LOGINHazel hates her fiance, looking like a god, which is awfully handsome right now. He looks ethereal! Kung ibang tao siya ay malamang napanganga na siya at naging hugis puso na ang kanyang mga mata. Sino ba ang hindi mapapa-head over heels sa gwapong lalaking ito na tila hinugot sa men’s magazine at parang kakambal ni Hermes, greek god of the messengers. Side profile palang ay maglalaway ka na.
Halatang hindi ito natulog noong biniyayan ng gwapuhan ni Lord ang lahat. May lahi kasi itong Maltese, Espanyol at Filipino. Pinaghalo-halo ang lahi nito kaya nakabuo ng kaaya-ayang uri. Parang palagi itong nagsa-sun bathing sa pagiging moreno, light brown ang mga mata nito na may makakapal na kilay, matangos ang ilong at matataas ang cheekbones, hugis oval ang mukha at may katamtaman laki na bibig. Lalo itong gumagwapo kapag ngumiti at lumabas ang dimples. Medium mullet ang hairstyle nito at palaging nahahati ang bangs. Kaso taliwas ang mukha nito sa ugali nito. Binilisan ni Dominic ang pagsasalita sa phone nang mapansin siya. “H’wag mong kalimutan kumain, at siya hanggang dito na lang.” Binaba nito ang cellphone, marahang naglakad patungo sa sofa saka prenteng umupo. Nawala ang pagiging banayad at maginoo nito kanina, at malamig na sumalpok ang kilay. Walang gana itong pinagkatitigan siya. “Come here.” Nakipagtagisan siya ng tingin, binatuhan niya rin ito ng malamig na tingin. Lumapit nga siya rito pero umupo naman siya sa tapat nito, imbes sa tabi nito gaya ng dati. Napuna nito ang lamig sa kanyang mga mata. Kumislot siya nang pinitik nito ang lighter, sumunod ang paglitaw ng apoy at ang halimuyak ng gas. Naiirita siya sa amoy, umaandar ang allergy niya tuwing malalanghap iyon. Kaya iritable niyang pinapay ang kamay para iwaksi ang amoy. Walang paki si Dominic sa kanya, kalmado nitong sinindihan ang sigarilyo at sinimulan ang paghithit ‘nun. “Ameliá is back,” wika ni Dominic Juarez, kuminang ang guilt sa mga mata nito. Kinibot ni Hazel Xaviera ang dulo ng labi. “And so?” “Let's postpone our wedding.” Nasa antipitasyon na niya ito matapos matanggap ang balita mula kay Charlotte. “What the—” Gusto nitong i-postpone ang kasal dahil dumating ang minamahal nitong si Golden Hen. “May malubha siyang karamdaman,” mabilis nitong wika sabay abot ng brown envelope sa kanya. “Admission letter ito ng Oxford. Mas mabuti siguro na mag-aral ka muna sa abroad.” Malamig pa sa yelo niyang pinagkatitign iyon, pero nang-uuyam siyang ngumisi imbes na tanggapin iyon. “Mag-aaral sa abroad?” Bumagsak ang mukha nito. “‘Di ba pangarap mong makapag-aral doon? Ito na iyon…” “Mali ka! Hindi ko pangarap iyon kundi sa’yo. Ah, gusto mo akong umalis para may oras kang makipaglampungan sa kanya, tama? Ok, fine!” Marahas niyang hinablot iyon, hinugot ang dokumento sa loob at pinunit hanggang sa magkapira-piraso. Sinaboy niya ‘yon sa buong opisina at binato ang huling papel sa mukha nito. Nabura ang init at pagiging maunawain sa mukha ni Dominic matapos masaksihan ang bastos niyang ugali. “Tsaka hindi na kailangan i-postone ang kasal, let's just cancel it immediately,” deklara ni Hazel. Umakyat-baba ang dibdib niya habang nakipagtagisan uli ng tingin sa nobyo. What’s the point of postponing it? It’s better to cancel it, before she becomes a problematic person, right? His face dropped drastically. Hindi makapaniwala si Dominic sa minutawi ng bibig nito. Nagulat siya sa pagbabago ng ugali nito Ipapa-cancel ang kasal? Nahihibang ba ito? “May sakit si Ameliá. Aalis naman siya kapag gumaling na siya. Saka h’wag kang mag-aalala kasi bibigyan kita ng engrandeng kasal.” “Fvck!” Tinutop niya ang ulo. “May sakit o baka buntis?” Naghari ang katahimikan. Mabigat ang tensyon sa ere. Naikuyom nito ang palad. “Ano ba’ng pinagsasabi mo? Ano ba’ng alam mo ha?” “Pumunta ka sa hospital na walang appointment sa lugar gaya ng obstetric at gynecology department.” “Don’t you find it ironic that you’re talking to me about a grander wedding now?” Tama nga ito, ikakasal na sila sa susunod na linggo. Balak ata nitong lumihis sa topic nila tungkol sa pambababae nito, tapos ginamit pa ang kasal nila. He was playing two-timing her, and he really thought that she wouldn’t dare to dump him? Lingid dito ay kayang-kaya niyang itapon na parang basura ang mga taong binibwesit lamang siya. “And then, she’s not pregnant! She's