpone ng kasal namin ni Dominic sa sakit niya?! Tapos mandatory ba talaga na palagi nasa tabi nito ang fiancée ko?” singhal niya. Kahit na wala siyang paki sa kanyang nobyo ay di niya maitago ang matinding galit. Kaso di niya magawa maging sarkastiko sa magandang asal ng mga taong umiikot sa kanya. “Natural na ganoon ang turin

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 4: You can’t stop me

    “Stop it, you bitch!” umuusok na sigaw ni Dominic nang sinugod ang nobya. Hindi niya kayang makitang sinasaktan ang minamahal niya.Kumikirot ang dibdib ni Amelia, halos mawalan siya ng hininga habang winawasiwas ang kamay.Hinatak ni Dominic si Hazel at malakas na tinulak dahilan para mabitawan nito si Amelia.Sumisikip ang dibidb niya nang makitang basang-basa ito at habol ang hininga. “O-Okay ka lang ba, Amelia?”Umubo ito at niyakap ang sarili. “O-Okay… huhuhu!” Umiyak ito imbes magsalita saka masyadong masakit ang katawan nito.Binato niya ang nakakalasong titig sa fiancée.Madilim ang mukha ni Hazel na humakbang palapit sa babae at walang pagdadalawang isip na inapakan ang paa nito. Nilakasan niya at sinuguradong madurog iyon.Humiyaw ito ng malakas.“Hazel!” Dumagundong ang galit na boses ni Dominic at tinulak muli ang nobya.Humugot ng malalim siya na hininga at hinampas ang maliit na bag pero mabigat sa nobyo at nasapol ito sa ulo. Napamulagat ito at naninggas sa galit. Hin

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 3: Maybe, His Right

    Tama nga si Dominic. Hindi solusyon ang pakikipagiwalay ni Hazel rito para makaalis sa masasahol niyang pamilya, dahil wala naman talaga siyang puwang sa mga ito.Nilapitan siya ng kanyang nobyo at mahigpit na pinulupot ang daliri sa kanyang palapulsuhan. “I’ll send her away when she recovers, okay?” mahina nitong usal, sinubukan siyang aluhin.Pinanlisikan niya ito ng tingin, at binawi ang kamay. “I-Ikaw…”Lumukot ang mukha nito.Sa halip na sagutin ito ay pinili niyang talikuran. Maingay na pumagting ang takong sa sahig, aroganteng umalis kagaya niya.Pumitik sa galit ang gilid ng sentido ni Dominic. Hindi n’ya matanggap na ikinansela ni Hazel ang kasal nila. Parang kalokohan, kasi saksi ang lahat kung gaano siyang minahal nito. Sinapo niya ang noo sa gayong isipin, ni hindi niya hinabol ang nobya at madabog na sinara ang pinto.….Nang marinig ng mga empleyado sa labas ang ingay sa opisina ng boss ng mga ito ay nagsimula ang bulong-bulungan. Nagulat ang buong mundo dalawang taon

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 2: Her useless fiancé

    Hazel hates her fiance, looking like a god, which is awfully handsome right now. He looks ethereal! Kung ibang tao siya ay malamang napanganga na siya at naging hugis puso na ang kanyang mga mata. Sino ba ang hindi mapapa-head over heels sa gwapong lalaking ito na tila hinugot sa men’s magazine at parang kakambal ni Hermes, greek god of the messengers. Side profile palang ay maglalaway ka na.Halatang hindi ito natulog noong biniyayan ng gwapuhan ni Lord ang lahat. May lahi kasi itong Maltese, Espanyol at Filipino. Pinaghalo-halo ang lahi nito kaya nakabuo ng kaaya-ayang uri. Parang palagi itong nagsa-sun bathing sa pagiging moreno, light brown ang mga mata nito na may makakapal na kilay, matangos ang ilong at matataas ang cheekbones, hugis oval ang mukha at may katamtaman laki na bibig. Lalo itong gumagwapo kapag ngumiti at lumabas ang dimples. Medium mullet ang hairstyle nito at palaging nahahati ang bangs. Kaso taliwas ang mukha nito sa ugali nito.Binilisan ni Dominic ang pagsasa

  • Zillionaire’s Bride in Revenge    Chapter 1: This Wedding Dress Sucks!

    “Slay queen, you’re so gorgeous! This gown is so ethereal, parang kang bumaba mula sa Mt. Olympus. Bagay na bagay sa’yo, besh!” Pumalakpak ang stylist na kinataas ng kilay ni Hazel. “Tsk!” naiinis siyang pumalatak, saka tiningnan ang sarili sa full-length mirror ng boutique. Nagtagis ang kanyang panga ng makita ang balinkinitang katawan na suot ang traje de boda. Para sa kanya ay mas kamukha niya si Cinderella na nawalan ng glass slipper matapos layasan ang prince charming niya. She hates fluffy things like this fvcking fluffy skirt, but somehow she’s happy to wear this wedding dress. Magkahalo ang emosyon niya, matutuwa ba s’ya o maging malungkot sa kahinatnan ng arrange marriage na ito.Kahit wala siyang make up ay maganda at nakakaakit pa rin siya. Kaya kinikilig at walang hanggan ang pagpupuri sa kanya ng binabae niyang stylist, ito rin ang may-ari ng ng luxury boutique kung saan siya ngayon.“Wait lang… ‘di ba sumama si Sir Dominic? Ugh, tragic. He won’t even see the ethereal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status