just sick!” gigil na saad nito. “Yeah, I understand. May sakit nga siya pero kailangan pa ba na ikaw mismo ang sasama sa kanya sa hospital? Tapatin mo nga ako, ano ang relationship status niyo ngayon?” Lalong dumilim ang mukha ni Dominic. Wala balak si Hazel na panoorin ang pagiging halimaw nito kaya tumayo siya at dali-daling umalis. Saglit siyang huminto para sabihin: “Ngayon na bumalik na siya, hindi na siya makakaalis pa. Tutal, hindi niya naman kayang bayaran ang lahat ng inutang niya sa buong Kamaynilaan.” Dalawang taon naging payapa ang relasyon nila. Naiipit lamang si Dominic sa dalawang taong nag-aagawan dito. Noon sinira niya ang relasyon nito kay Amelia, ngayon ay sisirain ni Amelia ang relasyon niya rito. Para silang nahihibang sa iisang lalaki na walang ginawa kundi maging feeling gwapo. Para maging healthy ang relasyon nila ay dapat pareho nilang iwo-work out kaso… “I’m warning you, h’wag mo s’yang pahirapan!” Humigpit ang hawak niya sa door knob. Para siyang mabangis na hayop na binatuhan ito ng tingin. Tumiim bagang ang lalaki. “Sino ka ba para ikansela ang kasal? Akala mo siguro palalampasin lang ito ng pamilya Monteverde?! Hindi ka makakawala sa kapalaran na ito, Hazel!” Lalong naging yelo ang mga mata niya. Marami pa ring tanga na di marunong i-distinguish kung sino ang malapit at malayong kamag-anak. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng pamilyang iyon. Sabi nila ‘blood is thicker than water’ pero itong peste niyang kadugo mas paborito pa si Amelia na isang hamak na impostora. Maraming taon na nakililipas, yaya ng pamilya Monteverde ang tunay na ina ni Amelia. Noong panahong iyon ay nagkataon na nakasabay nitong mabuntis si Claudia Monteverde, ang kanyang tunay na ina. Dahil sa pagiging adik ng asawa nito sa sugal ay naging walang silbi ‘yon at nangarap ang yaya na palakihin ang anak sa isang maginhawa at mayamang pamilya. Kaya naman noong sabay na nanganak ang dalawa ay gumawa ito ng matinding krimen. Pinagpalit nito ang anak sa anak ni Claudia. Kinuha ang bata at binenta sa isang misteryosong pamilya. At siya ‘yon, si Hazel Xaviera Trevisan na lumaki sa madilim na mundo. Samantala, nagpatuloy sa pagtatrabaho ang yaya niya, sinusubaybayan na lumaki ang anak nito at nanatili sa tabi nito. Hanggang sa dumating ang pagkakataon, apat na taon na nakalilipas ay naaksidente si Amelia at nadiskubre ng mga ito na hindi ito ang tunay na anak. The shocking secret was revealed, so they began to search for their daughter. Nakita nga siya pero sa kamasamang palad ay mas minamahal ng mga ito ang pekeng anak kesa sa kanya.Napabuntong hininga si Claudia nang pinagmasadan ang unti-unting humihina si Amelia."Her condition is getting worse and worse. I don't know how she's managed these past two years," aniya."She'll be fine. Matapang si Amelia, malalampasan din niya 'yan," ani Lucas. Iyan lang magagawa niya dahil hindi naman siya magaling mang-alo ng iba.Tumango si Claudia. "Kausapin mo muna si Lucas. Kukuha lang ako ng makakain ni Amelia," aniya kay Shaira.Nahihiyang napabaling si Shaira sa lalaki. "I'm sorry. Gusto sana kitang samahan dito sa hospital noon pero hindi ako pinayagan ni Kuya. Galit na galit siya."Bahagya itong napangiti. "Okay lang iyan. Ba't ka pala naparito ngayon?" Napasulyap ito sa oras. Mag-aalas dose na pala ng tanghali."I ran to Hazel," sabi niya."Si Hazel? Nakita mo siya... nasaan ba siya?" Tinutok ni Lucas ang buong atensyon sa dalaga nang sandaling narinig niya ang pangalan ng kapatid, pero hindi matago ang lumilitaw na in
Magkasabay na lumabas si Shaira at Richard palabas ng opisina ni Hazel. Madilim ang mukha ng lalaki, nagyeyelo ang buong katawan at tila masasakal ang sinumang tumitig dito. Makapal ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Nang maramdaman ni Shaira ang peligro ay maingat niyang nilapitan ito.“Kuya… siya ba ang may-ari ng studio na iyon? That can’t be right, huh.” Sumalpok ang kilay niya, ayaw talagang maniwala. “No way na siya ang may-ari. Nagpapanggap lang siya ‘di ba?”Noong lumabas siya sa opisina nito kanina ay sandali niyang ginala ang mga mata. Maraming empleyadong nagtatrabaho doon, siguro aabot ng isang dosina. For what was supposed to be a “small studio,” it actually seemed quite well-established.Pero kinukulit siya ng tanong: kung saan ito kumukuha ng pera.
Tumayo si Richard Buencamino matapos sabihin iyon, hindi siya nagpaapekto kay Hazel. Akma siyang aalis nang nag-alinlangan siyang inirapan ng dalaga. Saglit, tila may gusto itong sabihin, pero matapos ang mahabang sandali ay hindi ito umimik.Naalala ni Shaira na ang mga babae katulad ni Shaira—kapag nilahad niya na may anak sa labas si Lucas— ay siguradong aakusahan ang ibang tao na gumagawa lang ng storya para manggulo. Natural na ang pagiging kontrabida nito.People teach people to become bad.Teach someone once, and they’ll repeat it.“Ano pa ba ang gusto mong sabihin, Miss Monteverde?” basag katahimkan nito nang mapansin siya.Lumabi siya. “Wala,” pakli niya sa mahinang boses. “I just think that if Shaira really likes Lu
Yes, Hazel didn’t need it all. Otherwise, why would she dare to be so arrogant— to completely ignore the warning given by the Monteverde family?“Shaira!” sigaw ni Richard, mabababa pero mabigat. Pinabalik ng madilim nitong tono sa tamang huwesyo si Shaira. Kumurap siya at muling nasalubong ang mga mata ni Hazel. Sumikip ang dibdib niya at tila kinapos siya ng hininga.She was mortified, uncertain if she could earn her forgiveness today. Ngunit bago siya makapagsalita ulit ay inunahan siya nito.“Mr. Buencamino, kung ayaw ng kapatid mo, hindi ko naman siya pinilit.” Malamig ang tono nito, nakakainsulto na. “This kind of reluctant apology— and you still expect me to forgive her? Tapatin mo nga ako, papatatawarin ko ba siya o hindi?”The question dripped with i
Nakatulala si Richard, pero malayo siya kay Shaira, dahil hindi pa ito nakakikita ng ganitong eksena ng ilang taon. Bigla siyang nagkaroon ng matinding pagdududa sa katauhan ni Hazel. Sino ba talaga ito at bakit may kakayahan itong pagalitin si Killian Trevisan pero huli ay mahuhulog lang sa paghahanap ng trabaho.Inirapan niya si Shaira na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin at wala siyang mgagawa kundi ibaba ang boses. “Shaira was ignorant last time, I brought her to apologize to you.”Inangat ni Hazel ang mukha at mataman na tinitigan si Shaira. “Ah, talaga?” malamig niyang untag.“Oo.” Tumango ito. Nakasapok ang kilay ni Richard na sinipa ang nakatulalang kapatid. Sa lakas ng sipa ay natumba ito sa carpet. Inangat nito ang ulo at saktong nasalubong ang tingin ni Hazel. Nangin
Qiao Xingye came out of the conference room after the meeting, and Yang Tingting stepped forward: "Boss, big deal." "What's the big deal?" "Someone wants to kill you all." Qiao Xingye raised his eyebrows and glanced at Yang Tingting. Yang Tingting: "The Liang family is now sending a message to all large and small companies, no one needs to hire you, and we have also received news here." Qiao Xingye: "......" Hearing this, a hint of chill flashed in his eyes. His eyes narrowed slightly, and the corners of his mouth raised a smile little by little, "Heh, okay." "Then do you want to fight back?" Yang Tingting knew Qiao Xingye's identity in the Liang family and felt that the Liang family had really done too much. This is true for his daughter, and he knows without thinking about it, it is entirely because of that adopted daughter. What kind of family is this in order to kill his own daughter so much for his adopted daughter? It's simply hateful! Qiao Xingye: "Fight back, don't







